Sino ang gusto ninyo na para kay Amara? Team Leo ba o team Dimitri? Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Amara's Point of View* Nandidito na kami ngayon sa airport at hinatid kami ngayon ni Dimitri dito. Susunod naman kasi siya kinabukasan. Pinakamabilis na ruta naman kasi ang travel sa amin mga 15 hours lang bago makarating sa Pinas kung walang delayed flights. Los Angeles papunta sa Pinas. Binuhat ni Dimitri si Luna habang si Sol naman ay hawak-hawak ko ang kamay niya. "Mukhang dito na ako banda. See you na lang sa Pinas, Amara and also you kidos." Pinat ni Dimitri ang mga ulo nilang dalawa at niyakap naman ni Luna si Dimitri. "Punta ka agad doon, uncle. Hihintayin ka namin ni Sol." "Of course, I will go." Napangiti naman kami sa sinabi nila. "Okay, kailangan na naming umalis." Lumapit ako kay Dimitri at niyakap ko siya at niyakap din niya ako pabalik. "Mag-iingat kayo doon. Sana hindi mo makita ang lalaking iyon." Napatingin ako sa kanya at pinat ko ang ulo niya. Kagaya ko ay nag-aalala din siya baka magkita kami ni Leo doon. "Wala nang connection sa aming dalawa kaya wag
Amara's Point of View Matapos kong makuha ang order ng mga anak ko ay agad na akong bumalik sa pwesto nila at nakikita ko na parang seryosong nakatingin ang mga mukha nila habang nag-uusap. Hindi ko din maintindihan minsan ang dalawang ito parang may kasama talaga akong mga matatanda ngayon pag kasama ko silang dalawa. Lumapit ako sa kanila at inilahad ko sa kanila ang mga inumin nila at tiningnan ko sila. "Ang seryoso ng mga mukha ninyo." "Mommy, abo---" Hinawakan ni Sol ang kamay ni Luna para pahintuin ang sasabihin nito sa akin. "Mom, she's tired, she needs rest." Napatingin naman ako kay Luna na napatingin sa kapatid niya at sa akin at tumango siya. "You want me to carry you, baby?" "Kaya ko pa po ang sarili ko, mom. Alam naman namin na tired ka din sa byahe." Ngumiti ako at hinalikan ko ang noo ni Luna at binigay sa kanya ang paborito niyang boba at ganun na din sa kapatid niya. "You know my favorite, mom?" Gulat na ani ni Sol habang nakatingin sa akin at ngumiti ako
3rd Person's Point of View* Sa opisina ni Leo at busy siya sa pagsusulat at naramdaman niya na nagbu-blurry na paningin nito kaya napahinto siya sa ginagawa at tinanggal niya ang reading glasses niya at hinilot at gilid ng noo niya kasi sumabay na din ang pagsakit ng ulo nito. Napasandal siya sa upuan niya at napatingin sa labas at palulubog na ang araw doon. Biglang bumukas ang pintuan at nakita niya si Trisha na may dala na namang mga binili sa mall na mga damit kahit kakabili lang nito kahapon gamit ang black card niya. Nakikita nito ang pinagkaiba ni Trisha at Amara. Si Trisha ay puro gastos lang ang ginagawa habang si Amara naman ay nagpaparami ng pera at diskarte lang ito parati at hindi sanay sa mamahaling gamit. Ang gusto lang niya ay normal na damit lang kesa sa may brand. "Baby, I'm here na!" Binalik niya ang pagsout ng reading glasses niya at hindi pinansin si Trisha at napapout naman ito at lumapit sa kanya at tiningnan ang mga ginagawa niya. Anak mayaman nga itong
Amara's Point of View* Napangiti ako habang nakatingin sa bahay nila tatay at nanay ngayon. "Ito na ang tumulong mo sa amin, anak. Maraming salamat talaga sa pabahay mo." "Nako po wala po yun. Gusto ko lang pong suklian ang mga naitulong niyo po sa akin noon pa man." "Hindi mo naman yun kailangan gawin, iha. Pero dahil binigay mo ay tatanggapin namin ng boung puso." Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanila at napatingin ako sa mga anak ko na nakaupo sa sofa at inaantok na si Luna habang nakaupo sa upuan. Habang inanalayan naman siya ni Sol na baka matumba ito. "Mom." "Teka lang po," ani ko kina tatay at nanay at tumango naman sila. "Nina, turo mo sa kanila ang kwarto nila para makapagpahinga na ng maayos ang mga bata." "Okay po, Lola." "Dito tayo, Tita Amara." Binuhat ko na si Luna at niyakap naman niya ako at inilibot niya ang binti niya sa bewang ko. "Mommy, matutulog na ako ha." "Go ahead, darling." Hinalikan ko ang noo nito at sinandal niya ang ulo niya sa bal
3rd Person's Point of View* Habang natutulog ngayon si Amara at si Luna, gising na gising pa din si Sol habang kaharap niya ang laptop niya. Hindi niya malilimutan ang tinuro ng kapatid niya kanina sa airport na kamukhang kamukha niya na lalaki na nasa tv. Agad pumasok sa kanya ang pangalan ng lalaking nasa tv na binasa din niya sa screen. "Leo Conrad Rossi... wait Rossi?" Napa-isip naman siya kasi sa pangalan nila ay wala ang apelyedo ng ama nila at apelyedo iyon ng ina ang gamit nila. Luna Lea Bennette at Sol Leo Bennette. Natigilan naman siya nang may narealize siya sa pangalan niya. "Leo... My second name is Leo and that man is also named Leo." Agad niyang ni-research ang pangalan nung lalaki at agad bumungad sa kanya ang kamukha niya sa screen at bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatingin doon sa litrato nito sa internet. Napakagat siya sa labi niya habang nakatingin kay Leo. "Kung ikaw ang ama namin eh bakit hindi ikaw ang kasama namin? Kailangan kong malaman an
Amara's Point of View* Nakatulala pa din ako habang nakatingin sa kanin na nasa lamesa dahil sa panaginip ko kanina. Hindi naman ako ganito nung nasa America ako noon. Parang pagbalik ko dito ay parang bumalik ang lahat ng alaala sa akin na nangyari noon. Napapikit ako at napabuntong hininga. "Nak, may problema ba?" Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Nanay sa akin. "Mommy." Napatingin ako kay Luna na nag-aalalang nakatingin sa akin. "I'm fine po, sa trabaho lang po. Pasensya na." Hindi ko pwedeng sabihin na tungkol sa ama nila Luna kaya ako nagkakaganito. "Continue eating, mga anak." Tumango naman sila at kumain na at napangiti ako. "You like it? Luto yan ni Lola." Napatingin naman kami kay Nina nung sinabi niya iyon. "Yes, I like it very much, Lola." "Awww, ang sweet ni Luna." Napatawa na lang kami. "I miss this. Ito palagi ang pinapaluto ko noon kay nanay." Napangiti naman sila at hinawakan ni nanay ang kamay ko na mas lalong kina-touch ng puso ko. "If yo
Amara's Point of View* Sinamahan ako ngayon ni Nina papunta ngayon sa pastry shop kinabukasan at iniwan ko ang mga bata kina tatay at nanay. Hindi naman sila same ng ibang mga bata na kailangan pang bantayan. "Tita, matapos nating makapunta sa pastry ay saan ang susunod na destinastyon natin?" "Hmm.. grocery?" "Sige po." Napangiti naman ako. Siya ang nagmamaneho ngayon dahil pagod pa daw ako kahit may lisensya naman ako. Malapit na din pala iyong mag expire kaya kailangan na i-renew. Napatingin ako sa labas at marami na ngang pinagbago sa lugar na ito. Napatingin ako sa malaking bill board doon at muntik na akong mabulunan na makita ang malaking bill board ni Leo. "Tita, diba parang kamukha ni Sol at Luna. Parati ko din siyang tinitingnan at para talaga siyang big version ni Sol." Napatawa na lang ako ng mahina sabay iling-iling. Wala pa ding pinagbago ang kanyang mukha. Gwapo pa din siya, maskulado at sigurado ako na maraming babaeng naghahabol sa kanya. "Tita?" Napatingin
3rd Person's Point of View* Lalabas sana si Watt sa sasakyan nang makita niya na bumalik na ang bagong driver nila sa loob ng sasakyan at napatingin naman si Watt sa kanya. "Tapos na?" Napatingin naman si Watt na umalis na ang bumangga sa kanila ngayon. Nagtataka ulit siyang nakatingin sa driver. "Tatawagan na lang po natin siya mamaya. Nagmamadali naman kasi si Boss papuntang kompanya." "Let me see." Kinuha naman ni Watt ang calling card at tiningnan niya ito at natigilan naman siya habang nakatingin sa calling card. Pinatakbo na nito ang sasakyan dahil late na si Leo sa meeting. "Anong itsura ng babaeng nakausap mo." "Maganda po ito, may dark brown hair at ang kulay ng mga mata niya ay light brown at maputi din ito at ang height niya ay parang nasa mga 5'6 atah yun." Napahawak naman si Watt sa ulo niya. Hindi pa di ito sigurado pero titingnan niya mamaya ang video sa likod ng sasakyan mamaya. "Any problem, Watt?" Napatingin naman si Watt sa boss niya at dahan-dahan naman
Amara's Point of View* "Woah! Talaga, okay, let's exchange numbers." Pero hindi ko kinuha ang phone ko at binigay ko lang ang calling card ko sa kanya. "Sorry, this phone is for personal. Only family." Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. Magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang phone niya. "E-Excuse me." Sinagot naman niya ang tawag sa harapan ko. "Hello, baby? Nandito ako sa may jewelry. Ah oo nakikita na kita ngayon." "You can go now. May date pa kayo. Nice to see you again, Bianca." Napatingin naman siya at dahan-dahan na napatingin sa akin. "O-oh... I will call you pagpupunta tayo sa reunion." Ngumiti ako at tumango. Lumakad na siya palabas ng shop at nakita ko na niyakap pa niya si Henry na parang nanglalandi pa sa harapan ko. Hindi naman napansin ni Henry ang presensya ko dito. Wala na akong pake sa kanya. Lumabas naman si Leo at napatingin siya sa akin. "Wife, may problema ba?" "I want to hug you." Tinaas ko ang kamay para yakapin siya at mahina n
Amara's Point of View* "Guess who's here?" Walang kabuhay-buhay ko siyang tiningnan at kinuha ko ang wine at sumandal habang nakatingin sa kanya. Agad pumasok sa isipan ko na baka ibu-bully na naman niya ako. Kaya kailangan kong baguhin ang ugali ko dahil ibang iba na ako ngayon. "And you are?" Nakita ko na nagulat siya dahil sa sinabi ko. Mukhang exciting ang mangyayari ngayon huh? "Ohh, kinalimutan mo na agad ako?" Akmang lalapit siya sa akin at pinigilan naman siya ng mga gwardya na nasa paligid ko. Actually mukhang VIP ang shop ngayon kaya walang kahit sino ang makakapasok ngayon dito. "Ohh, my gwardya ka na pala. Hindi ko alam na bigatin ka na pala?" "Uhmm... Hindi naman masyado. Just let her go, baka acquaintance ko siya noon pa man." Binitawan naman siya ng gwardya at nagtataka pa rin siyang napatingin sa akin na parang di siya makapaniwala sa nangyayari. Ininom ko ang wine na nasa wine glass. Damn! Ang pait pero may after taste siya na sweet pero hin
Amara's Point of View* Nakarating kami ngayon sa isang jewelry shop at nakakunot ang noo ko kung bakit kami nandidito ngayon. "Anong ginagawa natin dito?" mahinang bulong ko sa kanya lalo na nung nakikita ko ang mga nagmamahalang mga alahas. "Hmm.. matutulog?" Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo ang braso niya. "Wife, ano pa ba ang gagawin natin dito 'di ba? Edi bibili." "Ang mahal dito." Natawa na lang ng mahina si Leo dahil sa sinabi ko. "You forgot already. Sino ba ang asawa mo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hala oo nga pala, bakit nakalimutan ko na siya ang pinakamayaman sa buong mundo? Sinampal atah ako ng dollar bills eh! "Edi wow." Nag-roll eyes ako na kinatawa niya at mahina niyang pinisil ang pisngi ko. Nakita ko na gulat na nakatingin sa akin ang mga employees dito. Ngayon lang kasi nila ako nakita na kasama ko ang lalaking ito. "Good noon, Mr. Rossi and---" Napatingin sa akin ang parang manager doon. "My wife." Nagulat naman ang lahat na nandidito dahil s
Amara's Point of View* Naglalakad kami ngayon at may kasama ang dalawang mga anak namin na tig-isang bodyguard para hindi siya mapahamak at hindi ito naka-uniform para hindi mahalata na bodyguard ang mga ito. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa dalawang anak namin na masayang namimili ng gusto nilang school supplies. Nakaalalay naman sa akin sa bewang ko si Leo. Grabe nahiya atah ang hangin sa amin sa sobrang lapit namin. "Choose whatever you want, kids." "Hindi kami kids." Napatingin ako kay Sol na nakakunot ang noo. "Babies." Napa-pout naman si Sol sa sinabi ko. "Okay, acceptable kay mom." Mahina na lang akong natawa sa pagsuko ni Sol at natawa rin si Luna at maski si Leo. "Wife." Napatingin ako kay Leo na mahinang bumulong sa tenga ko at nanindigan naman ang mga balahibo ko at napatingin sa kanya. "Bakit ba ang lapit mo sa tenga ko?" Naka-pout ako ngayon at ang init ng mukha ko. Ang daming tao kaya dito! "You look like our son when you are pouting." Napakunot n
3rd Person's Point of View* Galit na galit si Nicole na umuwi sa bahay nilang mag-asawa at tinapon niya ang bag niya at tumingin sa partner niya. "Ano 'yun? Tunganga ka lang? Wala kang ibang ginawa para protektahan kami sa kahihiyan?" sigaw ni Nicole sa kanya. Hindi naman nakapagsalita ang lalaki tungkol sa lalaking nakita niya kanina dahil delikado 'yun kung ito ang makakalaban. Hindi naman talaga niya alam ang katayuan nun pero binalaan na sila sa boss nila na wag na wag gagalitin si Mr. Rossi. Kakilala kasi ito ng boss nila sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. "Tinakasan ka ng dila mo?!" "Please, wag na wag mong gagalitin ang lalaking 'yun." "At bakit? Wala akong pake kung sino man siyang nilalang na yan! Pinahiya niya ako sa school pa ng anak natin! Sa isang sikat na school pa! Tapos ano? Wala ka man lang ginawa?!" "Papa, mama, nag-aaway ba kayo?" Napatingin naman si Nicole sa anak na naiiyak na. "Isa ka pa!" Agad namang binuhat ni Kyler ang anak nito para hindi pagbuh
Amara's Point of View* Nanlalaki ang mga mata ni Nicole dahil sa ginawa ko sa kanya dahil kahit kailan hindi ko siya sinampal. "Hey, what do you think you're doing to my wife!" "Wife mo mukha mo. Live in lang kayo lalo na't may iba kang pamilya. Alam ko background mo." Nanlalaki naman ang mga mata ni Nicole dahil sa sinabi ko. "Damn you! Wala siyang ganun!" Akmang lalapit na naman siya sa akin pero sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi niya at marami ng nakatingin sa aming mga tao dito. "Mommy!" umiiyak ngayon ang anak ni Nicole habang nakatingin sa mama niya. "Ano ba nag mapaglalaki mo? Yang pera mo!" "Pamilya ko. Ibang iba ang pamilya ko ngayon kaysa sa ginawa ninyo sa akin noon. Your family, my foot. Wala kayong kwenta. Let's go, Luna." "Hindi pa tayo tapos, babae." Napatingin ako sa ka-live in ni Nicole na papalapit sa amin nang isang iglap ay bigla na lang itong natumba sa sahig na kinatili ng lahat ng nandidito. "Are you okay, wife?" Hinawakan ni Leo ang kamay ko
Amara's Point of View* "Don't tell me wala 'yang ama?" Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Nicole dahil sa sinabi niya kay Luna. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng babaeng ito. Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga ginagawa niya noon pa man sa akin. Simula ng mga bata kami hanggang sa lumaki kami. "Wala ka talagang kwenta, noh? Ano 'yun? Matapos ang lahat ng ginawa nila papa at mama sa'yo ay yun lang ang higanti mo sa kanila? Lalayasan mo kami?" Kalma akong nakatingin sa kanya at nag-sign ako kay Luna na wag ng maingay dahil alam ko ang bibig ng batang ito. "Tapos ito nakikita namin na nagkakaroon ka ng anak tapos ano? Wala namang ama." Natatawang ani niya sa akin at napa-smirk lang ako habang nakatingin sa kanya. "Hindi pa naman huli ang lahat para bumali ka sa bahay. Like you know our parents are kind at pasalamat ka na sa bagay na 'yun." Bakit ko naman pasasalamatan ang mga taong nagpahirap sa akin ng ilang taon na parang basura lang ang trato sa akin?
Amara's Point of View* Napalunok ako habang nakatingin kay Leo. "Anak, hindi mo na dapat 'yun tinanong." "Why naman, mom?" "Because past is past. Hindi mo na kailangan pang balikan." "Wala namang mawawala kung sasabihin ang bagay na 'yun, mom. Gusto rin naming malaman lalo na't lumaki kami na walang daddy at mahirap rin sa part namin noon na ipagtanggol ang sarili namin sa mga taong nagtatanong kung bakit wala ang Dad namin at bakit magkahiwalay sila kayo." "W-What? Are they bullying you two? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin at ang parating naririnig ko ay kayo ang nangangaway." "We only protect ourselves, mom. Gusto rin naming protektahan ka, mom, lalo na't sinasabi nila na kabit ka raw o ano. At hindi namin sinabi dahil ayaw naming dumagdag pa yun sa mga problema mo." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nila. "I'm sorry, baby, nadamay pa kayo." Niyakap ko sila. Hindi ko aakalain na ganun na pala kahirap ang nangyayari sa kanila noon pa man. "I'm really sorry, babies." "
Amara's Point of View* Nakatingin ako ngayon kay Leo habang papunta kami ngayon sa primary school. Kasi dito na rin naman kami titira at napagdesisyonan namin na dito na rin sila mag-aaral. Wala namang problema sa apelyedo at father's name nila sa birth certificate dahil nakalagay na ang apelyedo ni Leo doon at pati pangalan niya. Nasa backseat kami ngayong apat at nasa binti ni Leo si Luna na panay kwento sa mga napagdaanan nito sa America habang si Sol naman ay nakikinig lang. Sanay na sanay na siya sa boses ng kapatid niya na sobrang ingay lalo na pagnangangaway. Nasa binti rin nito ang hawak na libro dahil sinabihan ko naman siya na wag magbasa lalo na pag nasa sasakyan siya dahil baka sasakit ang ulo niya. "At yun nga puro trabaho na lang si mom at kahit kami na ang nagsasabi sa kanya na mag-asawa na siya ay ayaw pa rin niya." Napatingin naman si Leo sa akin at mukhang proud pa siya habang nakatingin sa akin na parang sinasabi na mahal na mahal ko pa rin siya kaya wala akon