Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
Amara's Point of View* Nakatingin ako sa dalawang anak ko na parang wala sa mood ngayon kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at lumuhod sa kanila. "What's the problem, babies?" Hinawakan ko ang mga kamay niya at agad naman silang napailing-iling habang nakatingin sa akin. "Nothing, mommy. Let's enjoy this night." Hindi pa din ako naniniwala sa kanila dahil alam ko at kilala ko ang mga anak ko. "We will talk later, okay?" Hinalikan ko ang noo nila at tumayo na ako at hinawakan ko ang kamay nila. Forward... Napapansin ko na inaantok na ang kambal kaya humarap ako sa kanila. "Inaantok na ang babies ko?" malambing na ani ko sa kanila. "Yes, mommy." "Tita, kami na po ang bahala sa kanilang dalawa. Dadalhin na lang po namin siya sa taas po." Napatingin ako kay Nina at Antonio na nasa tabi namin. "Okay lang ba sa inyo?" "Yes po, hinatid na namin sila Lolo at Lola para makapagpahinga na sila sa taas. Dadalhin na din namin ang kambal sa taas." Napatingin ako sa kambal. "Momm
Amara's Point of View* Nakatingin ako kay Dimitri na nakatingin sa akin habang hawak niya ang kamay ko. "Dimitri, kaya ko pa naman. What I mean is... Give me some time, please." Nakatingin lang siya sa akin at napabuntong hininga siya at dahan-dahan na tumango. "Okay, okay, I won't force you, Amara. Kagaya ng sinabi ko na maghihintay ako kung kailan mo ko tatanggapin sa buhay mo." "Thank you sa pag-intindi sa akin. Pasok na tayo?" Dahan-dahan naman siyang tumango at tumayo na ako at hinawakan niya ang kamay ko at lumakad na kami paalis sa lugar na yun. Nang matigilan kami nang makita ko si Leo na nakatingin sa amin. Napalunok naman ako habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan namang bumaba ang paningin niya sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Dimitri. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. "Excuse me?" ani ni Dimitri pero hindi naman siya tiningnan nito. "It's nice to see you here, Miss Bennette." Nagulat naman ako sa sinabi niya at nagiging abnormal na naman ang puso k
3rd Person's Point of View* "I love you, wife." Hinawakan ni Leo ang pisngi ni Amara at nakikita niya ang emosyon sa mga mata ni Amara. Kailangan niyang gamitin ang pagkamalambot na puso ng Asawa niya para mapasakanya ulit ito. Nakikita din naman niya na may pagmamahal pa rin ito sa kanya. "Wife, can I have a favor?" mahinhing ani ni Leo sa kanya. "Ano yun?" "Can I kiss you in your lips?" Nanlaki naman ang mga mata ni Amara dahil sa sinabi ni Leo. Hindi na hinintay ni Leo ang sasabihin ni Amara at hinalikan na lang niya ang labi ni Amara at niyakap niya ang bewang nito at ang batok nito na mas lalong kinalalim ng halikan nila. Parang nalalasing na din si Amara sa ininom ni Leo na wine bago pumunta siya dito. Ang kamay na pumipigil sa dibdib ni Leo ay dahan-dahan na niyakap nito ang batok nito. "I want you, my wife." Hinihingal na ani ni Leo at hinalikan niya muli si Amara at doon naman nagising si Amara sa totoong buhay na hindi tama ang ginagawa niya at tinakpan niya ang l
Amara's Point of View* Nasa rest house kami ngayon at hindi ko pa napupuntahan ang lugar na ito. Dito daw siya gagamutin ngayon dahil mayroon naman daw medic dito. At pinasok na din si Leo sa loob ng kwarto at dito muna kami sa labas ni Watt naghihintay sa paggaling ni Leo. Ang pinagtataka ko ay bakit hindi siya diniretso sa hospital at bakit dito pa sa rest house niya? "Watt, hindi ba pwede sa hospital siya dadalhin? Bakit may gustong pumatay kay Leo? Watt, ano?" "Miss, mas lalong delikado kung sa hospital si boss dahil maraming gustong pumatay sa kanya." "What? Maraming gustong pumatay kay Leo? Bakit naman? May kasalanan ba siya sa ibang tao?" Natahimik naman sandali si Watt at napayuko. "Wala naman po. Wag niyo po munang isipin ang bagay na yun at mabuti na pong lumayo na po kayo habang maaga pa bago kayo madamay." Nagulat naman ako sa sinabi ni Watt sa akin. Nakikita ko na nag-aalala siya sa akin ngayon at alam ko na nag-aalala siya baka biglang umatake na naman ang pagka
Amara's Point of View* Napalunok ako habang nakatingin kay Leo na mahimbing pa ding natutulog habang nakahawak pa din ito sa kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa relo ko at inaantok na din ako dahil kanina pa ako nag-aasikaso sa wedding anniversary nila tatay at nanay. Habang nakaupo ako sa upuan ay dahan-dahan ko na lang inihiga ang ulo ko sa higaan habang nakaupo hanggang sa makatulog na ako. 3rd Person's Point of View* Mahimbing na natutulog ngayon si Amara at dahan-dahan namang napamulat si Leo at tiningnan niya si Amara at napangiti siya habang nakatingin doon. Dahan-dahan siyang lumapit at hinalikan niya ang noo nito at doon niya nakita na mahal pa din siya nito at hawak-hawak pa nito ang kamay nito. "My innocent Amara..." Tumayo siya na parang walang nangyari at nakaplano ang lahat ng iyon. Yes, nagpasaksak siya para mapansin siya ni Amara. Flashback... "Boss, hindi ko po makakaya ang pinagagawa ninyo." "Ikaw ang gagawa o ako ang sasaksak sayo?"
Amara's Point of View* Naramdaman ko na may humahalik sa labi ko ngayon at dahil pagod na pagod ako at hinalikan ko ang pamilyar na scent na nanggagaling sa taong humahalik sa akin ngayon. Isa lang naman itong panaginip at lulubusin ko na ang bagay na ito. Bumaba ang halik niya papunta sa panga ko at tinaminan niya ng halik ang leeg ko at napaungol naman ako ng mahina at nararamdaman ko na din ang init ng katawan ko ngayon at naramdaman ko na kinagat niya ang balikat ko na kinagising ko. At nakita ko si Leo na nagpapatuloy sa paghalik sa leeg ko at nagkatinginan kami ngayon habang hinihingal siya at ganun na din ako at nagtama ulit ang mga labi namin. I need to make him stop. Pinasok niya ang kamay niya sa loob ng dress ko habang hinahalikan pa din niya ang leeg ko. "Ahh.." Napatingin naman na ako sa kanya nung pinunit niya ang damit ko at bumaba ang halik niya sa dibdib ko. Nang marealize ko ang nangyayari dahil hindi namin pwedeng gawin ang bagay na ito dahil wala na kami ng
Amara's Point of View*Nagising ako at nanlalaki ang mga mata ko dahil umaga na at ako na lang ang nandidito ngayon sa kwarto ni Leo.Napatingin ako sa kanya na natutulog sa tabi ko at iba na ang position namin ngayon dahil siya na ang nakayakap sa akin ngayon at napalunok ako at kaharap ko ngayon ang adam's apple niya.Napatingin ako sa relo ko at alas 7 na pala ng umaga. Kailangan ko ng umalis baka umuwi na sila. Bukas na din ang flight namin kaya kailangan na naming maghanda mamaya.Napatingin ako sa mukha niya at napalunok ako habang nakatingin sa kanya dahil kahit anong anggulo ay ang gwapo niya pa din. Napababa ang tingin ko sa labi niya at napalunok ako habang nakatingin doon.Yan ang mag labi na humalik sa akin kagabi at ngayon ko lang napansin na ang lapit ng mukha ko sa kanya.Isang galaw na lang talaga nito! Napakagat ako sa labi ko nang biglang gumalaw siya at dumikit ang labi namin na kinalaki ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya.Dahan-dahan naman siyang nagmulat at
Amara's Point of View* Nasa sasakyan ako ngayon at nakatingin ako sa labas ng binatana. "Naalala pa po ninyo ako, madame?" Napatingin ako sa driver at doon ko naalala na siya ang driver na kausap ko nung bumangga ang sasakyan ni Nina sa sasakyan ni Leo. "Ah opo, naalala ko pa po kayo." "Pasensya na po dahil hindi ko po kayo nakilala agad nung unang kita natin dahil bago pa po ako." "Ayos lang. Wag niyo na akong tawaging madam dahil hindi na ako madam ng mansion." "Nakikita ko na mukhang mahal pa po kayo ni master." Natigilan naman ako sa sinabi nung driver. "Fake news lang ang narinig mo. May fiancee na siya at isa pa divorce na kami ng amo mo at wala ng babalikan pa. Sa may entrance na lang ako ng mall ha." "Okay, Milady." Hindi ako nagpahatid sa bahay at sa mall lang ako ngayon. Ayokong makita nila kung saan ako ngayon nakatira. Ayokong malaman nila na may kambal akong anak at si Leo ang ama sa kambal ko. Napatingin ako sa labas ng bintana at nandidito na kami ngayon sa
Amara's Point of View*"Woah! Talaga, okay, let's exchange numbers."Pero hindi ko kinuha ang phone ko at binigay ko lang ang calling card ko sa kanya."Sorry, this phone is for personal. Only family."Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.Magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang phone niya."E-Excuse me."Sinagot naman niya ang tawag sa harapan ko."Hello, baby? Nandito ako sa may jewelry. Ah oo nakikita na kita ngayon.""You can go now. May date pa kayo. Nice to see you again, Bianca."Napatingin naman siya at dahan-dahan na napatingin sa akin."O-oh... I will call you pagpupunta tayo sa reunion."Ngumiti ako at tumango. Lumakad na siya palabas ng shop at nakita ko na niyakap pa niya si Henry na parang nanglalandi pa sa harapan ko. Hindi naman napansin ni Henry ang presensya ko dito.Wala na akong pake sa kanya. Lumabas naman si Leo at napatingin siya sa akin. "Wife, may problema ba?""I want to hug you."Tinaas ko ang kamay para yakapin siya at mahina naman siyang nata
Amara's Point of View*"Guess who's here?"Walang kabuhay-buhay ko siyang tiningnan at kinuha ko ang wine at sumandal habang nakatingin sa kanya. Agad pumasok sa isipan ko na baka ibu-bully na naman niya ako. Kaya kailangan kong baguhin ang ugali ko dahil ibang iba na ako ngayon. "And you are?" Nakita ko na nagulat siya dahil sa sinabi ko. Mukhang exciting ang mangyayari ngayon huh?"Ohh, kinalimutan mo na agad ako?"Akmang lalapit siya sa akin at pinigilan naman siya ng mga gwardya na nasa paligid ko. Actually mukhang VIP ang shop ngayon kaya walang kahit sino ang makakapasok ngayon dito."Ohh, my gwardya ka na pala. Hindi ko alam na bigatin ka na pala?""Uhmm... Hindi naman masyado. Just let her go, baka acquaintance ko siya noon pa man."Binitawan naman siya ng gwardya at nagtataka pa rin siyang napatingin sa akin na parang di siya makapaniwala sa nangyayari.Ininom ko ang wine na nasa wine glass. Damn! Ang pait pero may after taste siya na sweet pero hindi ko pinahalata na di
Amara's Point of View*Nakarating kami ngayon sa isang jewelry shop at nakakunot ang noo ko kung bakit kami nandidito ngayon."Anong ginagawa natin dito?" mahinang bulong ko sa kanya lalo na nung nakikita ko ang mga nagmamahalang mga alahas."Hmm.. matutulog?"Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo ang braso niya."Wife, ano pa ba ang gagawin natin dito 'di ba? Edi bibili.""Ang mahal dito."Natawa na lang ng mahina si Leo dahil sa sinabi ko. "You forgot already. Sino ba ang asawa mo?"Natigilan ako sa sinabi niya. Hala oo nga pala, bakit nakalimutan ko na siya ang pinakamayaman sa buong mundo?Sinampal atah ako ng dollar bills eh!"Edi wow."Nag-roll eyes ako na kinatawa niya at mahina niyang pinisil ang pisngi ko.Nakita ko na gulat na nakatingin sa akin ang mga employees dito. Ngayon lang kasi nila ako nakita na kasama ko ang lalaking ito."Good noon, Mr. Rossi and---"Napatingin sa akin ang parang manager doon."My wife."Nagulat naman ang lahat na nandidito dahil sa nalaman nila.
Amara's Point of View*Naglalakad kami ngayon at may kasama ang dalawang mga anak namin na tig-isang bodyguard para hindi siya mapahamak at hindi ito naka-uniform para hindi mahalata na bodyguard ang mga ito.Nakangiti lang ako habang nakatingin sa dalawang anak namin na masayang namimili ng gusto nilang school supplies. Nakaalalay naman sa akin sa bewang ko si Leo.Grabe nahiya atah ang hangin sa amin sa sobrang lapit namin. "Choose whatever you want, kids.""Hindi kami kids."Napatingin ako kay Sol na nakakunot ang noo."Babies."Napa-pout naman si Sol sa sinabi ko. "Okay, acceptable kay mom."Mahina na lang akong natawa sa pagsuko ni Sol at natawa rin si Luna at maski si Leo."Wife."Napatingin ako kay Leo na mahinang bumulong sa tenga ko at nanindigan naman ang mga balahibo ko at napatingin sa kanya."Bakit ba ang lapit mo sa tenga ko?"Naka-pout ako ngayon at ang init ng mukha ko. Ang daming tao kaya dito!"You look like our son when you are pouting."Napakunot naman ang noo ko
3rd Person's Point of View*Galit na galit si Nicole na umuwi sa bahay nilang mag-asawa at tinapon niya ang bag niya at tumingin sa partner niya."Ano 'yun? Tunganga ka lang? Wala kang ibang ginawa para protektahan kami sa kahihiyan?" sigaw ni Nicole sa kanya. Hindi naman nakapagsalita ang lalaki tungkol sa lalaking nakita niya kanina dahil delikado 'yun kung ito ang makakalaban.Hindi naman talaga niya alam ang katayuan nun pero binalaan na sila sa boss nila na wag na wag gagalitin si Mr. Rossi. Kakilala kasi ito ng boss nila sa kompanyang pinagtatrabahuan niya."Tinakasan ka ng dila mo?!""Please, wag na wag mong gagalitin ang lalaking 'yun.""At bakit? Wala akong pake kung sino man siyang nilalang na yan! Pinahiya niya ako sa school pa ng anak natin! Sa isang sikat na school pa! Tapos ano? Wala ka man lang ginawa?!""Papa, mama, nag-aaway ba kayo?"Napatingin naman si Nicole sa anak na naiiyak na. "Isa ka pa!"Agad namang binuhat ni Kyler ang anak nito para hindi pagbuhatan ng ka
Amara's Point of View* Nanlalaki ang mga mata ni Nicole dahil sa ginawa ko sa kanya dahil kahit kailan hindi ko siya sinampal. "Hey, what do you think you're doing to my wife!" "Wife mo mukha mo. Live in lang kayo lalo na't may iba kang pamilya. Alam ko background mo." Nanlalaki naman ang mga mata ni Nicole dahil sa sinabi ko. "Damn you! Wala siyang ganun!" Akmang lalapit na naman siya sa akin pero sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi niya at marami ng nakatingin sa aming mga tao dito. "Mommy!" umiiyak ngayon ang anak ni Nicole habang nakatingin sa mama niya. "Ano ba nag mapaglalaki mo? Yang pera mo!" "Pamilya ko. Ibang iba ang pamilya ko ngayon kaysa sa ginawa ninyo sa akin noon. Your family, my foot. Wala kayong kwenta. Let's go, Luna." "Hindi pa tayo tapos, babae." Napatingin ako sa ka-live in ni Nicole na papalapit sa amin nang isang iglap ay bigla na lang itong natumba sa sahig na kinatili ng lahat ng nandidito. "Are you okay, wife?" Hinawakan ni Leo ang kamay ko
Amara's Point of View* "Don't tell me wala 'yang ama?" Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Nicole dahil sa sinabi niya kay Luna. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng babaeng ito. Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga ginagawa niya noon pa man sa akin. Simula ng mga bata kami hanggang sa lumaki kami. "Wala ka talagang kwenta, noh? Ano 'yun? Matapos ang lahat ng ginawa nila papa at mama sa'yo ay yun lang ang higanti mo sa kanila? Lalayasan mo kami?" Kalma akong nakatingin sa kanya at nag-sign ako kay Luna na wag ng maingay dahil alam ko ang bibig ng batang ito. "Tapos ito nakikita namin na nagkakaroon ka ng anak tapos ano? Wala namang ama." Natatawang ani niya sa akin at napa-smirk lang ako habang nakatingin sa kanya. "Hindi pa naman huli ang lahat para bumali ka sa bahay. Like you know our parents are kind at pasalamat ka na sa bagay na 'yun." Bakit ko naman pasasalamatan ang mga taong nagpahirap sa akin ng ilang taon na parang basura lang ang trato sa akin?
Amara's Point of View* Napalunok ako habang nakatingin kay Leo. "Anak, hindi mo na dapat 'yun tinanong." "Why naman, mom?" "Because past is past. Hindi mo na kailangan pang balikan." "Wala namang mawawala kung sasabihin ang bagay na 'yun, mom. Gusto rin naming malaman lalo na't lumaki kami na walang daddy at mahirap rin sa part namin noon na ipagtanggol ang sarili namin sa mga taong nagtatanong kung bakit wala ang Dad namin at bakit magkahiwalay sila kayo." "W-What? Are they bullying you two? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin at ang parating naririnig ko ay kayo ang nangangaway." "We only protect ourselves, mom. Gusto rin naming protektahan ka, mom, lalo na't sinasabi nila na kabit ka raw o ano. At hindi namin sinabi dahil ayaw naming dumagdag pa yun sa mga problema mo." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nila. "I'm sorry, baby, nadamay pa kayo." Niyakap ko sila. Hindi ko aakalain na ganun na pala kahirap ang nangyayari sa kanila noon pa man. "I'm really sorry, babies." "
Amara's Point of View* Nakatingin ako ngayon kay Leo habang papunta kami ngayon sa primary school. Kasi dito na rin naman kami titira at napagdesisyonan namin na dito na rin sila mag-aaral. Wala namang problema sa apelyedo at father's name nila sa birth certificate dahil nakalagay na ang apelyedo ni Leo doon at pati pangalan niya. Nasa backseat kami ngayong apat at nasa binti ni Leo si Luna na panay kwento sa mga napagdaanan nito sa America habang si Sol naman ay nakikinig lang. Sanay na sanay na siya sa boses ng kapatid niya na sobrang ingay lalo na pagnangangaway. Nasa binti rin nito ang hawak na libro dahil sinabihan ko naman siya na wag magbasa lalo na pag nasa sasakyan siya dahil baka sasakit ang ulo niya. "At yun nga puro trabaho na lang si mom at kahit kami na ang nagsasabi sa kanya na mag-asawa na siya ay ayaw pa rin niya." Napatingin naman si Leo sa akin at mukhang proud pa siya habang nakatingin sa akin na parang sinasabi na mahal na mahal ko pa rin siya kaya wala akon