Revenge of the Vegetative Billionaire's Ex-wife

Revenge of the Vegetative Billionaire's Ex-wife

last updateLast Updated : 2026-01-29
By:  Kim's Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Jacob Fortejo, ang pinakamayamang tao, ay nasa vegetatibong estado sa loob ng tatlong taon, at ang kanyang asawang si Audrielle Eliza Corpuz ay nag-alaga sa kanya sa parehong tagal ng panahon. Gayunpaman, matapos siyang gumising, natuklasan ni Audrielle ang isang mensahe ng dalagang koleheyo sa kanyang telepono na nagpapakita ng kanyang pagtataksil ang kanyang unang pag-ibig, ang kanyang "puting liwanag ng buwan." ay bumalik na sa bansa. Ang kanyang mga kaibigan, na hindi pinapahalagahan siya, ay lahat ay tumatawa at nagsasabing, "Ang dalaga ay bumalik na oras na para."

View More

Chapter 1

chapter 1

Natuklasan ni Audrielle Eliza Fortejo na niloloko siya ng asawang si Jacob Fortejo.

Mayroon itong karelasyon na isang estudyante sa kolehiyo.

Ngayon ay kaarawan ni Jacob, maagang naghanda si Audrielle ng isang mesa na puno ng pagkain. Naagaw ang kanyang atensyon ng makarinig siya ng tunog. Nang tingnan niya iyon ay telepono pala ni Jacob na naiwan niya sa bahay.

Napakunot-noo si Audrielle nang makita ang isang text message. Mula iyon sa estudyante.

"[Nauntog ko ang ulo ko habang kinukuha ang cake, ang sakit-sakit, waaaaah!]"

Kalakip ang isang selfie.

Hindi kita ang kanyang mukha sa litrato, tanging ang kanyang mga binti lamang.

Ang babae sa litrato ay nakasuot ng mataas na puting medyas at itim na bilog ang dulo na sapatos na gawa sa katad. Ang kanyang asul at puting palda ay tinaas, na nagpapakita ng isang pares ng matatag, mahahaba, at magagandang binti.

Ang puting tuhod nito ay talagang pula dahil sa pagkakabunggo. Ang batang katawan ng babae, kasama ang mensahe sa ibabaw niyon ay iisa lang ang ibig sabihin; nagpapakita ng ipinagbabawal na aktibidad.

Ayon sa sabi-sabi na mas gusto ng mga matagumpay na CEO ng kumpanya ang ganoong uri ng babae kapag pumipili ng mga nagiging kalaguyo.

Mahigpit na hinawakan ni Audrielle ang telepono hanggang sa pumuti ang kanyang mga daliri.

Ding!

Hudyat iyon na may bagong mensahe. Galing na naman sa babaeng iyon.

【Mr. Fortejo, magkita tayo sa F&R's Hotel, let me treat you on your birthday, tonight~】

Nagngingitngit sa galit ang kalooban ni Audrielle. Ibig sabihin ba ay makikipagkita ang asawa niya sa kalaguyo nito sa araw ng kaarawan nito?

Pahablot na kinuha ni Audrielle ang kanyang bag at mabilis na lumabas ng bahay papunta ng nasabing hotel.

Gusto niya mismong masaksihan ang kababuyan ng kanyang magaling na asawa!

Gusto niyang makita kung sino ang college student na ito!

-----

Dumating si Audrielle sa hotel at gustong pumasok sa loob. Ngunit natigilan siya nang makita ang mga naroon. Ang kanyang mga magulang na sina Amelia at Christopher Corpuz.

"Mom, dad, what are your doing here?" Nagtataka niyang tanong.

Nagulat sina Amelia at Christopher. Nagpalitan sila ng tingin, kumikislap ang kanilang mga mata, at sinabi, "Eli, bumalik na sa bansa ang iyong kapatid. We arranged a dinner for her!"

Fatima Francesca?

Nakita ni Audrielle si Fatima sa loob sa pamamagitan ng salaming dingding, agad siyang natigilan.

Nasa loob si Fatima at nakasuot ng parehong asul at puting damit na siyang suot din ng babaeng college student, katulad na katulad ng nasa litrato!

Ibig sabihin ba niyon ay ang babaeng nasa litrato at ang kapatid niya ay iisa?

Ipinanganak si Fatima na isang maganda, makinis, at talentado. kilala ito bilang pinaka maganda sa kanilang lugar. Maraming lalaki ang nagkakandarapa at halos luhuran na siya. Siya rin ay paborito ng kanilang mga magulang.

Ngayon ay ginamit nito ang gandang taglay para akitin ang asawa niya.

Nakakatawa ito para kay Audrielle. Lumingon siya upang tingnan ang kanyang mga magulang. "Mukhang ako ang huling makakaalam, ah..."

Awkward na tumawa si Amelia, "Eli, hindi ka gusto ni Jacob."

Ginatungan naman ni Christopher ang sinabi ng asawa, "Oo, Eli, alam mo ba kung ilang babae sa Maynila ang nagkakagusto kay Jacob? Sa halip na hayaan ang ibang babae na makuha siya, dapat lang na ibigay siya sa iyong kapatid."

Nalaglag ang panga ni Audrielle, hindi siya makapaniwala. "Mommy, Daddy, anak ni'yo rin naman ako!

Masama ang loob na tumalikod si Audrielle at umalis. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang magsalita ang ama.

"Audrielle, may naganap na ba sa inyo ni Jacob?" Tanong nito.

Tumigil si Audrielle sa paglalakad.

"Eli, huwag mong isipin na may utang na loob kami sa'yo. Noon pa man ay si Fatima na talaga at si Jacob ang couple at kilala sa buong bansa. Noong naaksidente siya at naging imbalido, ipinakasal ka lang bilang kahalili ng kapatid mo." Mariing sinabi ni Amelia. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang anak na may panghahamak. "Tingnan mo nga ang sarili mo, for the past three years you are nothing but a housewife. Isang karaniwang may bahay na nag-aalaga ng kanyang imbalidong asawa. Habang ang kapatid mo ay isa ng ganap na top ballet dancer! She is the white swan and you are the ugly one, kaya anong laban mo sa kanya?" Ngumisi pa ito na para bang hindi niya dugo't laman ang sinabihan niya ng ganoon. "Kaya huwag ka ng mag-inarte dahil hindi bagay sa'yo, return Jacob to Fatima right away!"

Ang mga salitang iyon ay parang kutsilyong tumutusok sa puso ni Audrielle. Dahan-dahan, sinisigurong bawat saksak ay dama. Umalis siyangpulang-pula ang mga mata.

...

Bumalik si Audrielle sa bahay na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Madilim na. Binigyan niya ng isang araw na rest day ang kanilang kasambahay kaya mag-isa lamang siya roon sa sandaling iyon.

Umupo si Audrielle sa isang upuan sa dining table, ni hindi siya nag-abalang buksan ang mga ilaw.

Lumamig na ang mga pagkain sa mesa, kasama na ang cake na siya mismo ang gumawa, na may nakasulat na "Happy Birthday, husband."

Nakakagulat ang lahat para kay Audrielle; para bang isang biro ang lahat.

Si Jacob at Fatima ay kilalang perfect couple sa industriya. Alam ng lahat na si Fatima ang tinatangi ni Jacob. Gayunpaman, sa kasamaang palad, biglang nagkaroon ng aksidente dahilan upang maging imbalido ang lalaki, bigla ring nawala si Fatima.

Sa panahong iyon ay bigla na lang siyang kinuha ng kanilang pamilya sa probinsiya, pinilit siyang pakasalan si Jacob Fortejo na noo'y nasa ganoong kalagayan.

Nang malaman niyang si Jacob iyon, ang lalaking matagal na niyang mahal simula pa noon ay hindi siya nagdalawang-isip na pumayag sa gusto ng kanyang magulang na pakasalan ito.

Pagkatapos ng kasal, nanatili si Jacob sa isang vegetative state sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng tatlong taong iyon, walang pagod niya itong inalagaan, nanatili sa bahay, umiwas sa pakikisalamuha, at nakatuon lamang sa pag-aalaga rito. Isa lang siyang asawa na umiikot sa kanyang asawa, hanggang sa magising na ito ng tuluyan.

Kinuha ni Audrielle ang isang lighter at sinindihan ang isang kandila.

Ang mahinang ilaw ay nagbigay ng sinag, at nakita ni Audrielle ang kanyang sarili sa salaming nasa harapan biya—isang palaging mapurol na itim at puting damit, matigas at walang pagmamahal.

Sa nakalipas na tatlong taon, si Fatima ay naging ganap ng top ballet dancer. Walang kupas, maganda, makinis at paborito pa rin.

Samantalang siya ay isang malaking kasalungat nito.

Ngayong nagising na ito at kaya na ang sarili, basta na lang itong bumalik dito.

Tumatawa si Audrielle habang tumutulo ang kanyang luha. Ngayon niya lamang tuluyang napagtanto kung gaano siya katanga, sa loob ng tatlong taon ay ginawa niyang kaawa-awa ang sarili para sa taong hindi naman siya mahal.

Ayon sa kanila, no one beats the first love. Hindi siya naniniwala noon, pero ngayon ay naniniwala na siya.

Kasabay ng pag-ihip niya ng kandila ay siya ring pagkawala ng kanyang hagulgol.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status