Share

Falling for a star
Falling for a star
Author: Sweet_Butterfly

Chapter 1

Nagising ako sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng bahay kaya sandali akong naki ramdam at unti-unting iminulat ang mga mata, nilingon ko ang side table para tingnan kung anong oras na at agad akong napa balikwas nang makita kong alas nuwebe na pala ng umaga.

"Shit!" asik ko.

"Anak, ng," kumalma muna ako. "Talaga naman, oh! Ba't hindi nila ako ginising? kausap ko ang sarili habang kumikilos kung anong gagawin. "Ma-le-late na 'ko sa practice namin for Cheerdance, ano ba naman 'yan!" maktol ko pa.

Humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili.

"Good morning Aliah," bati ko sa sarili  saka umawra sa harap ng salamin na ala model habang kinukunan ng litrato sa iba't-ibat angulo ng camera.

"Lang 'ya! Ganda ko talaga!" ani ko. 

Tss.. Talaga lang, ha! Ikaw pa pumuri sa sarili mo eh, no! Kontra naman ng isip ko..

Saka iniling-iling ko aking ulo.

Haha! Na buang na!

"Ang probinsyana guwapa! La,la la,la,la…"

Napapakanta pa ako at nagmadaling tumakbo papasok ng washroom at naligo. Pagkatapos ay nag ayos na ako ng sarili ko. Nagsuot ako ng skinny jeans na hapit para makita ang kurba ng aking balakang. Tinernohan ko ng fitted black sleeveless blouse, at pinatungan ko ng maong na jacket sa labas. Iniwan ko lang na nakabukas ito at nagsuot ako ng high cut converse shoes para palong-palo ang outfit ko ngayon.

Naglagay rin ako ng light make up na babagay lang sa aking mukhang at matte lipstick color maroon. Lips ko lang ang  matingkad para agaw pansin. Hindi ko 'to ginawa para magpa-pansin sa mga kalalakihan, isa lang naman ang gusto ko, eh. 'Yon ay mapansin lang ng nag-iisang crush ko.

Sinipat ko ang aking sarili sa salamin kung ayos na ba, at nag spray ako ng paborito kong pabango saka lumabas ng kwarto at bumaba na.

Agad kong hinanap si Mommy.

"Mom!" tawag ko rito, nagtungo ako sa dining area at do'n ko nakita ang maganda kong ina, mana sakin. Hehe... 

"Good morning, Mommy." sabay halik ko  sa pisngi niya. 

"Oh! Good morning too, my beautiful daughter," nakangiting bati rin nito sa akin. 

"Halika na at mag almusal ka na muna before go to school." aya ni Mommy sa 'kin sa hapag.

"Mom, ba't hindi niyo po ako ginising ng maaga? May practice po kami ngayon sa Cheerdance, muntik na po akong malate." nakanguso kong saad.

Umupo ako at dinampot ang tinidor sa pinggan para kumuha ng hotdog, ham, at garlic fried rice.

"Naku! Wala naman pasok anak, hinayaan kita para makapag pahinga ka naman at makatulog ng sapat na oras. I know they understand you, tsaka magaling kaya ang baby, ko."  panlalabing ni Mommy sa akin.

"I miss you na baby, hindi na tayo nakapag bonding together, pareho kayo ng kuya mo!" nahihimigan ko ng tampo ang boses ng aking ina. Bigla naman akong na konsensya sa tinuran ni Mommy. I know masyado na kaming busy sa school at activities kaya madalas gabi na ako umuwi at pagod. Kaya hindi na kami gaano nakakapag usap ng matagal ni Mommy.

"Mom! 'Wag ka na magtampo, please? Hayaan mo, Mom.  Babawi po kami ni kuya sa in'yo matapos lang po ang activities namin sa school mag ba-bonding po tayo nila kuya." pagpapa-gaan ko ng loob nito, biglang nag liwanag ang mukha ni Mommy bakas ang tuwa sa mata niya at mediyo nawala ang tampo..

"Talaga baby?" bulalas nito sa 'kin. "Naku! Kakausapin ko ang daddy niyo para diyan, I'm so excite." napangiwi ako dahil akala mo teenager si Mommy kung ma excite. Hehe!

"Okay Mom, I promise," ani ko sa kan'ya.

"I love you, Mommy Ko!" I hug her tight. "I miss you too, Mom." kinintalan ko ito ng halik sa sintido.

"..

You're so sweet, Baby. Okey finish your breakfast na anak para maka alis ka na at baka malate ka. Nauna na din ang kuya mo kasi may practice rin sila ng Basketball." ani nito sa akin, uminom ako ng juice at tubig  nang matapos akong kumain. I have to go na, po! See you later," hinalikan ko ito sa pisngi. "Love you!" paalis na sana ako ng bigla na namang nagsalita si Mommy.

"Hayyyy! Parang kailan lang, baby ka pa, but now," inilayo ako saglit ni Mommy at tinitigan mula ulo, hanggang paa. "Look! Malapit ka na mag debut dalaga ka na talaga anak ang ganda-ganda mo! Mana ka talaga sakin." nagnining-ning ang mga mata nito habang sinasabi 'yon sa akin.

"Talaga naman si mommy, eh, kanino pa ba kami magmamana? Edi sa in'yo po ni Daddy." sagot ko.  Sige na, alis na po ako." niyakap ko muna ito ulit at gano'n rin ito sa 'kin. "Okay, take care baby."

"Thanks Mom! Bye!"

Paglabas ko sa garahe tinanggal ko ang cover ng Bigbike Ducati Panigale V4 SP ko. Pinunasan ko saglit sabay angkas at sinuot na ang helmet. Binuksan ni Mang Lando ang gate namin para makalabas na ako.

"Good morning po, Mang Lando. Have a nice day." bati ko rito.

"Naku! Napakaganda talaga ng umaga, Señiorita." sagot nito sa 'kin ng nakangiti.

"Tss." asik ko.

"Mang Lando naman, 'wag niyo na po ako tawagin ng gan'yan, hindi bagay sa porma ko eh." ani ko rito at natawa naman si Mang lando sa 'kin.

"Ikaw talagang bata ka, oo. Siya, sige mag ingat ka sa pag drive ha! 'wag mabilis magpatakbo." bilin nito sa 'kin bago ako makalabas ng gate. "Yes po, Mang Lando," sabay kaway ko at pinaandar ang service ko. 

"Bye!" 

Habang tahak ang daan patungong school ay ang smooth lang ng biyahe ko. Walang traffic at ang gaan ng pakiramdam ko talagang napakaganda sa akin ng araw na 'to at mas lalong gaganda pag nakita ko ang crush ko.

My one and only KIER GAVIN SUAREZ.

Ang heartthrob ng Campus. Well, kasama na din diyan ang kuya ko kaya mag bestfriend sila eh.

Gagawin ko ang lahat mapansin lang ako nito. Sabihin na nating, oo pinapansin niya ako, kinakausap pero hindi sapat sa akin 'yon. Ang harot ko 'di ba? Haha! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status