Share

Chapter 2

Papalapit na ako sa gate ng campus at sakto naman na nakita na ako agad ng security guard kaya pinag buksan ako nito agad ng gate. 

"Good morning po, kuya Mike." bati ko rito ng makarating ako at pinag buksan ng gate. "Salamat," pasasalamat ko.

"Same to you Ms. Aliah! Astig mo diyan lalo sa Big bike at porma mo ngayon, ah!" ani nito at pinuri ang porma ko.

"Talagang marami ang papalingon sa 'yo niyan." Sabi nito sa 'kin sabay kindat.

"Naku! Talaga naman, ang aga mo mambola kuya Mike, ha! Pero salamat. Sige, tuloy na 'ko." hindi ko na siya hinintay sumagot at tumuloy na ako papasok ng campus para ma-i-park na si

"BLAKE" ang name ng bigbike ko. Gan'yan ko siya ka mahal, umulan man o umaraw kasama ko siya lagi.

Pagtanggal ko ng helmet sa ulo ko ay isinabit ko na ito kay Blake at ni-lock, dinig ko na agad ang mga bulong-bulungan ng mga kapwa ko babae.

"Grabe ang ganda niya, at ang sexy nakakainggit." dinig ko sabi ng isa.

"Shock's! Ang hot ni Aliah guys, fearless oh!" ani pa ng isa, at patuloy lang ako sa paglalakad.

"O.M.G! Is that Aliah Faith Alcantara? Gosh, she's so fabulous…" maarteng ani pa ng isa sa kanila.

"Yeah, right," sabay nilang bigkas.

Napangiti na lang ako sa kanilang lahat, buti wala naman akong mga bashers. Hahah!

At ang mga boys naman ayon! Natutulala sa, ganda ko. 

"Brow," ang swerte talaga pag naging girlfriend mo ang isang Aliah, nasa kan'ya na ang lahat, eh!" sabi no'ng isang student.

"Talented, at brainy pa." dagdag pa ng isa.

"She's so fucking hot! Lalo na ang angelic face niya. Kaya nakaka-inspire pumasok everyday, eh. Makita mo lang ang gan'yan ka gandang mukha ni Aliah." tila nag nangangarap pang ani ng isa.

"At bukod pa diyan, napakabait kaya nakukuha niya ang respeto ng lahat ng mga students dito sa school natin. 

Approachable siya, at hindi maarte." feel ko naman ang sincerity sa boses ng isa pagkasabi niya no'n. 

'Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad sa loob ng campus papuntang  gym para mag practice. Hanggang sa may bumati sa 'kin na isang kakilala.

"Hi Aliah," bati nito sa akin.

 "Oh! Hello Jake." ganting bati ko rito. "Papunta ka ba sa practice niyo?" tanong nito sa 'kin.

 "A-h, oo, malapit na din kasi ang Interhigh kaya puspusan ang ensayo namin." sagot ko.

"I'm sure na mananalo. Kayo pa, ba?" ani niya pa. "A-h..Hehe! Kimi akong natawa dahil bigla akong nahiya.

"Sana nga magdilang anghel ka." Tipid akong ngumiti sa kan'ya.

"Sige, dito na 'ko Jake." paalam ko sa kan'ya.

"Oh! Sure Aliah, see you around." sagot naman nito sa 'kin.

"Okay, bye!" sabay talikod ko na rito. At pagka lingon ko ay sakto naman na nabangga ako sa aking nakasalubong. Tumama ako sa dibdib niya dahil ang tangkad nito.

Syete ang bango niya!

At pagtingala ko ay laking gulat ko nang mapagtanto kong si Gavin pala ang nabangga ko!

Omg, ang crush ko!

Pero hindi ako nag pahalata, siyempre..

"Are you okay?" sabay hawak niya sa balikat ko. "I'm sorry nagmamadali kasi ako." hinging paumanhin nito sa akin. Nakayuko ako kaya hindi niya agad ako nakilala, at pagtingala ko ay nag tama ang mata namin at ang lumakas bigla ang heartbeat ko.

"Shit!"

"Oh! Aliah, ikaw pala. I'm sorry, nasaktan ka ba?" nag-alala ito ng malamang ako pala ang nakabangga niya.

"A-h, h-ah? Hindi, okey lang, kasalanan ko din naman hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko!" Nauutal kong saad.

"Are you sure?" panini guro niya pa.

"Ohm.. Yes," sagot ko. "Sige, alis na 'ko may practice pa kami, eh!" 

"Oh, that! Okey, sige, see you!" tumalikod na kami pareho. Naka dalawang hakbang pa lang ako ng muli niya akong tinawag.

"Wait, Aliah," nilingon ko siya. Natameme lang ako habang nakatitig sa kan'ya.

"By the way, you look beautiful. Have a nice day, good luck sa practice niyo." sabi pa nito sa akin at doon nag rambulan ang laman loob ko.

Waaahh! Beautiful raw ako! Enebe 'yen, Gavin… Rumurupok ako! Tili ng utak ko.

"A-h.. Haha Sige, thanks Gavin kumusta mo na lang ako kay kuya." natatawa kong ani rito.

"Sure, makakarating." tugon niya.

"Bye!" 'yon lang sabay tumalikod na ako at tumuloy tungo sa Gym kung saan kami magpa-practice.

Waahh! Syete kinikilig ako. I'm so happy at least napansin niya rin na maganda ako. 

Charrr…

Pag pasok ko sa Gym ay nando'n na ang lahat ng member sa squad. Mabuti hindi pa naman sila ng start.

"Beesst…"

Malayo pa lang rinig ko na ang tili ng bestfriend kong si Jallessa.

"Wow, taray ng outfit mo ah! Love it, sexy mo girl." agad.na sumalubong ito sa 'kin at sinuri ang kabuohan ko.

''Aliiaah…"

Ayon pa ang isa si Stacey. Ang tinis talaga ng boses ng babaita na 'to, eh!

Oh, my, girl... Idol talaga kita. Kinabog ang lahat, oh! kailangan last but not the list ang pasok?" Maarte niyang ani sa akin ng tuluyan na itong makalapit.

"Mga sira! Alangan namang mag mini skirt ako, eh. Si Blake ang dala ko!"

"Hahaha! Oo nga no! Pero best grabe ang ganda at sexy mo lalo sa suot mo, swear." natatawa na sabi ni Stacey.

"Wherever." walang gana kong sagot.

"Okey guys, start na tayo. Formation!" Maotoridad na sigaw ni Jopay, ang trainor namin. 

Sabay tungo sa kan'ya-kan'yang pwesto. kaming tatlo ang leader nina Stacey, at Jallessa. Halos lahat ay magaling at memorized na ang mga steps. kaunting linis na lang at ayos na ang lifting at formation namin. Suwabe na rin ang mga stunts namin kaya konti na ang perfect na namin. Ang saya lang kasi lahat makikita mo ang didication sa pag sayaw, walang lamangan nagkakaisa ang lahat, Gusto namin makamit ang pagiging champion this coming Interhigh. Naka tatlong ulit lang kami sa pag practice and then nag break na kaming lahat for lunch. Sabay na kaming tatlo nagtungo sa cafeteria. 

"Ako na lang ang pipila sa counter mga best," alok ni Jallessa.

"Wow! Libre mo na din ba?" biro ni Stacey kay Jallessa.

"Tse." singhal nito agad.

"Hay, naku! Ikaw Stacey, lagi ka na lang libre. Halika tulungan mo na lang ako at kunin mo 'yong in-order natin para may silbi ka naman." malditang ani nito kay Stacey.

"Ay! Taray mo. May regla ka ba, Te? Sungit mo diyan ah! Mag boyfriend ka na kasi." Hahah! Natatawa pa na pagkasabi ni Stacey kay Jallessa.

Napa-iling na lang ako sa dalawang 'to!  

Habang hinihintay ko sila sa table namin, ay saka naman biglang dumating si kuya Alexis, kapatid ko.

"My princess." sabay halik nito sa noo ko.

''Kuya." niyakap ko naman siya agad. "Namis na kita, na sa i-isang bahay lang tayo pero halos 'di tayo magkita." nakanguso kong ani sa kan'ya. Wala na kaming time ni kuya ara mag bonding dahil busy na rin ito, graduating na kasi sila ni Gavin. 

"Oo nga, eh! Sorry prinsesa ko kasi busy si kuya, Alam mo naman graduating na kami at Varsity pa kami sa Basketball ni Gavin. Saka ko naman napansin na kasama niya pala Ito.

"Hi Aliah," bati nito sa akin. Biglang nag init ang pisngi ko.

Syete! Nag blush yata ako ah.

"Ah! Kuya nag lunch na ba kayo? Sabay na lang tayo."

"Ah, yeah! Mag lal-lunch na din kami ni Gavin. It's okay if we joined you? tanong ni kuya.

"Sus! Oo naman kuya, gusto na din naman kita makasabay kumain. Miss ko na 'yang ka guwapohan mo." 

"Ikaw talaga!" ginulo ni kuya ang buhok ko, kaya umiwas naman ako agad.

"Tss…"

"Kuya naman eh!" maktol ko rito.. "Magugulo ang ang buhok ko, bawas ganda 'yan eh!" 

Saka ko nakita si Gavin na nakatitig pala sa 'kin, nahiya naman ako bigla.

"Nakakatuwa naman ang pagiging close niyong dalawa." saad niya.

"Naku! Oo naman Brow, love na love ko 'tong prinsesa ko. Saglit lang," pinasadahan ako ng titig ni kuya, inilayo ako sa kan'ya habang naka akbay sa 'kin ang isang kamay.

"Parang gumaganda lalo ang prinsesa ko ah! May nanliligaw na ba sa 'yo?" tanong ni kuya sa 'kin.

Sasagot na sana ako ng biglang sumabat naman si Stacey. 

"Ay! Oo kuya Alexis, madami. Kaso sa dami hindi siya makapili kasi wala do'n ang gusto niya…" walang preno ang sagot nito.

Napapikit na lang ako sa tinuran ng lukaret.. 

"Really huh! So, sino 'yan at nang makilatis ko na kung papasa sa 'kin 'yan." sabi naman ni kuya na kina inis ko.

"Kuya naman eh! Maniwala ka naman diyan kay Stacey. Matagal na akong maganda 'di ba? Sabi ni Mom."

"Hahah!  Narinig kong mahinang tawa ni Gavin. "Ang cute mo Aliah… I agree, lalo kang gumaganda."

Nag blush naman ako bigla at hindi naka imik, sige order muna kami. Ladies, anong gusto niyo? Sa 'yo Princess?" tanong ni kuya sa aming tatlo.

"I'm fine with my food, kuya, thanks…"

"How about dessert, guys? sabat ni Gavin. si Stacey naman ang sumagot. 

"Nice treat mo Gavin?" aniya.

"Yeah! it's my treat." sagot naman ni Gavin.

"A-h! Hehe joke. Next time na lang, okay na kami dito." nahihiyang tugon naman ng lokaret. May hiya din pala 'to!

"You sure?" panini guro ni Gavin.

"Of course Gavin, nag order na kami kanina eh."

"Okay." sagot nito sabay tungo sa counter. 

"Uy! Best. Kinikilig ka no? tukso sa 'kin ni Stacey. "Gosh! ang guwapoi niya." Haha 

"Nag blush ka kanina.," sabi pa nito sa 'kin.

"Whaattt... the... stop it! Baka makahalata sila kuya lagot ka talaga sa 'kin." banta ko ko kay Stacey.

"Uhm!"

Binatukan bigla ni Jallessa si Stacey. Hahahah!

"Ouch! Mapanakit ka, ha!" sinaman nito ng tingin si Jallessa habang nasa ulo pa nito ang kamay iniinda ang sakit ng pagka batok sa kan'ya.

"Sige, gusto mo dalawahin ko pa?" ini-amba nito kay Stacey muli ang kamao, pambatok.

"Duuhh!  Inggit ka lang kasi hindi ka pinapansin ng crush mo!"

Banat nito kay Jallessa.

"Bruha, paano naman napunta sa akin? Pinapatahimik ko lang 'yang bunganga mo nakakarindi na kasi. Masyado kang pa obvious kaya hind ka niligawan ng crush mo, kasi ikaw pa ang mas halata. I sure na turn off na 'yon sa 'yo."

Hahaha! Ganti naman nito kay Stacey. Natatawa na lang ako sa dalawang 'to! 

"Tumigil na kayo, parating na sila kuya."

Naupo na si kuya sa tabi ko. Si Gavin naman 'yong nasa tapat ko at sina Stacey at  Jallessa ang magkaharap.

Aliah, here,'' nilapag ni Gavin ang strawberry cake sa tapat ko kaya napitingin ako sa kan'ya..

"Thanks Gavin, nag abala ka pa.

"No! Its fine, ayaw ng dalawa kaya ikaw na lang." ani nito kaya nginitian ko na lamang siya.

"Brow, Ito sa 'yo nilapag niya din sa tapat ni kuya ang chocolate cake.

"Thank's Brow."

"Okay let's eat." tahimik kaming kumakain ng biglang magtanong si Stacey kau Gavin.

"A-hm.. Gavin, can I ask you something?" Nag angat naman Ito ng tingin.

"Yeah! It's okay, what is it?" tanong nito kay Stacey.

"Do you have a girlfriend, or someone na nililigawan?"

Bigla akong nabulunan sa tinanong ni Stacey...bwisit talaga ang babaita na 'to! Walang man lang filter ang bunganga...

"You okay?" Hinagod ni kuya ang likod ko.

"Ah..yes kuya, nasamid lang ako." lang 'ya talaga 'tong babaita na to sisirain pa yata ang araw ko. Bulong ko sa isip ko habang naghihintay ng sagot ni Gavin. 

"Oh! That, to be honest, yes."

Yes

Yes

Yes

Yes

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status