Bella's POV
Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang table naman si Damian kasama ang kaibigan niya. Hindi ito umuwi pagkatapos niya akong ihatid kanina. Nakita kong kasama niya sa table si Sythrygr, binati ako nito kanina ng makita niya ako kaya ngumiti ako sa kanya. "Pvnyeta!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Persephone na nagmura. Hindi maipinta ang mukha nito. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "Hindi!" Inis na sagot nito sa akin habang magkasalubong ang kilay. Nakita kong natatawa si Adrianna na nakatayo sa gilid niya. Napailing pa ito. May tinitingnan ito kaya sinundan ko ang tingin niya pero dahil maraming customers ngayon, hindi ko alam kung kanino talaga siya nakatingin. "Tang-inang, Criselda na 'yan! Kaonti na lang at tatapsayin ko na ang pekeng boobs niya!" Galit na sabi nito. Natawa ang bartender sa sinabi ni Persephone. Kahit kailan talaga napakatabil ng dila nitong si Persephone. "Ano ba ang kasalanan sa 'yo ni Criselda?" Tanong ni Kathnisse. "Wala!" Sagot nito sa amin, "bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya, pero kung hindi niyo po ako mabigyan, pasensya na sa gagawin ko kay Criselda." Anito habang nakatingin sa taas na parang nagdadasal. Nagkatinginan kami ni Kathnisse at natawa. "Gagang 'to!" Natatawang sabi ni Adrianna. "Tse! Mauna na ako. Aakyat pa ako ulit sa second floor." Ani Persephone at umalis na. "Tingnan niyo, papatirin niya 'yan." Ani Adrianna. Napatingin naman kami kay Persephone, makakasalubong niya si Criselda na malapad na nakangiti sa kanya. Sabay kaming natawa ng tumama ang sinabi ni Adrianna. Mabuti na lang at nakahawak si Criselda sa isang customer ng patirin siya ni Persephone. Nilingon naman siya ni Persephone at plastic na ngumiti. Napapailing akong kinuha ang tray na may lamang mga inumin. Iniwanan ko na sila Adrianna at nagserve na sa mga customers. Habang naglalakad ako papunta sa likod ng club ay nakita ko si Persephone na hila-hila ng isang lalaki. Tatawagin ko sana siya pero nakita ko itong ngumiti sa lalaki, mukhang kakilala niya naman kaya hindi ko na lang siya tinawag. Nang nasa likod na ako ng club ay pahiga akong umupo sa upuan ko roon at pinikit ang mga mata. Napabangon ako ng may narinig akong yabag papunta sa akin.. Lumingon ako at nakita ko si Damian. Seryoso ang mukha nito habang naglalakad papalapit sa akin. "Bakit na naman ito nandito?" Bulong ko. Umayos ako ng upo. Nang nakalapit na ito sa akin ay umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Wala ka bang trabaho bukas at hindi ka pa umuuwi?" Pagtatanong ko sa kanya. "I have. Sa hapon pa naman ang hearing ng isang kaso ko." Sagot naman nito sa akin. "Hindi naman kasi kailangan na samahan mo ako rito sa buong shift ko." "Sino naman ang nagsabi na sinasamahan kita rito?" Aniya. "H-ha?" Bigla akong nahiya. Bakit kasi nag-assume ako na kaya siya narito ngayon at hindi pa siya umuuwi ay dahil gusto niya akong samahan. Nag-iwas ako ng tingin at nahihiyang napapikit. "Nakakahiya!" Bulong ko. Narinig ko itong tumawa. "You're cute." "Bakit ba kasi hindi ka pa umuuwi?" Inis na tanong ko. "I will wait for you until your shift is done." Nilingon ko naman siya at naguguluhan na tiningnan. Sinalubong naman nito ang tingin ko. "Alam mo, para kang ewan!" Sabi ko. Tumawa naman ito. Nag-iwas ako ng tingin dahil ang gwapo-gwapo nito kapag tumatawa. Kapag seryoso naman ito ay napakagwapo rin niya. Napailing ako. Ano ba, Bella?! "Kailangan kong makasigurado na hindi ka pupuntahan ni Adrian dito. Baka ano pa ang gawin niya sa 'yo. Kaka-file niyo pa lang kanina ng complaint. I have to protect you from Montalvo's." Wika nito. "Hindi mo naman talaga ako obligasyon, Damian. Marami ka ng naitulong sa akin, sapat na 'yon. Maraming salamat at concern ka sa akin at sa pamilya ko." Ngumiti ako sa kanya, "paano kaya kung hindi mo ako natulungan sa elevator ng gabing 'yon? Siguro ay na-rape niya ako at sigurado akong durog na durog sana ako ngayon." Mabuti na lang talaga at naroon siya ng gabing iyon at tinulungan niya ako. "We are destined to see each other that night," aniya at malalim na tumitig sa akin, "I'm glad that I helped you." Biglang kumabog ang dibdib ko at napatulala ako sa kanya. Parang biglang nagslowmo ang paligid. Ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Natahimik ako at palihim na dinama ang kanang bahagi ng dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko. Ang lakas pa rin ng kabog nito. Hindi ko maintindihan kung bakit lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may kakaiba ngayon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito. The way he said those words...parang iba. Hindi na ako nagsalita, natahimik na rin si Damian sa tabi ko. "Your 30-minute break is almost done." Napatingin ako sa relo ko. Hindi ko napansin ang oras at patapos na nga ang break ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Babalik na ako." Ani ko. "I'll take a nap in my car." Sabi nito habang naglalakad kami. "Umuwi ka na lang kaya?" Umiling ito, "no. I'll stay here. I will wait for you." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko naman siya mapipilit na umuwi. Hinatid niya ako sa loob ng club at lumabas din ito kaagad. Nagbuntong-hininga ako. "Belle, meeting aftershift sa dressing room." Bulong ni Ski sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Pagkatapos ng shift ko ay nagpunta na ako kaagad sa dressing room. Nang kompleto na kami ay nagsalita na si Adrianna. "Girls, mamayang gabi na tayo magpeperform, okay? Magrerehears tayo mamayang 5 p.m.. Magbeauty rest kayo." "Bakit ang aga naman?" Tanong ni Persephone na nakasandal sa upuan habang nakapikit ang nga mata. "Para wala pa masyadong tao rito." Sagot naman ni Adrianna. "Exact 5 ba dapat?" Tanong ni Siberia "Bawal ma late, Sari!" Sagot ni Ski. Ngumiti lang naman ito. Nali-late kasi ito minsan kapag may usapan kami, pagdating naman sa trabaho ay palagi naman itong on time. "Umuwi na tayo. Pagod na pagod na ako." Sabat ni Kathnisse na nakahiga sa sofa. "O, siya. Umuwi na tayo." Ani Adrianna. Nagsi-uwian na ang mga kasama ko. Ako naman ay dumeritso sa parking lot kung saan nakpark ang kotse ni Damian. Natatanaw ko si Damian, nakasandal ito sa kotse niya habang naninigarilyo. "Naninigarilyo pala siya." Ani ko habang naglalakad. Seryoso naman itong nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Nang malapit na ako sa kanya ay pinatay niya ang sigarilyo at tinapon ito sa malapit na trashbin. "You smoke." Ani ko. "Yeah," sagot nito at lumapit sa akin, "ayaw mo sa mga naninigarilyo?" Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Ano naman sa kanya kung ayaw ko? "It's fine." Kibit balikat na sagot ko. Pero, ayaw ko talaga ng amoy ng sigarilyo and it's not healthy to the user at sa nasa paligid nito. Napatitig naman ito sa akin. "Bakit?" Takang tanong ko. "You don't like it." Aniya. "Hmm. Oo." Pag-aamin ko. "I'll stop it." Seryosong sagot nito. "Ha? Bakit naman?" Nagtatakang sagot ko. "Because you don't like it." Kalmadong sagot nito sa akin. Titigil siya kasi ayaw ko? Ha? Hindi ko maintindihan. Hindi na ako nagsalita pa. Binuksan nito ang pinto. Pumasok naman ako at nagpasalamat sa kanya. "Nakatulog ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Yes. Kakagising ko lang pagdating mo." Sagot nito. "Maaga pala akong aalis mamaya. Kailangan ako sa club ng 5 p.m. Marami kasing gagawin mamaya sa club bago magbukas." Pagsisinungaling ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito, "ipapahatid kita. I can't go home earlier than 5 p.m." "Huwag na. Magbobook na lang ako ng taxi mamaya." Sagot ko sa kanya. "Ipapahatid kita." Matigas na sabi nito. "O-okay." Sagot ko na lang sa kanya. Nanahimik na ako at sinandal ang ulo ko sa upuan. Pagod na ako at inaantok. Kailangan ko pang gumising mamaya ng alas tres ng hapon para hindi ako ma late. Hindi ko namalayan na naka-idlip pala ako. Pagkagising ko ay nasa baba na kami ng building ng condo. "Kanina pa ba tayo nakarating?" "20 minutes ago." Sagot ni Damian. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ko sa kanya habang ina-unlock ang seatbelt. "You seems very tired. I can't wake you up." Aniya at inabot sa likod ang takeout food galing sa isang sikat na fastfood na pang masa. Kumakain rin pala siya ng ganyan. "Paano kung hindi pa ako nagising? Maghihintay ka kung kailan ako magigising?" "Nope. I can carry you." Sagot nito. Napaawang ang mga labi ko. Lumabas na ito sa kotse kaya sumunod na rin akong lumabas. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad siya. "Good morning, Sir, Ma'am." Bati ng guard sa amin. "Good morning po." Sagot ko naman sa guard. Pagkarating namin sa condo niya ay inaya niya muna akong kumain bago ako matulog. Tahimik lang kami habang kumakain. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Seryoso lang itong kumakain. Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo na ako at naglinis ng katawan bago humiga sa kama. Pahiga na sana ako ng may kumatok sa pinto. Lumapit naman ako roon para pagbuksan si Damian. Nakasuot na ito ng itim niyang pajama at puting shirt at halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya. "Send me a message later 30 minutes bago ka umalis papuntang club." Aniya. "Okay, Attorney," sagot ko sa kanya, "papasok ka ba sa trabaho ngayong umaga?" "Yes. I will order food for you para sa lunch mo. Initin mo na lang mamaya." Anito. Humihikab akong tumango sa kanya. "Sleep now, Bella." "Okay, goodnight, Damian. Ingat ka mamaya." Wika ko bago isara ang pinto ng kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama. Napakabait talaga nito. I smiled. Siguro ay itinadhana talaga na siya ang nasa elevator ng gabing muntik na akong pagsamantalahan ni Adrian dahil alam ng nasa taas na tutulungan ako ni Damian. "Thank you, Lord!" Sambit ko bago pinikit ang mga mata ko.Bella's POV It's almost 8:00 PM na ng matapos akong magluto. Anniversary namin ngayon ni Damian at dito lang kami sa bahay magce-celebrate. Hinihintay nalang namin siyang makauwi ng mga bata. Happy 15th Year Anniversary. I love you! Napangiti ako sa nakasulat sa cake na ni bake ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakabilis ng panahon. I am married to Damian for 15 years already! We have a big family. May apat kaming anak, 2 boys and 2 girls. Ni hindi ko naramdaman na nagbago ang pakikitungo ni Damian sa akin sa loob ng ilang taon. He is a perfect husband and a father. Lahat ay ginagawa niya para sa amin. Our relationship is not perfect, we had arguments pero naaayos namin ito palagi. Small arguments lang naman. Walang involve na third party or what. It's just that, minsan ay puro trabaho nalang siya at minsan ay nakakalimutan niya na kami. He explains naman na it is for our future and I understand it. "Mommy, dumating na si Daddy!" Excited na turan ni Courtney. Na
Bella's POV Habang nakapikit ang mga mata ko ay nararamdaman ko ang maliliit na halik na binibigay sa akin ni Damian. Napangiti ako ng maramdaman kong pumatong ito sa akin. "Anong oras na, Atorney?" Tanong ko sa kanya nang maramdaman kong pinagparte nito ang legs ko. "6 in the morning, Muffin." Sagot nito at bumaba ang halik sa dibdib ko. Napasinghap ako at napahawak sa ulo niya. "May hearing ka pa nang 8:00 A.M. M-mali-late ka na, Damian." Sabi ko at napasulyap sa kanya na nandoon pa rin sa dibdib ko nakatuon. I bit my lower lip. Ganito palagi ang paraan ng panggigising sa akin ni Damian. Mahigit walong taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging sweet sa akin si Damian. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. I can't deny that he loves me so much. 6 years na kaming kasal pero walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Damian. Mas lalo pa naming minahal ang isa't-isa. Mas lalo rin itong naging responsable at protective. "Judge Belen is sick
Bella's POV "Here's my beautiful, Muffin," ani Damian nang makalapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang at hinalikan sa labi, "are you ready?" Nakangiting tanong niya. "Hey, Handsome," I giggled, "yes, I'm ready." May halong kabang sagot ko. "Let's go." Aya niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng condo. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. Naghahalo ang nararamdaman ko ngayon. Excited ako na kinakabahan. I will meet my family later. Hindi sinabi ni Damian sa kanila ni Tito na buhay ako. Ang akala lang nila ni Tito ay simpleng dinner lang at kamustahan ang magaganap sa bahay nila ni Damian. "Nasa kotse na ba si Papa?" Tanong ko kay Damian nang nasa loob na kami ng elevator. "Yes, Muffin. He's with Manong Juan and his Nurse. Gusto ko sana siyang isama para makita niya ang condo natin pero sa susunod na araw nalang daw at pagod ito." Sagot ni Damian sa akin. Madali na talagang mapagod si Papa. Naka wheelchair na rin siya. Paminsan-minsan ay nag
Bella's POV Napangiti ako ng makita kong titig na titig sa akin si Damian habang nakaupo ako sa lap niya. Sobrang saya ko dahil naaalala ko na siya. Hindi na siya isang estranghero para sa akin. Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya. "Baka matunaw ako sa titig mo." Biro ko. Kaagad siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Ang akala ko ay matatagalan pa bago mo ako maalala. Akala ko ay pahihirapan mo pa ako." Aniya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang pagsinghot niya sa leeg ko. I smiled. Alam kong nahihirapan siya noong mga araw na magkasama kami sa probinsya. Sino ba naman ang hindi? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan at masasaktan din ako kapag dumating ang araw na hindi ako maaalala ni Damian. "Babawi nalang ako sa 'yo, Damian. Ipagluluto kita ng masarap." Ani ko. Narinig ko itong umingos at inangat ang mukha niya para magkaharap kami. "Hindi lang pagluluto mo ang kailangan ko, Muffin. Marami tayong dap
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong