Bigla akong nanlumo sa inasal ni Lita. Hahayaan niya lang talagang saktan ng mga taong iyan ang isang taong wala naman ginagawa sa kanilang masama? Anong mali ang nagawa niya? Wala naman, ‘di ba? Bakit siya pinaparusahan ng gan’yan? Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Lita sa aking kamay. Ibinalik ko ang aking mga tingin sa binatang patuloy pa rin na binubugbog ng mga guwardiya sibil hanggang sa dumugo ang pisngi nito maging ang mga labi nito. Hindi ko maatim ang kanilang ginagawa rito. Bakit hindi siya lumaban? Bakit hinahayaan niya lang na saktan siya ng mga baliw na guwardiya sibil?
“Ayusin mo ang trabaho mo, Señorito Joaquin!” sabay ngisi nito ng nakaiinsulto.
Señorito? Anong ginagawa ng isang anak ng may kapangyarihan para gawin ang mabigat na gawain na ginagawa niya at pagmalabisan ng mga guwardiya sibil na walang ginagawa kun’di ang yurakan ang kan’yang pagkatao? Napakunot-noo ako sa aking narinig. Pinagmasdan ko ang kawawang binata na tinawag nilang Señorito Joaquin, walang imik ngunit binigyan niya ang dalawa ng matalim na mga tingin. Isang malakas na sipa ang ibinigay ng matabang guwardiya sibil sa mukha ni Señorito Joaquin dahilan para mapahiga ito sa daan.
“Anong tinitingin mo? Lalaban ka?” singhal nito sa binata. Hindi umimik ang binata at akmang babangon nang bigla siyang hinawakan sa buhok noong matangkad na guwardiya sibil at pinaluhod.
Yumuko ang matangkad na guwardiya sibil at inilapit ang mukha nito sa mukha ng binata. “Tandaan mong hindi na kayo ang kilala at makapangyarihang mga Perez! Buong pamilya mo ay mga alipin na! Kaya ‘wag kang umasta na akala mo may magagawa ka pa para takutin kami.” Sabay tapon sa daan dahilan para mapasubsob itong tuluyan sa lupa.
Tumawa nang nakaiinsulto ang dalawang guwardiya sibil sabay dura sa binata bago nila iniwan ito. Hindi umimik o nanlaban si Señorito Joaquin, napakuyom na lamang ito ng mga kamao at muli, isa-isa niyang pinulot ang mga batong nagkalat sa daan. Lalapitan ko sana ito para tulungan ngunit muli akong pinigilan ni Lita at inalayo sa binata. Hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa binata hanggang sa nagsimula itong maglakad papaalis habang hila-hila ang kariton na may kargang bato. Patuloy ko pa rin siyang pinagmasdan hanggang sa tuluyan na siya mawala sa abot ng aking mga tingin.
“Binibini,” tawag ni Lita sa aking atensyon.
Napatingin ako sa kan’ya at doon ko lang namalayan nasa harap kami ng isang tindahan na may mga libro at iba pang mga school supplies.
“Halina po sa loob,” ani Lita at sumunod ako sa kan’ya papasok ng tindahan.
“Magandang umaga, Ginoong Huseng!” bati ni Lita sa ginoong nasa 50’s na ata ang edad.
“Magandang umaga, Lita,” nakangiting bati nito kay Lita. “Magandang umaga, Binibining Helena,” bati nito sa akin sabay yuko.
“Magandang umaga rin sa iyo, Ginoong Huseng.”
“Narito ba kayo para kunin ang mga k’waderno, binibini?” tanong nito.
“Opo, Ginoong Huseng,” sagot ni Lita.
“Sandali lamang at kukunin ko ang mga ito,” wika ni Ginoong Huseng at nagsimulang maghanap sa kan’yang mga lalagyan.
Habang abala ang ginoo ay hinawakan ko si Lita sa braso para makuha ko ang kan’yang atensyon.
“Lita, bakit mo ko pinigilan kanina? Bakit ayaw mo akong tulungan ang lalaking iyon?” seryoso kong tanong sa kan’ya.
Napabuntong-hininga si Lita at inalis ang pagkakahawak ko sa kan’ya at tumingin sa labas ng bintana ng tindahan. “Binibini, mas makabubuti kung hindi ka masasangkot sa anumang inyong nakikita lalo na sa mga polista.”
“Polista?”
“Binibini, sila ang mga kalalakihan na sapilitang pinagtrabaho ng pamahalaan ng mga Espanyol para sa pagtatayo ng mga tulay, simbahan at paggawa o pagkumpuni ng mga barkong galyon. Ngunit, iba ang sitwasyon ni Señorito Joaquin.” Ani Lita na may lungkot at pag-aalala sa tinig nito.
Sapilitang pagtatrabaho? Polo y servios?
“Anong pagkakaiba kay Joaquin? Sino ba si Joaquin?” tanong ko na sobrang kinakain ng curiosity.
“Si Señorito Joaquin ay---
“Siya ang anak ng gobernadorcillo ng San Francisco de Malabon.” Sabal na wika ni Ginoong Huseng. “Ito na ang mga k’waderno niyo, binibini,” nakangiting saad nito sabay abot sa akin ng mga k’waderno.
“Teka, hindi ko po maintindihan kung anak siya ng gobernadorcillo bakit siya pinagtatrabaho at binubugbog ng ganoon?” kunot-noo kong tanong.
Napangiti ng mapait si Ginoong Huseng at napayuko si Lita.
Ano bang nangyayari? Anong hindi ko alam sa lalaking iyon?
“Marami ka atang hindi nalalaman para sa isang tulad mo na taga-rito lamang, Binibining Helena,” wika ni Ginoong Huseng.
Shit! Did I get busted? Mag-iisip na sana ako ng idadahilan ngunit biglang tumawa ito ng bahagya. “Ganoon ka siguro kaabala sa mga akdang iyong ginagawa kaya halos hindi mo na namamalayan ang mga nangyari saiyong paligid, binibini.”
“Gano’n na nga, Ginoong Huseng.” Pagsang-ayon ko na lamang.
“Pasens’ya na, Ginoong Huseng, ngunit, anim na buwan nawala si Binibining Helena rito sa ating bayan dahil sa nagtungo ito sa Maynila para ipalimbag ang kan’yang akda.” Paliwanag ni Lita.
“Ganoon ba, Lita,” gulat na wika ni Ginoong Huseng. “Patawad sa aking inasal, Binibining Helena.” Aniya sabay yuko.
“Okay lang ‘yon, Ginoong Huseng, hindi niyo kailangan humingi ng tawad.” Ani ko. Ngunit bigla akong hinawakan ni Lita sa kamay.
“Binibini,” mahinang anas niya. Doon ko lamang napagtanto sa aking sinabi kani-kanina lang.
Crap!
Tumawa si Ginoong Huseng. “Mukhang marami ang natututunan ni Binibining Helena, habang siya’y nasa Maynila.”
Napatawa na lang ako ng bahagya para itago ang katangahan na aking ginawa.
“Siya ngang anak ka ni Don Raul, kapwa kayo’y malawak ang kaalaman.” Wika nito.
Hindi ko alam kung isa ba ‘yong compliment o puna?
“Teka, sino nga ba si Señorito Joaquin?” Mabilis kong pagbabalik ng usapin namin para ma-divert muli roon ang usapan at hindi sa pananalita ko.
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m