Share

Kabanata Nine

Penulis: SleepyGrey
last update Terakhir Diperbarui: 2021-02-18 10:28:27

Huminga nang malalim si Ginoong Huseng bago nagsalita. “Napakabait ng mga Perez, halos lahat ng tao rito sa bayan ay mahal na mahal sila. Lahat ng mga nangangailangan ay kanilang tinutulungan. Maging si Señorito Joaquin ay labis na napakabukal ang puso tulad ng kan’yang ama na si Don Arturo. Sa kabila ng kanilang pagiging makapangyarihan at salaping meron sila ay nakikisalamuha sa mga mahihirap na tulad namin si Señorito Joaquin. Itinuturing nila kami na pareho ang aming antas sa lipunan sa kanila,” nakangiting saad ni Ginoong Huseng.

“Kung gano’n ang pamilya niya at maging si Señorito Joaquin, bakit siya inaalipin? Bakit ganoon na lamang siya insultuhin ng mga guwardiya sibil?” Sunod-sunod kong tanong.

Gumuhit ang mga lungkot sa mga mukha ni Lita at Ginoong Huseng. Ilang segundo rin silang nanahimik ngunit si Lita ang bumasag noon.

“Wala silang ibang ginawa kun’di tumulong sa mga kapos-palad na tulad namin ngunit hindi namin alam ang buong dahilan kung bakit sila pinaratangan ng katiwalian sa pamahalaan.” Saad ni Lita.

“Katiwalian?” pag-uulit ko. Ano ‘yon? Shit! Bakit ang lalim?

“Opo, binibini. Bilang hatol ay ginawa ang buong pamilya ni Señorito Joaquin bilang mga alipin imbes na sila ay hatulan ng kamatayan. Maninilbihan ang buong pamilya nila hanggang sa mabayaran nila ang perang nakuha nila sa pamahalaan.” Paliwanag ni Lita.

Katiwalian is corruption? Tama ba?

“Alam ng lahat na narito na walang ginawang masaama ang pamilya ni Señorito Joaquin, hindi nila magagawang ibulsa ang pera ng bayan para sa pansirili nilang kapakanan. Hindi sila gano’n,” malungkot na saad ni Ginoong Huseng. “Gusto namin tulungan sina Señorito Joaquin tulad ng pagtulong nila sa amin ngunit, hindi namin magawa dahil sa takot na baka kami ay matulad sa iba naming kababayan na pinarusahan ng kamatayan dahil sa pag-aaklasa na kanilang ginawa para matulungan lamang sina Señorito Joaquin.” Dagdag niya. “Paraan din nila ito para ipahiya ang pamilya ni Señorito Joaquin sa publliko at dahil na rin sa malaking banta si Don Arturo sa alkade-mayor.”

Alkade-mayor?

“Ginoo! Maghunos dili ka sa iyong sinasabi baka may makarinig sa ‘yo maging ikaw ay maparusahan,” mahinang hagsik ni Lita kay Ginoong Huseng na may pag-iingat.

“Pasen’sya na, Lita, ngunit hindi ko magawang makapagpigil sa tuwing nakikita ko ang ginawa nila kina Señorito Joaquin. Alam mo kung gaano at paano ang naging pagtrato sa atin ng kanilang buong pamilya.”

“Alam ko ‘yon, Ginoong Huseng, hindi ko makalilimutan ang kanilang kabutihan.” Ani Lita.

“Teka, sino ang alkade-mayor? Bakit naman naman magiging banta sa kan’ya si Don Arturo?” naguguluhan kong tanong.

“Malaki ang galit ng mga Geronimo sa mga Perez dahil sa kayamanan na meron ang pamilya ni Señorito Joaquin.” Bulong na sagot ni Ginoong Huseng.

“Dahil lang sa kayamanan?” Hindi ko makapaniwalang bulalas.

“Hindi lang iyon, dahil sa karisma ni Don Arturo ay malaki ang posibilidad na maging sunod na alkade-mayor ito dahilan para maging banta at mawala ang pinakamamahal na posisyon ni Don Emilio sa kan’ya.”

Hindi ako nakaimik sa aking narinig. Bakit? Dahil lang sa pera at kapangyarihan handa silang magpahirap ng taong walang ibang ginawa kun’di ang tumulong at makabubuti sa nasasakupan nila? Bakit ang bilis lang sa panahon na ito ang patayin ang mga tao dahil lang sa gusto nilang tulungan o ipaglaban ang gusto nila? Mali na ba ang magsalita para sa kanilang gusto mangyari? Bakit ang dali lang sa kanilang kumitil ng buhay na tanging meron lamang sa isang tao na gusto mabuhay at makita ang pamilya nilang lumaki? Bakit? Hindi ko maintindihan, nagpapakahirap akong tulungan ang mga tao na humaba ang buhay ng tao pero sila…

Galit ang biglang namuo sa loob ko nang mapagtanto ang lahat na nangyayari sa panahon na ito at biglang nanariwa sa aking isapan ang lahat na nangyari sa amin ni Lola Linda. Hindi ko maisip kung paano natagalan ng ating mga ninuno ang ganitong uri ng pagtranto at pamumuhay ngunit ano ba ang pagkakaiba ng nakaraan sa kasalukuyan? Hindi ko akalain na sa kabila ng kulang na kaalaman ng mga tao noon ay ganito nila pagmamalupitan ang ibang tao mas mababa pa sa kanila. Akala ko dahil lang sa makabagong henerasyon at pag-uugali kaya naging masama ang mga tao ngunit nagkakamali pala ako, bawat tao ay may tinatagong kasamaan kahit na isa pa siyang mangmang o may alam.

Napakuyom ako ng aking kamao. “Dapat sila ang parusahan hindi tulad ni Señorito Joaquin na walang ibang ginawa kun’di ang tulungan ang mga nangangailan? Hindi ko matatanggap ang ganito!” galit kong saad.

“Binibini, alam kong galit ka ngunit pakiusap ‘wag ka ng pumasok sa gulo. Huwag niyo po ilagay ang iyong pamilya sa kapahamakan.” Awat ni Lita sa akin.

“Pero---

Hinawakan ni Lita ang mga kamay ko. “Pakiusap, binibini,” aniya sa kan’yang nangungusap na mga mata.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kailangan kong mag-isip.” Saad ko at humakbang papaalis ng tindahan ngunit mabilis na sumunod si Lita kung kaya napatigil ako. “Kailangan ko mapag-isa, Lita.”

“Pero, binibini---

“Lita, pakiusap,” wika ko. “Huwag kang mag-alala mag-iikot lang ako. Magkita na lang tayo sa tapat ng simbahan.” Ani ko at tuluyan ng umalis ng tindihan. Mabilis akong naglakad patungo sa lugar kung saan wala gaanong tao. Gusto ko sumigaw at mapag-isa.

Bakit nila nagawa ang gano’n? Hindi ko mapagtanto na kahit sa panahong ito ay mga ganid ang mga ninuno natin. Nang dahil sa pera’t posisyon kaya nilang gawin iyon sa kapwa Pilipino nila? Hindi ba sila masaya na kababayan nila ang siya ring tumutulong sa naghihirap na kababayan nila? Hindi ba sila natutuwa na kahit na sinasakop sila ng Espanyol at ginagawang alipin ay nagagawa ng tulad ng pamilya ni Joaquin na makatulong sa mga ito at hindi naging bulag sa pera at kapangyarihan? Sila-sila na nga lang ang magtutulungan tapos aapihin at ipagkakanulo nila ang isa’t isa dahil lang sa pera’t kapangyarihan? Madadala ba nila ang pera at posisyon na ‘yan sa hukay nila hanggang sa kabilang buhay? Gano’n na ba kahalaga sa kanila ang mga kumikinang na bagay at titulo?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Epilogue

    AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Forty

    LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Nine

    ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Eight

    MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Seven

    NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Six

    DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status