Share

Kabanata Seven

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-02-18 10:26:01

Gaya ng sinabi ni Lita ay ngayon ang araw kung kailan ko kukunin ang k’wadernong ipinasadya ko kay Ginoong Huseng kaya nagpaalam ako kina Amang Don Raul at Inang Doña Celestina para pumunta ng bayan. Madali naman nila akong pinayagan ‘pagkat alam na nila na iyon din ang araw na pinag-usapan namin ng ginoo. Habang sakay ng kalesa ay pinagmasdan ko ang luntiang kapaligaran kung saan ang mga malalaking puno ang naroon at malawak na palayan na malayong-malayo sa nakasanayan kong lasangang puno ng mga gusali at sementadong bahay. Nakaka-refresh ng pakiramdam ang ganitong tanawin.

Muli kong nilanghap ang sariwang hangin at napangiti. “Ang sarap naman manirahan dito. Lahat ng malalanghap at makakain ay sariwa.”

“Binibini talaga, parang hindi ka na nasanay,” nakangiting sambit ni Lita.

If you only knew, Lita. Ito ang unang beses na makakalahanghap ako ng sariwang hangin sa tanang buhay ko. Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ako pagmamasid sa aming dinaraanan. Anong lugar na kaya ito? Hindi ko pa ito napupuntahan , ata? Imposibleng malaman ko ang mga lugar na ‘to kung malaki na ang ipinagbago ng mga lugar sa nagdaang mga taon.

“Lita, nasaan na ba tayo? Saan ba tayo papatungo?” tanong ko.

“Patungo tayo, binibini, sa plaza ng San Francisco de Malabon. Naroon ang tindahan ni Ginoong Huseng.” Sagot ni Lita ng buong linaw.

“San Francisco de Malabon?” kunot-noo kong sabi.

“Opo, binibini,” nakangiting sagot ni Lita.

Okay, we’re not getting to it. Tumawa na lang ako para hindi mahalata ang pagkawalang-alam ko sa kan’yang mga sinasabi. Hindi na ako umimik at hinitay na lamang na makarating kami sa sinasabi niyang San Francisco de Malabon. Halos kainin na ako ng antok dahil sa masarap na ihip ng hangin at sa tagal din ng aming biyahe. Tumigil ang sinasakyan naming kalesa sa tapat ng isang malaking simbahan.

“Narito na tayo, Binibining Helena,” saad ni Lita at inalalayan ako nito sa aking pagbaba.

“Ito na ba ang San Francisco de Malabon na sinasabi mo, Lita?” paninigurong tanong ko.

Tumango si Lita. “Opo, binibini.”

“E? For real?” bulalas kong sabi na mabilis na tinakpan ni Lita ang aking bibig.

General Trias Church na ‘to ngayon!

“Binibini, hinaan niyo po ang inyong boses,” mariing bulong ni Lita sa akin sabay alis ng kan’yang kamay sa aking bibig. “Nagkalat ang mga guwardiya sibil, pagnagkataong narinig ka nila na nagsasalita ng dayuhang lenggwahe maari ka nilang arestuhin,” seryosong wika ni Lita na bahagyang iginala ang kan’yang mga mata sa paligid.

“What? Bakit naman nila ako aarestuhin?” gulat at natataranta kong tanong kay Lita.

“Binibini, ang inyong boses.” Muling paalala ni Lita.

Napatakip ako ng aking bibig. Shit! Pahamak naman itong bibig na ito! Nasanay na kasi akong sumigaw lalo na kapag nasa emergency situation ang patient ko. Kung hindi ko lalakasan ang boses ko ay hindi sila makakawala sa kaba nila lalo na pag nasa alanganing situation na ang patient like it is about life and death situation. If they going to live or die in that cold operating table. Huminga ako nang malalim para ikumpas ang aking sarili.

“Sige, ipagpatuloy mo, Lita, ang iyong sinasabi,” wika ko sa mabini at mahinang boses.

“Gaya ng sabi ko, binibini, hindi ka maaaring magsalita ng dayuhang lenggwahe lalo na pag kayo ay nasa labas ng hacienda.”

“Bakit naman, Lita?”

“Ipapaliwanag ko, binibini, ngunit kailangan na nating maglakad nang hindi tayo paghinalaan ng mga guwardiya sibil.” Ani Lita at pinayungan ako. Humakbang siya pasulong kaya sumabay ako sa kan’ya. “Gaya po ng sinabi ko, mag-iingat po kayo sa inyong pananalita. Maaari ka nilang akusahan bilang isang rebelde o espiya dahil sa inyong paraan ng pagsasalita.” Panimulang saad ni Lita. “Tulad ko po, hindi rin nila maintindihan na ang inyong sinasalita at maaring isipin nila na isa ‘yong sekretong mensahe na inyong hinuhudyat sa iba niyo pang rebelde kung kaya po pakiusap lamang kumilos kayo ayon sa inyong katayuan, binibini,” paalala ni Lita.

Naningkit ang aking mga mata sa sinabi ni Lita. Grabe naman sila ang wild naman nilang mag-isip. Rebelde agad? Kailan pa gumamit ng salitang English ang mga rebelde? Sorry not offend anyone, but, Islamic group lang ang makagawa ng mga pagrebelde at pagbabalak ng mga pag-aklas na ‘yan. Hindi sa pagmamaliit sa kanila karamihan sa mga tulad nila ay walang ganong sapat na kaalaman sa English hindi man ilan ngunit nabibilang lang sa daliri ang may alam na sumasali sa pagiging rebelde. Iyan ay kung sa panahon ko pero kung pag-uusapan ang  panahon na ‘to napakaimposible. And I’m sorry, Lita, bear with me, please. I lived in L.A for half decade so you can’t blame me if I speak as the usual I used to. Matagal din akong hindi nakauwi sa Pilipinas kun’di sa mga librong pinapadala sa akin ni Lola Linda at kay Chyna maybe I’d totally forget how to speak in Tagalog.

Napabuntong-hininga ako at napaisip. Siguro nga kailangan ko ng matutunan kung paano ang tamang pagkilos at pananalita sa panahong ito lalopa’t hindi ko pa alam kung paano ako makababalik sa present. Hindi ko rin alam kung nasaan si Helena at kung bakit sa kinarami-rami ng taong maaaring ibalik sa panahon na ito ay ako pa. I don’t know the answers to all questions popping in my head. They are all why’s and how’s and it’s really frustrating. Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan na nakabunggo ako sa isang matigas na bagay dahilan para mawalan ako ng balanse at muntik nang matumba ngunit mabilis akong nasalo ng isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kan’yang mukha dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata.

“Ayos ka lang ba, binibini?” tanong nito sa nakakaakit ng tinig.

Hindi ko magawang makasagot dahil sa labis na pagkahumaling ko sa kan’yang tinig.

“Binibini?” Muling sambit nito at dahan-dahan akong itinayo at doon ko lamang lubos na nakita ang kan’yang mukha.

“Binibini?”

Natauhan ako nang tawagin ako ni Lita. “Binibini, ayos ka lang ba?” tanong ni Lita.

Mabilis akong napalingon kay Lita. “Ayos lang ako, Lita.”

“Mabuti naman,” wika ng binata dahilan para maibalik ko ang aking tingin sa kan’ya. “Sa susunod, binibini, mag-iingat ka saiyong paglalakad,” wika nito at isa-isang pinulot ang mga batong nagkalat sa daan. Akmang tutulungan ko sana ito nang bigla akong hatakin ni Lita papalayo sa binata at nakita kong mabilis na lumapit ang dalawang guwardiya sibil sa binata at kinompronta ito. Sasagot pa lamang sana ito nang hampasin ito ng dalawang guwardiya sibil ng hawak nilang rifle dahilan para mapahalik ito sa lupa. Napasinghap ako sa labis na pagkabigla at akmang tatakbo sana papalapit sa binata ngunit pinigilan ako ni Lita at pilit na inalayo sa lugar kung saan pinagsisipa at hampas ito ng dulo ng mga baril nila.

“Lita! Bitawan mo ko! Kailangan kong tulungan---

“Binibini!” pagtawag sa akin ni Lita sa aking atensyon at huminga ng malalim. “Binibini, huwag.” Pakiusap ni Lita sabay iling.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Epilogue

    AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Forty

    LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Nine

    ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Eight

    MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Seven

    NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Six

    DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status