Share

Kabanata Eighteen

Inalis niya ang suot niyang salakot at iniligay iyon sa kan’yang dibdib sabay yuko. “Magandang umaga, Binibining Helena.” Bati niya sa akin.

Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kan’ya. “Anong ginagawa mo rito, Joaquin?” tanong ko.

“Nautusan ako ni Padre Tonyo na magdala ng gatas at keso para sainyo.” Sagot niya.

“Ganoon ba? Tulog pa kasi sina ina at ama baka maaaring mamaya na lang ang bayad para sa mga gatas at kesong iyong dinala. Idadaan ko na lamang sa parokya ang kaukulang bayad para roon.” Tugon ko.

Biglang kumunot ang noo ni Joaquin sa aking mga sinabi. “Walang bayad ang mga iyan, binibini. Ito ay kusang bigay ni Padre Tonyo kina Don Raul at Doña Celestina.” Aniya.

I felt awkward of what I’ve just done. Full of confidence pa naman ako tapos mali pa nasabi ko. It’s so embarrassing!

“A, gano’n ba? Pasens’ya na hindi ko kasi alam. Kailan lang kasi ako umuwi rito sa Montecielo.” Pagdadahilan ko. Sana naman hindi na ako magkamali, nakahihiya kapa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status