Share

Kabanata Ninety-Six

NIYAKAP ako ni Doña Celestina nang napakahigpit ng makalapit siya sa akin.

“Patawad anak, ngayon lang ako nagpakita sa ‘yo,” umiiyak na paghingi ng tawad niya sa akin.

“Paano niyo nalaman na narito kami?” nalilito kong tanong kay Doña Celestina.

“Si Don Emilio po ang nakakaalam na narito po kayo kung kaya dinala niya po kami rito, Binibini,” sagot ni Lita.

Napatingin ako kay Lita na may malungkot na ngiti sa kanyang mga ngiti at tinignan ko rin si Don Emilio na walang emosyon sa kanyang mukha. Ano bang nangyayari? Bakit ngayon lang sina Doña Celestina at Lita nagpakita sa akin? Anong ibig sabihin ng pagkakasama-sama nila ngayon? Bakit alam ni Don Emilio na narito kami? Paano niya nalaman? Plinano niya ba ang lahat ng ito?

Inalis ni Doña Celestina ang kanyang pagkakayakap sa akin dahilan para ngayon ko lang mapansin ang mga pasa sa kanyang mukha.

“Anong nangyari? Bakit may mga pasa po kayo sa iyong mukha?” gulat kong tanong at hindi makapaniwala sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status