Home / Romance / Finding Daddy / Chapter 5: Decision

Share

Chapter 5: Decision

Author: SleepyGrey
last update Huling Na-update: 2023-03-23 10:33:07

DALAWANG linggo ang lumipas, mabigat at masama pa rin ang pakiramdam ni Maeve. Wala siyang ibang ginawa sa mga nakalipas na mga araw kung ‘di ang magkulong sa kanyang k’warto, wala siyang kinausap ni isa. Nagising siya ng nanghihilo at hindi maganda ang pakiramdam.

“Damn it! Bakit—”

Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang biglang siyang makaramdam na para siyang susuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo. Napasuka siya ngunit wala namang laman kung ‘di puro lang laway.

“What the hell is happening to me?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi malaman kung bakit siya nasusuka.

Nakakawala si Maeve sa malalim niyang pag-iisip ng biglang niyang maalala ang nangyari ng gabing iyon.

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya—”

Naputol ang agam-agam ng dalaga nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto. Inayos naman nito ang sarili bago nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok at nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya ang kanyang mommy na may nag-aalalang mukha.

“Mommy, bakit—”

Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang makita niya ang galit na galit na kanyang ama.

“Dad—”

Muli, hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi nang sandaling makalapit ang kanyang ama sa kanya.

“Bakit—”

“Wala ka na bang tamang gagawin, Maeve?” mariing tanong ni Hudson na galit na galit.

Walang ideya ang dalaga sa sinasabi ng kanyang ama.

“Anong sinasabi niyo po, daddy? Hindi ko po kayo maintindihan,” mahina at naguguluhang tanong ni Maeve.

“Hindi mo naiintindihan? Paano mo maipapaliwanag ang lahat ng ito, ha?” Sabay itinapon ni Hudson ang mga litratong hawak nito na may maseselang kuha ng kanyang anak at isang lalaki na hindi niya kilala.

Nanlaki ang mga mata ni Maeve nang sandaling makita niya mga litratong nagkalat sa sahig.

“Paanong nagawang—”

Hindi nagawang matuloy ni Maeve ang kanyang sasabihin sa labis na pagkabigla at hindi makapaniwala sa nangyayari. Ngunit ang mas lalong ikinaguho ng kanyang mundo ay nang ihagis ng kanyang ama ang tablet sa kanyang harapan at doon niya nakita ang footage ng kanilang p********k ng isang estranghero.

“Wala ka na bang gagawing tama, Maeve? Puro na lang ba kahihiyan ang ibibigay mo sa akin?” galit na galit na tanong ni Hudson. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas at hindi susunod sa mga sinasabi ko?”

Nanatiling walang imik si Maeve. Akala niya kapag iniwan niya ang kanyang alaala sa bar na ‘yon at kalimutan ang pagkakamaling ginawa niya nang gabing iyon ay mababaon na lamang iyon sa limot ngunit nagkamali siya.

“Paanong nangyari ang lahat ng ito?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili na hindi pa rin nagagawang alisin ang kanyang tingin sa video. Hindi niya maintindihan kung paano siya nakunan ng video. Frame up ba ang lahat ng nangyari? Labis siyang napapaisip kung paano at sino ang nag-utos para gawin ang bagay na iyon.

Gusto ni Maeve magpaliwanag ngunit nang sandaling maibaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ama ay muli siyang nakaramdam ng pagsusuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo.

Narinig nang mag-asawa ang pagsusuka ni Maeve dahilan para mas lalong sumabog sa galit si Hudson.

“Huwag mong sabihin na buntis ka?”

Napatingin si Maeve nang may pag-aalinlangan at takot sa kanyang ama.

Napasapo ng kanyang noo si Hudson sa labis na pagkadismaya.

“Daddy, let me—”

“Tama na, Maeve! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!” mariing pagpuputol na sigaw ni Hudson na labis ang galit na nararamdaman. “Buo na ang pasya ko, aalis ka ng Pilipinas. Doon ka muna sa Amerika hanggang sa mamatay ang eskandalong ito.”

Hindi nakaimik si Maeve sa kanyang narinig.

“At sa pagkakataong ito, wala kang karapatan para umangal o hindi sundin ang pasya ko!”

***

NANG sandaling bumaba si Maeve ng kotse ay nakita niya ang sandamakmak na reporters na nag-aabang sa labas at loob ng airport.

“Do you see what you have done?” paninising punto ni Hudson kay Maeve dahilan para siya’y mapayuko. “Binigyan mo ng kahihiyaan ang pamilya natin.”

Hinawakan ni Lucinda ang kamay ni Hudson. “Honey, don’t be harsh to our daughter. Alam niyang nagkamali siya hindi mo na kailangan na ipamukha pa sa kanya,” pag-aawat na saad nito.

Ngunit matigas ang loob ni Hudson. “Lucinda, a mistake is still a mistake. It can never be undone. She brought shame to our family, and it will be remembered by all!”

“But—”

Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Maeve ang kanyang kamay at saka binigyan ng pag-iling.

“That’s all there is to it, Mommy. Daddy is correct; I messed up and am now a disgrace in our family.”

“No, no. Mabi, you—”

“Mommy…”

Muling pagpuputol ni Maeve sa sasabihin ng kanyang ina dahilan para magkatinginan sila sa mga mata. Ilang saglit lamang na katahimikan iyon ngunit naintindihan ng ina ng dalaga ang nais iparating ng kanyang anak sa kanya. Bagamat hindi gusto ni Lucinda na tinatrato ng kanyang asawa ang kanilang anak, gusto niya ito ipagtanggol ngunit wala rin siyang magawa sa tuwing nagsasalita ang kanyang asawa.

Pilit na ngumiti si Maeve para aluhin ang kanyang ina wala na lang nagawa kung ‘di ang mapatugon na lamang din ng ngiti.

“Mag-iingat ka doon, Mabi, ha?” paalalang saad ni Lucinda na hinaplos ang pisngi ng kanyang anak.

“Huwag po kayong mag-alala, mommy. Kaya ko po sarili ko,” tugon ni Maeve.

“Go, before the plane leaves you,” wika ni Hudson na hindi binigyan ng tingin si Maeve.

Masama at mabigat man ang loob ni Maeve ay alam niyang wala ng bawian ng desisyon ang mangyayari nang sandaling iyon kung kaya tinanggap niya na lamang.

“Then, I shall go now, Mommy—” at ibinaling ni Maeve ang kanyang tingin sa kanyang ama— “Daddy.” Ngunit nanatili pa rin ito nakatingin sa ibang direksyon.

Hinintay ni Maeve na lumingon ang kanyang ama sa huling pagkakataon ngunit matigas ang loob nito at hindi siya nito ginawang lingunin. Masakit man ay walang nagawa ang dalaga kung ‘di ang umalis na may baon na sama ng loob, ngunit hindi niya magagawang sisihin ang kanyang ama lalo na sa malaki niyang kasalanan na nagawa. Muli, tinignan ni Maeve ang kanyang ina at binigyan maliit na ngiti.

“Bye, Mommy.” Paalam nito at saka hinalikan ang ina sa pisngi.

Aalis na sana si Maeve nang biglang hawakan siya nang mahigpit ng kanyang ina sa kamay na tila ba ayaw siya nitong paalisin nang sandaling iyon. Bagamat gusto man ng dalaga magpapigil, alam niyang ikagagalit iyon ng kanyang ama kung kaya hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina. “I need to go, Mommy.” At pinilit inalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. “Promise, I will be back soon.” Dagdag nito nang hindi isinaboses na naunawaan naman ng kanyang ina dahilan para mapatango habang umiiyak.

Masakit man na makita na umiiyak ang kanyang ina ay mabilis na inalis ni Maeve ang kanyang mga tingin at nagsimulang maglakad papasok ng airport. Hindi niya man nakikita ngunit ramdam niya nang sandaling iyon ang labis na lungkot sa mga mata ng kanyang ina sa kanyang pag-alis.

“Maeve, don’t try to look back. Otherwise, you will lack the courage to leave,” saad niya sa kanyang sarili na pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na lumingon. Ngunit nang sandaling makarating na siya sa boarding area kung saan isa-isa na tinitignan ng mga staff ang boarding pass ng mga pasahero ay hindi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili at napalingon, pero isang pagkakamali ang lumingon siya dahil nakita niya ang pag-alis ng kotse ng kanyang mga magulang dahilan para lalong madurog ang kanyang puso.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Finding Daddy   Chapter 45: In My Arms

    NAGMAMADALING pumasok si Maeve sa opisina sa kagustuhang makaiwas kina Elle at Luca dahilan para hindi niya mapansin ang presensya ni Nicholas na nakaabang sa kanya at kanyang mabangga.“Woah, woah! Easy, Maeve. It looks like someone chasing you the way you rushed inside our office,” nagbibirong wika ni Nicholas na kaagad na nasalo si Maeve sa muntikang pagkakatumba nito.Akmang magsasalita si Maeve nang biglang magsalita si Elle.“Oh, what a lovely view to see first thing in the morning,” wika nito na may halong panunukso sa tinig.Wala pa man naririnig na sagot si Nicholas galing kay Maeve ay may ideya na ito kung bakit ganoon na lamang reaksyon nito nang sandaling pumasok sa kanyang opisina. Kaagad namang umalis si Maeve sa mga braso ni Nicholas at kaagad na inayos ang sarili dahilan para mapatingin si Nicholas sa direksyon nito at gumuhit ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.Kaagad na ibinaling ni Nicholas ang kanyang atensyon sa direksyon ng babaeng nagsalita kanina. “Mr and M

  • Finding Daddy   Chapter 44: Surprise!

    SAMU’T SARING mga tingin ang sumalubong kay Maeve nang sandaling maitapak niya ang kanyang paa sa labas ng building ni Nicholas.“What in the world—”Hindi nagawang matapos ang sasabihin ni Maeve nang sumulpot na ang isang lalaki sa kanyang tabi dahilan para maalala niya na naman ang nangyari kanina.Earlier ago…“Baby, do you remember what I always tell you?”“Mommy, we’ve been going over this again and again since we woke up. I’ll be fine, so you don’t have to worry about me. I won’t let any strangers in. I’ll only open the door if it’s Tita Mommy, Lola Mommy, or Lolo Daddy. I’ve got it memorized and understood,” wika ni Nami punong-puno nang paninigurado sa kanyang ina.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maeve. “I’m just worried about leaving you here alone without anyone to look after you,” wika nito na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang sandaling iyon.Ikinulong ni Nami sa maliit niyang mga kamay ang mukha ng kanyang ina at idinikit ang kanyang noo sa

  • Finding Daddy   Chapter 43: Plans

    “TELL me, is that Sandoval the real father of Nami?”May pag-aalinlangan man dahil sa nararamdamang hiya ni Maeve ay sinagot niya pa rin ang tanong ang kanyang ama. “It happened so.”“What is Sandoval’s plan now? And what about the scandal that happened back then? Have you discussed this matter?” Sunod-sunod na tanong ni Hudson.“He wanted us to get married to clear up the scandal and confirm Nami’s identity.”“He suggested marriage?”Tumango si Maeve bilang pagkumpirma.“Did he suggest that out of love, or is he just acting out of a sense of responsibility?”“I don’t think it’s just about taking responsibility for us,” mahinang tugon ni Maeve.“Then what?”“I think he’s doing it both.”“Both?” pag-uulit ni Hudson habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang anak. “Does he love you?”“I don’t know.”“Then how can you say that he suggested marriage out of love and not just out of responsibility?”“Because he said so.”“Do you believe him? Is he someone you feel you can trust?”“I don’t

  • Finding Daddy   Chapter 42: Father

    WALA pa mang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nina Maeve at ng kanyang ama ay ramdam na ng dalaga ang matinding tension sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maipaliwanag kung anong awra ang lumalabas sa kanyang ama nang sandaling iyon dahilan para makaramdam siya ng labis na pagkailang at takot.“Lolo Daddy!” masayang tawag ni Nami kay Hudson na binigyan lang ng isang tahimik na tingin ang apo.“Nami, don’t disturb your lolo. Just sit here and behave,” awat ni Maeve sa kanyang anak.“But—”Binigyan nang makahulugang tingin ni Maeve si Nami dahilan para matahimik ito at napaupo na lamang sa tabi ng ina. Nang masiguro na ni Maeve na hindi na makakagulo si Nami ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin din sa kanya nguniit may blangkong ekspresyon dahilan para mahirapan siyang basahin kung ano bang iniisip o plinaplano ng kanyang ama nang sandaling iyon.“Nami, can you go to your lola. Your mom and I need to discuss some matters,” wika ni Hudson nang ib

  • Finding Daddy   Chapter 41: Her Decision

    MATAPOS na marinig ni Olivia ang k’wento ni Maeve ay napaawang ito ng kanyang bibig ngunit kaagad ding ikinumpas ang kanyang sarili.“So, anong gagawin mo na ngayon, ate? Are you going to marry him?” tanong nito na punong-puno ng kuryusidad.“Hindi ko alam,” mahinang sagot ni Maeve na bakas ang pag-aalangan sa kanyang sagot.Pinagmasdan ni Olivia ang kanyang kapatid nang ilang saglit bago muling magsalita. “Why are being hesitant? Is there something wrong with Nicholas?”Umiling si Maeve bilang tugon.“Then why are you being hesitant to accept his proposal?”Inangat ni Maeve ang kanyang ulo para magtagpo ang kanilang paningin ni Olivia. “There’s nothing wrong with Nicholas. If I were wise, he would be a better man to marry. It’s just that I can’t bear to see his reputation tarnished just because of marrying me.”Napakunot ng noo si Olivia sa naging tugon ng kanyang kapatid. “What are you talking about, ate? Anong sinasabi mo na masisira reputation ni Nicholas nang dahil sa’yo? Anong m

  • Finding Daddy   Chapter 40: Final Decision

    SINALUBONG ng lumilipad na baso ng alak si Nicholas nang sandaling makapasok siya ng kanilang pamamahay na agad niya namang nailagan dahilan para tumama iyon sa dingding at nabasag at magkalat ang piraso ng bubog sa sahig.“Anong kataranduhan itong ginagawa mo, Nicholas?” bungad na bulyaw ni Colton.Sa kabila ng pagiging mainit ng ulo ni Colton ay kalmado itong hinarap ni Nicholas. “I’m not doing anything foolish,” tugon nito na siyangmas lalong ikinagalit ng ama.“Wala kang ginagawa? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” gigil na tanong nito. “Anong tawag mo dito ha?” Sabay hagis ng cellphone kay Nicholas na tumama sa dibdib nito.At nakita ni Nicholas sa video ang ginawa niyang pag-announce sa kanyang pagkakasal ngunit, hindi siya nagpakita ng anumang reaksyon nang sandaling iyon. Malinaw sa kanya kung ano ang ikinapuputok ng butsi ng kanyang ama.“Ngayon sabihin mo sa akin na wala kang ginagawang katarantaduhan!” sigaw ni Colton pagkatapos na k’welyuhan ang kanyang anak na nagpapakita pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status