LOGINNASA LABAS pa lamang ng kompanya si Maeve ng kanyang ex ay halos ng mga mata ay nasa kanya at pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Base sa mga kinikilos ng mga ito ay mukhang kumalat na ang tsismis tungkol sa kanila ni Luca, ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Maeve at dire-diretso na pumunta sa kanyang opisina para iimpake ang kanyang mga gamit.
“Totoo ba na nahuli ni Ma’am Maeve si Sir Luca na may ibang babae?”
“Oo! Iyon ang narinig ko mula sa kabilang department.”
“Talaga? Sino ba ‘yong babae? Wala naman akong nakikitang palaging nakaaligid kay Sir maliban kay Ma’am Ellie.”
“Ano ba kayo? ‘Yong malanding best friend ni Ma’am Maeve ang kabit ni Sir Luca!”
“Ano si Ma’am Ellie?”
“Huwag mo ngang ma-ma’am ma’am ang malanding babae iyon! Hindi niya deserve!”
“Pero, totoo?”
“Oo nga! Siya ang kabit ni Sir Luca!”
“Ano ba kayo? Huwag nga kayong magpapaniwala riyan kay Marites at mali-mali naman ang sinasabi!”
“Anong mali sa sinasabi ko, Mila! Iyon kaya ang totoo!”
“Anong iyon totoo? Hindi ‘yan ang totoo! Dahil ang totoong k’wento ay si Ma’am Ellie ang unang minahal ni Sir Luca at inagaw lang ni Ma’am Maeve si Sir Luca kay Ma’am Ellie!”
“What? Totoo ba ‘yan, Mila?”
“Aba’y oo! Dahil sa matalik na kaibigan ni Ma’am Ellie si Ma’am Maeve ay nagparaya siya para maging masaya lang si Ma’am Maeve. “
“Grabe hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo, Mila.”
“Maniwala man kayo sa hindi, ‘yan ang buong katotohanan. Hays, kahit anong pilit mo na maangkin ang isang bagay ‘pag hindi para sa ‘yo ay babalik pa rin ito sa tunay na nagmamay-ari. At bumalik si Sir Luca kay Ma’am Ellie, sa taong totoo niyang minamahal.”
Hindi makapaniwala si Maeve sa kanyang naririnig mula sa mga empleyadong dati ay siya ang laging bukambibig kung gaano sila kaperpektong tignan ni Luca pero ngayon siya na nagiging masama sa paningin at mga bibig nito.
Masakit man ang mga paratang na sinasabi sa kanya, gusto niya man magsalita ay wala na ring saysay para magpaliwanag at ipagtanggol ang kanyang sarili lalo na at tapos na ang lahat sa kanilang dalawa ni Luca. Hinayaan niya na lamang kung ano ang sasabihin ng mga taong naroon sa kanya at mas itinuon na lamang ang kanyang pansin sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
Nang matapos siya sa kanyang pag-iimpake ng kanyang mga gamit ay aalis na sana si Maeve ngunit nakasalubong niya si Luca at Ellie na magkasama, kung saan nakahawak ito sa braso ng binata.
“Ayan na ang ‘yong original! Maghaharap na sila ng nang-agaw!”
“Maeve…” mahinang sambit ni Luca sa pangalan ng dalaga.
Nang sandaling iyon, sabihin man ni Maeve sa kanyang sarili na hindi na siya apektado sa kanyang nakikita lalo na at tapos na ang lahat sa kanilang dalawa ni Luca ay hindi niya magawang hindi maapektuhan. Minahal at nakasama niya ito nang ilang taon, imposible na makalimutan niya ang lahat ng iyon ng isang gabi lamang.
“Maeve…” Muling sinambit ni Luca ang kanyang pangalan.
Humigpit ang pagkakahawak ni Maeve sa box na kanyang hawak at pilit na ikinumpas ang kanyang sarili para matatag na harapin ang dalawang tao na naging parte ng kanyang buhay sa nakaraan. Kinuha ng dalaga ang sobre na nasa kanyang bulsa saka lumapit kay Luca at inabot ang sobre.
“Ano ‘to?” kunot-noong tanong ni Luca na napatingin sa sobreng inabot ni Maeve.
“Resignation letter,” maikling tugon ng dalaga.
Napatingin namang muli si Luca kay Maeve. “Maeve, hindi naman kailangang umabot tayo sa ganito,” wika ng binata na may tono ng pagmamakaawa. “Alam mong kailangan kita—”
“Kung kailangan mo ako sana inisip mo muna ang lahat bago mo ginawa ang lahat ng ito,” malamig na tugon ni Maeve habang binibigyan nang blangkong mga tingin si Luca.
“Maeve—”
Hindi nagawang maituloy ni Luca ang kanyang sasabihin ng magsalita si Ellie.
“Bes, you don’t have to do this. I know we’ve hurt you, but it wasn’t our intention. We simply fell in love with each other. Could you please just be happy for us?” pagmamakaawa ni Ellie.
Nang sandaling marinig iyon ni Maeve ay hindi niya maiwasan na hindi mairita dahilan para mapapalatak ito.
“How come I didn’t notice you’re such a bitch?” mahinang tanong ni Maeve na may sarkastikong tono sabay napailing sa labis na pagkadismaya. Ibinaling ni Maeve ang kanyang tingin kay Ellie. “Stop acting as if you’ve been taken advantage of, Ellie. In this situation, you are not the victim. I am the one. I’m the one who has been cheated and betrayed. I was the one who lost a lover and a friend whom I most cherished and trusted.”
“Bes—”
“Keep your mouth shut, Ellie! I’ve already told you not to call me ‘bes,’ because you’ve never earned the title of my best friend! I have no traitorous friend!” mariing pagpuputol ni Maeve sa pagsasalita ni Ellie.
Akmang lalapitan ni Luca si Maeve para pakalmahin ngunit mabilis na ibinaling ng dalaga ang tingin sa binata at binigyan nang matalim na tingin at babala.
“Huwag mo ng ituloy ang binabalak mo!” mariing saad ni Maeve.
“Maeve, can you just reconsider—”
“I have no plans to reconsider my decision. That is my resignation letter; accept it or I will sue you.”
Matapos na sabihin iyon ni Maeve ay mabilis siyang umalis sa lugar na iyon. Dinig niya ang mga bulong-bulungan ng mga taong naroon ngunit, hindi niya na nagawang bigyan ng pansin dahil ang mas importante sa kanya nang sandaling iyon ay makaalis sa nakaka-suffocate at nakakasuka na lugar na iyon. Nang makasakay siya sa kanyang kotse ay agad niyang pinaharurot ang kanyang kotse palayo sa lugar na iyon. Habang nagmamaneho ay hindi niya na nagawang pigilan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan na bumuhos.
BGM: Kakayanin Kaya – Maymay Entrata
Muling nanariwa sa alaala ni Maeve ang kanilang mga alaala ni Luca. Ang masasayang sandali nilang dalawa. Ang mga pinagsamahan nilang dalawa. Mas bumuhos ang luha ng dalaga habang isa-isa iyong nanariwa sa kanyang alaala dahilan para mas nanlabo ang kanyang mga mata. Halos dinudurog nito ang kanyang puso lalo na ng manariwa sa kanyang alaala ang araw na nahuli niya sina Luca at Ellie na may ginagawang kabastusan at ang imahe ng dalawa kanina.
Biglang hininto ni Maeve ang sasakyan at napahampas nang malakas sa manibela. Mas lalong nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa dami ng luhang lumalabas sa kanyang mga mata nang sandaling iyon. Wala siyang ginawa kung ‘di ang sumigaw at umiyak nang sandaling iyon.
“Bakit?” hagulgol niyang tanong sa kanyang sarili na patuloy pa rin sa pag-iyak. “Anong ginawa ko para mangyari ang lahat ng ito sa akin? Anong ginawa ko?” Paulit-ulit na tanong nito sa kanyang sarili habang labis na naghihinagpis sa pait at sakit na kanyang nararamdaman.
Bakit?
SA KABILA ng matinding pananakit ng ulo ni Maeve ay tumuloy pa rin siya sa pagpasok. Nasa labas na siya ng building nang makita niya muli ang itim na sasakyan at si Jerry na naghihintay.“Good morning, Ma’am Maeve,” nakangiting bati nito sa kanya.Ngiti lamang ang nagging tugon ni Maeve. Wala siyang sapat na lakas para makipag-argumento sa anumang bagay ngayong araw lalo na sobrang sakit ng kanyang ulo.“At times like this, I’m actually grateful that Nick assigned a driver for me to and from places is actually a relief. It turns out to be more helpful than I expected,” mahinang bulong ni Maeve.Mabilis naman siyang pinagbuksan ng pinto ni Jerry at wala naman siyang tangging sumakay ng kotse, kung saan kaagad niyang isinandal ang kanyang ulo sa headrest ng upuan at ipinikit ang kanyang mga mata para mabawasan ang sakit ng ulo na kanyang nararamdaman.“Ayos lang po ba kayo, Ma’am? Gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa ospital?” tanong ni Jerry na may halong pag-aalala.“No. I’m just fine
ILANG araw ang lumipas simulang maglaro nang paulit-ulit sa utak ni Maeve ang mga binitawang mga salita ni Nicholas.“Damn it! I badly need sleep! It feels like my head is about to explode!” mariin niyang saad sa kanyang sarili habang hinihilot ang kanyang sintido dahil sa matinding pananakit nito.“Mommy, does your head hurt?” tanong ni Nami na may halong pag-aalala habang tinigtignan ang kanyang mommy.“Kind of, baby. But, you don’t have to worry. I’ll just take some meds and I will be fine,” wika ni Maeve na may halong paniniguro.“Are you sure, mommy?” tanong ni Nami na hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa munting mukha nito.Hinaplos ni Maeve ang mukha ng kanyang anak. “I’ll be fine, baby. You don’t have to worry that much. Mommy, can handle this. It’s just a mild headache,” wika nito sabay binigyan nang pilit na ngiti at marahang pinisil ang pisngi nito.Hindi umimik si Nami at pinagmasdan lang ang kanyang mommy.“Anyways, I have to go now, baby. Mommy has a work to do,” paal
NAGMAMADALING pumasok si Maeve sa opisina sa kagustuhang makaiwas kina Elle at Luca dahilan para hindi niya mapansin ang presensya ni Nicholas na nakaabang sa kanya at kanyang mabangga.“Woah, woah! Easy, Maeve. It looks like someone chasing you the way you rushed inside our office,” nagbibirong wika ni Nicholas na kaagad na nasalo si Maeve sa muntikang pagkakatumba nito.Akmang magsasalita si Maeve nang biglang magsalita si Elle.“Oh, what a lovely view to see first thing in the morning,” wika nito na may halong panunukso sa tinig.Wala pa man naririnig na sagot si Nicholas galing kay Maeve ay may ideya na ito kung bakit ganoon na lamang reaksyon nito nang sandaling pumasok sa kanyang opisina. Kaagad namang umalis si Maeve sa mga braso ni Nicholas at kaagad na inayos ang sarili dahilan para mapatingin si Nicholas sa direksyon nito at gumuhit ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.Kaagad na ibinaling ni Nicholas ang kanyang atensyon sa direksyon ng babaeng nagsalita kanina. “Mr and M
SAMU’T SARING mga tingin ang sumalubong kay Maeve nang sandaling maitapak niya ang kanyang paa sa labas ng building ni Nicholas.“What in the world—”Hindi nagawang matapos ang sasabihin ni Maeve nang sumulpot na ang isang lalaki sa kanyang tabi dahilan para maalala niya na naman ang nangyari kanina.Earlier ago…“Baby, do you remember what I always tell you?”“Mommy, we’ve been going over this again and again since we woke up. I’ll be fine, so you don’t have to worry about me. I won’t let any strangers in. I’ll only open the door if it’s Tita Mommy, Lola Mommy, or Lolo Daddy. I’ve got it memorized and understood,” wika ni Nami punong-puno nang paninigurado sa kanyang ina.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maeve. “I’m just worried about leaving you here alone without anyone to look after you,” wika nito na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang sandaling iyon.Ikinulong ni Nami sa maliit niyang mga kamay ang mukha ng kanyang ina at idinikit ang kanyang noo sa
“TELL me, is that Sandoval the real father of Nami?”May pag-aalinlangan man dahil sa nararamdamang hiya ni Maeve ay sinagot niya pa rin ang tanong ang kanyang ama. “It happened so.”“What is Sandoval’s plan now? And what about the scandal that happened back then? Have you discussed this matter?” Sunod-sunod na tanong ni Hudson.“He wanted us to get married to clear up the scandal and confirm Nami’s identity.”“He suggested marriage?”Tumango si Maeve bilang pagkumpirma.“Did he suggest that out of love, or is he just acting out of a sense of responsibility?”“I don’t think it’s just about taking responsibility for us,” mahinang tugon ni Maeve.“Then what?”“I think he’s doing it both.”“Both?” pag-uulit ni Hudson habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang anak. “Does he love you?”“I don’t know.”“Then how can you say that he suggested marriage out of love and not just out of responsibility?”“Because he said so.”“Do you believe him? Is he someone you feel you can trust?”“I don’t
WALA pa mang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nina Maeve at ng kanyang ama ay ramdam na ng dalaga ang matinding tension sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maipaliwanag kung anong awra ang lumalabas sa kanyang ama nang sandaling iyon dahilan para makaramdam siya ng labis na pagkailang at takot.“Lolo Daddy!” masayang tawag ni Nami kay Hudson na binigyan lang ng isang tahimik na tingin ang apo.“Nami, don’t disturb your lolo. Just sit here and behave,” awat ni Maeve sa kanyang anak.“But—”Binigyan nang makahulugang tingin ni Maeve si Nami dahilan para matahimik ito at napaupo na lamang sa tabi ng ina. Nang masiguro na ni Maeve na hindi na makakagulo si Nami ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin din sa kanya nguniit may blangkong ekspresyon dahilan para mahirapan siyang basahin kung ano bang iniisip o plinaplano ng kanyang ama nang sandaling iyon.“Nami, can you go to your lola. Your mom and I need to discuss some matters,” wika ni Hudson nang ib







