Lumuwang na ang pagkakakuyom ko sa kamao. Tukuyan na akong nagpasakop sa makamundong espirito at walang palag na patuloy nagpaubaya. Tinugunan ko ang mga halik niya. Pinantayan ko ang pananabik na knayang ipinapakita. Mas lalo pa siya doong ginanahan na para bang naging go signal niya ang ginawa kong mga pagtugon. Masuyong humaplos ang palas niya sa likod ko, umakyat iyon sa aking leeg upang mas lalo pa siyang magkaroon ng access sa labi ko. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya na nagsimula ng mai