Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat
Napasabunot na ako sa sariling buhok. Aaminin ko nag-aalala ako kay Daddy na di sumagi sa isip ko dati. Mukhang eye opener nga yata iyong mga pinagsasabi ni Chaeus kagabi. For the first time, I felt worried to my Dad. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi pwedeng solo lang si Daddy. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang breakfast. Hindi ko na iyon malunok sa sama ng aking loob.“Uulitin ko sa'yo ang mga dahilan ko Hilary—”“Are you nuts?!” hindi ko na napigilang sumigaw, Wala ba talagang utak ang babaeng ito? Akala ko ba ay mahal niya talaga si Daddy? Ano ito, aber?“Hinayaan mong mag-isa si Daddy. Kailangan ka niya doon. Alam mo iyon. Akala ko ba mahal mo siya? Kailan mo pa naisip ang mga iisipin ko? Totoo ba talagang minahal mo siya? O baka naman nagpapanggap ka lang? Oo nga pala, narito ang anak mo hindi ba? Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sumama kay Daddy!”“No, hindi iyan ang dahilan—”“Sino ang mag-aasikaso doon kay Daddy? Wala. Paano kung uminom iyon after ng mee
Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nagawa ko ng maglinis ng kuko sa paa at kamay, nalagyan ko na rin sila ng nail polish. Tuyo na at lahat ang mga iyon ay hindi pa rin ako inaantok. “Baka hindi lang ako pagod ngayong araw kaya hindi ako agad inaantok, o baka dahil alam ko na wala naman akong pasok sa school bukas?”Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa may gilid ng lampshade. Dumapa na ako at nag-scroll. “Manood kaya ako ng movie para antukin? Ano namang magandang panoorin? Horror? Ayoko. Baka lalo lamang na hindi ako makatulog nito.”Kalahating oras ang lumipas nang humikab ako. Pinatay ko na ang cellphone at umayos ng higa.Baka this time, tuluyan na akong makakatulog. Unti-unti nang naiidlip ang diwa ko nang bigla na lang dumaan sa balintataw ang imahe ni Chaeus. Malaking napadilat ang aking mga mata. Bakit ba bigla ko siyang naisip? Ayon na. Patulog na ako.“Peste naman oh!” mura kong mabilis bumangon.Ilang biling
Sinadya kong halos lunch time na nang lumabas ng silid kinabukasan. Maaga pa rin akong nagising kahit late ng natulog, pero pinili kong humilata sa kama. Pagulong-gulong habang nag-e-scroll ng social media account. Tinatamad pa akong bumangon lalo na at naiisip kong may possibility na ang tukmol lang namang iyon ang aabutan sa kusina. Ayokong masira niya muli ang araw ko. Ako na lang ang iiwas at mag-a-adjust sa amin.“Goodmorning, Hilary.”“Morning din,” tipid na bati ko pabalik sa maid na nakasalubong ko pagkalabas pa lang ng kwarto.Suot ko pa ang terno na pinangtulog ko kagabi. Naghilamos lang ako at nag-brush ng ngipin kanina kagaya ng nakaugalian ko kada umaga. Hindi naman na bago ito sa paningin ng lahat ng kasama namin sa bahay kaya hindi na rin ito big deal. Mamaya pa ako maliligo, mga bandang hapon pa. Wala rin naman akong pupuntahan.Mapanuri ang mga mata kahit na pasimple ang naging paglinga-linga ko sa paligid. Hinahanap ang anino ng tukmol na sure akong may hang over. Bak
Bigla na akong napaahon sa upuan nang marinig ang sinabi niya. Ano raw? Pwede kong simulan ngayong araw dahil bata pa naman ako? Ayos ah. Paladesisyon siya. Sa reaction ko ay malinaw na makikita niyang hindi ko nagustuhan iyon. Sino ba siya para pilitin ako? Dinidiktahan niya ako?“Ayoko nga! Bakit ba mapilit ka? Magulang kita? Si Daddy nga hindi ako mapilit, ikaw pa kaya?” pagtataas ko na ng boses sa kanya. Ikinagulat niya iyon base sa hitsura niya pero mas pinili niyang huwag na lang palakihin ang isyu. “Huwag na huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko!”Ilang beses na ibinuka niya ang bibig. Halatang nais niyang magpaliwanag. Kumibot-kibot pa iyon. Bahagya pang napahawak sa batok niya.“Calm down, Hilary. Nagsu-suggest lang ako—”“Seryoso ka na suggestion lang iyon? For your information lang Chaeus, hindi mahina ang utak ko. Pinipilit mo akong sumama sa'yo magsimba. Pinapagbihis mo nga ako di ba? Di ka namimilit?”Tumayo na siya at dumukwang palapit sa akin. Kita ng mga mata ko k
Hapon ng Friday nang magkayayaan kaming magkakaibigan na magtungo mamayang gabi ng club. Tutal ay wala naman kaming pasok bukas. Dating gawi, kumbaga. Sa totoo lang ay kahapon pa naman namin iyon napag-usapan kaya naman pagpasok ko kaninang umaga ay may dala na akong damit na susuotin na nakalagay sa maliit na paperbag. Hindi ko na rin pinili pang tumutol at salungatin ang gusto nila nang dahil sa hindi ko pagsipot at pagsama sa kanila noong nakaraang linggo. Bukod sa nahihiya akong biguin sila ay kilalang-kilala rin nila ako. Hindi ko ugali ang mag-rason ng kung anu-ano, kung gagawin ko man iyon ay paniguradong uulanin nila ng mga katanungan at dapat may sagot ako.“Tama lang na lumabas tayo mamaya. Sobrang hell week kaya ang pinagdaanan natin ngayong Linggo. Kailangang magsaya ng mga utak natin. Deserve na deserve natin iyon, mga Girls.” si Josefa na patalon-talon ang paglakad, halatang sobrang excited sa gagawin namin mamaya. Mukhang nahawa na siya ni Shanael, na sa aming apat ay s
After malaman iyon ay lutang akong lumakad. Tutop ang bibig. Ilang beses ko iyong inisip para lang namnamin kung totoo ba ang mga narinig. Ang isa sa mga kaibigan ko at ang class adviser namin ay may relasyon? Totoo ba talaga? Jusko naman. Ano kayang pumasok sa isip ni Glyzel para magdesisyon na mahalin siya? Oo na, gwapo na at malakas ang dating pero ang age gap nila ang laki. Ni hindi niya rin hiningi ang opinyon namin. Siguro dahil alam niyang hindi kami papayag at isa kami sa hadlang sa bawal na relasyon nila?“Hilary, hintayin mo naman kami!”Hinawakan ni Josefa ang kamay ko nang abutan. Hanggang makarating kami sa apartment ay di na ako ulit nagsalita. Gulat na gulat pa rin.“Hilary, sorry. Kaya ayoko ng ipaalam pa sa'yo eh, baka magalit ka sa akin at—”“That's enough. Buhay mo naman iyan. Desisyon mo. Labas na kami sa kung ano ang gusto mo.” awat ko sa kanya right after na makapasok kami sa loob ng apartment, “You don't owe us any explanation. Feelings mo iyan, Glyzel. Hindi nam
Hindi ko maiwasang mamutla. Bigla na lang nahimasmasan at parang nilubayan ako ng kalasingan nang i-angat ang aking nanlalabong paningin. Ang malabong imahe lang naman ng tukmol ang bumungad sa aking harap, nakatayo. Hinihingal sa galit. Nakahawak sa beywang ang isa niyang kamay. Sa gitna ng dilim at panaka-nakang galaw ng ilaw na tumatama sa kanyang mukha ay kita ko ang pagtiim-bagang niya. Ilang beses beses kong kinusot ang aking mga mata. Baka guni-guni ko lang naman lahat. Baka namamalikmata lang ako. Ngunit hindi, hindi siya mawala sa paningin ko. Napatunayan ko pa iyon na totoo nang pagalit na siyang magsalita.“Kanina pa ako tumatawag sa'yo. Bakit hindi mo sinasagot? Sinadya mong e-deadma ang tawag ko ano? Narito ka lang pala sa lugar na ito!” madiin at madilim ang mga matang sambit niya.Feeling ko kapag pumalag ako at isang maling salita ko ay bigla niya na akong kakaladkarin. Saglit na sumikdo ang labis na takot sa dibdib ko. Napalunok na ako ng laway. Kabado man sa takot ay