Share

Chapter 9: Needs a Companion

Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.

Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!

“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”

“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”

Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.

Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status