Share

Chapter 5 - He clearly dislikes her

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang paghakbang sa mahabang pasilyo ng unibersidad. Sabado ng umaga at patungo na ako sa room para sa una kong subject. Ang isip ko ay wala sa pag-aaral kundi sa naging pag-uusap namin ni Daddy. Magbuhat noong kausapin nila ako ni mommy ay hindi na ako napanatag. Gulong gulo ang isip ko.

Seryoso ba sila mommy at daddy sa sinabi nila? Paanong sa isang iglap ay nagpagdesisyonan nilang ipagkasundo ako ng kasal kay Nathan? Ni hindi nga nila lubos na kilala ang lalaking ‘yon! Hindi din sila nag-aksayang tanungin ako kung anong klaseng lalaki siya. Gaano ba kababaw ang tingin nila sa akin na ultimo ang kaligayahan ko ay hindi na nila binigyan ng halaga? Is it because I am a failure in their view that they have stripped me of my right to choose the man I should marry? Dahil lang ba sa nagkamali ako kay Ryan? Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak dahil sa mga katanungang ito. Bukod sa nasasaktan pa rin ako kay Ryan, nasasaktan din ako sa ipinaparamdam sa akin ng aking mga magulang ko.

Alam na kaya ni Nathan ang balak ng parents namin? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? He'll be furious, of course! Especially considering something is going on between him and Mary Rose. Ngayon ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Siguro ay iiwasan ko na lang muna siya.

Ngunit tila binibiro ako ng pagkakataon dahil si Nathan ang una kong namataan na nakatayo malapit sa aming room. He looks dashing as usual. But seeing his gloomy face, I knew he was mad. At mukhang may hinihintay siya. Agad kumalabog ang aking dibdib lalo na nang bumaling siya sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata. Agad kumunot ang kaniyang noo at ngayon ay nakasisiguro akong alam na rin niya ang gustong mangyari ng aming mga magulang.

I pretended not to notice him. Akmang lalampasan ko na siya nang hablutin niya ang braso ko.

“E-Excuse me?” kunwa ay inis na baling ko sa kaniya para itago ang kaba.

“Can we talk?” Halata ang inis sa gwapo niyang mukha.

“A-Anong pag-uusapan natin?”

Tumawa siya pero iyong tipo na nakakaloko. His mouth twisted into a smile, but his eyes mocked me.

“Oh, come on Ashley! Huwag na tayong maglokohan dito! You knew what I wanted to talk about!” Maging sa boses niya ay halata ang matinding iritasyon.

“If it’s about the marriage—” hindi ko natapos ang sasabihin dahil malakas niya akong hinila. Sa isang sulok sa puno ng hagdan patungo sa ikalawang palapag niya ako dinala. Mukhang wala siyang pakialam kung ma-late man kami sa klase. Bahagya pa akong nawalan ng balanse nang pabigla niyang binitiwan ang pagkakahawak sa braso ko pero hindi niya iyon pinansin.

“Let me get to the point. I have no plan of marrying you. Wala sa plano ko ang magpakasal, lalo na sa babaeng hindi ko gusto,” direkta at seryoso niyang sabi.

Bagamat nasaktan ako sa sinabi niya ay agad din ang pag-ahon ng inis ko. Akala yata niya ay gustong gusto ko ang maikasal sa kaniya!

“I won’t marry you either! Akala mo ba ay gusto kong makasal sayo?” bwelta ko sa kaniya. Saglit na nabasa ko ang pagkagulat sa kaniyang gwapong mukha.

“Please lower your voice, baka may makarinig sa’yo. The last thing I want is for our classmates to find out we're getting married. Kung ayaw mo din pala ang ideyang makasal tayo, then please tell your parents to cancel their plans of marrying us,” utos niya sa akin.

Natigilan ako sa utos niya. I know I can’t disobey my dad! I’ve never done that before, and I still can’t do it now.

“I-I can’t,” mahinang sagot ko. Kahit papaano ay nahihiya ako sa sagot kong ito. Baka isipin pa niya ay nagdadahilan lang ako.

Lalong kumunot ang noo niya at higit ang inis sa boses niya nang muling magsalita. “Why? Kung talagang ayaw mong maikasal tayo, kakausapin mo ang mga magulang mo!”

“Eh bakit hindi ikaw ang kumausap sa magulang mo para hindi na nila ituloy ang plano nilang ipakasal tayo?” bwelta ko sa kaniya.

Naihilamos niya ang palad sa mukha dala ng matinding iritasyon. “Just so you know, ang mga magulang mo ang may gustong makasal tayo. It was their f*cking idea!”

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. It was my parent’s idea? Ganoon sila ka-desperado?

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang ganap kong maunawaan ang sinasabi niya. Ang mga salita ni Nathan at ang nakikita kong reaksyon niya ay sapat para manliit ako. Tila ba ipinagpipilitan ako ng mga magulang ko sa isang lalaking ayaw naman sa akin.

Paano nila ako nagawang ilagay sa ganitong sitwasyon?

Bumuka ang bibig ko para sana sumagot pero hindi ko maapuhap ang tamang salita para ipagtanggol ang sarili. Bigla ay hindi ko kayang salubongin ang mga mata niya kaya nanatili na lang akong nakatingin sa ibaba. Mga yabag at boses ng mga kaklase namin ang nakapukaw ng atensyon ni Nathan. Paglingon ko ay namataan ko na rin ang pigura ng professor namin na naglalakad patungo sa aming silid. Walang imik si Nathan na humakbang palayo sa akin. Tila ba takot na takot siyang may makakitang magkausap kami. Wala na akong nagawa kundi tahimik na sumunod sa kaniya.

Siya ba ang lalaking gusto ng mga magulang kong ipakasal sa akin? Una pa lang ay hindi na maganda ang pagtatagpo namin at mukhang kailanman ay hindi kami magkakasundo. Lalo na ngayon na nakikita ko ang matinding disgusto niya sa akin!

“Mukhang tinanghali ka yata ngayon?” baling sa akin ni Gina pagkaupo ko sa tabi niya.

“H-Ha? O-Oo, medyo late na ako nagising,” palusot ko. Sa gilid ng mga mata ay nakita kong naupo si Nathan sa tabi ni Mary Rose. Napailing na lang ako. He has no plans to stop pursuing Mary Rose. Bigla akong natigilan sa naisip. At bakit ko naman pino-problema iyon? Eh ano kung ligawan niya si Mary Rose? Ang dapat mas unahin kong isipin ay paano makukumbinse ang mga magulang ko na tigilan na ang planong ipakasal ako kay Nathan! Naihalamos ko ang palad sa mukha dahil sa naisip.

“Miss Tan!” Halos mahulog ako sa upuan sa pagkagulat sa pagtawag sa akin ng aming professor. Hindi ko namalayan na lumilipad na pala ang isip ko sa ibang bagay.

“Y-Yes, m-maam?” Halata ang panginginig ng boses ko dahilan para mag-init ang pisngi ko sa hiya. Ramdam ko din ang tinginan sa akin ng mga kaklase ko.

“Your attention appears to be drawn elsewhere rather than to our discussion,” seryosong puna sa akin ng aming professor. Tahimik ang buong room at dinig ng lahat ang sinabi ng professor namin. My heart was racing, and I could feel the sweat forming on my brow. I've never felt embarrassed in front of a class before! At kung kailan nasa graduate school ako, saka pa nangyari ito.

“You will be the reporter next meeting. Make sure that you are well prepared.” Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses niya. Mukhang wala pa yata siya sa mood at ako ang maswerteng napagdiskitahan.

“O-Okay, maam. S-Sorry.” Hiyang hiya talaga ako kaya buong klase ay nanatili akong nakatungo. Gusto ko nang matapos ang araw dahil pakiramdam ko ay pulos kamalasan ang nangyari sa akin.

Buong maghapon ay iniwasan ko ding makasalamuha si Nathan. Ni hindi ko siya tinitingnan at ganoon din siya sa akin. Abala ang atensyon niya kay Mary Rose.

“Parang napakamalas mo naman ngayong taon na ito, girl!” bulalas ni Ezra nang ikwento ko sa kanila ni Tricia ang mga nangyari sa akin simula pumasok ako sa graduate school. Gabi na noon at inaya ko sila sa isang café para mailabas lahat ng sama ng loob ko. Natural hindi ko sinabi sa kanila ang kabaliwan ng mga magulang ko.

Matalik kong kaibigan sina Ezra at Tricia. Apat kami dati, kasama si Michelle na mas kinasanayan na namin tawaging Mitch. Pero dahil nga sinulot nito ang boyfriend ko, nagkalamat na ang pagkakaibigan namin. Hindi ko naman pinapili sina Ezra at Tricia sa aming dalawa ni Mitch. Kung gusto pa rin nilang kaibigan si Mitch ay okay lang sa akin. Pero si Mitch na ang kusang naglayo ng sarili. Isa pa ay matabil ang bibig ni Ezra kaya nakatikim siya ng mga salita buhat dito.

“Hayaan mo Ashley, may kapalit na blessings iyan,” pag-aalo ni Tricia. Siya ang complete opposite ni Ezra. Mahinhin siya, napakalumanay magsalita at comforting ang awra.

“Ewan ko ba! Sa tingin mo may blessing pa na naghihintay sakin?” tanong ko. Ayaw ko lang ipahalata pero napakababa na ng tingin ko sa sarili ko. Iyong ipinaramdam sa akin ni Ryan na hindi ako sapat para sa kaniya, iyong pakiramdam na ipinagtutulakan ako ng mga magulang ko sa isang lalaki na hindi ako gusto, at ang pagkapahiya ko kanina sa klase ay umuubos sa kumpyansa ko sa sarili. Akala ko kapag nagsimula akong mag-aral ay mababawasan ang lungkot ko.

“Oo naman Trish! Magtiwala ka lang,” sagot ni Tricia na tumango-tango pa. Napangiti ako sa pagiging positibo niya.

“Sino ba kasi iyong Mary Rose na iyon?” usisa ni Ezra.

“Hindi ko alam ang background niya,”sagot ko na lang. Baka i-stalk pa ito ni Ezra sa social media. Alam na alam ko na ang ugali ng kaibigan kong ito!

“Si Ryan nagtatanong sa akin kung totoo na nag-enrol ka sa masteral,” kwento ni Ezra.

Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng cake sa narinig. At bakit nagtatanong si Ryan ng tungkol sa akin? Iniisip pa rin ba niya ako?

“B-bakit daw?” hindi ko napigilang itanong.

“Aba ewan ko! Kapal nga ng mukhang magtanong pa sa akin,” nakasimangot na sagot ni Ezra.

Hindi ako umimik kaya pinakatitigan ako ng kaibigan. Iniwasan ko naman ang mga mata niya.

“Oh, huwag mo sabihing affected ka pa sa lalaking iyon? Gusto mong saksakin kita nitong tinidor na hawak ko?” aniya pagkakita sa iginawi ko.

“Hindi ah!” tanggi ko kahit pa maging ako ay hindi kumbinsido sa sagot ko.

Alam ko sa sarili ko na natutuwa pa rin ako dahil kahit papaano ay curious si Ryan sa mga ginagawa ko. Ilang buwan na kaming hindi nag-uusap. Mula noong mabisto ko ang panloloko niya sa akin. At ang naging babae pa niya ay si Mitch. Sobrang sakit pa rin kapag naiisip ko iyon. Ang tagal kong minahal si Ryan. Hindi ko inakala na lolokohin niya lang pala ako. Ang higit na masakit ay alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya. Kahit ilang beses kong itanggi, at kahit gaano ko siyang kinasusuklaman, alam kong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kaniya.           

“Sayang lang ang kilig ko dati sa lalaking iyon! Manloloko din pala,” bulong pa ni Ezra.

Naiintindihan ko kung bakit galit na galit din siya kay Ryan. Magkakatrabaho kaming tatlo. Siya ang saksi sa simula namin ni Ryan. Magmula noong kinakantyawan pa lang kami ng mga katrabaho namin, noong ligawan ako ni Ryan hanggang sa maging mag-nobyo kami. Maging ang wakas namin ay si Ezra din ang saksi.

“Hoy! Tulala ka na!” pukaw ni Ezra sa lumilipad kong isipan.

“Ha?” sagot ko.

“Sabi ni Tricia, sino daw ba si Mr. Pogi?” excited na tanong ni Ezra.

“Hmmnn..si Nathaniel Torres ba?” Agad ang pagkairita ko pagka-alala sa lalaki.

Dali-daling nagtipa si Tricia sa cellphone pagkarinig sa pangalan na binanggit ko habang naki-usyoso si Ezra dito. Batid kong hinahanap nila sa social media ang lalaki.

“Wala namang lumabas eh,” disappointed na sagot ni Tricia.

“How about, Nathan Torres? Nathan ang tawag sa kaniya ng mga close sa kaniya at ni Tita Sherry eh.”

Muling nagtipa si Tricia sa cellphone.

“Ayan! Ayan girl! Baka iyan na. I-click mo daliii,” utos ni Ezra. Napalakas ang boses niya, pero mukhang wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

“Teka lang naman girl! Excited ka,” reklamo ni Tricia.

Napailing na lang ako sa dalawa. May pagka-tsismosa din talaga ang mga ito! At halos sabay na napasinghap ang dalawa at napatingin sa akin.

“Akina nga! Para matitigan kong mabuti.” Hindi na napigilan ni Ezra ang sarili at hinablot na kay Tricia ang cellphone. Nasulyapan ko naman agad ang picture ni Nathan sa screen ng phone. Ini-zoom pa iyon ni Ezra.

“Ang daya mo naman, girl! Cellphone ko ‘yan eh! Patingin ako!” reklamo ni Tricia.

“Ayy girl!!! Ang gwapo nga!” exaggerated at halos maiyak na sigaw ni Ezra. Inihawak pa niya ang kamay sa dibdib na animoy malalaglag ang puso niya.

Hinablot na ni Tricia ang cellphone kay Ezra. “Hmn, graduate ng engineering. Bakit kaklase mo siya sa masteral?” tanong sa akin ng kaibigan kong mahinhin nga pero huwag kang pakasisiguro dahil mas mahusay siyang mag-imbestiga. Siya nga ang dahilan kaya ko nabuking si Ryan at Mitch.

“Siguro dahil minor subjects pa lang?” hindi din siguradong sagot ko.

“Hindi mo alam?! Dapat inaalam mo! Ang gwapo gwapo eh!” sigaw sa akin ni Ezra kaya inirapan ko lang siya. Noon ako hinawakan ni Ezra sa magkabilang braso. “Girl, pwede pa bang humabol mag-enrol sa gradschool?”

Pabirong binato ko siya ng nadampot kong table napkin at natawa naman siya. Ano kaya ang sasabihin nila kapag nalaman nilang pinaplano ng mga magulang kong ipakasal ako sa Nathaniel Torres na iyon? Muli nabalot na naman ako ng matinding pag-aalala.

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Wilma Llona
hahahaha bwesit ka Nathan kainin mo Sana sinabi mo di mo Mahal si ashley
goodnovel comment avatar
Russell Alabado
feeling mo nathan ah..akala mo nmn gusto din magpkasal sayo ni ashley......
goodnovel comment avatar
Marife Kabristante
Nathan ang sarap mong isako, bat ganyang ugali mo? nako nako. wag kang magpakasal sa kanya Ashley, maglayas kananang kaya sa inyo? baka sakaling mahimasmasan magulang mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status