Share

[01]: Sella

Chapter 1

Eleven days na lang at magbabalik na ang klase, di pa nga ako nakabili ng kakailanganin ko sa school. Naghihirap na talaga ako. Aish, starving to death na ang aabutan ko kapag hindi pa ako makakahanap ng matitirahan at makakakain ng regular. Punyetang buhay na 'to oh! Kaninang hapon pa kasi ako pinalayas ng landlady ko sa tinitirahan kong apartment at ngayon, wala akong matutulugan at makakakain kasi limang daan na lang ang natira kong pera at hindi pa ko sinuswelduhan ng tinatrabahuan kong restobar at cafe na medyo malayo sa school. Kasalakuyan akong scholar sa South Eastern University kasama ang bestfriend ko. Heto ngayon, nakatunga-nga kami ni Aliane sa restobar na tinatrabahuan namin.

"Li, pwede ba akong makitulog sa inyo? Kahit isang gabi lang. Wala kasi akong mahanap na matitirahan ehh. Kaninang hapon lang kasi ako pinaalis ni Madam Lara eh." Pakiusap ko kay Aliane, siya yung bestfriend ko since senior high school kami.

"Oo naman, tatawag muna ako kay mommy na dun ka matutulog mamaya." Sagot niya ng nakangiti. Natapos na siyang tumawag kay mommy Lisa at bumaling sa'kin.

"Salamat talaga ah, di bale, ililibre kita 'pag binigay na ang sahod ko at makahanap na ng matitirahan." Tinulungan ako ni Aliane sa pagdala ng bagahe ko. Dala-dala ko kasi ang maleta ko at saka yung backpack ko.

"Sus! Ikaw pa! Para saan ba yung bestfriends kung hindi naman magtutulungan? 'Nu ka ba, Okay lang yun." Nagcommute kami papunta sa bahay niya at ng nakarating na kami, ay agad kaming isinalubong ng mga kapatid niya. Ginamit daw kasi ni tita Lisa yung kotse niya.

Ako si Jenna Alejane (Ale-ha-ni) Salini. Nangungulila sa magulang at nagtataguyod ng sarili para may pangkain at makapagtapos ng pag-aaral. Third year college na ako at malapit ng makapagtapos sa kursong Interior Design. Ilang taon ko ng bestfriend si Aliane Ylanesibela Locsin at gusto niyang maging pulis o nasa army saka mahilig siyang magdrawing pero pinili niyang magdoktor dahil hindi siya papayagan ng mommy niyang magpagupit ng maikling buhok. Pareho kaming may hilig sa art at music. Magkasama kami minsan mag-gig sa cafe at kasama naman ang boyfriend niya kapag nasa restobar kami. Kadalasan ako ang nag-gigitara pero minsan kumakanta din, si Aliane ang nagpipiano at ang boyfriend niya ang kumakanta kapag nasa restobar kami. Mabuti naman at mabait yung boyfriend niyang si Ethan edi bati-bati kami palagi. Sa cafe, ay palagi akong kumakanta habang nag-gigitara pero minsan nags-switch kami ni Aliane para maiba naman.

*

"Hi, ate Jenna!" Sabay nilang bati sa'kin.

"Ay grabe, si ate Jenna niyo lang?" Ngumisi lang sila at binati rin si Aliane. "Ahehe sorry po ate, hello po! Pasok po kayo." Sabay kaming pumasok sa loob at umupo sa mahabang sopa. Nakikitulog ako minsan sa bahay nila kapag may project na kailangang tapusin.

Iniwan namin ang bagahe ko at nagtungo ng kusina ng makaamoy ng mabangong aroma na niluluto na naman ni mommy Lisa ang paboritong Tinolang Manok namin ni Aliane.

"Hi, hija! Mabuti naman at narito ka para magpalipas ng gabi. Nagluto agad ako ng paborito niyo ng tinawagan ako ni Liane. Tuwang-tuwa talaga ako kapag nandito ka kasi may makakasama na akong magluluto bukas, ito kasing si Aliane ang tamad-tamad magluto, ewan ko ba kung makakain pa to ng lutong bahay kapag wala ako." Tinawanan lang namin ni mommy ang huling sinabi niya.

“Ha-ha-ha, sige po ma, pasok na kami sa kwarto, aayusin pa kasi namin ang hihigaan namin.” Umakyat na kami at pumasok na sa kwarto niya.

“Alam mo ba, Jen, may nakita akong hottie-hottie kaninang umaga. Pero sayang may kasamang girl ehh. Gwapo pa naman sana, playboy nga lang.” Banggit niya.

“Tsk, wag ka ngang ganyan. Don't judge the book by it's cover. Ikaw naman, baka kapatid niya lang yun o pinsan. Tsaka, kilala mo ba yon? Pake mo naman.” Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paghahanda ng matutulugan namin mamaya.

“Pero sis, ang wafu talaga niya eehhh!! Di ko mapigilan, kaya lang may boyfriend na'ko eh. Pero di bale, mas gwafu naman si Ethan ehh. Gusto mo imeet natin? Nasa cafe siya kanina, hinihintay yung babae.”

“Sino ba 'yan?” Tanong ko. “Di ko kilala sis, ehh. Yyiieee excited ako pag makita natin siya sa cafe tsaka feeling ko pasok siya sa taste mo.” Ay nakikilig ang loka. Kala naman niya katulad ko siya pero lab ko ang nakakalokang babaeng to.

"Anong taste-taste ko? Che! Wala akong taste noh. Basta ang matino tsaka mabait lang.” Natapos na kami at saktong tinawag na kami ni mommy Lisa tsaka bumaba para makakain ng hapunan.

“O, Jenna, kamusta ang araw mo?” Tanong ni tito Alino, tatay ni Aliane. “Okay naman po, kaya lang pinalayas ako ni Madam Lara kaninang hapon lang. Di pa kasi ako nakapagbayad ng renta ko pero babayaran ko naman ho kapag dumating na yung suhol ko sa part-time. Kaya lang, sabi niya hindi na daw ako babalik don.” Nakangiting tugon ko.

“Sana naman humiran ka muna sa'min ng pera pang bayad ng renta mo para sana hindi ka pinaalis ngayon. Pero di bale, gustong-gusto naman naming nandito ka para may dagdag kulit at kasiyahan sa bahay.” Wika ni mommy Lisa.

“Thank you po talaga ah, mommy, daddy, salamat at tinanggap niyo ako rito tsaka pumayag kayong tawagin ko kayong mommy at daddy. Mama at Papa na lang sana eh pero naginsist kayong tawagin ko kayo ng ganun. Kayo na lang ho ang natitirang pamilya ko at nagpapasalamat ako na nakilala ko kayong lahat kung hindi dahil kay Aliane, walang-wala ako ngayon. Kaya thank you ulit, wag ho kayong mag-alala, maghahanap ho ako ng bago kong apartment bukas.” Sa dinami-dami na ang nagawa ng pamilya ni Aliane sa'kin, hindi ko talaga makakalimutan ang pagtanggap nila at pagmamahal sa akin.

“O sige, sige, sasamahan ka na lang bukas ni Aliane maghahanap pero kung wala ka paring makikitang matutuluyan, edi, sa'min ka na lang muna.” Nakangiting sagot ni mommy Lisa. Nagkuwentuhan kami ng ilang oras at natapos na rin kaming kumain tsaka natulog na sa kani-kanilang kuwarto. Nakahilatay na kami sa kama ng nagsalita si Aliane at tinukod yung ulo niya sa braso niya.

“Jenna, alam mo.."

Sumulpot ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam." Hinayaan lang niya at nagsalita ulit. Nakapikit lang ako at hindi siya hinarap.

"May picture ako ni kuya hottie-hottie. Kinuhanan ko siya kanina habang hinihintay si girl sa cafe natin. Gusto mo bang makita? Nakalimutan kong sabihin sa’yo kanina kasi tinawag na tayo ni mommy.” Tanong niya na may nanunudyong ngiti sa labi.

“Wag na. Sa'yo na lang siya, wala akong perang pambigay sa'yo.” Tinukluban ko ang sarili ko ng kumot at hindi siya pinansin.

“Oh, really? Sayang gwapo pa naman. Bibigyan pa naman sana kita ng bagong strings para sa gitara mo. Binigay kasi sa'kin ni tito Lauro ang apat niyang sobra sa pagbili ng kulang niya para sa gitara niya. Sayang, Jen, yun pa din naman ang mga kulang mo, hindi ka makatugtog bukas sa cafe 'pag di mo dala yung gitara mo. Bawas suweldo na naman.” Banta niya sa'kin.

“Wah nu ka ba? Bibili na lang ako bukas, di ko kailangan 'yang picture na yan.” Hinayaan ko siya at natulog na kaming dalawa.

Pero gising pa pala siya. "Sure ka?" May pagkalungkot ang tono ng pananalita niya. "Di ko naman magagamit yung strings eh. Ibabalik ko na lang kay 'to Lauro sa susunod na araw. Pero valid until tomorrow, if you plan to change your mind."

"Eh, bakit mo pa kasi hiningi." Nakangiting sagot ko. "Para kasi magamit mo para bukas. Alam ko naman na wala kang pambili eh."

"O cge na nga! Thank you ha. Oh, Patingin na."

“Oo na, oo na, happy ka na?” Napipilitan niyang sabi pero halata sa mukha niya ang pagkasaya.

“Ang saya-saya ko Sella! Thank you, Thank you so much, I Love You, my bunny.” Niyakap niya ang babae at nagtugon ng tatlong matatamis na salita ang babae. “Ahahaha, I Love You din.” At ginawaran ito ng halik sa labi. “Iwasan mo siya, dahil kung hindi, hindi lang hiwalayan ang makukuha mo sakin kundi mag-asawang sampal pa.” “Wag mo akong iiwan para kay April ah. Malulungkot si Baby Melody yan, sige ka.” Banta ng babae sa kausap. “Hinding-hindi kita kayang iwan lalo na’t may Baby Melody na tayo, oh.” Hinimas-himas niya ang ulo ni Melody na nasa paanan niya at niyakap ang lalake.

Nakakasilaw ang sikat ng araw sa mga mata ko kaya napabalikwas akong napabangon ng mas mabilis pa sa alas kwatro. Hindi pa rin pamilyar sakin ang lalake sa panaginip ko. Pagkatapos kong tingnan yung larawan na ipinakita sa akin ni Aliane kagabi, parang nakita ko na siya dati.

“Binabangungot na naman ako ng parehong panaginip, kalian kaya ako tantanan nito? Alam kong mas-stress ako ngayon pero di bale, chillax lang para yawat pa ang white hairs tsaka wrinkles.” Napaisip ako at binalewala ko na lang yun.

"Sino ba talaga si Sella, si Melody at si April? Parte ba sila ng buhay ko? Tsaka parang may pinapaalala sa’kin eh. Ano ba’to? Para kasing may saysay sa bu—.” Nagulat ako ng magsalita si Aliane sa tabi ko. Gising na pala siya, hindi ko naman napansin.

“Oh, ano? Binabangungot ka na naman? Feeling ko talaga may parte si Sella, April at Melody sa buhay mo eh. Wala ka namang sinasabing may amnesia ka. Natatandaan mo pa naman ang nakaraan mo, diba?” Medyo inis na may halong kuryosidad niyang tanong.

“Oo naman. Pero ang iba hindi ko na natatandaan kasi masyadong matagal na kasi yun. Normal naman yun, diba?” Bumangon na kami at niligpit ang hinigaan namin tsaka naligo na at naghanda ng agahan.

End Of Chapter 1

Oh? Kamusta ang unang kabanata? Maganda ba? Comment niyo lang po pag nagustuhan niyo. Salamat naman at nakaabot ka rito! Ahehi.. salamat sa pagbabasa!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status