Tatlong magkakasunod na katok na walang sagot mula sa loob ang ginawa ni Sean bago pinihit at itinulak ang pinto ng master suite. Dumeretso ang tingin niya sa kama pero agad na kumunot ang noo nang makitang wala roon ang sadya. Lumipad ang tingin niya sa couch.
Bumuntong-hininga si Sean. Naroon si Thera. Nakabaluktot sa pagkakahiga, hawak ang tiyan, at may nakatakip na face towel sa mukha. Lumakad siya palapit sa kinahihigaan nito.
Tumikhim siya. Pero hindi ito tuminag man lang kahit ginawa niyang obvious ang presensiya.
“Stop starving yourself. May nakahandang pagkain sa ibaba.”
Mahinang ungol lang ang isinagot nito.
“I can pretend I did not hear what you said yesterday. There’s no need to be embarrassed.” Bumuntong-hininga si Sean nang hindi pa rin kumibo ang babae. “Were you that upset? Kapag bumalik na ang lahat ng alaala mo, maiintindihan mo na para sa ikabubuti mo ang ginawa ko.”
August 10, 2015Baguio City, PhilippinesMalakas pa rin ang buhos ng ulan. Panaka-naka pa rin ang kulog, ang kidlat, at naghahamon pa rin ang bagyo sa labas. Thera’s body was slightly shaking, nararamdaman na niya ang panunuot ng lamig sa kanyang katawan na walang saplot maliban sa suot na underwear.Bumuntong-hininga si Sean. Lumapit ito sa kanya nang makita ang panginginig niya. Dinampot nito ang basang damit niya, saka siya inalalayan para maupo sa tub na unti-unti nang nagkakatubig.Nagpaubaya si Thera. Namamanhid ang kaloob-looban niya. Pati ang utak, pakiramdam niya ay tumatangging gumana.Ano pa ba ang dapat niyang gawin para bumalik sila ni Sean sa dati? Wala na ba? Wala na ba talagang pag-asa? Nagpapakatanga na lang siya, alam niya. Pero gusto niyang kahit paano ay maliwanagan.Ang nangyari noong gabi
Pinalis ni Thera ang luha sa mga mata. Hindi niya kilala ang lalaki pero mukhang kailangan nga nito ang tulong niya.“My car broke down few meters away from here. You can see it from here. There!” Itinuro nito ang isang pulang kotse sa bandang likuran niya. Naka-hazard signal habang nakaparada sa gilid ng kalsada.“S-saan ka ba papunta?”“Sa Pangasinan, Miss. May a-attend-an akong seminar bukas ng umaga. Puwede ba akong makisabay?”Nag-hesitate si Thera. Maraming modus sa kalye, hihingi ng tulong kunwari nasiraan ng sasakyan pero iyon pala kidnapper, carnapper, o rapist. Pero hindi naman niya maaatim na basta na lang itong iwan, mas malamig ang temperatura ng Baguio dahil sa bagyo.“Ibababa kita sa Pangasinan,” sa wakas ay sabi niya. Nagliwanag ang mukha ng lalaki, agad tumalima para sumakay sa kotse.
Bago pa makasagot si Thera, nahawakan na ni Sean ang kanang kamay niya. Hindi na niya namalayan kung paano sila nakalabas ng restroom pero nakaringgan niya ang sinabi nito sa dalawang empleyado bago siya iginiya palabas ng pinto.“See me in my office tomorrow,” sabi nito sa seryosong anyo at tono.Nagtataka si Thera, paano nito nalaman na nasa restroom siya? May pakiramdam siya na alam din nito na nagigisa siya sa loob nang walang kalaban-laban.Pumasok ito sa banyo na laan para sa mga babae hindi para itanong kung puwede pa ba itong maging asawa niya uli. Kundi para iparating sa dalawang empleyado na hindi na siya makakanti uli ng mga ito. Dahil ba-backup-an na siya nito kahit ano ang mangyari.Malalaki ang mga hakbang at mahigpit ang hawak ni Sean sa kamay niya. Sinusundan sila ng tingin ng bawat madaanan at masalubong nila sa pasilyo ng palapag na iyon kahit hanggang sa hilera ng elevator kung saan sila huminto.Baki
Nakailang hugot at buga ng hininga si Thera habang nag-iipon ng lakas ng loob na lumabas ng banyo. May ilang minuto na siyang tapos maligo at nakabihis pero hindi pa rin niya makuhang lumabas.Nabistahan na niya ang loob ng condo kanina. Partikular ang kama na nasa gitna ng kuwarto. Double bed. Si Sean mismo ang nagpalit ng bedsheet bago ito naligo kanina.Ano ba ang naisip niya noon para bumili ng ganoon kakipot na kama? Kung hihiga sa tabi niya si Sean, tiyak na magmumukhang single bed ang higaan.Inalok niya si Sean noon na matulog sa tabi niya. Ni wala siyang naramdaman kahit kaunting pag-aalangan, bakit ngayon, para siyang sinisilihan?Pa-treinta ka na, Thera, hindi seventeen. Bakit kung umarte ka, parang teenager pa rin? pagkausap niya sa sarili.For the nth time, nagbuga siya ng hangin sa baga. Masyado siyang nag-o-overthink, baka nga sa couch pa matulog ang lalaki imbes na tumabi sa kanya.Binuksan ni Thera
“A-ano’ng ginagawa mo?” Kandautal si Thera sa takot. “S-sino—?”Lalong ngumisi ang lalaki. Sa likod nito, bahagya pa niyang nasulyapan ang pagsasara at autolock ng pinto.“Ang dali mo namang makalimot, Thera. Ni hindi pa nga halos naghihilom ang magkabila kong panga,” sabi nito na ikiniling ang mukha para ipakita sa kanya ang panga.Nalilito si Thera. Hindi niya matandaan ang lalaki kahit anong pilit niya. My atraso ba sila sa isa’t isa? Kagabi, nginitian niya pa ito nang dumaan sa harap niya.“K-kung ano man ang ginawa ko sa ‘yo noon, humihingi ako ng tawad. H-hindi ko…”Nanlisik ang mga mata ng lalaki. Bawat hakbang palapit sa kanya ay may katumbas na hakbang paatras sa kanya. Panay ang tahimik na pagdarasal niya na dumating na sana agad sina Ringgo at Laida.“You humiliated me in front of those people! Dahil sa ‘yo, tuluyan nang nak
“Sir, naka-ready na ang suite,”sabi ni Yumi na katatapos lang makipag-usap sa housekeeping gamit ang cell phone.Imbes na ibiyahe pa si Thera pauwi ng condo, Sean decided to spend their night at The Palace Hotel. May mga kailangan din siyang tapusing trabaho sa opisina dahil sa halos kalahating araw na pagsunod kay Thera.Babalik siya sa opisina pagkatapos masigurong tulog na ito mamaya. Kumilos siya para alalayan itong tumayo.Malalim ang hinugot na hininga ni Sean nang mag-angat si Thera ng mukha. Sa namumungay na mga mata, ngumiti ito. Sapilitan niyang binawi ang tingin nang ikawit nito ang braso sa kanyang batok nang maingat niya itong pangkuin.Pagdating sa suite, inihiga niya si Thera sa malambot na kama. Panay ang kilos nito, tinatangkang hubarin ang blouse.Gusto niyang mapailing. Bakit hinayaan niya itong malasing? Nagbuga siya ng hangin, saka naupo sa kama.Kinalas ni Sean ang butones ng suot na b
August 11, 2015Pangasinan, PhilippinesIpinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung
October 14, 2015The Palace HotelMay ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her, parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I