Share

Chapter Sixteen: Cheesecake

October 29, 2019

Baguio City, Philippines

Naglakad si Thera palabas ng looban para mag-abang ng taxi pabalik ng villa. Iyon ang pangatlong beses na bumalik siya sa bahay ng pamilya ni Kisses para magbaka-sakaling may tao na siyang maaabutan.

Bumalik siya kahapon at naghintay sa loob ng mahigit kalahating oras pero kagaya noong una, walang nagbukas ng gate sa kanya.

Nang araw na iyon, sinubukan uli niyang pumunta. Hindi niya kilala ang matandang lalaking nagbukas sa kanya ng gate ng bahay na renovated.

Bumagsak ang mga balikat niya nang malamang may apat na taon na ang nakararaan nang ibenta ng tatay ni Kisses ang property.

“Bumabalik pa ho ba sila rito sa Baguio?” naitanong niya.

“Naku, hindi ako sigurado pero malamang ay hindi na. Sinuwerte ‘yong bunso nilang anak na babae na nakabingwit ng mayamang negosyanteng taga-Maynil

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status