MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)

MY MIRACLE KISS (TAGALOG R-16)

last updateLast Updated : 2023-11-20
By:  Rain DearOngoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
15 ratings. 15 reviews
86Chapters
17.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

“Some beginnings start with hellos, but ours started with a kiss.” Amaia was at lost of hope and Luke has just attempted to die when their path crossed. Araw-araw ay pahirap nang pahirap at pabigat nang pabigat na ang pinagdadaanan ni Amaia. Her father hates her, her sister despises her. Wala na ang ina niya para protektahan siya. All she has is herself and her sadness. Ngunit sa gabing sukong-suko na siya, natagpuan niya ang isang lalaking nakahilata sa gilid ng dagat. Although she has no idea who the man was, she suddenly became scared of him dying. With her desire of saving the man, she gave him a mouth to mouth—giving up her first kiss. But what is this? The mysterious man is responding to her kiss! For a love that started out with a kiss, how will it turn out in the end?

View More

Chapter 1

SIMULA

Isang malakas na sampal ang natamo ni Amaia mula sa kanyang ama pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kanilang bahay. Sa likod ng ginoo ay nakatayo ang ate niya, mayabang na nakangisi dahil isang pagsisinungaling na naman niya ang pinaniwalaan ng ama.

“That’s not true. Ginabi ako ng uwi dahil may tinapos pa kaming project sa school. Hindi ako sumama sa kaklase kong magbar at mas lalong hindi ako umiinom, dad.”

“Hindi? E kitang-kita nga kitang sumakay doon sa kotse ng kaklase mong lalaki. Sa harap ka pa nga umupo. Stop lying!” Her ate Aizel insisted.

“Hindi ako nagsisinungaling. Dad, please, believe me.”

Dismayadong napailing-iling ang ama nito. Kitang-kita ni Amaia ang paglitaw ng galit at pagkadismaya sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Parang tuluyan nang nawalan ng lakas si Amaia para ipagtanggol pa ang sarili nang tinalikuran na siya ng ama.

Gusto niya pa sanang habulin ito at humingi ng tawad sa kasalanang hindi niya naman ginawa, pero sa dami na ng beses na siniraan siya ng kapatid at hindi pinaniwalaan ng ama, she can’t find any reason to defend her name anymore. Parang nasanay na itong paulit-ulit na madumihan ang pangalan, nasanay na at napapagod na siyang paulit-ulit na piliting baguhin ang tingin ng ama sa kanya. Dahil sa huli, ang ate lang pa rin nito ang kakampihan at paniniwalaan.

Of course, it’s Aizel, ang panganay at ang legal na anak. Sino ba naman siya, isang hamak na anak sa labas lang naman ng ama. Kinupkop dahil kaawa-awa at wala na ang ina para magtaguyod sa kaniya. She can never win against her lalo pa’t sa kanilang dalawa, higit na mas maganda ito, matalino at lahat ng ginagawa ay tama para sa ama. Kahit anong laban niya, wala itong panama sa ate niya.

“’Diba sinabi ko naman sa’yo, lumayo ka kay Maxxis?” Sinabi ni Aizel nang makaalis na ang kanilang ama. Pinagkrus nito ang mga braso sa harapan at tinaasan ng kilay ang nakababatang kapatid.

“Hinatid niya lang ako, ate. Nagmagandang loob lang naman si Kuya Maxxis dahil nakita niyang marami akong dala.”

“Nasa dugo niyo talaga ‘yan noh? Ang kumapit sa taong hindi naman nababagay sa inyo.”

Tila isang kutsilyong tumusok sa puso niya ang mga salitang binitawan ng ate. Naiintindihan niyang galit ito, naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng galit nito kaya sa halip na makipagtalo ay pinili niya na lamang na manahimik. Dahil kahit anong ingay pa ang gawin niya, walang makakarinig, walang makikinig.

She had nothing to do but let her eyes speak for herself. Mabilis na pinunas ang unang nalaglag na luha. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng kapatid pero hindi na niya ito napigilan. Samantalang hindi pa nakuntento si Aizel at tinapak-tapakan pa nito ang mga nagkalat na mga libro ni Amaia sa sahig.

“That’s what you get for ruining this family. I am only making you pay for what your mother did, Dvoire. Huwag kang umasta na parang ikaw lang ang biktima rito.” Huling sabi ni Aizel bago sumunod sa ama nito.

Doon lamang tuluyang napahagulgol si Amaia. The maids did nothing but to watch her and silently sympathize for her. Hindi sila makalapit para umawat dahil kagaya ni Amaia, natatakot rin sila sa pwedeng gawin ni Aizel. They love their jobs and if saving it means turning their back to the poor Amaia, they will do it.

Patakbong nilisan ng dalaga ang bahay. She ran in the lonely street of their subdivision, caring no more of who’s gonna see her or where will her feet bring her. Tumakbo lang ito nang tumakbo habang tuloy pa rin sa pag-alpasan ang mga luha. Nagpapatangay sa alon ng sandali, sa indayog ng kaniyang lungkot at nagluluksang puso.

Bakit ba napakalupit ng mundo sa kanya? Bakit ba walang sinuman ang nagmamahal sa kanya? Everything and everyone just seems to hate her existence. Gusto niyang lumaban pa rin para tuparin ang pangarap niya sa sarili at ng mommy niya. Pero parang ang mundo na mismo ang gumagawa ng paraan para sumuko siya. Gusto niyang isiping pagsubok lang ang mga ito, that in the end she will be rewarded with what she truly deserves. But the more she cries and feels the pain of loneliness, the more it becomes harder for her to even believe that.

Napatukod ito sa magkabilang tuhod nang marating ang baybayin ng San Joaquin. Hinahabol ang hininga habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha.

The sea breeze was freezing cold, ito na ang nagtuyo ng basang pisngi niya. Kabilugan rin ng buwan kung kaya’t hindi masyadong madilim doon, hindi na nakakatakot. In fact the sea and this darkness had been the only friends she ever had after losing her mom. Kaya sa tuwing nalulungkot ito, umiiyak o nasasaktan, dito siya pumupunta. Kapag nandito kasi siya, pakiramdam niya kasama niya pa rin ang ina niya.

“Mom, pagod na ako.” She whispered into the wind. And as always, it was just yet again the wind who answered her back with just another silence.

She felt the loneliness again, lonelier than ever. Becoming more and more unbearable.

Natigil lamang ang kanyang pag-iyak nang mapalingon ito sa kanan. Nambibilog ang mga matang napatitig sa isang katawan ng lalaking nakahilata sa may pampang. Basa ang puting polo at itim na pantalon nito, wala nang suot na sapatos at mukhang walang malay.

It was then too late when she had found herself running towards the unknown man. Saving his life. And giving up her first kiss.

And that kiss which she never knew would bring a big change in her life.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

Comments

user avatar
Sarah Magallanes
This is highly recommend story.
2023-01-17 07:41:02
2
user avatar
Nhenz Funes
waiting for the updates, ganda ng story love it...
2021-11-09 20:47:50
1
user avatar
Jemar Marasigan
good novel
2021-08-23 08:44:41
1
user avatar
Erna Aledo
more chapters please.
2021-08-09 07:21:45
1
user avatar
Sarah Magallanes
one of the best story of Ms. Rain...looking forward for the update..thank you
2021-07-14 01:35:41
1
user avatar
Ladygail12
I love this story 🥰
2021-07-05 11:28:45
1
user avatar
Ladygail12
Looking for more update Ms. Rain Dear. Ganda ng story mo 🥰
2021-06-15 16:43:18
1
user avatar
Erna Aledo
amazing.more chapter pls..
2021-06-06 06:26:45
1
user avatar
Sarah Magallanes
please update po..thank you 😊
2021-05-01 19:33:08
1
user avatar
Jemai C De Guzman
sobrang ganda ng story😍😍
2021-04-24 17:35:20
1
user avatar
Eva Harlowe
Kudos, Rain, and well done. You imbue every scene with such pathos and have a very likeable heroine in Amaia. You're also very good with cliffhangers. lintik! ;)
2021-03-10 23:22:39
3
user avatar
InspireMiya
Hmm.. kakaiyak sya😥 sa unahan palang nababasa ko.. Kudos Author😃
2021-03-10 10:56:34
1
user avatar
Clara Alonzo
asa simula pa lang ako but Ms. Eva is right, maganda ang flow Ng story and can't wait to read the next chapters. I envy you🤣🤣 makapagsulat na nga ulit. congratulations
2021-03-10 10:41:17
3
user avatar
Jo-ana Palabrica
nakakaiyak
2021-03-06 13:59:23
1
user avatar
Lev Romanban
like the story
2021-03-02 23:44:41
1
86 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status