Home / LGBTQ+ / Friday Loop / Chapter 6 Psycho

Share

Chapter 6 Psycho

Author: miss rishel
last update Last Updated: 2023-01-29 19:52:44

Benj Pov.

" Naniniwala kana ba na mayroong taong gusto pumatay sa kanya?"

Bigla nalang sumulpot ang batang babae sa harap ko, kahit na masakit kailangan kong tanggapin na walang nagawa to save him. 

" Naniniwala na ako" tugon ko habang umiiyak

" Huwag mong masyadong dibdibin ang mga nangyayari tiningnan mo ang isang magandang naidulot ng loop" makahulugan niyang sabi.

Tama siya ngayon napatunayan ko na mayroon talagang gustong pumatay sa kanya.

" Benj isang paalala muli bago ako aalis huwag mo masyadong dibdibin lahat baka kasi hindi ka aabot sa huling loop"

Hindi ko maintendihan ang mga sinasabi niya bigla nalang ulit siya nawala sa harap ko. Bumalik ako 2 years later napagdesisyonan kong umuwi nalang ng condo para doon mag- iisip ng mga susunod na plano. Pagdating nakita ko ang sasakyan ni Daddy sa harap ng condo. Lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob nakita kong nakaupo sa sala si Daddy at Venice, si Mommy naman naghahanda my pagkain sa kitchen.

" Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanila.

" Kuya ikaw na ba yan?"  Gulat na gulat na tanong ni Venice

" Akala ko nagpakamatay kana" sabi ni Daddy na may pagdidiin.

" Huwag kayong mag- alala marunong akong tumupad sa usapan" sabi ko bago umakyat sa taas.

" Benj samahan mo kaming kumain" pakiusap ni Mommy nakakita ko ulit ang kalungkutan sa mga mata niya.

" Opo Mom magbibihis lang ako" tugon ko bago nagpatuloy  sa paakyat. Nagbihis ako ng damit pangbahay at bumaba sa unang palapag.

Tumakbo si Venice at niyakap ako ng sobrang higpit

" Kuya I'm sorry masaya akong makita kang unti unting bumabangon"  umiiyak niyang sabi niyakap ko siya pabalik habang sinusubukan siyang patahanin.

" Patawarin mo ako pinaghintay kita ng matagal" bulong ko sa kanya kaya mas lalo siyang humagolhol sa pag-iyak.

"Mahal na mahal po kita Kuya"

" Mahal na mahal din kita"

"Pwede bang makisali gusto ko rin ng isang mahigpit na yakap" pati si Mommy napaiyak na rin bumuhos ulit ang mga luha sa mga mata ko habang yakap yakap silang dalawa.

" Tama na yan kumain na tayo" sabi ni Daddy ramdam ko ang malaking pagbabago sa ugali niya.

Hindi na siya ang dating supportive, maunawain na daddy na nakilala ko.

" Tara na"  hawak na hawak ni Mommy at Venice ang kamay ko at pinaupo sa harap ni Daddy.

Tahimik lang kami sa pagkain hangang sa nagsalita si Mommy para basagin ang katahimikan.

" Benj malapit na pala ang birthday mo anong gusto mong gawin natin?"  Nakangiti niyang tanong.

" Gusto kong mag beach" suggestion ni Venice na hatalang excited.

" Diba dapat ipagpatuloy niya ang kanyang pag aaral kaysa sa magplano ng isang birthday celebration" sabi ni Daddy

" Hon, ano kaba naman dalawang taon din tayo hindi nakapag celebrate ng birthday ni Benj" sabi ni Mommy

" Oo nga Dad tama si Mommy" pagsang- ayon naman ni Venice.

"Bakit kanino ba kasalanan kung bakit hindi natin naipagdiwang ang birthday niya"

Ibinaba ko ang hawak kong kutsara bago tumayo sa kinauupuan ko.

" Excuse me nawalan na ako ng ganang kumain" sabi ko at tumalikod.

" Benj huwag kang bastos" saad ni Daddy gamit ang ma autoritadong boses.

Hindi ko na siya pinakinggan ipinagpatuloy ko lang ang pag-akyat sa taas.

" Benj bumalik ka dito" sigaw ni Daddy

Pagpasok ko sa kwarto ni lock ko ang pinto para hindi sila makapasok. Hind ko alam kung bakit naging ganyan si Daddy huminga ako sa kama bago tumingala sa ceiling. Maraming pumapasok sa isip ko na mga tanong na walang sagot,  bigla akong napatayo ng maalala si Blue. Agad ko siyang tinawagan alam kong siya lang ang makakatulong sa akin para hanapin ang taong pumatay kay Nick. Gusto ko ring nalaman kung ano ang dahilan niya bakit niya patayin si Nick.

Ilang beses kong tinawagan ang number niya pero out of coverage.

" Benj aalis na kami sana intendihin mo nalang ang Daddy mo kung may oras ka dumalaw ka sa bahay alam kong matutuwa si Venice kapag umuwi ka paminsan minsan" sabi ni Mommy sa labas ng pinto.

" Okay Mom mag- ingat kayo" tugon ko ng marinig ko ang mga yabag niya pababa ng hagdan dali dali akong kumuha ng damit sa drawer.

Nagbihis ako para puntahan si Blue sa kanyang condo. Nagpadala muna ako ng mensahe sa kanya.  Dumungaw ako sa bintana at ng makitang nakaalis na ang sasakyan ni Daddy lumabas agad ako ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita si Kathlyn na nakatayo sa labas ng condo ko may hawak siyang plastic bag sa kanang kamay niya.

" Hi Benj dinalhan kita ng pagkain" sabi niya habang binubuksan ang dala niyang plastic bag.

" Paano mo nalaman na nandito ako?" Nagtataka kong tanong.

" Diyan lang ako nakatira sa kabila nang nakaraang araw nakita kitang pumasok dito kaya I assume na dito ka nakatira"  tugon niya.

" Ganoon ba pwede bang sa susunod nalang may pupuntahan pa kasi ako"

" Oo naman pwede naman kitang dalawin dito hindi ba?" Tanong niya.

" Oo naman anytime aalis na muna ako next time nalang" saad ko dali dali akong pumasok sa sasakyan at mabilis na pinaharurot ang kotse.

Pagdating ko sa condo niya ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot. Sigurado nasa mission siya bilang top detective agent ng bansa marami siyang mission na ginagawa. Hinintay ko siya hangang gumabi pero hindi siya umuwi kaya napag desisyonan kung bumalik nalang ng condo.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising para balikan ang condo ni Blue. Ilang beses akong kumatok pero wala paring sumasagot. Out of coverage rin ang phone niya.

Kring.. Kring...(  Gray calling)

Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag niya

" Benj busy kaba ngayon?" 

" Bakit may problema ba?" 

" Wala naman gusto ko lang sana makipagkita kung ayos lang sayo"

" Sige pupuntahan kita sa condo mo"

" Huwag sa condo ko naaalala mo ba ang restaurant kung saan tayo kumakain dati doon nalang tayo magkita"

" Okay papunta na ako" sabi ko bago binaba ang phone

Umalis ako sa condo ni Blue para puntahan si Gray pagpasok ko sa loob hindi ako nahirapan na hanapin siya dahil kunti lang ang mga taong kumakain sa restaurant. Lumapit ako at umupo sa harap niya.

" Grabe ang laki ng pinagbago mo" puri ko ng makita kung gaano kalaki ang ipinagbago niya.

"Masaya akong pumunta ka" nakangiti niyang saad nakita ko ulit ang pag aalala  sa mga mata niya.

" Huwag mo akong tingnan ng ganyan ayos lang ako" mahina kong saad.

" Sir nandito na po ang order niyo" sabi ng waiter bago nilagay ang mga pagkain sa harap ko.

" I order you're favorite food sana paborito mo parin yan"

Hindi talaga niya nakalimutan ang mga bagay na gusto kong kainin.

" Oo naman, siya nga pala bakit nagyaya kang makipagkita sa akin?"

Naramdaman kong mayroon siyang gustong sabihin pero hindi nagawang sabihin.

" Bro dederetsahin na kita ayos ka lang ba talaga?"  Nag aalala niyang tanong.

" I tried to be okay" sagot ko hinipo hipo niya ang likod ko to comfort me.

" You still have me and you're family hindi ko alam kung paano mapapagaan ang loob mo pero gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako para sayo"

" Maraming salamat huwag kang mag alala kaya ko ang sarili ko" nakangiti kong sabi.

Ngumiti siya at hindi na nagtanong pa nagkwentuhan kami ng kunti bago tuluyang nagkahiwalay. Bumalik ako sa condo ni Blue para tingnan kung bumalik na siya bigla akong nabuhayan ng makita ang isang sasakyan na nakaparada sa condo niya.  Kumatok ako sa pinto ng ilang beses pagbukas ng pinto isang baril ang biglang nakatutok sa ulo ko.

" Who are you?" Mahinahon niyang tanong grabe hindi talaga siya nagbabago.

" I am Benj" tugon ko ibinaba niya ang hawak niyang baril at pinapasok ako sa loob.

" Naglilinis kaba ng condo?" Tanong ko ng makita ang mga kalat sa loob.

" Wala akong oras" maikli niyang tugon

" Maupo ka"

Umupo ako sa harap niya bago sabihin ang pakay ko

" Anong kailangan mo?"

"Mayroon akong gustong ipapatrabaho sayo" walang pag- alinlangan kong sabi.

May ngiting namuo sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.

" Handa akong magbayad kahit na magkano" seryoso kong saad.

Humalakhak siya matapos kong sabihin yun ang hirap talaga niyang basahin.

" Hindi ko kailangan ang pera mo gusto ko lang malaman bakit kailangan kita tulungan?" Seryoso niyang tanong mukhang nagbago siya nang makausap ko siya during second loop.

" Gusto kong malaman kung sino ang pumatay sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kailangan niyang magbayad sa krimen na nagawa niya. I lost my life when I lost him" para akong maiiyak habang sinasabi yun.

" Payag na ako" sabi niya na ikinatuwa ko

May kinuha siyang baraha sa bulsa niya umaasa akong isang joker ang ilalabas niya pero isang spade of ace ang inilagay niya sa harap ko.

" Yun ang patunay ng kasunduan nating dalawa" kinuha ko yun at inilagay sa jacket ko.

Ibinigay ko sa kanya ang brown envelop na naglalaman ng mga information tungkol sa incidente 2 years ago.

" Bibigyan kita ng update kapag may nahanap na ako pero ngayon umuwi ka muna"

Lumabas ako ng condo niya habang bitbit ang kunting pag asa na sana mahahanap niya ang taong pumatay kay Nick.

FAST FORWARD

Abala ako sa pagkakalap ng information sa internet ng biglang may kumatok sa pinto ng condo ko. Tumayo ako at tiningnan kung sino ang tao sa labas.

" Hi Benj na nakakaistorbo ba ako?"  Nakangiti niyang tanong. 

" Kathlyn anong ginagawa mo dito? "

" Dinalhan kita ng pagkain" tugon niya nakita ko na may hawak siyang plastic bag.

" Sige pumasok ka"

Pinapasok ko siya sa loob mabuti nalang nakapaglinis ako ng condo kung hindi nakakahiya sa kanya.

" Wow hindi ko akalain na ganito ka linis ang condo mo"

" Oo naman ayaw kong madumihan ang mga gamit ko" tugon ko habang kumukuha ang plato sa kusina.

" Dito mo nalang ilagay" kinuha niya ang plato at sinimulang isalin ang pagkain.

" Try this" alok niya kinuha ako ng kutsara at tinikman ang niluto niyang adobo.

" Masarap" sabi ko matapos matikman ang niluto niyang pagkain.

" Ako na ang bahala dito tatawagin nalang kita mamaya" 

Iniwan ko siya sa kusina bumalik ako sa sala kung saan ko ipinagpatuloy ang pagkakalap ng information. Sinubukan kong tingnan ang mga social media accounts ni Nick baka mayroon akong makuhang clue.

" Nick I'll promise pagbabayarin ko ang taong pumatay sayo" nasa isip ko habang nakatitig sa larawan niya.

" Sino siya?" Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong picture frame ng biglang sumulpot si Kathlyn sa likod ko.

" I'm sorry nagulat yata kita" sabi niya bago umupo sa tabi ko.

" Wala yun" ibinalik ko ang litrato sa taas ng maliit na table

" Boyfriend mo ba siya?"  Tanong niya

" Yes he is my boyfriend pero namatay siya 2 years ago" malungkot kong tugon.

" I'm sorry "

" Huwag kang humingi ng tawad hindi naman ikaw ang pumatay sa kanya"

" What pinatay siya?" Gulat na gulat niyang sabi

Bigla akong napatigil ng masabi ko sa kanya ang totoo

" Don't worry mapagkakatiwalaan mo ako" seryoso niyang sabi ngumiti lang ako ng bahagya bago isinara ang laptop na hawak ko.

" Ang sabi ng mga pulis nagpakamatay siya pero mayroon talaga taong pumatay sa kanya" sabi ko nakita kong sumeryoso ang mukha niya habang nakikinig sa akin.

" Anong nangyari sa kaso?"  Tanong niya

" Sinara ang kaso dahil suicide daw ang nangyari" tugon ko

"Pero hindi nila pwedeng gawin yun"

" Alam ko pero wala akong matibay na ebidensiya para patunayan yun" hinawakan niya ang kamay ko.

" Kung kailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako" sabi niya kaya napangiti ako.

" Maraming salamat"

" Tara handa na ang pagkain" tumayo ako bago sumunod sa kanya.

Sa kalagitnaan ng tanghalain isang malakas na katok ang nakakuha ng attensiyon namin ni Kathlyn.

" Benj open the door" narinig ko ang boses ni Daddy sa labas ng condo.

" Kathlyn dito kalang" sabi ko bago tumayo lumabas ako para buksan ang pinto sumalubong sa akin ang galit na galit niyang mukha.

" Dad anong kailangan mo?" 

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko isang malakas na suntok ang binungad niya sa akin. Napaatras ako ng kunti habang pinunasan ang dugo na lumalabas sa bibig ko.

" Ano ba ang problema mo?"  Sigaw ko habang nakakuyom ang mga kamao.

" Benj, Tito" sigaw ni Kathlyn tumakbo siya papalapit sa amin.

"Tinatanong mo kung ano ang problema sasabihin ko sayo na wala ibang nagdadala ng problema sa pamilya natin kundi ikaw" galit na galit niyang sabi.

"Hon, anak" pumasok na rin si Mommy sa condo humahangos siya pagdating sa loob.

" Please huwag na kayong mag away" pakiusap niya

" Pagsabihan mo yang ang anak mo" sigaw ni Daddy habang nakaturo sa akin.

" Dad pwede bang sabihin mo sa akin kung saan nanggagaling yang galit mo dahil ba sinayang ko ang dalawang taon para magmokmok"

" Oo pero hindi lang yun dahil rin sa pag- uungkat mo sa mga 2 years ago"

Hindi na ako nagulat kung paano niya nalaman na humingi ako ng tulong kay Blue dahil marami siyang koneksyon o baka may tao siyang binarayan para bantayan ang bawat kilos ko.

" Bakit masama ba kung gusto kong alamin ang mga totoong nangyari. Dad hindi nagpakamatay si Nick mayroong taong  pumatay sa kanya" sigaw ko

" Narinig mo ang sinabi ng magaling mong anak"

" Please Benj itigil mo na to" pakiusap ni Mommy hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun.

Kasi akala ko kakampi ko siya

" Arrghhh" sigaw ko dahil sa galit

" Wala sa inyo ang nakakaintendi sa nararamdaman ko" dagdag ko pa.

" Benj please tama na"

" Kung hindi ka titigil ipapadala talaga kita sa mental hospital" saad ni Daddy na may pagbabanta.

" Yan ba talaga ang tingin niyo sa akin na isa akong baliw" sigaw ko.

" Oo isa kang baliw"

Itinulak ko si Daddy bago tumakbo palabas ng condo. Ayaw kong marinig ang mga masasakit na salita galing mismo sa kanila.

Si Nick lang ang taong kakampi ko at siya lang ang kailangan ko pero kinuha rin siya sa akin. Gusto ko siyang mayakap ngayon pero hindi ko magawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Friday Loop    Chapter 25 Proposal

    Benj Pov. " Dad you're finally awake" Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko maigalaw. May nakita akong batang lalaki na nakaupo sa tabi ng hospital bed. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. " Mr. Montefalcon kamusta ang pakiramdam mo?" " Ayos lang" " Dito ka muna tatawagin ko lang si Dr. Adrian"Umalis ang nurse palabas ng kwarto " Who are you?" Tanong ko sa batang lalaki " dad I----- Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit " Arrghhh" " Benj can you hear me?" Unti unting lumalabo ang aking paningin. Hindi ko makikita ang mga taong nasa harap ko pero naririnig ko sila. Ilang sandali pa everything went black. Meanwhile Sobrang dilim ng buong paligid habang tumatagal pakiramdam ko nahuhulog ako sa walang hanggang kadiliman, ayaw ko dito dahil para akong nasasakal. " Benj" Sandali boses yun ni Nick " Kuya" Boses ni Venice ang sunod kong narinig " Benj" Boses naman ni Mommy ang narinig ko dahan dahan kong minulat ang

  • Friday Loop    Chapter 24 Final Loop

    Benj Pov. Thursday Hinarap ko ang taong dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin." Dad" Tinitigan niya lang ako gamit ang isang matalim na tingin" Masaya kana ba dahil nakakulong ako dito" " Kasalanan mo kung bakit ka nandiyan Dad" " Anong kailangan mo sa akin?" " Gusto kong malaman kung bakit mo siya pinapatay may mali ba siyang nagawa?" Hindi siya nakasagot " Dad Im asking you" "Gusto ko lang ng mga bagay na makakabuti sayo" " Para sa akin ba talaga o para sa kabutihan mo. Hindi mo matanggap na mahal namin pareho ang isat isa. O baka naiingit kalang dahil kailangan niyong---- " Enough" sigaw niya kaya natahimik ako " I'm begging you answer my question honestly" " I'm sorry gusto ko lang magkaroon ka ng magandang buhay kasama na doon ang pagkakaroon ng isang mabait na asawa na magiging Ina ng mga anak mo. Gusto kong makapagtapos ka ng pag aaral para mahanap ng magandang trabaho yun lang" " Yun lang ang dahilan mo" sabi ko habang nakakuyom ang mga kamao ko." If y

  • Friday Loop    Chapter 23 Forgivenes

    benj pov. ninth loop ( 4:50 pm) isang nurse ang naglalakad sa hallway ng hospital sinundan siya ni kathlyn hangang sa makapasok ito sa storage room. " miss bawal pumasok dito tanging authorized person lang----- hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa malakas na suntok ni kathlyn na tumama sa tiyan niya. nang mawalan ng malay ang nurse hinubaran siya ni kathlyn at kinuha ang suot nitong damit. pagkatapos lumabas siya ng storage room na parang walang nangyari. isang papel at ballpen ang sunod niyang kinuha sa nurse table bago dumeretso sa hospital room ni nick. matapos kong makalabas sa hospital room ginamit niya ang pagkataon para masagawa ang kanyang pinaplano. " hello again nick you're lucky dahil nakaligtas ka sa operation pero ang malas mo kasi hindi ka makakaligtas sa akin" tinanggal niya ang oxygen na nakakabit sa katawan ni nick pagkatapos dali daling lumabas ng hospital room.tenth loop (5:30 pm) lumapit siya kay nick at hinablot ang wallet nito naghabulan

  • Friday Loop    Chapter 22 Behind The Loop

    Benj Pov. first loop (5:50 pm) " Na saan ako?" Sandali si Nick yun sinundan ko siya papunta sa gilid ng dagat. " Lumabas ka" sigaw niya " Nick anong ginagawa mo?" Tanong ko Sinubukan ko siyang hawakan pero lumulusot lang ang kamay ko sa kanya mukhang hindi niya rin ako naririnig. " Nick" Napatingin ako sa taong tumawag sa kanya " Kathlyn" gulat kong sabi "Diba sinabi ko na sayo na layuan mo na si Benj" sabi ni Kathlyn bago siya hinawakan sa leeg." Hinding- hindi ko gagawin yun dahil mahal na mahal ko siya" sagot ni Nick." Hindi ako nagkulang sa pagbabala sayo now it's time for you to die" " Stop it" sigaw ko Sinubukang kumawala ni Nick pero wala siyang magawa laban kay Kathlyn. She is trained assassin kaya bilang isang karaniwang tao wala kang kalaban laban sa kanya." Bitawan mo ako" pagpupumiglas ni Nick " I'm sorry Nick hindi magiging akin si Benj kapag nandiyan ka sa tabi niya" Hindi ko siya kayang panoorin na nahihirapan sinuntok niya si Kathlyn sa tagiliran kaya

  • Friday Loop    Chapter 21 Twelfth Loop

    Benj Pov. " Kuya tingnan mo ang news dali" sigaw ni Venice mula sa sala.Nasa kusina ako ngayon na naghahanda ng almusal namin" Kuya bilis" " Sandali ano ba yun?" Matapos kong mailagay ang pagkain sa plato pinuntahan ko siya sa sala. Naglalakad palang ako papalapit rinig na rinig ko na ang boses ni Daddy. " Narinig natin ang pagproklama ng isang kaabang-abang na pag iisang dibdib ni Benj Montefalcon at Kathlyn Villa" sabi ng reporter." Venice kumain ka ng breakfast babalik muna ako sa mansion kailangan kong kausapin si Daddy" " Kuya bumalik ka agad"" Okay I promise" Hinalikan ko muna siya sa noo bago umalis pagdating ko ng mansion hinanap ko agad si Daddy at Mommy." Benj umalis kana" bungad ni Mommy na halatang takot na takot." Mom bakit ganyan ang mukha mo may ginawa ba si Daddy sayo?"" I'm sorry" bulong niya bago ako niyakap " Mabuti naman at umuwi kana" Bumitaw ako sa pagkakayap kay Mommy at humarap sa kanya." Dad wala ka na ba talagang natitirang hiya sa katawan mo.

  • Friday Loop    Chapter 20 Eleventh Loop

    Benj Pov. Nagising ako habang hinihingal sinubukan kong kapain ang dibdib ko para tingnan ang sugat na gawa ng pagtama ng baril. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong nakitang sugat. Pero bago ako nawalan ng malay naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa dibdib ko hindi kaya? " Arya na saan ka?" Sumulpot siya sa harap ko gaya ng dati mayroon siyang sugat. " Ayos ka lang?" " Oo naman" Sa isang kumpas ng kanyang kamay unti unting lumabas ang bala sa bandang dibdib niya. " Maraming salamat kung hindi dahil sayo matagal na akong namatay" " I can't let you die dahil responsibilidad ko ang buhay mo habang nasa loob ka ng loop" " Anong nangyari kay Nick?" " He died at exactly 6:00 pm gaya ng dati pasensiya na hindi kita pwedeng patagalin sa loop lalong lalo na kung ikakamatay mo" " I understand" nakayuko kong sabi " You should be happy dahil nakita ang mukha niya" Naalala ko bigla si Kathlyn " Siya ba talaga ang pumatay kay Nick?" " Nagdududa ka parin hindi kita masisisi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status