Share

Friday Loop
Friday Loop
Author: miss rishel

Chapter 1 Suicide

Benj Pov.

" Benj bakit hindi ka pumasok ng school ngayon?" Tanong ni Mommy habang kumakain kami ng lunch nakasimangot lang ako dahil hindi nila ako sinama papuntang mall. 

"Mom nakalimutan mo ba ngayon ang 6th anniversary namin ni Nick" nakangiti kong tugon bigla niya nalang ako kinurot sa pisngi kaya napasigaw ako.

 " Hind ko yun nakakalimutan pero di porket anniversary niyo pwede ka ng lumiban sa klasse" pangaral niya.

" I'm sorry Mom hindi na mauulit" binitawan niya ang pisngi ko saka napailing iling nalang. 

" Kuya ipapaalala ko lang sayo ito na ang pang- anim mo na pagliban sa klasse  sa loob ng anim na taon" singgit ni Venice habang subo subo ang isang hotdog."

" Buti pa ang kapatid mo naaalala ang pinagagawa mo" usal ni Mommy tinitigan ko si Venice ng masama ginantihan niya rin ako ng isang nakakaasar na ngiti.  

" Oh bakit hindi pumasok?"  Tanong ko sa sampung gulang kong nakakabatang kapatid.

" Bakit ikaw lang ba ang may karapatang lumiban ng klasse" mataray niyang tugon abat....

" Mom" sigaw nito bago ko siya mabatukan sa ulo

" Benj enough huwag mo nga yang patulan ang kapatid mo" saway ni Mommy napasigaw naman ako dahil sa sakit ng apakan ni Venice ang paa ko.

" Aray" reklamo ko dahil sa sakit

" Venice"

" I'm sorry Mommy kasi naman napaka childish ni Kuya nagtataka tuloy ako kung bakit siya nagustuhan ni Kuya Nick. Alam natin na matalino, gwapo, mabait, masipag, gentleman, magaling sa lahat ng bagay si Kuya Nick" nakangiti niyang sabi pero napawi yun ng tumingin siya sa akin.

Abat sumusobra na talaga ang batang to

" Bakit ganyan ka makatingin?" Maangas kong tanong

" Nevermind" tugon niya saka sumubo ng pagkain

" Hoy Venice huwag mo akong kausapin ng ganyan" nakapoker face kong sabi.

" Sige sasabihin ko sayo alam mo kasi kuya napaka childish mo, tamad ka, matigas ang ulo mo, hindi ka matalino, at lalong lalo hindi ka ganoon kagwapo" walang pag alinlangan niyang saad kunting kunti nalang talaga mapupuno na ako sa kapatid ko.

Tumawa ng malakas si Mommy ganoon din si Venice pambihira wala talaga akong kakampi sa kanila.

" Anong nangyayari dito mukhang masaya ang pinag uusapan ninyo?"  Tanong ni Daddy habang naglalakad papasok ng mansion..

Si Daddy ay may mataas na katungkulan sa pulisiya kaya minsan lang siya nakakauwi ng bahay dahil sa kanyang mga mission.

" Daddy" sigaw ni Venice na tumatakbo papalapit sa kanya.

" Welcome back Hon" bati ni Mommy saka siya hinalikan sa labi.

" Eww nakakadiri yun" nakangusong sabi ni Venice umupo siya ulit sa harap ko na nakasimangot.

" Hello Dad" bati ko

" Hello Son huhulaan ko hindi ka pumasok dahil--------

" He is planning to surprise Kuya Nick" singgit ni Venice ngumiti si Daddy bago siya binigyan ng halik sa pisngi.

Pagkatapos kumain dumeresto ako sa mall para bumili ng singsing. I want to surprise him dahil palagi nalang siya ang gumagawa ng effort,  It's time for me to give back.

" Miss magkano to?"  Tanong ko sa babaeng nagbabantay habang tinuturo ang isang diamond ring.

" Sir 20 K po "  tugon niya

" Pwede bang masukat?" Tanong ko ngumiti siya saka kinuha ang singsing at binigay sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sigurado akong magugustuhan niya to.

" Miss kukunin ko to"

Pagkatapos kong magbayad umalis ako ng mall para pumunta ng school dumeretso ako sa Engeenering building para hanapin siya gusto ko kasi siyang surprisahin pero ako yata ang na suprisa sa mga nakikita ko. Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko para tawagan siya.

" Hello Nick na saan ka?"  Tanong ko sa kanilang linya

" Hello Benj nandito ako sa fotball field kasama si Gray" tugon niya.

" I see kailan pa natuto si Gray na magsuot ng palda at daming pang babae" sarkastiko kong sabi.

" Na saan ka?"  Tanong niya nakita kong tumitingin siya sa paligid para hanapin ako.

" Watching you flirting with you're bestfriend" tugon ko na may halong pagdidiin.

" Benj mag let's talk pumunta ka dito" saad niya

" Hindi na mukhang hindi mo naman ako kailangan" binababaan ko siya pagkatapos kong sabihin yun.

" Benj mag- usap tayo" napalingon ako ng marinig ang boses niya nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.

Ayaw ko siyang kausapin ngayon sapat na ang mga makita ko ilang beses ko na rin siyang sinabihan na huwag makipag- usap kay Irish pero hindi siya nakikinig. Mabilis akong tumakbo palabas ng school pumara ako ng taxi para nang makalabas para hindi niya ako maaabutan.

Humagolhol ako sa pag iyak sa loob ng taxi wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng driver.  Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko yun sinagot. I recieve a lot of calls and messages from him pero hindi ko siya sinagot o binasa alam kong maghahanap lang siya ng dahilan at palusot. I turn off my phone habang patuloy parin sa pag iyak.

" Sir nandito na po tayo" sabi ng driver hindi ko namalayan ang paghinto ng sasakyan.

" Ito po manong keep the change" saad ko bago bumaba ng taksi.  Tumigil ako sa paglalakad ng makita si Venice na naglalaro sa garden area ng bahay kapag nakita niyang umiiyak ako siguradong iiyak din siya kaya pinunasan ko muna ang luha sa mga mata ko bago ulit naglakad.

" Hi Kuya did you buy something for me?"  Tanong niya ng makita ako. Kinuha ko ang isang shopping bag at binigay sa kanya.

" Ito binilhan kita ng libro" tumalon talon siya sa tuwa habang binubuksan ang shopping bag.

Sa murang edad mahilig siyang magbasa ng libro yan ang pagkakatulad naming dalawa.

" Venice papasok muna si Kuya sa kwarto"

Tumango tango naman siya saka ako niyakap ng mahigpit mabuti nalang hindi niya napansin na namumula ang mga mata ko.

" Benj gusto mo bang kumain may niluto akong bagong carbonara?"  Tanong ni Mommy nasa kitchen siya habang naghahanda ng meryenda.

" Ayaw ko gusto lang magpahinga" tugon ko bago umakyat sa taas. Ni lock ko ang kwarto para walang makapasok sa loob.

Took.. took.. took..

" Sino yan?"  Sigaw ko ng marinig ang katok sa labas ng pinto.

" Young Master mayroong kayong tawag sa telephono" tugon ni Manang Silvia.

" Thank you Manang"  kinuha ko ang telephono na nakalagay sa side table ng kama.

"Hello Sir itatanong ko lang po kung ano ang gusto niyong------

" Cancel it walang magaganap na anniversary celebration ngayon sirain niyo lahat ng mga inayos yung design sa resort"  sabi ko na medyo pagalit.

" Sigurado ba kayo Sir kasi sobrang tagal niyong pinaghandaan ang araw na to" 

" Gawin mo ang sinabi ko" pati siya tuloy napagbubuntungan ko ng galit.

" Yes sir" ibinaba ko ang telephono at nagsimulang umiyak ulit.

Sa loob ng anim na taon isang bagay lang ang pinag aawayan namin yun ang pagiging malapit nila ni Irish. Call me praning pero masisisi niyo ba ako mayroong gusto sa kanya ang childhood bestfriend niya tapos kung paano niya ako alagaan ganoon din ang pag- alaga niya kay Irish mas lalong mayroon akong dahilan para magselos.

" Benj open the door" tawag ni Mommy habang kinakatok ang pinto.

" Mom pagod ako ayaw ko munang makipag usap ngayon"  tugon ko.

" Nandito si Gray gusto ka raw niyang makausap"

" Benj buksan mo ang pinto mag usap tayo" sigaw niya bumangon ako sa kama para buksan ang pinto.

" Pumasok ka" saad ko

" Handa na ang meryenda kung gusto niyong kumakain bumaba lang kayo" usal ni Mommy sabay tapik ng balikat ko tumango lang ako bago sinara ang pinto.

" Bakit nandito ka?"  Tanong ko umupo muna siya sa kama ko bago ako tiningnan gamit ang makahulugang tingin.

" Let me guess nandito ka para ipagtanggol ang kaibigan mo hindi ba?" Pagalit kong tanong.

" Benj wala akong kinakampihan sa inyo nandito lang ako para ipaliwanag ang side niya"

"Oh hindi ka kumakampi sa kanya pero nandito ka para magtakpan siya" nakasimangot kong saad napakamot siya bigla sa noo na halatang hirap na hirap sa sitwasyon niya.

"Gusto ko lang sabihin na sana pakinggan mo rin siya alam natin may dahilan kung bakit sila magkasama ni Irish isa pa hindi mo dapat siya pagbabawalan na makipag usap sa kanya" sabi niya na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

" Bakit boyfriend ko siya may karapatan akong pagbawalan siya"

" Anong gusto mo hindi siya makipag usap sa kahit sinong babae?"  Tanong niya

" No hindi sa ganoon yun" tugon ko

" Benj ganoon ang kinalalabasan ng mga ikinikilos mo" saad niya.

" Gusto ko lang huwag siyang dumikit kay Irish alam mo naman diba"

"Alam ko yun pero wala ka bang tiwala kay Nick?"  Tanong niya.

"Mayroon pero sa bestfriend niya wala" tugon ko

He sighed bago tumayo sa kama ko mga ilang minuto din kami natahimik.

" Aalis na ako alam mo namang mayroon game ang football team ng school kaya hindi nakapunta si Nick dito. Sana huwag niyo na tong palakihin pa alang alang sa annivesary celebration niyong dalawa" sabi niya pagkatapos lumabas siya sa kwarto ko.

Mabilis lumipas ang oras hangang sa dumating ang 4:00 pm nakatanggap ako ng 50 missed calls galing kay Nick pero hindi ko siya sinasagot nag aalangan parin akong kausapin siya. Habang nakahiga sa kama nabaling ang attensyon ko sa singsing na binili ko. Ngayon sana ang araw na ibibigay ko yun sa kanya pero hindi umayon ang lahat sa mga plano ko.

Binasa ko ang mga messages niya umabot na yun ng isang daan. Pareho pareho lang naman ang laman ng mga messages napangiti ako ng kunti sabay iling iling. Bumangon ako sa kama at nag dialed sa telephono tinawagan ko ulit ang resort kong saan nakahanda ang surprise ko para kay Nick. Buti nalang hindi nila sinunod ang sinabi ko na sirain ang mga lahat ng hinanda nila. Mayroon pa akong tatlong oras bago puntahan si Nick sa condo niya.

5: 00 pm

" Hello pumunta kayo mamaya sa address na ibibigay ko"

Kausap ko ang mga kaibigan namin isa sila sa naging saksi kung ano ang pinagdaanan namin ni Nick para umabot ng anim na taon ang relationship namin.

" Masaya ako na nagka ayos na kayo" sabi ni Gray na parang nanalo sa lotto kung makangiti.

" Tssk matigas ang ulo ng bestriend mo pasalamat siya na mahal ko siya" nakangiti kong saad.

" Ayiiet" sabay sabay nilang sabi na may halong pang aasar.

" Sige kita tayo mamaya"

Pagkatapos ko silang makausap dumeretso ako sa banyo para maligo. Kailangan gwapo ako sa paningin ni Nick baka kasi maghanap yun ng iba. 

6:00 pm

Napapakanta ako habang naglalakad palabas ng banyo napatigil ako bigla ng makita ang itim na pusa, nasa taas siya ng maliit na table sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang mga picture namin ni Nick.

" Shit umalis ka nga" sigaw ko kaya umalis ito palabas ng bintana ng kwarto ko.

Napansin ko ang isang litrato namin ni Nick na nabasag nagkalat ang mga bubog sa kwarto ko kaya dali dali akong kumuha ng walis at dashpan para kunin ang mga bubog.

" Aray" napasigaw ako ng masugatan ang kamay ko ng matulis na bubog. Ano naman to ang malas ko yata ngayong araw?.

6:30 pm

Kring... Kring... Kring..

Itinabi ko muna ang ginagawa ko ng tumunog ang phone ko.  Nagulat ako ng makita ang pangalan ni Tita na tumatawag( mommy ni Nick).

" Hello Tita magandang gabi may problema ba?"  Tanong ko sa kabilang linya.

" Si Nick......" 

May narinig akong sirena ng mga pulis car sa kabilang linya

" Benj huwag kang mabibigla" umiyak niyang sabi bigla nalang ako kinabahan sa di malaman na dahilan.

" Nagpakamatay si Nick nadatnan ko na wala na siyang buhay sa condo niya" sabi niya bago humagolhol sa pag iyak.

Nagpakamatay si Nick... nagpakamatay si Nick...nagpakamatay si Nick... paulit ulit niyong nag eeco sa utak ko dahil sa gulat napakatulala ako habang umaagos ang mga luha sa mga mata ko.

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay para pumuntahan siya sa condo. Pagdating ko sinalubong ako ni Tita, maraming pulis ang nakakalat sa buong paligid.

" Na saan si Nick?"  Mahina kong tanong

" Nasa loob siya ng kwarto niya" tugon ni Tita mabilis akong tumakbo paakyat sa second floor ng condo.

Nakita ko siyang duguan, nakahandusay sa sahig ang katawan niya habang hawak hawak ang isang baril. 

" N-I-C-K"  sigaw ko bago naglakad  papalapit sa katawan niya.

" Sir sandali hindi kayo pwedeng lumapit" saad ng mga pulis hinarangan nila ako para hindi makalapit sa katawan niya.

May nakita akong dalawang tao na sinusuri ang katawan ni Nick nakasuot sila ng jacket na may forensic medicine na pangalan sa likod. Maybe sila ang doctor na sumusuri ng katawan ng mga biktima.

" Nagpakamatay siya kalahating oras mula ngayon wala kaming nakitang ibang finger print sa baril ibig sabihin he committed suicide"  saad ng taong sumusuri sa katawan niya.

" Nick gumising ka pakiusap hayaan mo akong humingi ng tawad dahil sa pagiging seloso ko. Nick pakiusap imulat mo ang mga mata mo. Nick kapag gumising ka papayagan na kitang nakipagkaibigan kay Irish hindi na ako magseselos basta imulat mo lang ang iyong mga mata. Nick huwag mo akong iwan nakikiusap ako sayo"  pagsusumamo ko habang umaasa na imulat niya ang kanyang mga mata.

" Hanapin niyo ang taong pumatay sa kanya" sigaw ko

" I'm sorry pero isang suicide ang nangyari" tugon ng isang pulis.

" Paano niyo nasabi yun?" Tanong ko sa kanila

" Wala kaming nakita na kahit anong bakas ng ibang tao sa loob at isa pa walang ibang finger prints ang nakita sa baril tanging sa kanya lang ibig sabihin siya mismo ang bumaril sa sarili niya" paliwanag ng pulis sa akin para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sakit na naramdaman ko.

He died at exacly 6:00 pm isang oras back ang anniversary celebration namin. Ayun sa mga pulis suicide ang nangyari kaya agad sinarado ang kaso.

Ang anim na taon naming pagsasama nagtapos sa isang malagim na tragedy.

Sa kunting di pagkaunawaan sa pagitan nating dalawa bakit mo tinapos ang buhay mo Nick?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status