Share

KABANATA 10

Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.

Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.

Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!

Wait! 

Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?

Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status