Share

KABANATA 18

Umorder nga si Kyle ng lunch nila. Mabilisan lang ang ginawa nitong pagkain kaya't napapabilis na rin ang kain niya. Niligpit niya ang pinagkainan nila pagkatapos saka ito naging busy uli sa ginagawa.

Mas madalas na nakatunganga lang naman siya sa ginagawa ni Kyle. Minsan ay hinihingi rin nito ang mga opinyon niya sa ini-edit nitong pictures. In fairness, maganda nga ang resulta. Hindi nagmumukhang katawa-tawa ang mga pictures ni Nicole na sinunod ang style ng suot at buhok niya.

Nasisiyahan siya habang tahimik na nagmamasid lang kay Kyle na busy sa laptop nito at sa camera. Nagsasalita lang siya kapag kinakausap siya nito. Mas gusto niya kapag ganitong seryoso ang mood nito dahil mas hindi siya naiinis na kasama ito. Ini-imagine na lang niyang si Clyde ang kasama niya tutal ay magkamukha naman ang dalawa kahit medyo mas ma-appeal si Kyle kumpara sa kakambal nito. Siguro dahil mas madalas itong nakatawa at nakangiti kapag normal ito. Hindi katulad ngayon na parang hind

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status