Share

KABANATA 7

Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya. 

Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers.

" La?" panimula niya.

"Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.

Lumunok muna siya bago nagsalitang muli.

" P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."

" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.

Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan.

" Mag-aapply po san

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status