Share

Kabanata 10: Talisman

Author: GHIEbeloved
last update Last Updated: 2021-09-06 21:05:30

    Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. 

    "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin.  

    Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan.

"Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay!  Para maging mapayapa na ang lahat!  Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad lang ito pabalik sa kanyang kinauupuan at ilang segundong natahimik.

    Masyado akong nadala ng ambisyon ko. Pero wala akong pinagsisisihan sa mga lumabas sa bibig ko. 

    Tunuktok ni Egor ang dulo ng kanyang puting tungkod sa sahig. "Sapat na ang mga narinig ko upang mapatunayan niyo ang inyong sarili sa akin."

    Gumawa iyon ng may kalakasang ingay, at kitang-kita ko ang puting pag-ilaw ng sahig na ani mo'y isang alon na nagmumula sa tungkod nito.

    "Morriban Gravesend lumapit ka sa akin." Tuluyan itong tumayo at kinuha ang pinakamaliit na kahong nakapatong sa lamesa. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling, dahil alam kong wala iyon doon kanina.

    Napakaganda ng maliit na kahong kinuha ni Egor. Gawa ito sa tila balat ng matandang punong kahoy na pinalamumutian ng iba't-ibang kulay ng hiyas na kumikinang-kinang dahil sa ilaw.

    Kinuha nito sa loob ang isang singsing at maingat na inilagay sa kanyang mga palad. Kasabay niyon ay ang pagtigil ni Morriban sa harapan niya. Taas noo pa rin at bakas na sa kanyang mga mata ang kasiyahan. 

    "Nakita ko ang pagkislap ng iyong mga matang mapagpursige sa iyong mga ipinangako. Isang simbulong hindi ko dapat palampasin. Nawa'y mapasaya ka ng iyong desisyon upang magsilbi itong motibasyon mo sa iyong tagumpay." Ngiti ng matanda.

    "Pagpalain nawa ng mahal na panginoon ang iyong tapat na puso. Panalangin ko na mapagtibay mo pa nang husto ang iyong sarili sa mga pagsubok na iyong kahaharapin. " Dugtong nito at inabot ang sing-sing nitong tangan. Inilapag niya iyon sa mga palad ni Morriban na sa kauna-unahang pagkakatao'y nakakitaan ko ng mga ngiti. 

    Simple ang ngiting iyon, pero may taglay itong kagaanan na hindi ko maalisan ng mga mata ko. Para bang nahawa ako sa kasiyahan nito.

    "Sootin mo lamang ang talisman kapag sinabi ko na." Paalala pa nito bago humarap sa akin. 

    "Hagan Agustino, halika rito."

    Sa pagkakataong ito'y isang may kalakihang kahon ang binuksan ng matanda. Katulad ng kay Morriban ay may kumikinang ring bato ang kahon, ngunit puti lang ang mga batong iyon. Bumungad sa akin ang isang simpleng bracelet na inilagay ng matanda sa kanyang palad katulad kanina. Itsura itong lubid na ang katawan ay may berdeng mga batong nakadikit. 

    Inilahad ko ang dalawang palad ko sa matanda. Pero ikinagulat ko ang malungkot nitong ngiti sa akin.

    "Pinahanga mo ako sa iyong pinakitang pagtitiwala sa aming mga nilalang ng Gaia. Hindi ko inaasahan  na sa isang mortal ko maririnig ang hangaring pinangarap naming mga matatandang nilalang ng mundong ito.  Kaya naman lubos na iyon upang pagkatiwalaan ka at magalak sa pagpaparito mo sa aming mundo.  Nawa'y kasiyahan ka ng dakilang Panginoon sa iyong hangarin. Panalangin ko ang iyong kaligtasan at gabay na nagmumula sa kanya, na sa gayo'y maabot mo ang iyong mithiin." Tuluyan nitong bigay sa bracelet na maigi kong tinitigan.

    Hindi pangkaraniwang saya ang naramdaman ko nang mapasakamay ko ito. Tila ba isa itong parangal, na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko.  At dahil iyon lahat sa aking pagpapakatotoo. 

    Ilang sandali pa'y naagaw ng pagtuktok muli ni Egor sa kanyang tungkod ang atensyon namin ni Morriban.

    "Iginagawad ko sa inyo ang mga talismang magbibigay anyo sa inyo bilang mga Elves. Isang nilalang na tagapangalaga ng kalikasan. Mga bukod-tanging nilalang na naninirahan sa Dasos.  Ngayo'y maari niyo nang sootin ang inyong mga talisman."

    Talisman. Ito ang tawag dito. 

    Sa pagkasabik ay mabilis ko itong ikinabit sa aking pulsuhan. At isang berdeng liwanag ang sumilaw sa akin matapos niyon. Bagay na napakaliwanag, hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang nangyari sa akin. 

* * * *

    Isang nakasisilaw na berdeng liwanag ang bumalot sa buong katawan ng dalagang si Morriban at binatang si Hagan. Nanggagaling ito sa Talisman na unti-unting bumabaon sa kanilang mga balat. Hindi nagtagal ay bumagsak na ang dalawa sa sahig at nawalan ng malay. 

    "Maraming salamat sa pagtanggap sa kanila Egor. Masaya akong pinagbigyan mo ang aming kahilingan bilang mga Diyos," yukong pasasalamat ni Lord Nelson dito. Pero nanatili lang na nakatitig ang matanda sa dalawang nilalang na nakabulagta sa sahig.

    Ang mga kristal na lamang ng mga talisman ang kita sa palasingsingan ni Morriban, at pulsuhan ni Dirt.  

    "Walang anuman, Lord Nelson. Isang karangalan." Sagot ng matanda nang hindi tumitingin. 

    "Maaari mo na sila ngayong dalhin sa Dasos, Lord Nelson. May naghihintay na sa'yo sa tarangkahan ng kaharian. Alam na nila ang gagawin.." 

    Nang sabihin iyon ng matanda'y agad na may pumasok na dalawang naglalakihang trolls ng palasyo ang pumasok sa silid. Walang ano-ano nilang binuhat ang dalawa sa kanilang mga bisig at sinundan si Lord Nelson papalabas.

    "Maraming salamat muli,  Egor." Buong ngiti nito bago umalis. 

    Sa pagsarado ng pinto'y tila nanghihinang napaupo si Egor sa kanyang silya. Bakas ang hindi mawaring lungkot sa kanyang mukha.  

    "Isang pambihirang Mortal. Hindi ba, Egor?" Tuluyang lipad ng isang dangkal na binatang lalaki sa harapan ng matanda. Galing ito sa kasootan ng matanda,  na kanina pa nakikinig sa lahat nang nangyayari.

    May itim itong mga pakpak, itim na guhit sa ilalim ng mga mata at may maputlang kulay ng balat. Hindi katulad ng mga natural na Fairy, ang inilalabas na kislap ng kanyang pakpak ay makintab na kulay itim rin.  

    "Oo, Kassim. Isang pambihirang mortal." Pagtutukoy at pagsangayon ng matanda sa binatang si Hagan. 

    Humarap si Kassim sa pintuang nilabasan ng Mortal. "Pero anong mayroon sa marka niya sa leeg, Egor? Bakit mo tinusok iyon? Isa ba iyong espesyal na uri ng talisman?" Pangungulit pang tanong nito, ngunit inilingan lang siya ng matanda. 

    "Hindi, wala iyon Kassim. Isa lang iyong normal na balat." Kalmadong sagot ng matanda kahit na tila mas bumigat pa ang pakiramdam. 

    "Pero akalain mong kuhang-kuha niya ang misyon na ninais mo noong kabataan mo pa? Ang maging isang bayaning makapagbubuklod ng dalawang mundo. Pero sa huli'y ikaw pa ang napagkamalang taga-paslang ng mga mortal na kahit kaila'y hindi mo naman ginusto." Pambubuyo ng binatang si Kassim sa matanda na hindi lang inimikan nito.

    Nang maramdaman niyang wala na siyang balak sagutin ni Egor ay umupo na ito sa balikat  nito. Hinaplos-haplos ang mga maliliit na sangang nandoon at tinapik-tapik, bilang simpatya sa matanda.  

    "Nawa'y sa pagkakataong ito'y maging tama na ang lahat, Kassim.  Nawa'y maisakatuparan nga ng mortal na iyon ang kanyang sinabi. Nawa'y isa ngang mortal ang magbuklod sa dalawang mundo." Buong pag-asang bulong ng matanda na malungkot na ikinangiti ni Kassim. 

    "Sana nga, Egor.  Sana nga. " Ngiti nito habang inaalala kung gaano kadeterminado at katotoo ang mga pagkislap ng mata ng binatang nagngangalang Hagan Agustino. 

GHIEbeloved

Hi Hooman! Finally! Ang susunod na kabanata ay gaganapin na sa Dasos Kingdom! Are you ready to meet the resident of Dasos? Feel free to leave your comment here! Would love reading your thoughts! ~Miss Eli

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 118: Power of Love

    Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 117: Finally Met

    Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 116: Adventure

    Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 115: turn over point

    Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 114: Talk

    Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 113: From inside out

    Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 112: Happy thoughts

    Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 111: Trusted

    Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 110: Mana

    Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status