Pansin ko ang pagtahimik at pagkabigla ng lahat sa huling anunsyo ni Egor. Sabay-sabay ang mga itong napatingin kay Alek na akala mo’y may nagawa itong mali. Anong meron?
“Siya na naman? Sigurado ba si Egor sa tinutukoy niya?” buong dismayang singhal ng isa sa kambal na lobo, ilang pagitan lamang ang layo nito sa kinapwe-pwestuhan ko.
“I don’t see any problem with that.” Napakunot naman ako agad ng noo ko sa lakas ng boses na iyon ni Morriban. Ikinailing ko na lamang iyon.
Pambihira. Hindi ba talaga mapipigilan ng isang ito ang pagsasabi ng opinyon niya?
“Tama ang babaeng elf, Tyree. Ano naman nga kung makakasama ulit si Alek sa mga hinirang? Hindi ba’t mas maganda nga iyon at nabigyan siya ulit ng pagkakataong patunayan ang sarili sa Akademia?” sabat naman ng isa sa mga Orc na may
"May hirarkiya ang estudyente sa loob ng Akademia. Ang mga nilalang na nagmamay-ari ng kapang puti at pula ang pinakamatataas. Samantalang ang mga itim naman ang pinakamabababa."Kulay ang depinisyon ng hirarkiya sa Akademia?"Ang Dasos ay kabilang sa mga nilalang na may itim na kapa. Ang ibig sabihin ng itim sa mga estudyante ng Akademia ay mga alipin, talunan, at walang ambag o magagawa sa Akademia." Napatigil ako sa sinabi nito."Alipin?" kunot-noo kong bulalas.Tss Hanggang dito ba naman?"Oo, mga alipin. Saksi ako sa miserableng buhay ng mga nilalang ng Dasos sa loob ng Akademia. Ako lang talaga ang minalas-malas dahil nakabangga ko ang magkapatid na tinitingala ng lahat." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Alek habang diretsong nakatingin sa kawalan. Kitang-kita ko ang trauma sa madilim nitong mata na ik
Hating gabi na nang maalimpungatan ako dahil sa paghapdi ng balat ko sa leeg. Humahapdi na naman ito sa hindi malamang dahilan. Nagsimula ito simula nang pumasok ako sa Gaia. Marahan akong umayos sa pagkakaupo mula sa pagkakahiga sa sofa. Hindi ako makatulog ng maayos sa silid na ibinigay sa amin kanina. Hindi ako mapakali sa mga laman ko mula kay Alek at sa mga bagay na maaring mangyari sa Akademia. Binabalak ko na sanang tumayo at maginat nang may marinig akong pagkaluskos saitaas ng hagdan. Bagay na agad kong ikinalerto. Isang paggalaw ang sumunod dito. Kaunti ko lamang itong naaninag dahil sa madilim ang buong paligid. Rinig ko pa ang paghilik mula sa dalawang kwarto sa itaas na boluntaryo naming iniwanan ng bukas. Pero
Masaya akong nakitanaw sa masigabong pagpapalam sa amin ng mga taga Dasos. Ilan kaming nanatiling nakatayo iwinagayway ang kamay sa kanila hanggang sa tuluyan na namin silang hindi makita. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang pagong na si Grump na tila naman kabisadong kabisado ang daan patungong Akademia. Hanggang sa kumunot ang noo ko nang makita kong papalapit kami nang papalapit sa gubat na tinutukoy ni Alek kagabi na Enchanted Forest. “Teka tama ba ang dinadaanan natin?” takot na takot na tanong ni Dima sa likuran. Marahil ay mas natanaw niya ang patutunguhan ni Grump dahil sa kanyang katangharan. “Alin?” tanong naman sa kanya ng katabing si Dallo. “Ang Enchanted Forest. Natatanaw ko ang Enchanted Forest. Doon patungo ang pagong.” May takot sa mga salitang iyon ni Dima. Inasahan ko ang konpirmasyon ni Alek sa nakitang direksyon ni Dima. Ngunit agad itong nakatay
Twenty minutes agoHagan Point of View“Sino ka!” sigaw ko nang makaramdam ako ng panganib nang sinundan ko ng tingin ang mga mata ni Morriban.Hindi ko rin alam kung namamalikmata lang ako pero kitang-kita ko ang isang kisapmatang paglitaw ng isang nilalang na nakatayo lang sa labas ng bilog na pomoprotekta sa amin.Ikinalerto rin iyon nang lahat at mabilis na humarap sa dereksyon kung nasaan ang nilalang na ngayon ay naglaho na naman. Pero alam kong naroon pa rin ito dahil may kung anong mabigat na bagay sa dibdib ko ang nagsasabing nasa panganib pa rin kaming lahat.Matinding napaangil ang kambal na lobo sa tabi ko. Sa tingin ko’y naamoy nila ang kalaban dahil gaya ng sabi ni Morriban ay matala ang mga pangamoy ng mga nilalang na ito. Dahil sa pangangamba ay mariin kong hinawakan si Morriban sa kamay nito. Hindi ko alam
Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam.Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban.Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa itong simple ngunit may kalakihang karwahe na miski ang mga trolls ay Kasya. Umakhat pa kami ng hagdan para lang tuluyang makasakay rito na agad rin namang ikasunod sa amin ng dalawang kawal. Kawal na miski isang pagbabago ng reaksyon ay hindi ko kinakitaan. Namumuno lang ang kaseryosohan sa mga mukha ng mga ito.Samantala ay napalingon ako kay Alek at gaya nang inaasahan
Marami pang teoryang inilahad sa amin ang Cherufe na pinangalanan ng mga konseho na Olivia kung bakit naging ganoon ang inakto ng sinakyan naming si Grump. Natakot ako sa magiging kaligtasan nito kaya naman hiniling namin ni Alek na huwag kantiin o parusahan ang nilalang dahil alam naming hindi nito kasalanan ang lahat. Sinangayunan naman iyon ng lahat. Ngunit sa buong oras na iyon ay dalawang tao lamang ang tila walang balak magbago ng reaksyon sa amin. Nananatili pa ring masama ang tingin sa akin ng Diety na si Artimus at nanatili rin naman ang mapangmatang tingin ng matandang Grayson sa amin ni Alek. Bagay na hindi ko ikinatinag at hindi nagpatalo sa mga ito. Hanggang sa makarating kami sa mga tanong na una pa lang ay ikinabahala ko ng marinig. “With that being said, we can’t give you the exact thing happen to your group especially Grump cannot testify himself to us to explain what really happen.” Sa pagkakatong ito ay dumistansya na muli ang Cherufe na si Olivia
Morriban Point of ViewNakailang kurap ang lalaking nasa harapan ko sa prisensya ko. I think he doesn’t expect anyone to do this to him. Dahil bakit nga ba nila maiisip kung simula bata sila ay mayroon na silang pribilhiyong tulad nito. This is what Quillon reminded me before I dreamed to be here. At ang nagudyok sa aking magaral s Akademia ay ang pagiging isang magiting na Guardian pagdating ng panahon.Mabilis kong kinuha ang latigong hawak nito at tinapon sa lupa. Bagay na agad ko ring ikinababa at marahas na hinila si Denzell papaalis sa pagkakatali sa kalesang iyon.“Ano sa tingin mong ginagwa mo huh?!” impit kong sermon dito at kaunting hinigpitan ang hawak ko sa braso nito. Pero imbis na sumagot ay tumawa lang ito sa akin na akala mo ay nakikipagbiruan ako.Seryoso?Pero bago pa man ito sumagot ay isang malakas na paglagabag ng sapatos ang narinig kong
Hagan’s Point of ViewGaya ng inaasahan ko ay ikinanlaki ng mata ng lahat ang sinabi ni Morriban. Halata sa mga mata ng aming mga kamyembro ang hindi makapaniwalang ekspresyon.“Ano? Nahihibang ka na ba? Hindi iyon magiging madali. Kung hindi mo alam, nasa pinakaibabang antas ng mga nilalang ng Gaia ang kaharian ng Dasos. Kaya ng itim ang mga kapang ibinigay sa atin eh,” prankang tapat ni Asya kay Morriban pero imbis na maapektuhan ay nakakagulat na tumango lang ito bilang pagsangayon. Marahan pa itong lumapit kay Alek at tinapik-tapik ito sa balikat. Ikinatakha ko naman ang inakto nito.“Yes, I am aware of the situation Miss Asya. But in fact if you just heard what did those bastard done to Alek the year he is detained to the Akademia. Wala kayong ibang magiging ibang choice kung hindi ang sumangayon sa plano ko,” lingon nito kay Alek at isang beses pang tinapik ang balikat nito.