LOGINDahil tutol si Shan na ipakasal siya ng kanyang madrasta sa matandang mayaman na pinagkakautangan ng malaki nang namayapa niyang ama kaya tumakas siya sa bahay nila. While escaping she is almost hit by a car. But luckily, a dazzling lights that comes out from inside her bag saved her life before she fainted. Nang pagbalikan siya ng malay ay natuklasan niyang nasa loob na siya ng paborito niyang komiks kung saan kamukha niya ang piping anak ng isang ministro sa palasyo na nakatakdang ikasal sa prinsipe ng kahariang iyon na kilala hindi lamang sa pagiging matapang kundi maging sa hitsura nitong nakakatakot. Shan has no choice but to marry the prince. Despite of their differences they learn to trust and love each other in the process. Ngunit paano kung matuklasan ni Prinsipe Cane ang isang katotohanan tungkol sa pagkatao niya na hindi nito kayang tanggapin? May forever ba para sa kanilang dalawa ni Prinsipe Cane gayong magkaiba sila ng mundo at hindi naman siya forever na mananatili sa mundong iyon?
View More"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Shan. Huwag kang gumawa ng kuwento," galit na wika ni Tamia nang sitahin ito ni Shan tungkol sa kanyang natuklasan na binabalak nitong gawin kay Prinsipe Cane."Huwag ka nang magkaila pa, Tamia. Inamin na sa akin lahat ni Sasa. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na isumbong ka o di kaya ay hadlangan ang binabalak mong gawin. Nandito pa nga ako para tulungan ka," nakangiting sabi ni Shan sa nabiglang dalaga.:Sa tingin mo ay maniniwala ako sa'yo? Siguradong pinapasakay molang ako para wala akong lusot," hindi naniniwalang sagot ni Tamia."bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong tinutulungan ay ayaw mo pa," inis na sabi niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang kanyang sarili kung ayaw nitong maniwala sa kanya. Akmang tatalikuran na niya ito nnag bigla siyang pigilan.
"Saan n'yo ako dadalhin? Bitiwan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Sasa habang kinakaladkad ng mga tauhang inutusan ni Shan para iharap sa kanya ang maid ni Consort Jhing. "Ipasok 'yan dito," utos niya sa mga tauhang inutusan niya."Ikaw ang may pakana nito? Ano ang binabalak mong gawin?" nanlalaki sa galit ang mga mata na tanong ni Sasa sa kanya."Wala naman. Ibabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin noong isang araw," nakangiting sagot niya rito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi nito na agad namula. "Ito naman ay para sa pag-aastang reyna sa harapan ko," isa pang malakas na sampal ang pinadapo naman niya sa kaliwang pisngi nito."Walang hiya ka! Hindi ka ba natatakot na makarating kay Konsorte Jhing ang ginagawa mong ito sa akin?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong nito sa kanya. Bilib siya sa tapang nito. M
"Saan ka nanggaling, Shan?"Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito."Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito."Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito."Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a
Hindi mapigilang kabahan ni Shan habang pinapalibutan sila ng mga assassin. Ang lakas ng dagundong nang kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay naririnig na niya ang pagtibok ng kanyang puso. Tila gusto ng lumabas sa kanyang rib cage ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon."Binibining Shan, ano ang gagawin natin ngayon?" tila maiiyak na tanong sa kanya ni Manda. Mukhang hindi ito sanay na malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ito sanay ay lalo na siya. Never pa siyang nakaharap ng mga assassin sa buong buhay niya."Hindi ko alam," kinakabahan din niyang sagot. Kinuha niya ang bag niya sa kanyang likuran at kinipkip itong mabuti na para bang maililigtas sila ng bag niyang iyon. Pero ano nga ba ang kailangan nila sa kanya? Wala naman siyang kaaway kaya sino ang magtatangka sa buhay niya? "Ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala naman kaming kasalanan sa inyo."Mamamatay na siya kaya mas mabuting malaman niya kung ano ang dahilan at bakit sila pina
Palakad-lakad si Shan sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Anding, ang pinuno ng mga kawaksi sa manor ng prinsipe na kanyang napangasawa. Kanina matapos siyang mailigtas ni Prinsipe Cane ay basta na lamang siyang iniwan sa kamay ni Anding na hindi naman malaman kung ano
Habang inaayusan si Shan para sa kanyang kasal ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal siya at sa isang prinsipe pa. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa mga nangyayari. Maliban sa hindi niya alam ang mundong kinalalagyan niya ngayon ay wala naman siyang ma
Unti-unting iminulat ni Shan ang kanyang mga mata at iginala sa hindi pamilyar na lugar na kanyang kinaroroonan.Ito ba ang langit? Patay na ba ako? Ganito ba ang hitsura ng langit? Parang nasa loob lamang ako ng isang makaluma ngunit mamahaling kuwarto
Magli-limang oras nang nakaluhod si Shan sa sahig habang may asin sa ilalim ng kanyang mga tuhod. At pati si Manda na ipinagtanggol lamang siya ay kasama na rin niyang nakaluhod. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng parusa dahil kahit minsan ay hindi siya pinarusahan ng kanyang ama noong nabubuha






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews