Share

Kabanata 24: Clusters

Alas singko pa lang ng umaga ay bumaba na ako ng salas ng aming tinutuluyan nang nakabihis na at soot soot na ang itim na kapa at tansong badge na ibinigay sa amin ng akademia. Pagkababa ko ay naroon na si Morriban. Ako pa lamang ang naunang bumaba dahil alas otso pa naman ng umaga ang simula ng klase.

Nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan ang ibinigay sa aming tuluyan sa Akademia. Simple ang dalawang palapag na bahay na ibinigay sa amin bilang tuluyan. Gawa sa kahoy ang lahat ng kagamitan. May mangilang parte rito na kapansin-pansin ang kalumaan ng materyales, ngunit maganda pa rin para sa aking mata kumpara sa pinagtagpi-tagpi naming bahay sa mundo ng mga tao.

Ang ibabang palapag ng bahay ay mayroong malawak na salas. Apat na sofa ang nakapalibot sa isang may kababaang kahoy na upuan na may nakadesenyong paso ng halamang lanta na. Naglakad ako sa puting pinuan sa ibaba ng silid ng mga kababaihan. Narito ang may kalakihang kusina na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status