Share

Kabanata 61

Game of Love

Minabuti ni Mario na sumaglit muna sa rest house n'ya. May kukunin kasi s'ya para pamprotekta sa sarili n'ya. Nagkalkal s'ya sa drawer, kinuha ang baril at isinuksok sa tagiliran n'ya.

" Ano ang nangyayari, bakit ka may baril? " nag-aalalang tanong ni Tatay Arman nang makita s'ya nito.

" Tay, maiwan na lang po kayo rito,  kailangan ko pong puntahan si Yumi. "

" Sabihin mo nga! Nasaan ba talaga ang Anak ko! " tanong ni Tatay Arman. Lumapit si Mario sa kanya at yumuko sa harapan n'ya.

" Huwag po kayong mabibigla pero kasi Tay... Dinukot po s'ya. "

" D-dinukot? " gulat na sambit ni Tatay Arman. Dahil sa gulat ay nanghina ang tuhod n'ya at napaupo sa sofa.

" Tay, okay lang po ba kayo? "

" N-nasaan ang Anak ko! "

" Huwag po kayong mag-alala,  nanghingi na po ako ng tulong sa pulis."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status