Share

Chapter 1: Unfortunately Lucky

CLAIRE'S POV

Kaagad akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Siguradong si Mama 'yon dahil dalawa lang naman kami sa bahay maliban na lang kung may multong nakikitira rito.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Mama na nakangiti. Lagi naman siyang ganiyan. "Good morning, Meyn!" masigla niyang pagbati sabay humalik sa aking pisngi.

"Good morning din, Ma," balik ko namang pagbati sa kaniya.

"Come on, let's eat. Anong oras na, may pasok ka pa," paanyaya niya. Sabay kaming pumunta ng kusina kung nasaan ang hapagkainan at nadatnan kong nakahain na ang almusal namin.

Naupo na kaming dalawa at nagsimula nang kumain. Mayamaya lang ay muli siyang nagsalita. "How's your school, Meyn?" pangumgumusta nito.

She's always calling me with my second name. Ayokong tinatawag ako sa pangalang 'yon at tanging siya lang ang pwedeng tumawag sa'kin kahit na wala namang ibang tatawag sa'kin nito maliban sa kaniya.

Anyway, kumusta naman ang pag-aaral ko? Kumusta nga ba? Ano bang dapat asahan? Edi ayon, laging napagtitripan, laging nilalait at inaapi. Magbabago pa ba 'yon?

"Ayos naman po. I'm always active in class," sagot ko na lang bago nahihiyang tumawa. Hindi ako sigurado pero bakit parang bigla yata siyang nalungkot? Nagkakamali lang siguro ako ng tingin. Tiningnan ko pa siya nang maayos, and there I saw her smiling face. Ganoon na ba kalabo ang mga mata ko?

"Aalis na ako, Ma," pagpapaalam ko nang matapos kaming kumain at makapag-ayos ng sarili ko. Humalik ako sa pisngi niya.

"Mag-iingat ka," habilin niya naman. Lagi niya akong sinasabihan ng mga salitang 'yon pero pakiramdam ko ngayon sa tono ng boses niya ay parang may ibig siyang ibang ipakahulugan.

Pinag-iingat niya 'ko hanggang sa makarating ako ng school dahil naglalakad lang ako papunta doon since it's a walking distance. At the same time, para bang sinabi niya ring mag-iingat ako sa mga nangyayari sa'kin sa loob ng school kung saan ay nakapagtataka. Alam na ba niya? Pero hindi niya pwedeng malaman. Ayokong mag-alala pa siya sa'kin.

"Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo? Sinabi ko lang na mag-iingat ka sa daan. Anong nangyari sa'yong bata ka?" nagtataka niyang tanong. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"Ah wala, sige po mauna na ako. Mag-iingat din po kayo, bye!" Mabilis akong humalik muli sa pisngi nito bago nagmadaling lumabas ng bahay at nagsimula nang maglakad.

It's a relief knowing na hindi niya alam. Akala ko alam niya, mabuti na lang at hindi. Maybe I was just being paranoid. Ayoko talagang malaman niya pa ang mga nangyayari sa'kin sa school dahil mag-aalala lang siya sa'kin at ayokong bigyan pa siya ng iisipin.

Kaya naman hindi ako tinitigilan na apihin dahil alam nilang hindi naman ako magsusumbong kahit na kanino. Hindi naman na ako bata at hindi rin ganoon kahina para magsumbong pa. Kung tutuusin ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at lumaban sa mga nambubuyo sa'kin pero hindi ko na lang ginagawa dahil ayokong makipag-away. Basta pinababayaan ko lang sila sa anong gusto nilang gawin sa'kin. Ang mahalaga ay nakapagtitimpi pa ako dahil kung hindi, lahat sila ay lilipad papunta sa ibang planeta.

Napahinto ako sa paglalakad at napansing nandito na pala ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin. It's already close, meaning... I'm late!

Hindi ko man lang napansin na ang tagal ko na pa lang naglalakad at ang malala pa ro'n, hindi ko naramdamang humakbang ako sa hagdan at nakarating ng fifth floor. Kaya pala hinihingal na ako ngayon! At kaya pala walang sumalubong sa'kin na mga bubuyog kasi mga nasa silid na sila. Gosh, first time kong ma-late at sa masungit na guro pa!

Kumatok na ako sa pinto at binuksan naman ito ng first subject, Filipino teacher namin na si Ms. Lin habang nakataas ang dalawang kilay.

"Good morning, Ma'am. Sorry, I'm late," kaagad kong paumanhin sa kaniya at yumuko. Ang sama naman kasi ng tingin sa'kin, balak pa yata akong iuntog sa pinto.

"Oh look, nandito na siya!"

"Akala ko hindi na siya papasok. Nakalulungkot pa naman 'yon."

"Yeah, you're right. Hindi yata mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nasabihan ng panget!"

Panget? They don't even know the real meaning of that word. Hindi ko na lang sila pinansin na parang walang narinig at nanatili pa ring nakayuko sa harap ni Ma'am.

Akala ko ay pagagalitan niya pa ako pero narinig ko lang siyang napabuntong-hininga. Ayaw niya kasing nauudlot kuno' ang kaniyang talakayan dahil lang sa mga late student. Nakapagtataka lang na ako lang yata ang hindi niya nasermonan.

"Get in and take your seat," utos niya at binigyang daan ako para makapasok sa loob na kaagad ko namang sinunod.

Dire-diretso ako sa paglalakad papunta sa aking upuan nang hindi nakatingin sa dinadaanan kaya naman hindi ko inaasahang makikipaghalikan ako sa sahig ngayong araw dahil natalisod ako. May tumalisod lang naman sa akin dahilan para madapa ako.

"Hahaha!" tawanan ng buong klase.

Napatingin ako kung kaninong paa ang humarang sa'kin at gaya ng inaasahan, siya lang naman at wala ng iba. Siya si Chelsyn, ang pinakabida sa lahat ng bida-bidang nambubuyo sa'kin.

Naisahan niya ko ro'n! Well, every day in the morning she prepares her feet and hopes that I'll stumble. But since I'm not dumb not to look in my way, I don't trip. But today, I proved that I am really stupid.

"Ma'am, wala yata siyang balak tumayo," sabi ni Emil sa maarteng boses.

"Napasarap siguro ang pagyakap sa sahig," komento naman ni Gerly, they're both Chelsyn's friends. Gosh, magkakaibigan nga sila. Pare-parehong walang magawa sa buhay, hindi na nagsawa!

"Ms. Claire Meyn Gomez? Are you not going to stand up?" tanong naman ni Ma'am na binanggit pa ang kompleto kong pangalan.

Doon ko lang naalalang nasa kagimbal-gimbal na posisyon nga pala ako. Dali-dali akong tumayo at inayos ang aking sarili. Tulad ng inaasahan, mga natutuwa ang lahat sa kanilang nakita.

"How was it?" Napatingin ako kay Chelsyn na siyang nagsalita, aba't nagtanong pa. Why can't she try it herself to find out?

Hindi ko na siya sinagot at naupo na sa aking upuan. Si Ma'am naman ay napairap na lang at bumalik na sa kan'yang tinatalakay.

Dumating ang lunch break kaya nagsibabaan na ang mga kaklase ko sa cafeteria. Ako naman ay bumaba na rin hindi para pumunta ro'n kundi para pumunta sa library. Palagi naman akong may baon na pagkain kaya doon na lang ako kumakain since pwede naman tuwing oras ng tanghalian.

Mahal kasi ang mga pagkain sa cafeteria kaya hindi ko na binabalak pang bumili. Saka tipid ako sa pera, hindi naman ako tulad ng ibang estudyante rito na puro mayayaman.

I don't know how my mother was able to send me to this school but I don't want to ask any more questions about that. She is the only one who forced me to study here because I'm fine elsewhere as long as I can graduate. But she doesn't seem to be struggling so I have no choice.

While I was currently walking to the library, my attention was quickly diverted when something suddenly hit my leg, which was a soccer ball. Dahil sa lakas nito ay nawalan ako ng balanse at natumba sa lapag. Nabitawan ko rin ang hawak kong baunan ng pagkain na siya namang natapon sa sahig. Seriously, what an unlucky day!

Hindi kaagad ako nakatayo dahil ramdam ko pa ang pananakit ng binti ko. Nakayuko ako habang nakahawak sa aking binti nang bigla na lang may boses ng lalaki ang nagsalita sa harapan ko.

"Are you okay? I'm sorry, hindi ko sinasadiya." Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa inis. Hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa paghingi niya ng paumanhin at sasabihing hindi niya sinasadiya. 

Ang galing niyang umarte. Akala niya ba hindi ko alam na sinadiya niya talaga 'yon? Tapos ngayon, tatanungin niya pa kung maayos lang ba ako? Sino ba kasing tanga ang sisipa sa bola mula sa field tapos makararating ng hallway?

At isa pa, nang dahil sa ginawa niya ay nasayang ang pagkain ko. Wala pa naman akong pera ngayon. I mean, may pera ako pero nagtitipid nga ako hindi ba? Handa na nga akong masaktan para sa ikasasaya nila pero hindi ba pwedeng tigilan na muna nila ako kahit sandali? I also need space! I am also a person who breathes like them! Hindi ba pwedeng 'wag na lang nila akong pakialaman?

"Everything you did to me is fine, but touching my food is a different thing! Sinong tanga ang sisipa sa bola na nasa field at makararating dito sa hallway na sakto pa sa'kin? Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo sinasadiya at magtatanong kung ayos lang ako? Marunong ka ba talagang maglaro? 'Wag ka ngang tanga! Kung ako sa'yo hinding-hindi na ako maglalaro kung isa ka namang tang—"

Nang maiangat ko ang aking ulo ay napatigil na lang ako sa pagsasalita at sabay na nanlaki ang dalawang mata nang mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Anak ng pitumpo't pitong tupa! What have I done? I should have held myself back.

Goodness! Anong ginawa ko? Pakisuntok ako ngayon na o 'di kaya sana mahati ang lupa at lamunin ako. Sa lahat ng kahihiyang naranasan ko, this is the best!

"I can't believe this. She's out of her mind."

"Sinabihan niya ba talagang 'tanga' si Drish, my love?"

"Oh gosh! His family is on rank six for heaven's sake!"

Marami na pala ang nakapalibot na estudyante sa amin at kaniya-kaniya sila ng mga reaksiyon mula sa nangyari. Balak ko sanang tumakbo na lang palayo para matakasan ang kahihiyang nagawa ko kaso naalala kong hindi nga pala ako makatayo. Kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang ulit. I feel embarrassed.

Hindi ko naman sinasadiya at lalong hindi ko alam na si Drish Croughwell pala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Tulad nang sinabi nila, ang pamilyang Croughwell ay nasa rank six na mayayaman sa bansa. Kaya dapat siyang katakutan at igalang ng lahat. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nilang ranking na 'yon. Basta ang alam ko lang, lahat ng mga pamilyang nasa ranking ay dapat na ginagalang.

Isa pa, alam ng lahat na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay isang mabuting tao at sangayon ako ro'n. Mabait siya para sa'kin, may respeto at paggalang rin siya sa iba at marunong makisama. Doon ko napatunayan na hindi niya nga sinasadiya ang nangyari. He and his group are also known to be good at soccer games yet I judged his capability with my uncontrolled emotion.

Higit sa lahat, gwapo siya at hinahangaan ng lahat ng estudyante. Isa na ako ro'n dahil lihim akong may paghanga sa kaniya. Hindi lang paghanga dahil may gusto ako sa kaniya. Hindi 'yon nagbabago kahit alam kong hindi ko siya kayang abutin. I take back everything I have said. I was too hasty and didn't recognize him.

After a while, I suddenly clung to his shoulder when... Is this true or just my imagination? Everyone around us gasped and couldn't believe what Drish had done. He carried me in a bridal style!

"I'm going to take you to the clinic since it's my fault and I want you to believe that I didn't do it on purpose. Maybe you can forgive me for that?" he uttered.

Our eyes met which made my heart beat faster as if it wanted to jump off my body. Hindi ngayon ang oras para kiligin ako dahil hindi ko kinakaya ang mga matatalim na titig na ipinupukaw sa'kin ng mga estudyante.

"Nahihibang na ba siya?"

"What a freak! I can't stand her hideous face!"

"She's pissing me off!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng mga boses na 'yon at doon ko nakita sina Chelsyn, Emil at Gerly na siyang nagsalita. I can't take this anymore!

"P-Pwede bang ibaba mo na lang ako? I'm fine, hindi ko na kailangang pumunta ng clinic," nahihiya kong pakiusap sa kaniya sa mahinang boses.

"Are you sure?" paninigurado niya naman.

"Y-Yes. It's okay and s-sorry for what I said," I stammered.

Hindi ko lubos maisip na sa ganitong posisiyon pa kami nag-uusap. Bakit kasi binuhat niya ko na wala man lang pasabi? Besides, he's been carrying me for a while, isn't he tired? Sabagay, kasi ako nangangalay na sa pagpapagaan ko para sa kaniya.

He made a low laughter before gently putting me down and immediately faced the students surrounding us. "All of you, you can leave now," he ordered in a calm voice. I smiled, he's like an angel.

Napaangat na lang ako ng ulo na kaming dalawa na lang ang natira sa hallway. Kaya pinilit ko nang makatayo at laking pasasalamat ko dahil nagawa ko naman, mabuti't hindi na masyadong sumasakit ang binti ko.

"Are you sure you're okay?" pag-uulit niya.

"Ahm, O-Oo nga," naiilang ko pang tugon.

"In that case, I'll go ahead. I'm sorry again and see you." I just nodded and tried to smile at him until he left and disappeared from my sight.

At least something good happened today. When can we talk again? It's okay if not anymore because I will die in no time at the hands of his fans.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status