"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
Lihat lebih banyak"I HATE THIS! Bakit ganoon si Mama? Gumagawa na lang siya basta ng sariling desisyon," naiinis na sabi ko sa sarili. Lukot na lukot ang mukha ko habang pabalik-balik sa paglalakad.
"What's wrong, Xander Luis? Kanina pa kita hinihintay sa ibaba. Hindi ka pa rin nagpapalit?! You're still wearing that dirty uniform, huh?!" Mama said.
"So, bakit? Tutuloy ba tayo roon? No way, 'Ma!" galit kong piksi sa Mama ko.
"Here we go again! 'Di ba tapos na nating pag-usapan 'yan? Ba't nagkakaganyan ka na naman?!" mariing sigaw ni Mudra.
"Whatever!" Nanggagalaiti kong sabi.
Pero Lalong lumapit si Mama. Tumunghay pa siya at lalong nagalit sa akin.
"Hey, young man! Don't act like that again. I don't want to see you mimicking like that!" galit na galit na sigaw ni Mama.
"And one more thing, Xander Luis. . ."
Napalingon ako kay mama. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Don't spoil this night. Kung hindi. . ."
"What, 'Ma?"
"Iga-grounded kita. Hindi ka puwedeng lumabas! No horse back riding at rancho."
"No way!" I said.
"So be good, huh? Bihis ka na, sweety!"
Iyon lang at lumabas na siya.
Ugh! That ugly woman! Pero joke lang! Hindi ugly si mama, ah? Maganda nga siya at sexy, eh.
Artista siya sa panahon namin. Tama, year yata 'to ni Marcos. Dyahe, ba't mo naman kami nilagay dito, author? Nakakatakot kaya 'yong mga panahon ni Marcos.
But kidding aside . . .
Actually, kanina pa kami away nang away ni Mama. Mabuti at lumabas na siya at tumahimik na rin ang silid ko. Anong pinagtatalunan namin? Tungkol lang naman sa nalalapit niyang kasal.
I don't like the idea. Grabe talaga!
Five years pa lang patay si Papa pero heto si Mama at mag-aasawa ulit. Naman! Bakit?
Bakit?
Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan ko nang magpalit kagaya nga ng sabi ni Mama. Alas siyete ang usapan nila ng lalaking iyon na magkikita kami sa bayan.
Tingin ng damit. Tapon sa kama. Kuha ulit sa kabinet. Tapon sa kama.
Dyaraaan!
Ayan, sa wakas, nakapili na ako. Tinapuan ko na ulit ng tingin 'yong ibang mga damit ko sa kama. So, ano naman kung makalat? Andiyan ang mga yaya. Ligpitin na lang nila, tutal binabayaran sila ng Mama ko.
Ano raw? Bastos ko ba? Totoo naman, eh, malaki ang sahod nila.
Sa huling sandali ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. At, naman, ang guwapo ko! Anak mayaman talaga ako. Saan ba kasi ako nagmana? E 'di sa mga magulang ko. Artista ang mama ko at dating gobernador ang nasira kong ama.
Nakasuot lang naman ako ng polo shirt at khaki pants na tinernohan ko ng walang kamatayang leather shoes.
Uy! Huwag niyong small-in 'tong sapatos ko. Mahal kaya ito? Sa mga branded shoe store lang meron nito noon. Mga may pera lang talaga ang nagkakaroon ng leather shoes noon. Kahit tanungin n'yo pa ang mga lolo ninyo.
'Yan, after a million hours, de joke lang! Fifteen minutes lang naman. Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Mama at napailing ako. She's smoking again. Nag-umpisa lang naman siyang manigarilyo nang mawala si Papa.
As if naman hindi pa nakaka-move on.
"Mama. . ."
NAKITA KONG lumabas ang gwapo kong Unico Hijo. Napapailing siya na parang sanggol. Bago ako tumayo ay bumuga muna ako ng usok mula sa pipa ko. Sosyal ako, eh. Nag-umpisa akong mag-smoke nang mamatay ang asawa ko. Mga limang taon na rin ang nakalilipas.
Sa totoo lang, masaya ako dahil patay na ang dati kong asawa. Strikto kasi siya. Cold as ice. Hindi siya sweet. Hindi ko nga alam kung mahal niya ako. O minahal man lang. Pinagkasundo lang naman kasi kami ng mga magulang namin. Mabigat ang mga kamay niya at everytime na nakagagawa ako ng mali . . . kahit maliit na bagay lang ay ginagawa niya akong punching bag.
Kaya nga madalas akong um-absent noon sa mga taping. Suwerte siya at hindi ko siya hiniwalayan. Guwapo nga siya pero sadista naman!
Ibinaba ko ang hawak kong pipa at masuyong hinipo ang pisngi ng anak ko. Ito lang, ito lang ang naging maganda sa pagsasama namin ni Franco. Si Xander Luis, ang gwapo talagang bata.
Magiging artista rin siya balang araw tulad ko.
"Ma, hindi na ako bata."
"Nah. . . Eh, sa gusto kitang ganituhin," malambing na sabi ko sabay pisil ko nang mariin sa pisngi niya.
"Ma! Stop that!" Mabilis niyang iniiwas ang mukha niya nang may dumaang maid.
"Ano ba, anak, bagets ka pa naman, ah?" Hinimas-himas lang niya ang pisngi niya. Mamula-mula pa ang pinisil ko.
"Napaka-sadista mo talaga, Ma!" reklamo niya.
Napadilat ako at saka itinago na ang pipa ko. I tapped his head just like a dog.
"Ma," Xander complained.
Pinandilatan ko lang siya. Para kaming bata. Hindi naman halata, 'di ba? Close kami ng anak ko na parang magbarkada lang.
Lumapit si Yaya Doreen.
"Madam, si Don Armando po, nasa kabilang linya. Gusto kayong makausap."
"Okay, sasagutin ko."
Binalingan ko si Xander.
"Xander, mauna ka na sa kotse. Pakisabi kay Mang Dionisio, ihanda ang kotse at tayo'y lalarga."
"Yes, mama," tila wala sa mood na sabi ni Xander.
Aba, at may gana pa siyang gumanyan? Kinuha ko ang telepono at kinausap si Armando, ang mapapangasawa ko. Ang landi ko ba? 'Di, ah! Excited lang!
"Hello?"
~~~~~~
"HELLO?"
"Yes, honey blood? Handa na ba kayo ni Xander?"
"Yes, honey munch."
"Good! Hindi na ba galit si Xander dahil matutuloy na ang kasal natin in the third time?"
"Naman, I already fixed it. Hindi na niya puwedeng kontrahin ito. Takot lang niya."
"Bakit? What did you do, honey blood?"
"Basta! Tell ko na lang later, honey munch. Oh. . . I miss you."
Hindi naman ako nakapagsalita agad dahil sa sinabi niya. Kinilig kasi ako roon.
"Honey munch, still there?"
"Yup, so, pupunta na kayo here sa resto?"
"Oo, sige. Ibababa ko na ito. I love you."
"I love you too, honey blood."
Nang matapos ang phone conversation namin ng babaeng aking iniibig at malapit nang makaisang-dibdib ay marahan kong tinapunan ng tingin si Armina. Nasa tabi ko siya at prente lamang na nakaupo.
Ang ganda ng anak ko. Dalagang-dalaga na at the age of sixteen. Marunong na siyang mag-ayos kahit walang inang kinalakhan. Idagdag pang parati pa akong busy sa business namin outside the country at sa rancho.
Mahinhin siyang tumingin sa akin. "Why, Dad?"
"Nothing, dear. Masaya lang ako dahil simulat-sapol ay hindi ka tumutol sa kasal namin ng Tita Ysabellita mo."
"Nah, Dad. Ba't ako tututol? Mabait si Tita Ysabellita, sexy pa at ang ganda ganda niya! I'm one of her fan in showbiz."
Dahil sa sinabi ng anak ko ay natuwa naman ako nang husto. Nginitian ko na lamang siya at saka pabirong ginulo ang buhok.
"Dad!"
YEAH, I'm with my father here lang naman sa resto. Italian restaurant, actually. Hinihintay namin si Tita Ysabellita at siyempre ang nag-iisang anak niyang si Xander Luis Montenegro.
Oh, I hate that man. Magkaklase kami since elementary. Ewan ko kung kilala niya ako pero sa tingin ko ay hindi na. Never nga niya akong kinausap at ganoon din ako sa kaniya. Never akong nag-insist ng usapan. But one time, it did happened. Yes I did, but not in purpose, ah!
FLASHBACK . . .
Naglalakad kami noon sa flag pole with my pretty clasmates.
Eh, pretty naman talaga kami, magaganda kaming lahat. One of my friends saw him sitting at the bench kasama ang mga loko-loko niyang barkada. Bale, lima sila, two girls and three boys. Kasali na roon si Xander. Tumigil sa paglalakad sina Mikaela at Luisa. Siyempre napatigil din ako.
"Why?" I asked.
"Can't you see, Armina?"
"What?" I frowned a bit and look around.
"Ang gwapo talaga ni Xander, Friend," Luisa said.
"Duh, gwapo? Mas gwapo pa nga ang tatay ko riyan, eh."
"Ano ba, Armina, bulag ka ba? He's God damn hot! Lahat yata ng mga kaklase nating babae may gusto sa kaniya," kinikilig na sabi naman ni Mikaela.
"So?"
"So?!" malakas nilang sabi na halos hindi makapaniwala sa akin. Sa wala naman talagang epekto sa akin si Xander.
"Stop staring, girls. Alam ninyo, panget ang ugali niyan. I swear," dagdag ko pa.
"Weh? May gusto ka rin sa kaniya, 'no?" pang-aakusa ni Luisa.
Nanlaki naman bigla ang mata ko. "No!"
Napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya nagsitinginan lahat ng mga dumaraan sa amin. Isa na roon si Xander Luis. Dahan-dahang lumapit ang grupo nila at sa mismong pagtapat niya sa akin ay tiningnan niya ako mula sa ulo hanggang paa.
Nang magtama ang aming mga mata ay nakaramdam ako ng biglang kaba. "W-What?" nauutal kong sabi.
"Ms. Nobody," he said in cold voice. He smirked at me and then said, "Ang ingay mo." Then, naglakad na sila as if nilagpasan lang ako.
Ano daw? Nobody?! WTH!
Hindi ko iyon matatanggap. Ms. Nobody raw ako? Ano 'yon, walang katawan?
HAHAHA. JOKE!
Pero nabubwiset ako sa totoo lang! Ang yabang niya!
"Hey you!" pahabol na sigaw ko sa kaniya. Pero nainis ako nang hindi man lang niya ako lingunin. "Hoy, lalakeng malaki ang sira sa ulo!"
Tapos dahan-dahan siyang napalingon. Iyan na naman ang cold eyes niya. Kakata-cute! Dahan-dahan siyang humarap at naglakad pabalik sa akin.
Geez! Natatakot ako, at ang bango niya! Ang guwapo niya!
Shit, bakit napapansin ko pa iyon? Tinitigan niya lang ako. Ang tangkad pala niya? Hanggang siko niya lang ako. Nako naman, malamang! Basketball player nga pala siya.
"What?" he said.
Iniiwas ko ang aking paningin. Tapos bago ako tumalikod ay may ibinulong siya sa tainga ko na aking ikinamula ko.
"Zipper mo, bukas," nakangisi niyang sabi at tumaas-taas pa ang kilay niya.
Namula lang ako that time at mabilis na itinaas ang zipper ko. Dyahe! Nagpahabol pa siya! Nakalayo na ako at malapit na sa kaniya nang marinig ko ang pang-aasar niya.
"Pink, huh," he said while grinning.
"Pink, huh. Pink, huh." Parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko.
Urgh! Most embarassing moment ko iyon. First time kong mabosohan. Actually, kasalanan ko rin naman dahil hindi ko chineck bago ako pumasok ng school. Pero naiinis talaga ako.
Badtrip! May araw din siya.
Makakaganti rin ako!
EWAN KO, pero parang may kung anong nangyayari kay Armina. Nagda-drugs ba siya? Ba't nakangiti siya nang walang dahilan.
"Armina," I said.
Tila naman nagising si Armina at umayos.
"WHAT, DAD?"
"What are you smiling at?"
"Nothing, Dad, just remembering something."
After ten minutes of waiting . . . dumating na sila Tita Ganda with her cold monster son. Grrr! I hate him. Sana hindi na niya maalala.
MALAMIG ang simoy ng hangin na dumarampi sa balat ko ng mga sandaling iyon. Katulad ng mga panahon ng huli akong magpunta rito.Nalungkot ako nang nanariwa ang sakit na dala-dala ko sa mga nakalipas na tatlong taon. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon na pala kabilis lumipas ang panahon na umaasa ako.Umaasa sa isang taong akala ko'y matatagpuan ko pa, ang sakit-sakit na sa tuwing bumabangon ako sa araw-araw ay wala pa rin lead sa pinakamamahal ko.Patuloy akong nabuhay sa nakalipas na taon na tanging ang pinanghahawakan kong dahilan ay balang-araw magkikita pa kami ni Sammy.Isang linggo na ang lumipas ng ideklara ng mga awtoridad na naghanap rito sa tatlong taon na nakalipas na itinigil na nila ang paghahanap sa nobyo ko.Wala man akong magawa, kahit magpahanggan ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin sa puso ko na buhay at muling babalik sa akin ng buo
SA mga sandaling iyon ay halo-halo pa rin ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari, matapos akong makarinig ng putok ng baril.Nanginginig akong kumapa sa aking harapang direksiyon."S-Sammy!"garagal kong pagtangis. Dama ko ang bawat katawan ng mga punong nararaanan ko. Kahit ilang beses na akong nadapa ay patuloy pa rin akong tumatayo at tumatakbo. Dahil iyon ang bilin ni Sammy, sana ay okay lamang ito. Sana ligtas ito sa kapahamakan!Tuluyan binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Maski ang paghinga at impit kong pag-iyak ay pigil-pigil ko.Patuloy lamang akong naglakad at nangapa sa kawalan. Nagbabakasaling may pag-asa akong matagpuan.Hanggang sa makarinig ako ng mga nagdudumaling yabag, ipinaling-paling ko ang aking ulo. Mas binilisan ko ang pagtakbo kahit walang direksiyon at hindi ako nakat
PAGBUBUKSAN ko sana si Kate ng pinto ng kotse ng biglang may paparating na itim na kotse."Oh Tita Celestina, bakit ho kayo narito? A-at bakit kasama niyo si Tito Rosette?"taka kong tanong habang pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa dalawang kaharap ko.Walang sino man ang nakakaalam sa lugar na ito, bukod kay Mica at sa driver na kasama namin.Masiyadong madaming pasikot-sikot ang daan papasok, bago makarating dito sa mismong falls. Ilang kilometro rin ang tatakbuhin ng kotse bago marating ang highway.Bigla akong nanigas at agad na kinabig palapit sa akin si Kate na walang kamalay-malay ng mga oras na iyon. Kita ko ang nakakalukong ngisi ni Tita Celestina, habang hawak naman ni Tito Rosette ang isang baril patumbok sa direksyon namin. Bigla akong pinawisan ng malamig."Ano ho bang n-nangyayari? Anong ibig sabihin nito!"pasigaw kong turan. Bagama'
BIGLA naman akong nanigas sa aking kinauupuan ng maramdaman ko ang marahan at mainit-init na paghinga na nanggagaling sa bibig ni Sammy."Sshhh! Relax don't you trust me Kate. . . "Tumango na lamang ako, totoong nagbalik na nga ang totoong Ivan Sammuel. Maloko ngunit puno ng paninindigan.Naramdaman ko ang paghila nito sa kaliwa kong palad. Dali-dali akong napasunod dito, sa mga sandaling iyon ay tuluyan kong ipinagtiwala ng buo ang sarili ko rito.Ganito ko siya kamahal. . .BAGAMAT sinalubong ako nang malamig na simoy ng pang-gabing hangin matapos akong pagbuksan ng pinto nang kanyang kotse ni Sammy ay hinayaan kong madama iyon ng aking balat.Napangiti ako ng wala sa oras ng tuluyan kong mapagtanto kung saan lugar kami naroroon ng taong pinakamamahal ko."S-Sammy totoo bang narito tayo sa Marivelles Falls?"hindi ko mapaniwalaan
Ini-start ko na ang engine, naging tahimik lamang ako sa mga sandaling nagdaan habang nagmamaneho. Hanggang sa pinasok ko ang malubak at bako-bakong daan papunta sa isang bakanteng lote.Tuluyan ko nang itinigil ang aking kotse matapos akong makarating sa isang abundanadong building. Itinaas ko ang aking mukha, nag-umpisa ng umambon.Naglakad na ako papasok, bumungad sa akin ang madilim na looban, nangangamoy ang halo-halong amoy. Katulad ng usok na nagmumula sa mga tabacco ng mga tauhan ko. Ang maalikabok na paligid, amoy ng kalawang sa mga gamit na nakatambak doon at masangsang na sariwang dugo.Kitang-kita ko ang pagsusugal ng mga apat na kalalakihan sa may lamesa, nagkalat ang mga basyo ng alak at upos ng sigarilyo. Naiiling akong pumasok.“Hoy! Baka naman hindi niyo ginagawa ang trabaho niyo? Baka sa pagkalango niyo sa pag-iinom at pagsusugal ah, sinasayang niyo mga pinapasuweldo namin!” Bulyaw ko sa mga ito.
MAANG ko lamang pinakatitigan ang aking Manager na panay ang dada sa harapan ko."Ano ka ba naman IS, hindi ka na ba nag-iisip talaga? Kung hindi ko pinakiusapan si Sir Salcedo. Nakatitiyak akong wala ka ng career ngayon!"Lakad ito ng lakad sa harap ko. Halos sampong minuto na itong walang tigil sa kasesermon sa akin."Hay naku! Tita pwedi ba, huwag na natin ipakasalanan iyan kay IS. Saka hindi naman niya kasalanan talaga, ito naman si Katherine talaga ang papansin in the first place!"naiiritang saad ni Angelique.Agad naman itong nilapitan ni Tita Celistina at dinuro."Hey woman! Hindi ko tinatanong ang opinion mo, kaya manahimik ka! " gigil na sabi nito."W-what? A-at ako pa ngayon ang pinag-iinitan niyo, excuse me!"naiiling nitong sabi. Kasabay ng marahas nitong pagtayo. Dali-dali itong nagwalk out.Ilang segundo pa ang lumipas at mu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen