Share

03-Dead Bodies

Dead Bodies

Isang malinis na office ang pinasukan namin and a man wearing thick glassess came out from somewhere.

Hindi ko alam kung saan siya galing dahil busy ako kakalibot ng tingin, base sa porma niya halatang may katandaan na ito.

"Good day Head Master, she is the new student of Sainth Orlando G. University," sabay-sabay nilang saad bago yumuko dito.

Wow ha?! They're respecting him that much, is he that powerful? Hindi siya mukang mahina aminado din na hindi ko masiyado mabasa ang bawat emosiyon sa muka niya pero may kung ano akong nakikita sa mga mata niya.

Pag susumamo? Pag mamahal? Kalinga? Ano ba naman to!

Kung ano mang mga emosiyon iyon alam kung nag kakamali lang ako dahil, bakit niya naman ako titignan ng punong puno ng mga hindi pamilyar na emosiyon na iyon? Trip-trip lang? Ganon?

"Hello po, saan po ba ang magiging dorm ko? Napagud kasi ako sa byahe," straight forward kong asik.

Ngumiti ito sakin bago may kung anong pinindot, may bumabang malaking mapa at naka sulat duon ang mga building names pati na ang mga classrooms.

Tumayo siya sa harap namin at kumuha ng pulang marker, susulatan ba niya yung mapa? Matatanggal pa ba yung marker sa gagawin niya? Hala! For sure mahal ang bili o pag papagawa niya sa map na iyan.

"Dito sa Mercury Building, last floor and whole room ang magiging kwarto mo at kung ang mga gamit naman ang iniisip mo, don't, nasa loob narin ng closet mo ang mga uniform every subjects."

May kung ano siyang tinuro na labis nag pagulat sakin.

"Ito ang pool area ng school pag gusto mo namang mag work out may gym din tayo, music room and firing area. Pero ang pinaka malaki sa lahat ang mall ng S.O.G.U hanggang apat na floor ito at kumpleto sa lahat."

Ngayon palang parang ang mall na ang isa sa mga gusto kong dalawin lalo na pag gusto kong mag relax or whatever. Pero bukod sa mall ang library din nila ang isa sa magandang lugar para tambayan dito pati na ang garden na may tree house.

"May i know kung saan naka locate yung garden at library niyo?" tanong ko naman dito.

"Malapit lang iyon sa building mo. Don't worry your guards will guide you para hindi ka maligaw," Dean.

Binigay niya sakin ang susi at ang printed na schedule ko. Kahit naman lagi akong pag sasabihan ng mga lalaking to, kailangan ko parin matuto sa sarili lang dahil mas sanay naman talaga ako sa ganon.

Para hindi na humaba pa ang usapan nag pasalamat nalang ako dito at tumayo para mag paalam na aalis na muna, hinatid niya lang ako palabas ng office at ang tatlo na ulit ang kasama ko palabas ng building para naman hanapin ang dorm ko.

Ganon lang din ang ginawa namin pababa, sumakay ng maraming elevator. Nag hintay na kusa kami nitong dalhin sa labas ng building na'to.

"Pwede bang ako nalang ang mag hanap ng dorm ko? Hindi naman ako maliligaw kasi mag name's naman every building." basag ko sa katahimikan.

"Pano pag hindi mo mahanap ang dorm mo? Nasa pinaka tuk-tuk iyon ng building."

Nilingon ko ang isang guard na slang kung mag tagalog. Ngayon ko lang din siya narinig na mag salita mula kanina.

"I know. Ayoko din na umasa sa iba kaya as long as kaya kung hanapin ang building at dorm ko hindi ko na kailangan pa ng tulong niyo."

Sasagot pa sana ang isa ng biglang bumukas ang elevator, nasa baba na kami. Nakita ko na ulit ang green grass na hindi naman madumi tignan muka ngang hindi umuulan sa lugar na'to.

Kung normal lang kasi ang pag babasihan pag umuulan dumudumi ang kulay ng grass while this green grass, matingkad at malinis siyang tignan.

Kinuha ko ang mga maleta sa kamay ng isa sa kanina hindi ko na hinintay na kontrahin pa nila ang gusto ko, basta nalang akong umalis at tinahak ang daan na nakita ko kanina sa mapa.

Hindi ko man kinabisado ang mapa pero inalam ko ang daan papuntang building ng dorm ko, alam ko din na before Mercury Building dadaan muna ako sa Saturn Building then after, sa Mars Building naman.

Kung by ranking ang pag babasihan ang Saturn Building ang pinaka mataas na rank pangalawa naman ang Mars Building then Last Mercury for beginners for short pinaka mababang rank.

Sa kawalan ko ng focus hindi ko na namalayan na hindi na pala tamang daan ang nilalakad ko, hindi naman sa nawawala ako pero parang papuntang kung saan na kasi ang daan na tinatahak ko.

"Fuck! S-stop!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sigaw na iyon kasunod non ang parang nabasag. Gusto kong pigilan ang sarili na sumilip pero huli na, dahan-dahan kong tinago ang mga maleta ko bago tinungo ang pinang galingan ng tunog.

Halos mapamura ako ng makita ang apat na bangkay, base sa kulay ng dugo nila fresh pa ang mga ito. Ito na ba? Ito na ba ang isa sa mga sekreto ng school na'to?

Kita kong humihinga pa ang isa at paunti unting bumubukas ang mata.

"Buhay ka pang animal ka," malamig na saad ng lalaki.

May kinuha siyang kung ano sa tabi at ng itaas niya iyon, isang basag na bote ang nakita ko kahit alam ko naman ang sunod na mangyayari walang takot ko paring pinanuod ang walang habas niyang pag saksak sa buhay pang lalaki.

Kung isa akong matatakutin na babae, suguro tumakbo na ko ang nag sisisigaw at humingi ng tulong. But sad to say hindi ako ganon kaya imbis na matakot napuno ng kasiyahan ang muka ko.

Kasabay ng pag alis ng lalaki ang pag guhit ng namamanghang ngisi sa labi ko, killing is allowed ha? Kaya pala ganon nalang ang motto nila.

Sinasabi ko na nga ba na may hindi tama sa school na'to at hindi ako titigil hangga't hindi ko pa nalalaman kung bakit pwede ang mga bagay na ito.

Mabuti nalang talaga at nag aral akong gumamit ng kahit anong baril at kutsilyo pati narin self defenses basic man o hindi.

Hindi din naman ako papasok sa walang kasiguraduhan na school na'to kung hindi ko alam kung pano protektahan ang sarili ko.

Hindi nga talaga ako nag kakamali na may kung anong dumi ang school na'to and those dead bodies ang mga evidences ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status