Share

02-School

School

Maaga palang akong nagising dahil sa katok na nag mumula sa main door ng mansion, pag bukas ko ng pinto lalaking malaki ang katawan ang bumungad sakin, hawak-hawak din niya ang kulay ginto na sulat.

"Ano po ang sadya niyo?" i ask.

Binigay niya lang sakin ang sulat at walang pasabi na pumasok, ako naman tulala lang habang prinuproseso sa utak ang mga pangyayari.

Welcome ba siya? Sinabi ko bang tumuloy siya o pwede siya pumasok? Bahay ng babae to kaya hindi siya pwedeng pumasok ng basta-basta lang.

"What do you want? Pwede akong tumawag ng police at kasuhan ka dahil sa biglaang pag pasok mo."

Mahinahon man ang pag kakasabi ko pero hindi maipag kakaila ang inis duon, nasa mata ko din ang gigil at may diin ang bawat salitang sinasabi ko.

"You can't Ms, binuksan mo ang pinto kaya ang ibig sabihin non pinapapasok mo ko," baliwala niyang sagot.

Natameme naman ako kasi may point siya at pag tumawag ako ng police for sure mag tatanong iyon kung bakit ko binuksan kung hindi ko naman kilala.

Hindi nalang ako sumagot pa o nakipag argumento binuksan ko ang sulat na binigay niya ng hindi umuupo, ang plano ko ay paalisin siya after i read the letter.

"You're invited? Ano to? May kasal ba or birthday?"

Wala na kong iba pang nabasa kundi iyan lang at kung hindi ko pa tinitignan ang logo na print sa likod hindi ko malalaman na ito pala ang invitation sa school na inenrollan ko.

Nag palipat-lipat ang tingin ko sa invitation at sa taong tumayo na bago lumabas, sa laki ng katawan niya kinailangan ko pang umusog para lang maka daan siya.

Bakit ba kasi isang pinto lang ang binuksan ko? At bakit din ba ang laki ng katawan niya? I mean he's not mataba ang laki talaga ng katawan niya dahil sa kakawork out, kung hindi ako nag kakamali.

Mukang ang liit kong tao sa lagay na'to nahiya tuloy yung height ko at ang maliit kong katawan dahil sa pag daan niya. Okay ikaw na malaki ang katawan.

"Hihintayin kita sa baba, limited lang ang oras ng pag hihintay Ms," inform niya sakin.

Tumango lang ako dito bago siraduhan ng pinto at agad na pumasok ng kwarto para maligo, mabuti nalang talaga at nag handa na ko ng mga gamit na pwede dalhin para ngayon nasa hanger narin ang susuotin ko.

After kong maligo nag suot lang ako ng black top, white short-short and white sneakers shoes i dry my long black hair bago ko isuot ang hanggang tuhod na coat.

Nag lagay lang ako ng baby powder and blush on hindi ko na kailangan mag lagay ng kung ano sa labi dahil natural na ang pula nito, kahit kagatin lang okay na.

Bumaba ako habang dala-dala ang dalawang maleta ang isa mga damit ko ang laman ang isa naman sapatos at mga branded bags. I also brought my favorite cups with me dahil ayoko ng tasa sa school baka may gumamit na non before.

Bago ako lumabas i make sure na patay lahat ng ilaw at aircon ng mansion, nilock ko ang mga bintana at ang fire exit door at ang iba pang pinto na pwede pasukan ng mag nanakaw. Nang masigurado kong okay na lahat lumabas na ko at nilock ang pintuan bago humarap sa isang magandang kulay puting Limousine at halatang bago pa.

Sayang at hindi ako diyan sasakay, i have my baby Sports Touring at ayokong maiwan iyon dito sa garahe ko kasama ang iba ko pang collections.

Hanep noh? Yung wala kang pera pero marami kang branded na collection, ako nga din nag tataka na parang nag papasalamat kasi kahit hindi ko kilala at alam ang taong nasa likod ng lahat ng to, hindi niya parin ako pinapabayaan at bibigay niya lahat ng luho ko.

"May iba akong sasakyan ikaw na bahala sa mga gamit ko ha? Sundan ko nalang tong kotse mo."

Hindi siya tumango o sumagot manlang basta kinuha niya ang mga gamit ko at pinasok sa sasakyan niya, hinintay niya muna akong mapaandar ang gagamitin kong sasakyan bago niya buhayin ang sakanya.

Nag helmet ko bago mag sign ng 'okay' dito, sunod lang ako ng sunod sa kanya at hindi ko hinahayaan na mawala sa paningin ko ang malinis at makinang niyang sasakyan.

Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming nasa kalsada pero isa lang ang alam ko, nakakapagud na mag drive pero muka namang malapit na kami.

Nakikita ko na mula dito ang mataas na building at gate ng school, hindi ko alam kung nakikita ko ba dahil malapit na o nakikita ko kasi subrang taas at laki ng school?

After a couple of minutes narating din namin ang school at kagaya ng sabi ko kanina, subrang laki nga nito at ang taas.

Wow?! School pa ba talaga to? Bakit parang muka siyang five-star hotel? No! Mas malaki pa siya kumpara sa pinag sama na dalawang building ng hotel.

Pag bukas ng gate dalawang nag lalakihang lalaki ang lumabas at sinalubong ang lalaki na pumunta ng mansion kanina.

Ang isa naman ay lumapit sakin, masuri niya kong tinitigan bago umiling-iling. Hindi ko man alam ang ibig niyang sabihin don pero parang nainsulto ako ng kunti.

"The invitation card, madam?"

Walang sali-salita kong inabot dito ang card na binigay nong lalaki kanina, giniya niya ko papasok habang sumunod naman samin ang dalawa na dala ang mga maleta ko.

Sumusunod lang ako kahit ang totoo, hindi ko naman talaga alam kung saan ang punta namin. Kung sa dorm ba or sa Dean's office muna para makilala ko ang Dean ng school.

Ilang elevator na ang nasakyan at binabaan namin pero hindi parin namin nararating ang lugar o kung saan na pupuntahan namin.

"Malayo pa ba tayo? Pagud na ko gusto ko ng mag pahinga," saad ko.

"Malapit na tayo, madam," sagot ng lalaking sumalubong sakin kanina.

"Where are we going ba? Halos nilibot na natin ang buong school."

Mahina naman siyang tumawa bago humarap sakin. Anong nakakatawa don? Muka na kaming naliligaw dahil sa ginagawa nila.

"Hindi pa tayo na ngangalahati madam, nasa isang building parin tayo kaya kung iniisip mong naliligaw tayo, don't worry kabisado namin ang buong lugar."

Tumahimik nalang ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya, alam ko namang nasa iisang building parin kami ang akin lang.

Paanong hindi pa kami na ngangalahati? Glass ang elevator na'to kaya kita ko kung gaano na kami kataas at gaano kadami ang students na nasa baba.

Kakaiba talaga ang school na'to at alam kong sa likod ng magagandang tanawin at nag lalakihang pader at mga gate na naka palibot, may naka tagung mabaho at hindi pa umaalingasaw na dumi ang meron sa school na'to.

At iyon ang totoong pintunta ko dito, bukod sa pag aaral na wala naman talaga sa plano ko, ang pag diskobre sa mga tinatagong sekreto ang totoong sinadya ko dito.

Kaya kung ako sa school na'to ngayon na naka pasok na ko dito, hindi nila hayaan na malaman ko lahat. Iba ako makipag laro dahil ngayon palang nag aalab na ang excitement sa buong katawan ko, masama iyon pag sumabog.

Hide all as long as you can dahil kahit ang unang pag apak ko dito alam ko na kung anong klasing school to.

And this school is not just an ordinary one, cause behind those school name hindi makakatakas sa mata ko ang karatulang nakasulat.

School of Gangsters.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status