LOGINPara mapalapit kay Ninong ay siyempre gumagawa ako ng paraan para lang makita siya. "Ang aga mo yatang nagising Tita Kristine?"
"Oo, gusto kong sorpresahin ang Ninong Royce mo. Kaya heto nagluto ako ng paborito niyang ulam." "Ah, kaya pala." Lihim na nagngitngit ang aking kalooban nang marinig ang sinabi ni Tita Kristine. Kailangan kong paghiwalayin sila ni Ninong para masolo ko na ang lalaking pinagpantasyahan ko. "Pwede bang sumama sa'yo, Tita?" Kumunot ang noo ni Tita Kristine sa narinig mula sa akin. "Are you sure that you want to go with me?" "Opo, t'saka na bored na rin ako rito sa bahay." "Ikaw naman kasi ayaw mo pang pamahalaan ang kompanya niyo at mas gusto mong i-focus ang atensyon sa maliit mong flowershop." Yes, may maliit akong flower shop pero kahit paano ay kumikita naman iyon. Kumikita nga ako ng limang-libo sa isang araw, minsan kapag mahina naman ay malas na ang isang libo at limang daan. Sariling-sikap ko ang aking flower shop, dati na nag-aaral pa lamang ako, iniipon ko ang aking baon kaya nagkaroon ako ng sarili kong negosyo. "Sige na pumayag ka na Tita Kristine. Malay mo baka may makilala ako doon na gwapo at matipuhan ko?" biro ko pa. "Ikaw talaga, sige na nga. Ang mabuti pa tulungan mo nalang din ako at nang makaalis na tayo." "Pero...magbibihis pa ako, Tita." "Ha? Aba'y okay na iyang suot mo na naka-t-shirt ka at naka-maong." Hindi ko napigilan na mapasimangot. "Alam mo naman na naiinitan ako kapag ganito ang suot ko, hindi ba?" "Ay, ewan ko sa'yo. Hala sige at bilisan mo at nang pagkatapos ko rito ay aalis na tayo." "Yes!" excited kong bulalas at nagmamadaling pumanhik sa taas patungo sa kwarto para magbihis. Pinili ko ang maikli kong white shorts, at spaghetti trap, pagdakay pinatungan ko ng red cardigan na yari sa Satin. I also wear my white Skechers and of course my Louis Vuitton shoulder white bag. Umikot pa ako sa salamin at masayang pinakatitigan ang maganda kong mukha at katawan. Hmmm... tingnan ko kung hindi maglalaway sa'kin si Ninong Royce. Pagkatapos ay nagmamadaling bumaba na ako at hinanap si Tita Kristine. "Manang si Tita nasaan?" tanong ko nang hindi ko makita sa kusina si Tita Kristine. "Hinihintay ka nasa garage na dalian mo at baka ikaw ay maiwan," ani Manang. Nagmamadaling naglakad ako hanggang sa nakita ko nga si Tita Kristine kasalukuyang nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa relong-pambisig. "Tita!" Sigaw ko. "Halika na!" Sigaw din niya sa akin at pumasok sa may driver seat ng kotse. Nagmamadaling tumakbo ako patungo kay Tita Kristine at mabilis an pumasok sa may front seat. "Naku, pagpipiyestahan ka na naman ng mga kalalakihan diyan sa suot mo, Lorna." "Tita, buwan ng Marso at mainit na ang panahon, hello... paparating na ang summer. Bagay naman sa'kin ang suot ko." "Tiyak kong pagagalitan ka na naman ng Ninong mo riyan sa mga style ng pananamit mo. Alam mo namang very conservative iyon." Sa narinig ko kay Tita Kristine ay naglalaro sa aking mga labi ang excitement. Excited na naman akong akitin si Ninong Royce. Alam kong nararamdaman nitong may gusto ako rito at malakas ang dating ko sa bumubukol nitong harapan sa tuwing pasimpleng sinasagi ko iyon ng aking mga kamay. Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa naturang building. Halos tumalon sa tuwa ang aking puso nang sa wakas ay makakaapak akong muli sa building na ito. Mula sa kotse ay sabay na umibis kami ni Tita Kristine. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang mga kalalakihan na ngayo'y nakapako ang tingin sa akin. Hmmm... maglaway kayo sa makinis at seksi kong katawan. "Look, Lorna. Naku, pansin mo ba ang ilang mga kalalakihang employees ng Ninong Royce mo? Nasa iyo ang lahat ng tingin." "Hayaan niyo na lang sila, Tita Kristine. Hindi rin naman ito magiging kanila at hanggang tingin lang sila sa akin." Naglakad na kami ni Tita Kristine at halatang excited na makita si Ninong Royce na tulad ko. Hayan na naman ang pagbangon ng inis at selos sa aking puso. Sumakay kami sa elevator at pinindot ni Tita Kristine ang palapag kung nasaan si Ninong Royce. "Halatang in love ka, Tita Kristine." "Oo naman, mahal na mahal ko ang Ninong Royce mo. Siya lang ang lalaking nagpapasaya sa akin ng ganito." Totoo ang sinabi ni Tita Kristine. Pero hindi niya parin maitatago na nagtaksil siya sa kanyang unang asawa dahil kay Ninong Royce. Kaya hindi ko siya gusto kay Ninong. Ako ang nababagay kay Ninong Royce, hindi siya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa mismong opisina ni Ninong Royce. Kumatok muna si Tita Kristine saka namin narinig ang baritonong tinig ni Ninong. Tinig pa lang ay nag-init na ako. Paano na lang kaya kung malasap ko na ang halik at haplos nito sa aking malambot na katawan? Heto na naman ako sa pagpapantasya ko kahit gising. Nagulat pa nga si Ninong nang makita ako pero agad din siyang nakahuma nang maramdaman ang halik ni Tita Kristine sa kaliwang-pisngi nito. "Akala ko ikaw lang mag-isa. Kasama mo pala si Lorna?" "Yes, ang kulit kaya sinama ko na." Napansin namin ang sekretarya ni Ninong na si Emily na malaki na pala ang tiyan. "Buntis ka pala, kailan ka manganganak?" tanong ko kay Emily. "Oo, e. Heto nagpasa ako ng resignation kay sir. Nalulungkot nga ako dahil wala pa akong kapalit." Biglang nagliwanag ang aking utak at mabilis na nagsalita. "Pwede ako, what do you think, Tita Kristine?" Nakangiting napasulyap ako kay Ninong Royce ngunit tumigas lang ang kanyang anyo nang marinig ang aking suhestiyon. "May hiring kaya no need," seryosong sagot ni Ninong Royce. Aaminin kong may naramdaman akong munting kirot dito sa aking puso. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at kunway kalmadong nakaupo lang ako sa couch habang nanood ng TV. "Bakit kasama mo si Lorna?" tanong ni Ninong kay Tita Kristine. "Gusto niyang sumama, isa pa alam mo naman na mapilit ang babaeng 'yan. Agree ako na pwede si Lorna bilang sekretarya mo. Lahat ng skills ay nasa kanya." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ninong Royce. "Oo nga naman, sir. Lalo na at tambak pa ngayon, kung skilled si Ms. Monsanto, ibig sabihin madali lang sa kanya ang lahat ng trabaho na naiwan ko." Gusto kong yakapin ang dating sekretarya ni Ninong sa narinig mula rito. Sana nga pumayag si Ninong para naman may pagkakataon akong mas lalong akitin pa.Dahil hindi ako makatulog sa aking kwarto tinungo ko ang kwarto ni baby Rio. Nagpasya akong doon na muna kami matutulog. Pinindot ko ang intercom sa kwarto ni Baby Rio upang ipaalam sa kawaksi na narito ako sa kwarto ng munti kong anghel."Dito mo nalang ihatid ang dinner ko sa kwarto ni Baby Rio.""Yes, ma'am," maagap na sagot naman nito.Marahas na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Walang kasing sakit ang ginawa ni Royce. Magpahanggang ngayon ay nag-echo sa aking pandinig ang bawat ungol ng babaeng nasa kabilang linya.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang aking dinner. "Ilapag mo lang diyan, Manang," utos ko. "Yes, ma'am."Mabuti na lang at manok na may sabaw ang ulam. Tamang-tama at gusto kong humigop ng mainit na sabaw. Lihim naman akong nagpasalamat dahil gutom ako. Ibig sabihin hindi ma-snob ang tinolang manok na luto ni Manang. Nilantakan ko kaagad ang naturang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay dinampot ko ang aking cellphone. Napansin ko kaagad a
Kinakabahan na nakatayo ako ngayon sa pinto ng opisina ni Royce. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago kumatok. Kailangan ko ba talagang gawin ito? Bagong kasal lang kami tapos ganito na kaagad, isa pa ay kapapanganak ko pa lang. Sa huli ay hindi ako tumuloy at nagpasyang umalis na lamang at umuwi ng bahay. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ba't kaya ako pinakasalan para isalba sa kahihiyan at bigyan ng kompletong pamilya si Rio? "Are you okay?" takang-tanong ni Susan sa akin nang eksaktong nakauwi na ako sa bahay at nadatnan ko itong nakaupo sa living room."I'm fine," sagot ko. "Teka, ano iyang dala mo?" Maagap na iniwas ko kay Susan ang dala kong white folder. Kung saan naroon ang annulment paper."Kay Royce ito, may inutos lang siya sa akin," pagsisinungaling ko. Lihim naman akong nagpasalamat at hindi na nangulit pa si Susan. Pasimpleng inilapag ko ang white folder sa glass center table.Saka ko lang napansin n
Naalimpungatan at nagulat ako sa sunud-sunod na doorbell kaya bumalikwas ako ng bangon. Sigurado akong si Royce ang nambulahaw. Hindi man lang ba nito naisip na baka mabinat ako? Mabuti na lamang at kasalukuyang iniinom ko ang aking pain reliever para sa aking tahi sa tiyan. Ako lang at si Baby Rio ang narito sa rest house. "Sandali lang!" sigaw ko. Lumabas ako mula sa kwarto saka tinungo ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at si Royce nga. Nakatayo sa gate at galit ang nakikita ko sa mga mata nito. Really, at siya pa ang may ganang magalit? Ang kapal din ng apog ng lalaking ito."Bakit hindi kayo sa bahay umuwi?" inis nitong tanong sa akin. "Mas gusto ni mommy na dito muna ako. Ayoko na ring abalahin pa sila ni Dad," sagot ko sabay bukas ng gate. Pumasok kaagad si Royce sa loob. "Gusto kong makita ang anak ko?" "Nasa kwarto, mas maigi ng narito kami dahil hindi mahirap para sa akin. Saka pumupunta naman dito every afternoon si Manang para ipag-laba, mag-linis, at mag-assist sa aki
Ilang araw pa ba ang hihintayin ko makita lang si Royce? Hindi ba ito excited na makita ang anak namin? "Come on, huwag ka ng umasa at sigurado akong masasaktan ka lang, Lorna. Ilang araw na rin ang lumipas at hindi siya nagawi rito."Inaamin kong tama si Susan pero sana naman hindi na lang nito sinabi ang bagay na iyon kahit man lang alang-alang sa sitwasyon ko."Susan, ano ka ba!" saway naman ni Mia. "Totoo naman, ayoko lang na umasa si Lorna."Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Susan. Alam ko na tulad ko ay nahihirapan din ang kalooban ng dalawa kong kaibigan para sa akin lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Hindi madali pero kakayanin.Kanina pa umalis sina Mommy at daddy. Nagsinungaling na lamang ako para hindi magalit o mainis man si dad para kay Royce. "Nang dahil sa lalaking iyon nagawa mo pang magsinungaling sa mga magulang mo. Palagi mo nalang siyang tinatakpan. Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo?" palatak ni Susan. "Ganyan naman talaga ang ginagawa ng taon
Ang malakas kong sigaw ang maririnig sa isang kwarto kung saan ako naroon para isilang ang sanggol na gusto ng kumawala sa aking sinapupunan."Mukhang hindi mo kayang manganak ng normal, Mrs. Sy. We need to conduct a Cesarian session. Hindi kasi umuusad, " ani ng aking doktora. "S—Sige po," nahihirapan kong sagot. Damn, mukhang mawawalan na ako ng malay pero kailangan kong lumaban."Doc, s—sobrang sakit na at baka hindi ko kayanin," ani ko sa nanghihinang boses. Narinig kong inutusan ng doktora ang nurse na kasama. Napansin kong sinuri kaagad ng nurse ang ilang mga vital signs ko. Lihim akong nagpasalamat at nilagyan ako ng oxygen mask medyo bumalik ang aking lakas.Mula sa kinaroroonan kong kwarto ay inilipat ako sa isang operating room kasama namin ngayon ang isang surgeon. Saka may itinurok sa akin dahilan para makatulog ako. Makalipas siguro ng ilang oras ay dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Susan at Mia."Careful," ani Mi
Months later...Pagkatapos ng aming simpleng kasal sa huwes ay nagpasya si Royce na pasamahan muna ako ni Mommy since buntis ako. Si Dad naman ay ipinagpatuloy ang business na nasimulan niya sa Cebu. At sa awa naman at tulong ng Dios ay lumago ito ilang buwan pa lamang ang nakalipas. Dahil kasal na kami ni Royce napansin ko ang kakaibang pakikitungo ni Royce sa akin na siyang totoong nagbigay kulay sa aking buhay. Ayoko man na umasa pero sana nga tama ang kutob ko."Mabuti naman at okay na pala kayo ni Mr. Sy. Mukhang may happy ending ang story niyo. Baka na realize na niya na mahal ka niya. Ikaw ba bumalik na ang feelings mo sa kanya o natatabunan parin ng galit at poot?" Kausap ko sa kabilang linya si Susan. Kasalukuyang narito ako sa aking kwarto habang kaharap ang flat screen TV. Nasa harapan ko ang isang basong gatas."Hindi ko pa masasagot ang tanong mo, Susan.""Teka lang, nagkikita pa ba kayo ni Mia?""She's busy I guess," sagot ko. "Well, siguro. Lalo na at sobrang busy si







