LOGINBehind the heavy mahogany doors of the courtroom and within the cold, and world of legal transcripts, a war is being waged that no textbook can explain. It is a battle of intellect, a clash of egos, and a dangerous dance between two people who were born to be each other’s downfall. Atty. Danah Elise Laureano is a woman forged in the fire of perfection. She is sharp, undefeated, and carries her reputation like a suit of armor. But that armor has a single, jagged crack—a memory of a bitter defeat during her senior year of college. It was a loss handed to her by the only man who ever dared to look her in the eye and call her a "loser." Atty. Lucas Sebastian Salazar is that man—a brilliant, arrogant strategist who turned Danah’s world into a perpetual second-place finish. For years, they were parallel lines that only met to clash, until one reckless, rain-soaked night altered the trajectory of their lives forever. Broken by a fiancé’s betrayal and suffocated by the pressure of her own name, Danah sought refuge in the shadows of a local bar. That night was supposed to be an ending—a way to drown the pain in the arms of the man she hated most. Instead, it became a haunting. Now, as they stand on opposite sides of the Sovereign Legacy Case—a conspiracy involving blood money, power, and high-level corruption—the stakes have shifted. The rivalry is no longer just professional; it has turned into something visceral and dark. Lucas has become a shadow in her peripheral vision, a silent observer of her every move, and a man whose obsession has overruled his logic. He doesn't just want to beat her in court anymore; he wants to own the very air she breathes.
View MoreAng amoy ng lumang kahoy, aircon, at ang mabigat na presensya ng kaba ang bumabalot sa buong session hall ng Saint Jude College. Para sa karaniwang estudyante, isa lang itong requirement o isang event na kailangang daloan para sa extra credits. Pero para kay Danah Elise Laureano, ito ang kaniyang entablado. Ito ang laro kung saan siya ang reyna.
Naka-upo si Danah sa dulo ng mahabang lamesa, suot ang kaniyang pinakamalinis na white blazer. Maayos ang pagkaka-pusod ng kaniyang buhok. Sa harap niya ay ang kaniyang laptop at ang makapal na folder na naglalaman ng kaniyang mga argumentong ilang linggo niyang ppinagpuyatan. "Kaya mo 'to, Danah. You are a Laureano. Failure is not in your vocabulary," bulong niya sa sarili habang hinihintay ang pagsisimula ng Inter-College Debate Championship. Lumingon siya sa kabilang panig ng hall. Ang ingay ng mga estudyante mula sa San Sebastian University ay tila isang babala. Doon, nakita niya ang kaniyang magiging katunggali. Ang usap-usapan ng lahat. Ang lalaking sinasabing hindi pa natatalo simula noong first year. Si Lucas Sebastian Salazar. Nakaupo ito nang relax, halos nakasandal na sa kaniyang upuan habang nakikipag-bulungan sa kaniyang teammates. Hindi ito mukhang kinakabahan. Sa katunayan, mukhang naiinip pa ito. Nang mapansin ni Lucas ang titig ni Danah, dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Isang mabilis na kindat ang ibinigay nito sa kaniya bago ito bumalik sa pakikipag-usap. Uminit ang mukha ni Danah sa inis. "Ang yabang," gigil niyang sabi. "Welcome to the final round of the Inter-College Debate Championship," panimula ng moderator. Ang bawat salita nito ay tila isang tambol na nagpapatibok ng puso ni Danah. "The topic for today: The legality and morality of corporate sovereignty over individual rights. Let the debate begin." Tumayo ang unang speaker ni Danah. Maganda ang simula. Sumunod ang unang speaker ni Lucas. Palitan ng matatalas na salita. Pero alam ng lahat na ang totoong labanan ay sa pagitan ng dalawang team captains. Nang dumating ang oras ni Danah, tumayo siya nang may dignidad. Ang kaniyang boses ay malinaw, bawat salita ay may diin, bawat argumento ay may basehan sa konstitusyon. "Your Honor, the individual is the smallest minority. If we allow corporations to supersede the rights of the one for the profit of the many, we are not building a civilization; we are building a factory. The law must always protect the heartbeat, not the balance sheet!" Nagkaroon ng bulungan sa loob ng hall. Nakita ni Danah ang pagtango ng mga judges. Ramdam niya ang tagumpay. Naupo siya nang may kumpirmasyon sa sarili na nakuha niya ang momentum. Pero tumayo si Lucas. Walang hawak na kahit anong papel si Lucas. Lumakad siya sa gitna, malayo sa kaniyang podium, tila ba nakikipag-usap lang sa isang kaibigan. "My opponent speaks of heartbeats and factories," simula ni Lucas. Ang boses niya ay malalim, at nakaka-hypnotize. "It’s a beautiful sentiment, really. Very poetic. But we are here to discuss the law, not to write a romance novel. The economic stability of a nation rests on the structures we build. If we stifle the engines of growth, the very individuals Ms. Laureano wants to protect will be the first ones to starve in the dark." Huminto si Lucas at tumitig nang diretso kay Danah. "Don’t give them poetry, Danah. Give them a future." Sa loob ng tatlumpung minuto, tila naging personal ang labanan. Bawat rebuttal ni Danah ay sinasalubong ni Lucas ng isang counter-argument na hindi lang basta lohikal, kundi mapang-asar. Bawat beses na sinusubukan ni Danah na bawiin ang atensyon ng judges, gumagawa si Lucas ng paraan para mapunta sa kaniya ang spotlight. "You’re focusing too much on the theory, Ms. Laureano," sabi ni Lucas habang nasa gitna ng kaniyang cross-examination. Lumapit siya nang kaunti sa lamesa ni Danah, sapat na para maamoy ni Danah ang kaniyang perfume na amoy peppermint at leather. "In the real world, the gavel doesn’t fall for the loudest voice. It falls for the truth that hurts the most." "And the truth is, you're just manipulating the facts to suit your arrogance, Mr. Salazar," ganti ni Danah, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik. "Arrogance is just a word people use for someone who knows they’re right," bulong ni Lucas bago bumalik sa kaniyang pwesto. Natapos ang debate. Ang katahimikan habang naghihintay ng desisyon ng mga judges ay tila isang habambuhay para kay Danah. Pinagpapawisan ang kaniyang mga palad sa ilalim ng lamesa. Hindi siya pwedeng matalo. Hindi sa harap ng lalaking ito. "The judges have reached a decision," sabi ng moderator. Humawak si Danah sa gilid ng kaniyang upuan. Sa kabilang banda, si Lucas ay nakatingin lang sa kisame, tila ba alam na niya ang resulta. "The winner of this year's championship, by a split decision... San Sebastian University!" Ang tunog ng palakpakan ay tila isang malakas na sampal sa mukha ni Danah. Parang biglang nawalan ng hangin sa loob ng hall. Talo siya. Ang record niyang walang bahid ay nadungisan na. Habang nagliligpit siya ng kaniyang gamit, naramdaman niya ang isang anino sa kaniyang harap. Pag-angat niya, naroon si Lucas. Hawak na nito ang maliit na gintong tropeyo. "Good game, Laureano," sabi nito. Ang tono niya ay hindi mapang-alipusta, pero ang kaniyang mga mata ay puno ng tagumpay. "You were good. Too good, actually. Pero gaya ng sabi ko, masyado kang seryoso. You forgot to breathe." Hindi sumagot si Danah. Mabilis niyang isinara ang kaniyang laptop at isinuksok sa bag. "Huwag mong dibdibin," dagdag pa ni Lucas. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa tenga ni Danah, sapat na para maramdaman nito ang kaniyang mainit na hininga. "Sadyang may mga tao lang na ipinanganak para manalo, at may mga tao na kailangang matutong matalo sa kamay ko."Ang library ng City Hall ay ang pinakamatahimik na lugar na alam ko sa buong siyudad. Dito, ang tanging ingay na maririnig mo ay ang paglipat ng mga pahina, ang mahinang pag-ugong ng lumang aircon, at ang paminsan-minsang pag-ubo ng librarian. Walang music, walang malakas na tawanan, at higit sa lahat, walang distraction. O iyon ang inakala ko.Alas-otso pa lang ng umaga ay narito na ako. Pinili ko ang pinakasulok na table, iyong malayo sa bintana para hindi ako maakit tumingin sa labas. Nakalatag na ang aking Codals, ang aking mga makukulay na highlighters, at ang aking notebook na puno ng mga mnemonics na ako lang ang nakakaintindi. Criminal Law ang focus ko ngayong araw. Kailangan kong kabisaduhin ang bawat elemento ng bawat krimen."Rebellion, Sedition, Treason..." bulong ko sa sarili ko habang sinusulat ang mga keywords.Maayos na ang lahat. Naka-focus na ang utak ko. Pero makalipas ang isang oras, naramdaman ko ang pagbukas ng mabigat na pinto ng library. Hindi ko sana papansini
Magtatanghali na, at ang kalsada sa labas ng paborito kong coffee shop sa siyudad ay abala sa mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Pero ako, heto, nakakulong sa apat na sulok ng kapihang ito, sinusubukang lunukin ang lahat ng probisyon ng Civil Law habang lumalaklak ng kape.Isang buwan na ang nakalipas simula noong graduation, at ang review para sa Bar Exam ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin na maging matino. O baka naman ito rin ang unti-unting sumisira sa akin."Excuse me, Miss? Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante," tanong ng isang lalaki.Hindi ako nag-angat ng tingin. "May nakaupo na rito," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay ang bag ko lang naman ang nasa tapat na silya."Talaga? Ang pagkakaalam ko, ang mga bag ay walang karapatang bumoto o umupo sa mga public spaces, Atty. Laureano."Halos mabitawan ko ang highlighter ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, nanalangin na sana ay namamali l
Ang graduation day ay dapat masaya. Dapat puno ito ng tawanan, iyakan ng katuwaan, at ang matamis na lasa ng tagumpay matapos ang ilang taong pagpupuyat sa ibabaw ng makakapal na codals. Pero habang sinusuot ko ang itim na toga sa harap ng salamin, wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat sa aking dibdib."Danah, anak, napakaganda mo sa suot mo," sabi ni Mama habang inaayos ang kulyar ng toga ko. "Sabi ko na nga ba, magiging ganap na abogado ang anak ko."Pilit akong ngumiti sa repleksyon ni Mama sa salamin. "Hindi pa po, Ma. Review pa po para sa Bar.""Sus, ikaw pa ba? Top 1 ka nga sa batch niyo, 'di ba?" pagmamalaki niya.Iyon na nga ang problema. Kahit ako ang Top 1 ng aming unibersidad, kahit ako ang may pinakamataas na GPA sa buong College of Law, ang pakiramdam ko ay palaging may kulang. Parang may isang malaking batik sa record ko na hindi mabura-bura. At ang batik na iyon ay may pangalan—Lucas Sebastian Salazar.Ang graduation ceremony ay ginanap sa isang malaking conventio
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa Saint Jude, pero ang bawat hibla ng utak ko ay nakakandado pa rin sa bawat salitang binitawan ni Lucas Sebastian Salazar. Hindi ko matanggap. Hindi ko maproseso kung paanong ang isang taong tinitingnan ang batas bilang isang laruan ay siyang nakakuha ng parangal na pinaghirapan ko nang buong tatlong taon."Danah, stop it. You’re going to burn a hole through that page," bulong ni Mia sa tabi ko.Napatingin ako sa librong hawak ko. Halos mapunit ko na nga ang pahina ng Constitutional Law Review book sa higpit ng hawak ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili."I’m fine, Mia. Nag-aaral lang ako," sagot ko, kahit alam naming dalawa na kanina ko pa binabasa ang iisang sentence nang hindi ito pumapasok sa isip ko."No, you’re not. Simula nang matalo tayo, para ka nang laging sasabog. Move on na, girl. Graduation is just around the corner. Focus na tayo sa review for the Bar," payo niya habang nililigpit ang kaniyan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.