Dalawang palapag ang laki ng bahay nina Ella at may apat na kwarto at tig-iisang banyo bawat kwarto. Nang dumating ang dalawa pinagbuksan sila ng security guard ni Ella at sinalubong ito ng isang maid sa entrance ng bahay nila.
"Goodevening po ma'am Ella and ma'am Aria," bati ng yaya ni Ella. Matagal na din itong naninilbihan sa kanila simula pagkabata nito at kilala rin nito si Aria.
"Kumusta na po? May mga dala po akong pasalubong sa inyo." Nagmano si Aria sa matandang katulong.
"Where's mom and dad?" tanong ni Ella habang nakataas ang kilay nito.
Dire-diretso sa paglalakad si Ella papunta ng dining room habang nakasunod naman si Aria dito. Si Ella ay nakasuot ng Ditsy Floral Ruched Ruffle Hem Dress na color Brown. Pagdating ng dalawa sa dining room ay unti-unti na rin inihahanda ang mga hapunan ng dalawa pa nilang maid.
"Aria, long time no see," bati ng ina ni Ella at tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at bineso niya ito. Gumanti rin ng beso si Aria. Mayroon itong 8 seater dining table na gawa sa marble.
"Long time no see tita," nakangiting bati ni aria.
Naupo ito sa tabi ng ina ni Ella at binigyan ito ng isang baso ng wine ng isa pang katulong.
"Hi, Aria. You are getting more beautiful every year," sabi ni Maximilo na kuya ni Ella habang malagkit ang titig nito kay Aria.
Namula naman ang mga pisngi ni Aria at nagkatinginan sila ni Ella. Alam ni Ella na Malabong magkagusto ito sa kuya niyang si Max.
"So how's the girl that you are dating kuya?" sambit nito sa kapatid para ibahin nito ang paksa at hindi lang ito nakatuon sa kaibigang si Aria.
Napukaw ang titig nito kay Aria at napatingin kay Ella, "Uhm, well I don't know I guess I'm not really into her."
"Wala bang balak umuwi dito ang parents mo Aria?" Tanong ng Ama ni Ella.
"Probably next year po tito. Yung mga pasalubong ko po sa inyo nasa condo po ipapadala ko na lang po dito."
Pagkatapos ng pag-uusap ng mga ito ay sinimulan na nilang kumain ng hapunan at natuwa si Aria dahil halos niluto nila ang mga paborito nitong putahe. Inihabilin ni Ella sa mga maid kung ano ang mga ihahanda para sa kaibigan. Paborito nito ang sinigang na hipon, chopsuey, at nilagang baka at siyempre hindi mawawala ang madaming kanin at mga pang himagas kagaya ng leche flan, halo-halo, puto, at mango shake at marami pang iba. Nabusog si Aria sa mga kinain nito. Pagkatapos kumain ay dumiretso ang dalawa sa kwarto ni Ella na matatagpuan sa ikalawang palapag. Napakalaki ng kwarto at may sarili itong living room. Pagkapasok nila sa kwarto ni Ella bumungad agad sa kaniya ang study table nito na puno ng mga pins at litrato ng aktor na si Jackson. Lumapit naman si Ella sa mga nakapaskil na litrato ng aktor at ipinagmalaki nito kay Aria ang mga kuha niyang larawan kasama si Jackson. Habang tinitingan ang mga larawan napansin niya din ang mga iilang litrato nilang dalawang magkaibigan.
"Naalala mo 'to? Diba ito yung fieldtrip natin tapos pumunta tayo ng Manila Zoo then nakatabi mo yung ultimate crush ko tapos nagpalit tayo ng upuan?" Tinuro ni Ella ang larawan na tinutukoy nito.
"Diba nasa US din yan at may asawa na?" tanong ni Aria at tumango naman si Ella
Naalala ni Aria na kinontak siya nito at inimbitahan sa kasal nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nakadalo sa araw na 'yon. Binalikan ng dalawa ang mga alaala nila nung maliliit pa sila at napagdesisyunan ng dalawa na doon na matutulog si Aria dahil malalim na rin ang gabi at ipapahatid na lamang siya nito kinabukasan.
Pag gising ni Aria nakita niya na wala na sa tabi niya si Ella at nag-iwan ito ng sulat. Naligo si Aria at sinuot ang damit na inihanda sa kaniya ng kaibigan. Nakasuot ito ng Gingham Sleeve Dress, halos magkasing katawan lang sila ni Ella kaya ang mga damit nito ay kasya rin sa kaniya. Pagkalabas niya ng kwarto ay dumiretso na ito sa dining table at naabutan niyang nag-aalmusal ang ina ni Ella.
"They already left, hindi ka na nila ginising," sambit ng ina ni Ella habang humihigop ito ng mainit na kape.
"Medyo napuyat po kase kami kagabi ni Ella," sambit ni Aria at nagsimula na rin itong kumain. Avocado toast and poached egg ang kanilang almusal, may inihanda rin na kape, mainit na pandesal, rice, pancake, hotdog, at juice para sa kaniya.
You've always been a nice friend to Ella, and my son likes you too. Wala ka pa bang balak mag boyfriend Aria?"
Matagal ng boto ang nanay ni Ella kay Aria para sa anak nitong si Max. Matipid na ngiti lang ang itinugon ng dalaga sa ina ni Ella. Pagkatapos nitong kumain ay inihatid na ito ng driver nina Ella.
Pagdating niya sa condo isa na namang bulaklak ang iniwan sa tapat ng pintuan ng kaniyang unit. Kasama niya ang driver ni Ella para kunin nito ang isang box na pasalubong niya sa pamilyang Uy. Dahil sa bigat nito hindi nila ito nadala kahapon.
"Sino naman kaya may pakana nito," nagtatakang sambit ni Aria. Pagpasok ni Aria sa unit ay binuhat na rin ng driver ang isang balikbayan box. Pag-alis ng driver ay sinara na nito ang pinto at humiga sa kama at minessage ang kaibigan na si Ella.
"I'm home bestie."
Habang nagpapahinga narinig na naman ni Ella na may kumakatok sa pintuan nito nang silipin niya ang doorhole wala namang tao. Binuksan niya ang pinto at mukhang may nagdeliver ng food sa kaniya. Isang bucket ng buffalo wings na iba't ibang flavor at may kasama rin na fries at softdrinks.
Tinawagan ni Aria ang kaibigan upang tanungin ito kung siya ba ang nagpa-deliver ng food dito ngunit ayon kay Ella hindi daw siya iyon. Napaisip siya kung sino nga ba ang nagpadala nito sa kaniya dahil bukod kay Ella, si Aaron lang ang nakakaalam kung saan siya nakatira ngunit hindi nito alam ang unit niya at bakit naman ito magpapadala ng bulaklak at pagkain sa kaniya.
Pagkatapos kong maligo at magmuni-muni palabas na rin ako ng banyo. Napakasarap maligo, nakakarelaks at napakapresko.Hindi pa ako nakakapagbihis ay may narinig na akong katok mula sa pintuan na nag pakunot ng noo ko.Wala naman akong inaasahan na pupunta ngayon. Pinuntahan at sinilip ko ang doorhole. Baka may nagpa-deliver na naman. Lumakas ang pintig ng puso ko ng makita kung sino ang naroon.“What the f*cking hell?” bulong ko sa sarili ko.Nanlaki ang mga mata ko sa pagkataranta, at tinalikuran na ang pintuan. Litong-lito ako sa susunod na gagawin. Nakatapis lamang ako ng tuwalya, at nababalot din ng buhok ko ng isa pang tuwalya. Nang mahimasmasan ako, daig ko pa ang runner na nakipag-unahan sa finish line sa bilis kong tumakbo papunta sa cabin
Paglabas namin ng kwarto, binitawan agad ako ni Jackson, at isinara niya ang pinto. Inagaw niya sa akin ang bitbit kong heels at 'yon naman ay ikinagulat ko. "W-what are you.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nakatitig lamang ako dito hanggang sa lumuhod ito sa harap ko, at inilapag sa sahig ang heels ko. "Are you just gonna stand, and stare at me?" may halong pang-aasar ang boses nito. Umiwas agad ako ng tingin ng mag-angat ito ng ulo, pero nakikita ko pa rin ito sa peripheral vision ko, at nakangisi ito na para bang nang-iinis pa. Napanguso ako. He really likes to annoy me. Nang yumuko ito, tiningnan ko siya ulit. Sa totoo lang iba ang dating nito kumpara sa kuya niyang si Aaron. Napansin ko rin napakaganda ng hubog ng kilay nito, walang eyebags, malusog ang pangangatawan, tall, and well built
Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Magara at malaki ang kwarto, black and white and tema, at sa kabilang dako ay isang pader na gawa sa salamin kung saan tanaw ang mga kumikinang na bituin, mga naglalakihang building, at ang mga nagniningning na ilaw sa kalsada. Napansin ko rin na mukhang mamahalin ang mga muwebles na ginamit dito, at may malaki din itong telebisyon na nakakabit sa pader. Umupo ako sa couch na nasa paanan lamang ng kama, pinisil ko pa ito ng makailang ulit, napakalambot. Naalala ko na naman sina Mama at Papa. I had everything I wanted noong nasa kanila pa ako, now I have nothing at all and I have to start from scratch, and prove to them na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. But knowing my mom, gagawin niya ang lahat para tulungan ako, ayaw niya akong nakikitang na
“Ako na naman ba ang iniisip mo?” kuryosong tanong ni Jackson. Di ko namalayan nasa harapan ko na pala ito para ilapag ang nilutong pagkain. Napansin niya ata na malalim ang iniisip ko. Unti-unti na itong naghain ng kanin, at kumuha rin ng saging at manggang hinog mula sa ref, at inilapag sa tabi ng kutsara ko. Sa wakas natapos na rin ito sa pagluluto, at medyo gutom na rin talaga ako.“It’s none of your business!” Inirapan ko ito. “Kung sino man ang iniisip ko o kung boyfriend ko man ito, wala ka na ro’n,” bulyaw ko rito habang nakatitig sa nilutong ulam.“Let’s eat,” matamlay at malamig nitong sabi at umupo na sa upuan sa may gawing kanan ko. Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso sa paraan ng pagkakasabi nito. Am I too harsh? Did I say something wrong?
Patuloy pa rin sa pag-aasikaso sa ‘kin si Jackson. Pinupunasan pa rin nito ang pisngi ko gamit ang malamig na tuwalya. Makalipas ng ilang minuto, tumigil na ito at nilapag ang tuwalya sa dining table. Napalunok ako ng umupo ito sa harapan ko, at muntikan na naman magtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin, at nakatitig lamang sa puting ding ding. Di ko alam kung ano ang iniisip nito pero mas mabuti na 'to, ayaw ko makaramdam nang pagkailang mula sa kanya lalo na 't kami lamang ang nandito."Who did this to you?" he said with a loud voice. Napakurap ako ng bigla itong nagsalita ng may kalakasan, at nilingon ko ito."I'm sorry, I didn't mean to startle you," wika ni Jackson, habang tikom pa rin ang bibig ko. Napansin siguro nito na medyo nagulat ako sa paraan ng pagtatanong niya. Akala mo pulis kung magtanong.
Pinagmaneho ako ng driver nina Ella, nasa loob ako ng sasakyan na napagkasunduan naming babayaran ko buwan-buwan. Nakaupo ako sa may passenger backseat, kahanay lamang ng upuan ng driver."Okay ka lang po ba ma’am?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Manong Roberto habang pinagmamasdan ako sa rearview mirror. Tumingin ako dito at isang tipid na ngiti lang ang itinugon ko. Marahil napansin n‘ya sigurong tulala ako sa kawalan.Nakarating na kami sa parking lot ng gusali na tinitirhan ko. Bago ako lumabas ng kotse nagpasalamat muna ako sa paghatid sa ‘kin ni Mang Roberto, kasabay ng pag-abot din nito ng susi ng sasakyan. Ayon sa kanya magko-commute na lamang daw ito pabalik sa mansion nina Ella.Naglalakad na ako patungo sa elevator, at may mga kasabay din akong mga kapwa ko residente dito, pa