Totoo ngang mabilis lang ang panahon kapag masaya ka. Parang kulang ang isang buong araw upang namnamin ang sarap na nararamdaman mo. Ang isang buong araw ay parang isang oras lang talaga.
"Handa na po ako!" masigla kong sabi nang makitang palapit siya sa akin.
"Is this for real?" hindi makapaniwalang tanong ko."Tara na," aya niya sa akin.
Six months ago, my heart was steady. Sigurado ako na walang makakabihag nito kahit na sino, dahil pinatigas ito sa loob ng mahabang panahon. Itinatak ko sa isip ko na mag-aaral muna ako. But it turned out to be bluffed when my playful heart entertained the visitor. An ordinary man captured it and he made it his home.In just a blink of an eye, he destroyed the wall I built since then. Pero wala akong pinagsisihan, dahil sobrang saya naman namin ngayon. At sa sobrang saya, natatakot ako na baka i
"Hi, hija. Kumusta? Tagal mo bago dumalaw," salubong sa akin ng mama niya. "Halika, pasok. Marami tayong pag-uusapan." She kissed me on the cheek and guided me towards the kitchen."Ayos naman po, tita. Medyo busy lang sa school. Kayo po?"
"Kung alam ko lang na iyon na ang huling yakap niya, sana pala sinakal ko na siya."Natawa ako sa birong iyon ni Lesliana. Nakakatuwang unti-unti siyang nakaka-recover mula sa nangyari sa kanila ng boyfriend niya. Nakukuha niya nang magbiro kahit alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Ilang taon din silang magkasama tapos hindi rin pala sila sa huli.
Act normal, pilit kong pinapasok sa sarili ko. Kahit kaunting-kaunti na lang ay madudurog na ako. Para bang isa akong kriminal na naghihintay mahatulan, dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.Inhale. Exhale.
Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganito. Kung paanong ang simpleng pagkakagusto lang ay nauwi sa komplikadong sitwasyon. Wala akong ibang maaaring gawin bukod sa bumitaw. Umasa na sa mga darating na panahon, magiging maayos din ang lahat. Magtatagpo rin ang aming mga landas."Ricci, handa na ba ang gamit mo?" tanong ni tita habang nakasandal sa pintuan ng kwarto.
"Congratulations, batch Tanglaw! Binabati namin kayo!"Sabay-sabay na nagsiliparan ang mga itim na graduation hat sa himpapawid. Umingay ang paligid dahil sa masigabong palakpakan, sabay-sabay na kantahan at matininding iyakan. May mga magkakaibigang nagyayakapan sa paligid at ang iba naman ay nagtatawanan.
"Congrats, Engr. Engracia!"Yes, engineer na kami. Ang sarap pala pakinggan na may Engr. sa pangalan. Ang lakas maka-good vibes!