Mabuti na lang talaga at may naiwan akong uniform sa locker ko kaya naman kaagad na akong nagpalit. Napaisip ako bigla na dati isa lang ang problema ko ag ngayon dalawa na. Si Sir Kendrix lang ngayon naman si dumadagdag pa si Diana. Hindi ko nga alam sa babaeng iyon at bigla na lang nagbago na wala naman kaming alam na dahilan kaya inis na inis si Ashley sa kan'ya eh. Well, hindi ko naman siya masisisi pero hangga't maaari kailangan kong pumapagitna sa kanya. "Hay! Maguti na lang talaga at nakabalik ka na," masiglang sambit ni Ashley habang papalapit ako sa front desk. "Oo nga eh. Akala ko nga maghahanap na ako ng bagong trabaho ngayon," natatawa kong sambit. "Gustong-gusto ka talaga ni Sir Harrison! Tingnan mo pinabalik ka pa kasi alam niyang magaling kang empleyado," nakangiting wika nito. "Sus! Ayan ka na naman ah. Nambobola ka pa!" natatawa kong sambit. "Hoy hindi ah. Totoo talaga 'yon! Sino ba naman kasi ang magpapakawala ng ganyan na emplayado? Syempre wala!" "Oo na
"Po?!" gulat kong tanong habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Sir Harrison. "You heard me right, Ms. Stella. Mag-start ka na ulit magtrabaho ngayon dito. Hindi ko tatanggapin ang rason ni Kendrix," madiin niyang sagot. "Naku sir, huwag na po. Tanggap ko naman po 'yong pagtanggal sa akin ni Sir Kendrix. Okay lang po," ngumiti ako ng matamis. "Plastic," mahinang bulong ni Sir Kendrix habang umiiling. "It's not a valid reason at hindi ako basta-basta nagtatanggal ng mga emplayado dito na walang sapat na dahilan.. do you agree na valid reason 'yong rason niya na puro disgrasya ang nakukuha niya kapag nagkakasalubong kayo?" Umiling ako. "No po." Hindi ako alam pero nagugustuhan ko na ang eksena na ito. Natatawa ako ng very light kasi at this point, si Sir Kendrix ang kawawa dito. Tama lang sa kan'ya 'yan, deserve niya 'yan! Napakaarte eh porket pogi lang at.. at.. ah wala! Hays! Bumalik ang diwa ko nang lumakas ang boses ni Sir Harrison. "See?! Even you can't agree! So
Napabangon ako bigla na wala sa oras, akala ko makakapagpahinga ako ngayong araw pero hindi pala. Huminga ako ng malalim at dumiretso na ako kaagad sa cr para maligo na. Wala akong ideya kung ano nga ba ang rason kung bakit bigla na lang ako ipapatawag ng CEO ng hotel. Oo, alam ko na hindi ako formal na nag-resign dahil mismong si Kendrix na kasi ang nagsabing fired na ako kaya hindi na ako nag-abalang gumawa pa ng resignation letter. Pagkalabas ko ng cr, nagulat ako nang makita ko si Ashley na nasa kusina at nagkakape na."Ah! Anong ginagawa mo dito? Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.Napatawa naman siya at tumayo matapos siyang sumigop ng kape. "Ano ka ba?! Ang dami mong tanong. Malamang binigay mo kaya sa akin 'yong duplicate ng susi mo before.. nakalimutan mo na ba? Hay naku."Napakunot ako ng noo. Wala akong matandaan at hindi na rin iyon masyadong importante 'yon. "Eh bakit ba nandito ka? Hindi ba may pasok ka?Bumunt
Pumasok ako kaagad sa bahay nang hindi ko na matanaw ang kotse niya. Nakaabang si Ashley sa akin habang mataray ang tingin niyo sa labas at nakataas ang isa niyang kilay. "Masama talaga kutob ko diyan kay Diana eh.. tingnan mo ah? Pumunta pa talaga 'yon dito para siraan ako sa'yo. Eh obvious naman na siya ang may tinatago," inis na wika nito sabay inom niya ng malamig na tubig. "Ewan ko sa kan'ya," natatawa kong sambit. "Hindi ko alam kung ano ba nangyayari sa inyo at umaabot na kayo sa ganito. Halos parehas lang din kayo ng sinasabi eh." "Naku Stella! Huwag na huwag kang maniniwala sa babaeng 'yon! Maniwala ka sa akin may tinatago 'yon. Malalaman din natin 'yan," madiin niyang sambit. "Kaya hindi pa ako makalabas ng cr kanina dahil sa kanya e, nanggigigil ako.""Alam mo, sa tingin ko kailangan niyong mag-usap. Hindi maganda 'yong gan'yan. Magkakaibigan tayo tapos para kayong nagsisiraan.""Hindi ko naman siya sinisiraan, ang akin lang is ang weird niya.. kahit ikaw alam mo 'yan di
Mabilis na hinarurot ni Sir Kendrix ang kotse niya nang makasakay na si Sir Raymond. Inis ko naman sila pinanood na umalis sa harap ko. Ilang sandali lang din ay dumating na ang isa pang kotse na kulay pula. This time, naniguro muna ako kung iyon na talaga ang kotse na binook ko. Kaya naman no'ng naglakad na ako papalapit, dahan-dahan namang nagbukas ang bintana ng passenger seat. "Ma'am Stella Solance po?" bungad na tanong niya. "Opo. Kayo po ba 'yonv binook ko?" nakangiti kong tanong. "Yes po ma'am. Ilagay na lang po natin mga gamit ninyo sa likod para hindi po kayo mahirapan," wika ni kuya driver. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. "Ah sige po, salamat po." Nang okay na ang lahat, mabilis nang pinatakbo ni kuya driver ang kotse pauwi sa bahay. Makalipas ang 20 minutes, nasa tapat na kami ng bahay kaya agad na akong nagbayad at tinulungan naman niya ako sa pagkuha ng mga gamit ko sa likod. "Thank you po kuya," masaya kong sambit. "Ingat po kayo." "Sige po ma'am,
"Ano?! Seryoso ka ba?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Oo nga! Bakit naman ako magbibiro ng ganito kung hindi totoo, di ba?" inis kong sagot. "Sus! Syempre baka mamaya pinapatansyahan mo lang si Sir Kendrix!" sagot niya habang nanlalaki ang mga mata niya. "Pero hindi naman kita masisisi eh, ang pogi ba naman ni sir, sobrang hot, ang perfect! Makalaglag panty talaga!" Kumunot ang noo ko. "Hoy! Anong akala mo sa akin? Katulad mo? Hindi ano! At saka bakit ko naman siya pagpapantansyahan? Hindi siya pasok sa standard ko!" Inis niyang itinulak ang noo ko. "Naririnig mo ba sinasabi mo? Kendrix Harrison na 'yon oh! Wala ka talagang taste, kaya napa-oo ka ni Zander eh... ops! my bad," mapang-asar niyang sambit. Napangisi na lamang ako at inikot ang mga mata sa kan'ya. "Kung ayaw mong maniwala, bahala ka!" Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Talagang chine-check niya kung nagsisinungaling ba ako o