Share

Prologue

Author: SaNiVeCent
last update Last Updated: 2021-05-01 09:13:24

Paulit-ulit akong nagsusulat ng kung anu-ano sa aking notebook habang nakaupo sa upuan na katapat ng aking study table. Tsk. I’m bored. Binitawan ko ang ballpen na aking hawak saka ko inilibot ng tingin ang buo kong apartment. 

What should I do to kill my boredom? 

“Tao po! Tao po!” Napakunot ako ng noo at napatayo sa aking kinauupuan nang nakarinig ako ng boses mula sa labas. 

Lumabas ako patungo sa sala at pumunta sa pintuan ng aking apartment. I grabbed the door knob before I open the door; bumungad sa akin si Badong na nakapamaywang habang nakataas ang isang kilay. 

“What is it, Badong?” tanong ko sa kaniya na kaniyang ikinangiwi. 

“Belly! Belly ang itawag mo sa akin! Hindi Badong!” maarte niyang wika habang nanlalantik pa ang dalawang kamay. Napabuntonghininga na lang ako sa kaniyang sinabi. 

“Ano’ng kailangan mo?” Minsan lang dumalaw si Badong dito sa apartment ko kung saan ay siya ang nagmamay-ari. Well, I’m thankful that he offered this apartment to me which is affordable.

Napansin ko ang bahagya niyang pagngisi sa akin na ikinailing ko na lang. Mukhang alam ko na kung anong kailangan nito. Hindi nga ako nagkamali dahil kaagad niyang ibinigay sa akin ang isang listahan kung saan nakalagay ang mga kailangan niya. 

“Dahil sa mabilis at magaling kang pumili ng mga products na kailangan ko para sa aking mini restaurant, ikaw na ang inaatasan kong mamili niyan. I won’t accept no today, bakla!”

Matapos niyon ay umalis kaagad siya sa aking harapan at naglakad paalis. 

Napatingin na lang ako sa listahan na kaniyang ibinigay, kung hindi lang `yon mabait ay hindi ko susundin ang gusto niya. Tsk. I closed the door and walked upstairs to go inside my room. Naligo muna ako saka nagbihis. 

Napatingin ako sa suot kong jeans at simpleng white printed t-shirt habang nakaharap sa salamin. Inayos ko ang suot kong eyeglasses bago ako nagsuklay ng buhok. Kinuha ko ang aking black hooded jacket, pagkatapos ay bumaba na rin ako at nagtungo na sa pamilihan. 

Nasa isa akong department store habang namimili. Since Friday ngayon ay maraming tao ang nandito para mamili. Damn. How I hate crowds. 

Bandang alas-syete na ng gabi nang matapos ako sa pamimili. Medyo natagalan ako dahil maraming produkto ang nakalista. Dahil sa bigla akong nakaramdam ng gutom ay naisip kong kumain muna bago umuwi. Eksakto namang malapit ako sa isang fast food chain kung saan ilang kilometro na lamang ang layo. 

Nagsimula akong maglakad nang bigla akong nakaramdam na tila may sumusunod sa akin na kung sino. Hindi ko iyon pinansin dahil pinakiramdaman ko lang, hanggang sa nakarating ako sa isang fast food ay nararamdaman ko pa rin ang presensya ng taong sumusunod sa akin. 

Is someone’s spying me? 

I was about to open the glass door of the fast food, ngunit nanlaki na lang mata ko nang biglang may bumangga sa akin na batang lalaki. Dahil sa lakas ng impact ng kaniyang pagkabangga ay napaupo ito sa sahig, napamura na lang ako nang nakita kong dumudugo ang kanan nitong tuhod. Crap. Is it my fault? 

Yumuko ako nang bahagya saka ko tinulungang tumayo ang batang lalaki, pansin ko ang pag-iyak nito at ang takot sa kaniyang mga mata. 

“Hey boy, are you okay?” Hinawakan ko ang braso nitong nanginginig sa takot. Naisipan kong dalhin ito sa isang bench kung saan wala masyadong mga tao. 

“K-Kuya...K-kuya....” panay ang sambit niya sa salitang iyon, kaya naman hindi ko napigilang magtanong. 

“Are you lost?” tanong ko na kaniyang ikinatango. Oh, this kid is so cute. 

Kung sino man ang kapatid nito ay wala siyang kuwenta dahil pinabayaan niya ang kaniyang nakababatang kapatid sa kung saan. Napansin kong dinadaing niya ang sugat sa kaniyang tuhod kaya naman naisip kong pumunta sa isang malapit na store upang makabili ng panggamot sa sugat, ngunit bigla rin akong napatigil nang may narinig akong sumigaw na lalaki, “Ibigay mo sa amin ang bata!" 

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. I saw ten men wearing black. Malalaki rin ang mga muscle ng mga ito na halos maglabasan na ang mga litid sa katawan, idagdag pa na punong-puno ng tattoo ang kanilang mga braso. 

Goons. 

Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit sa akin ng bata sa may laylayan ng aking damit. 

“Ate, please h’wag mo akong ibigay sa kanila...” rinig ko saad ng bata. 

“Sinabi nang amin na ang bata kung ayaw mong masaktan!” Muling sigaw nang sa tingin ko ay tumatayong pinuno sa kanila. 

I stared at them blankly. The truth is wala naman akong pakialam sa bata dahil hindi ko naman ito kaanu-ano, but seeing these men wanting this kid makes me want to break their bones. Oh please! I don’t wanna cause trouble. 

“You mean, this kid?” Turo ko sa batang nasa aking likuran. “Sorry, but this kid is my property,” malamig pa sa yelo na wika ko sa kanila. Kita ko ang pagguhit ng galit sa mukha ng bawat isa. 

“Huwag kang mag-english! Puta! Sugurin 'yang babaeng 'yan nang maturuan ng leksyon!” sigaw ng kanilang pinuno. 

Dahil sa medyo maliwanag ang lugar na ito ay hindi nila kami basta-basta puwedeng sugurin dahil may iilang tao sa paligid. 

“Hey, ride on my back,” I whispered to the kid na kaagad naman nitong sinunod. Sumakay ito sa aking likod at pagkaayos ng aking tayo ay kaagad na kaming tumakbo papalayo sa lugar, alam kong hahabulin kami ng mga lalaki kaya mas pinili ko sa hindi mataong lugar. 

“Tumatakbo 'yong babae! Habulin niyo!”

Kaagad kong ibinaba ang bata nang nakakita ako ng isang malaking puno na maaaring pagtaguan. Ramdam ko ang sampung presensya na papalapit na sa aming direksyon na sa tingin ko ay ilang kilometro na lamang ang layo. Inakay ko ang bata patungo sa malaking puno saka ko ito iniupo. 

“Listen. Stay here okay? I take care of those guys. Just be quiet,” bulong sa kaniya, kinuha ko ang panyo sa bulsa ng aking pantalon at ginamit ko para punasan ang mga luha sa pisngi ng bata. "This, take care of this okay?" wika ko bago inilapag ang mga ipinamili ko kanina. 

“A-ate...p-please be safe....” I gave him an assuring smile dahil baka kapag tiningnan ko ito nang masama ay lalo lang maiyak. 

Lumabas ako sa may puno, eksakto namang dumating na ang mga lalaking humahabol sa amin kanina. 

“Hoy babae! Saan mo dinala ang bata!?” Nanggagalaiting sigaw ng pinuno nila. Humalukipkip ako dahil medyo umihip ang malamig na hangin. 

“Not that important.” I grinned. 

“Aba't! Sugurin niyo 'yan!”

Tatlong lalaki kaagad ang sumugod sa iba't ibang direksyon patungo sa akin. Balak sana akong sipain sa ulo ng isang lalaki, ngunit mabilis ko lang itong nailagan, nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay nahawakan ko ang binti nito saka ito puwersang hinila patihaya. I punched hard the other one on the face that made him to lost his consciousness. 

Pinatid ko ang isang lalaki sa kanan nitong paa dahilan ng pagbagsak nito, mabilis naman akong nakatalon nang biglang may tumangka na hawakan ako sa paa. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kaagad na tinuhod sa dibdib ang pangahas na iyon. Naramdaman kong may biglang tumiik sa akin mula sa likod, kaya naman kaagad kong pinilipit ang braso nito na naging dahilan ng isang malakas na palahaw. Hindi pa ako nakuntento at tinadyakan ko pa ito nang malakas sa likod. 

Isang baseball bat ang naramdaman kong ihahampas sana sa aking likod, ngunit mabilis akong nakaikot paharap doon at mabilis ding nasangga gamit ang aking kamay. Nakita ko ang gulat sa mukha ng lalaki na dahilan para mapangisi ako lalo. I kicked him hard on his stomach, dahilan ng pagluwag ng kaniyang pagkakawak sa baseball bat. 

Ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang makuha ang baseball bat at ihampas sa kaniyang ulo. Ginamit ko naman ang dulo ng baseball bat sa isa pang papasugod na lalaki at pinatamaan ito sa tuhod dahilan para ito ay mapaluhod, muli ko itong hinampas sa ulo bago lumandas ang masagana nitong dugo galing sa ulo nitong pumutok. 

Napangisi ako nang napansing siyam na ang aking napapabagsak at isa na lang ang natitira; their leader. Nakita ko ang takot na naglandas sa mata nito habang nanginginig ang buong katawan. 

“Are you just going to stand there?” pang-aasar ko sa kaniya. 

Isang minuto rin siyang ganoon hanggang sa humakbang ako nang isa. Napailing na lang ako nang bigla na lang itong sumigaw at kumaripas ng takbo. 

Pinagpag ko ang dalawa kong kamay na tila walang nangyari. I checked the time in my wrist watch. 7:30 p.m.

“Ate!” Napalingon ako sa may puno at nakita kong papalapit na sa puwesto ko ang bata. Kumunot ang noo ko nang nakita kong nakangiti ito at mukhang masaya. “You're too awesome, ate! Ang galing mo po makipaglaban!” masaya niyang wika habang tumatalon-talon pa. 

“Ah...you watched me?” I mean, he should be afraid of me because of what he just saw, pero mukhang baliktad yata. Something's different with this kid. 

“Yes, Ate! And you're too awesome!” Napailing-iling nalang ako bago ito ginawaran ng ngiti saka ginulo ang buhok. 

Bigla kong naalala ang mga pinamili ko na naiwan sa may likod ng malaking puno. It's dark and I need to go home. Hindi ako puwedeng magtagal dahil baka kung anu-ano na ang iniisip ng Badong na 'yon kung ano nang nangyari sa akin. 

“Dito ka lang. Kuhanin ko lang ang mga pinamili ko, then after this,” biglang pumasok sa isip ko na nawawala nga pala ang bata na 'to dahil pinabayaan ng kaniyang nakatatandang kapatid, “we will search for your brother.” Nagtatalon ito sa tuwa habang pumapalakpak pa. 

Bumalik ako sa may puno para kuhanin ang mga pinamili ko kanina. Inayos ko ang pagkakalagay ng iba sa lalagyan dahil medyo nagulo ito. Balak ko na sanang lumabas mula sa likod ng puno, ngunit napahinto ako nang may napansin akong isang itim na van na tumigil malapit sa kinatatayuan ng bata. Bumukas ang dalawang pintuan sa driver seat at passenger seat at lumabas ang dalawang lalaki. 

“Neil! Darn! What happened?” 

“Kuya!” Biglang lumapit ang isang lalaki roon sa bata, kung ganoon ang lalaking 'yon ang kapatid ng bata. Ang isang lalaki naman ay nakatayo lang sa isang tabi habang nakahalukipkip. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nilang dalawa dahil medyo madilim. 

I can’t hear them, dahil medyo malayo itong puno na kinatatayuan ko. Nanlaki ang mata ko nang napansin ko ang pagturo ng bata rito sa puno kung nasaan ako. Pansin ko ang paglingon ng dalawang lalaki sa aking gawi kaya kaagad akong nagtago sa puno. 

Mga ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pag-andar ng sasakyan, mukhang umalis na sila. Napabuntonghininga na lang ako. 

Why did I hide anyway?

Bandang alas otso na nang nakarating ako sa village namin. Dumiretso na lang ako sa restaurant ni Badong para ihatid ang aking mga ipinamili. Hindi na ako magtataka kung pagpasok ko roon ay maraming costumers. As usual, masarap kumain sa restaurant ni Badong. 

Mata kaagad ng mga tao ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob, ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Dumiretso ako sa kitchen at doon ko nakita si Badong na abala sa paga-assest ng kaniyang mga empleyado. 

"Hey."

"Ay kabayo!" Napapitlag si Badong nang kalabitin ko siya sa may likod. Itinaas ko ang aking kamay kung saan may hawak na ilang mga eco bags na naglalaman ng mga pinamili ko kanina. Nakita naman niya iyon kaya naman dali-dali niya itong kinuha. "Ano ka ba naman, Cypher! Ginulat mo ako ro'n a!"

"Sorry." Tinaasan lang niya ako ng kilay. I just looked at him coldly. Napapikit naman siya nang mariin dahil doon. 

"Grabe! Nakakatakot ka talagang titigan! Para kang mangangain ng tao," wika niya habang nakahawak pa sa kaniyang dibdib. 

"I know, don't need to remind me about that. I need to go," paalam ko sa kaniya. 

He just nodded to me before he thanked me, umalis na rin ako pagkatapos. Naisip kong umuwi na muna sa aking apartment. Sinuot ko ang aking hood habang naglalakad ako patungo sa aking apartment. Hindi matao ang lugar na dinaraan ko kaya naman tahimik ang buong paligid. 

Alam kong dilikado para sa isang babae ang maglakad nang mag-isa lalo na kapag gabi, but not me. 

I continued to walk while my hands are both inside the pocket of my jacket, until I suddenly heard a gunshot. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Go To Hell (Hell Duology #1)   Chapter 47: Feeling of Negativities

    Cypher’s POV Madaling araw na nang umalis ako sa mismong unit ni Zero. He’s still sleeping, kaya hindi niya alam na umalis ako. Balak ko ngayong bumalik sa aking apartment dahil may pasok pa ako pagdating ng umaga. Susulitin ko na ang mga nalalabing araw ko rito sa Pilipinas. Natulog muna ako nang mga ilang oras dahil hindi naman masyadong maagap ang aking pasok. I checked my phone and found out a lot missed calls came from Zero. Napaikot nalang ang dalawa kong mata, nasisiguro kong nap-paranoid na 'yon ngayon dahil sa pag-alis ko sa kaniyang apartment. Tsk. That guy. Pinatay ko ang aking cellphone dahil baka maisipan na naman niyang tumawag. Pagkarating ko ng university ay dumiretso kaagad ako sa dorm. I still have thirty minutes before my first period starts. Prente akong nakahiga sa ak

  • Go To Hell (Hell Duology #1)   Chapter 46: Chances

    Cypher’s POV Life isn't fair. Life has never been fair. I could still remember those times that we suffered in that organization. Mahirap, sobrang hirap. Lalo na't puros pasakit lamang ang aming nararanasan. We've learned to fight, yes, pero sa kabila pala ng lahat ng kabutihan ng ibang mga tao ay may kaakibat ding masamang pagpaplano. When me and Seike survived the plain crashed, I really don't know where should I start. Iniisip ko, na paano pa ako makakapag-simula kung ang kaisa-isa kong pamilya na si Rus ay nawala rin sa akin? Paano ako magsisimula kung ang kalahati ng buhay ko ay kinuha na sa akin? Paano ako magsisimula kung ang mga taong gustong-gusto kong protektahan ay bigla nalang nawala sa akin? How am I supposed to live without him? Without my twin that the only family that I had. Those

  • Go To Hell (Hell Duology #1)   Chapter 45: Beginning of an Ending

    Cypher’s POV Life taught me how to be a strong person despite of everything that I've experienced. Kill to live, or die without fighting, these are my only choices that I have. Though killing thousands of lives won't ever bring back the lives of the people that I love. I maybe like those people who killed them, but they taught me how to kill, they just created a monster like me, a monster that will going to bury them in hell. I'm hiding for more than a year, and it’s time for me to come out. I’m coming out for them, if they’re done chasing us, then I’m the one who will gonna chase them now. Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at kinuha ang aking cellphone. I dialed his number as I waited for it to ring. Nang natapos ang ikatlong ring ay kaagad na itong sinagot ng nasa kabilang linya.“Cy...&

  • Go To Hell (Hell Duology #1)   Chapter 44: Fragile

    Cypher’s POV I woke up from my bed while my hands are shaking. I dreamth again.... Napahilamos nalang ako sa aking mukha saka ako bumaba ng aking higaan at dumiretso sa kusina. My knees are shaking, at hindi ko mapagilang gapangan ng matinding kaba sa tuwing napapanaginipan ko iyon. Why it has to be like this? Dalawang taon na rin ang nakakalipas, pero paulit-ulit pa rin akong sinasampal ng katotohanan; katotohanang kinubli ko sa loob ng dalawang taon; katotohanang kahit kailan ay alam ko namang hinding-hindi ko matatakasan. I closed my eyes and closed my fist. Hindi pa, hindi ko pa kayang harapin ang katotohanan. I chose this life, not because I wanted to escape from the truth, but for me to get ready. Dahil kahit kailan, alam kong hinding-hindi matatahimik ang aking kaluluwa hangga’t hindi nagbabayad ang mga taong

  • Go To Hell (Hell Duology #1)   Chapter 43: Dull

    Denise’s POV Abala ako sa pag-aayos ng mga utensils dito sa kitchen ng restaurant ni Kuya Badong. It’s been a week since Cypher’s birthday, akala talaga namin nawawala si Cypher, iyon pala umuwi siya ng apartment noong mga panahon na iyon, tumawag kasi sa akin si Kuya Badong noong gabi na iyon at nalamang nakita pala niya si Cypher na umuwi. I blamed myself for that night actually, simula kasi noong gabi na iyon ay hindi na siya pumasok sa eskwelahan, hindi ko pa siya nabibisita sa kaniyang apartment dahil kadarating ko lang din kanina galing ng university. I don’t know but I think Cypher has a problem, hindi niya lang sinasabi. Though palagi naman 'yong tahimik at hindi mahilig magkuwento. Ni wala nga akong ideya sa kung ano ang mayroon sa nakaraan niya. I mean, me and Kuya Badong didn’t even know where she came from, or kung may pamilya

  • Go To Hell (Hell Duology #1)   Chapter 42: Previously

    Chapter 43: PreviouslyTwo years ago....Halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa pagsayaw habang patuloy na sumasabay sa tugtugin. Everyone was drunk except for the one group of boys and girls at the corner of the bar.“Para kay Cypher!” sigaw ni Peia saka itinaas ang hawak nitong baso na may lamang alcoholic drink. Nakaakbay naman dito ang binatang si Seike na hindi pa tinatamaan ng kalasingan dahil sa walang humpay nitong katatawa.“Come on, Cy! It’s your birthday. Loosen up!” wika ng natatawang si Seike sa dalaga, pero imbis na sundin ang sinabi nito ay ngumisi lamang ang dalaga saka tinungga ang isang shot ng tequila, dahil doon ay naghiyawan ang kanilang mga kasama at nangunguna pa nga roon si Seraphina.“Your twin will definitely sue you after this,” wika pa ng nakangising si Seraphina na namumungay na ang mga mata at halatang lasing na,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status