Share

Kabanata 4

Author: Hakudennn
last update Last Updated: 2021-10-20 19:11:55

KABANATA 4

❝Kamatayan❞

"Nandito na tayo."

"Pero anong ginagawa natin dito kung Lostrous ang hinahanap natin?" nagtatakang tanong ni Leviticus. "Hangganan ito ng Ludemier at Terremoir,"

Sang-ayon ako. Tama nga siya. 'Tsaka sabi ni Rithius may alam siyang palatandaan kaya bakit kami rito napunta?

Ang tanong ko sa isipan ay natigil nang namalayan kong nakababa na pala si Rithius sa kabayo niya at naglakad sa isa sa pinakamalaking puno ng acacia sa gitna nang pagitang lupa. Sobrang laki nito na pwede nang pagtaguan ng benteng tao.

Pinagmasdan namin ang ginawa niya. May kung ano siyang hinipan sa katawan ng acacia hanggang sa maging lantad sa aming paningin ang mga salitang naka-ukit dito. Hindi gaanong malaki ngunit sakto na para mabasa namin sa layong ito.

"Ludemier... Terremoir... Lostrous..." basa ng lahat.

"Lostrous?"

Lostrous?

Marahas kaming napasinghap.

"Ibig sabihin, hindi lang pagitan ng Ludemier at Terremoir ang lugar na ito dahil ito'y pagitan din nang Lostrous sa dalawang kaharian!" Dare exclaimed. She's smart indeed.

Nakakagulat. Sa pagkamangha naming lahat, bumaba kami sa kabayo at lumapit kay Rithius para suriin ang naka-ukit.

Ang tatlong nakaukit na pangalan ay may naka-angkop na direksiyon. Binasa ko.

Ang Ludemier ay may direksiyon pa-hilaga. Totoo nga dahil nasa hilagang parte ng Nervana ang Ludemier. Ang Terremoir sa Kanluran at tama ulit ito. Pero ang Lostrous ay isang kudlit pababa lamang ang naka-angkop na direksiyon.

Kumunot ang noo ko. Ganoon din ang iba. Habang si Rithius ay natulala sa nakaukit na pangalan na para bang may inaalala siya.

"Timog? Nasa Timog ang Lostrous? Pero hindi ba't nasa Timog din ang Pacitheia?" tanong ni Gihon. Ganoon din ang iniisip ko.

"Baka may iba pang ibig sabihin ang pababang direksiyon. Hindi ito nagbibigay nang direksiyon ng Timog. Maaring iba pa." Usal ko. Napatingin silang lahat sa akin. Kapwa wala ring ideya pero pilit nag-isip nang solusyon.

Dumapo ang tingin ko kay Rithius na seryoso pa rin.

"Paano mo nalamang may ganitong naka-ukit sa punong ito?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya ako pero walang nagbago sa kaniyang ekspresyon. 

Everyone looked at him.

Isinilid niya sa bulsa ang kan'yang mga kamay. Natural lang ang reaksiyon niya.

"I accidentally discovered it years ago. When I was hunting with my father." He anwered. But I wasn't convinced. 

Aksidente niyang nakita? Hindi na nakakapagtaka naman?

Parang totoo naman pero bakit pakiramdam ko, iba. O baka pakiramdam ko lang naman kase napaka-misteryoso niya.

"Kung nakita mo ito ilang taon na ang nakakaraan, hindi malabong may nakakita na nito bago o matapos mo itong makita. Hindi kaya may nauna nang makahanap ng Lostrous kaysa sa atin?" si Prudence.

"I don't think so." Sagot niya at umatras para bigyan ng daan si Dare at Akhi na kuryuso sa nakaukit.

Si Leviticus at Darius naman ay medyo malayo sa amin para magbantay sa paligid ngunit nakikinig din sa diskusyon.

"So you mean sigurado ka na ikaw ang unang nakakita nito, pare?" si Gihon.

Tamad na gumalaw ang panga ni Rithius. Bahagya niyang hinilig ang ulo at humalukipkip. Ang mata niya'y nagsasabing ayaw niyang kinakausap siya pero kailangan niyang sumagot dahil magkakasama kami at kailangan naming magtulungan.

"Yes," Rithius answered.

"Kung nakita mo na ito noon, ibig sabihin alam mo kung saan ang direksiyong tinuturo ng pangalan," Prudence nibbled his chin. Calculating.

"'Yan ang hindi ko alam." Sagot niya. Naningkit ang mga mata ko.

"Impossible," sabat ko. Nararamdaman kong pinipili lamang niya ang sinasabi sa amin.

Hindi kaya siya'y may iba pang mithiin sa misyong ito? Matalino siya at alam kong hindi lang ito ang nasusukat ng kaalaman niya.

"Ito lang ang alam mo? Wala kang nalaman tungkol sa Lostrous?" paglilinaw ni Prudence.

Rithius played his lips. Tamad siyang tumingin sa amin.

"You're doubting me?" tanong nito. Hindi na ako nagulat na nalaman niya agad ang hinala ko.

"Bakit mo nilihim ang markang ito?" tinuro ko ang markang nakasulat.

His eyes deepened. Bumuka ang labi niya. "At first I didn't know what this mark means but recently, I found a book that consists the signs that's scattered abroad Nirvana." He explained.

"What do you mean?" our forehead creased.

Rithius glanced at the marks. "I found this exact sign on that book but something's missing."

He looked at us. "The page was tattered. Made by a herbal knife."

Sira ang pahina gawa ng punyal gamit sa panggagamot? Nakakapagtaka talaga... para bang pinaglalaruan kami.

"Kaya natagalan bago ko mapagtagpi na ito pala ang ibig iparating ng mga markang ito sa akin."

But isn't it still suspicious? Sa pagkakasalita naman niya, naramdaman kong siya'y nagsasabi nang totoo. Misteryoso man siya, nararamdaman ko namang sensiro siya sa pagsabi nang totoo.

Nagsimulang mag-isip si Prudence. Nahawa rin ako kaya nag-isip na rin ako.

Kung hindi timog ang tinutukoy ng direksiyon, ano naman? Ang lupa? Ang lupang kinatatayuan namin ngayon? Pero hanggangan ito.

Walang kasiguraduhan kung nasaan talaga ang Lostrous.

Ang Ludemier ay nasa Hilaga. Ang Terremoir ay nasa Kanluran. Ang Pacitheia ay nasa timog. Ang Norm naman ay nasa Silangan. Saan naman ang Lostrous?

Saan ka nga ba...

Kung ang binigay mong direksiyon ay pababa, hindi kaya ito'y nasa lupa? Or tumutukoy sa sentro ng buong Nervana? Nasa gitna ba ng mapa ang Lostrous?

Nag-isip ako nang nag-isip. Namo-mroblema na rin ang iba sa kaka-isip hanggang sa may pumasok na kasagutan sa isip ko.

Parang alam ko na!

Kung ang tinutukoy nang direksiyon ay pababa, hindi Timog ang tinutukoy nito. Kun'di ang punong pinag-ukitan mismo nito! Literal ang ibig sabihin nang palataan!

Pinaglaruan lamang kami! Ang totoong ibig sabihin nang palatandaan ay mismong sa loob ng puno ang Lostrous! Pero possible nga ba?

"Alam ko na!" hiyaw ko. Nalingat silang kahat at lumapit sa akin. They all look stressed.

"What is it?" desperadang tanong ni Khione. Nang tingnan ko silang lahat, kita ang namumuong pawis sa kanilang mga noo habang pagod na ang mga mukha.

"Tama nga si Gihon dahil hindi Timog ang tinutukoy ng direksiyon kun'di ang puno mismo. Pababa ang linya, ibig sabihing maaring nasa loob ng puno ang sagot!" sa wakas ay napag-tagpi-tapi ko ang mga ideya.

Maaari. Pinahirapan pa kami sa pag-iisip, nandiyan naman pala mismo sa harapan namin ang sagot. Nilito lamang kami sa naunang dalawa o pwede ring hindi. Dahil nasa sentro ng mapa ang hangganang ito at kung hindi ako nagkakamali, ang malaking puno ng acacia sa aming harapan ngayon ay siyang pinakasentro. Ibig sabihin, nandito lang talaga ang Lostrous.

They became observant. Agad yumakap ang malaking ngiti sa kanilang mukha at pinalibutan ang malaking puno ng acacia. Naghanap sila nang maaring kakaiba sa paningin. 

Kahit ako ay tumulong na rin at naghanap nang naghanap. There's nothing weird on the tree. Kaswal na puno lang ito maliban sa kung gaano ito kalaki.

"Try digging the dried leaves!" Prudence ordered so we did.

Pumwesto kaming lahat palibot sa puno. Hanggang sa naubos naming mahukay ang makapal na mga tuyong dahon sa ugat nito at isang kakaibang ugat ang lumitaw sa amin.

Pa-arko ito at kakaiba ang kulay dahil pinaghalo ang kulay kayumanggi, pula at berde. Sa hugis nito, para itong pwedeng aapakan at iyon nga ang ginawa ko dahil sa kuryusidad.

Hindi ko aakalain na gagana iyon. Pigil hininga ang lahat. Napatayo kami at pinagmasdan kung may magbabago ba sa kapaligiran pero walang nangyari.

Ilang minuto pa, wala pa ring nangyari kaya marahas na napasinghap si Khione at Akhira. Para naman akong nawalan nang hangin kaya marahas akong naghanap dahil parang nawalan ako nang lakas. Nawala ang hangin sa paligid.

Walang nangyari. I feel suffocated more. I gasped.

"Putangina! Pinaglalaruan n'yo ba kami?" malutong na napamura si Akhi. 

Ganoon din ang nararamdaman ni Khione at dahil sa inis, nilapitan niya ang kahoy at akmang tatadyakan nang bigla itong lumiwanag dahil sa biglaang lumutaw na sinaw sa katawan ng puno na naghugis ng isang pintuan.

Doon parang bumalik ang hangin. Nakahinga na ako. We are so shocked na kahit si Khione ay napatili at halos tumakbo sa takot. Nakarinig kami nang malakas na kulog hanggang sa unti-unting humulma ang isang pintuan sa malaking puno na umiilaw ng ginto.

Ang mabilis at marahas na kidlat ay tumama sa pintuan kaya ito'y mas lalong naglinaw. Naglinaw ang yari sa gintong ukit sa puno ng malaking acacia.

Para kaming nakakita ng multo sa gulat. My jaw-dropped as we stared of what magical just happened. Napa-atras kami. Sa gulat, sa kaba, sa takot at sa saya.

Tumigil ang kulog at unti-unting naglaho ang gintong ilaw sa ukit. Naiwan ang isang magandang desinyo ng pintuang gawa mismo sa puno ng acacia na hinaluan ng ginto.

Hindi ako makapagsalita. Ang pagod ay biglang pinalitan nang panibagong lakas. I feel recharged.

Nahanap namin. Nahanap namin ang daan!

Doon lang rumihestro sa akin na nagawa namin. Nagawa naming hanapin ang daan patungong Lostrous. Pinuno nang nag-uumapaw na kaligayahan ang bawat puso nang mga taong nakatayo sa harap nito hanggang sa hindi mapigilang mapasigaw.

"Nagawa natin! Nahanap natin!" masayang sumigaw si Dare kaya magsiliparan ang mga ibon sa kakayuhan.

Ganoon din ang ginawa ni Akhi. Kahit ako ay pumarte ang labi sa saya.

"We did it again! Nahanap natin!" masayang ani niya at mahigpit akong niyakap kaya napahagilap ulit ako nang hangin.

Masaya kaming nagkatinginang magkaibigan hanggang sa magtama ang paningin namin ni Rithius.

I was nailed. I couldn't move my eyes away. Para akong pinako sa kinatatayuan kaya laking pasasalamat ko nang yugyugin ako ni Akhira sa sobrang kasiyahan.

Sa sobrang saya namin, nakalimutan na namin ang aming mga kabayo sa likuran na tila naramdaman din ang aming kaligayahan kaya sila'y tumunog din.

"Shall I do the pleasure?" ilang minuto pa, hindi pa rin kami makabawi sa saya kaya si Darius na ang nagpresentang bumukas ng pintuan pero nagulat kami.

Dahil bago pa man mahawakan ni Darius and puno ng acacia, biglang umilaw ulit ang kahoy at umukit nang panibagong salita sa katawan nito.

At lahat kamiy nanibugho sa nabasa.

"Tanging nasa bingit lang nang kamatayan ang makakabukas ng pintuang ito."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gods of the dauntless    Kabanata 24

    ❝Attack❞Arza's POVLahat kami ay nagulat nang matumba si Akhira at mawalan ng malay. Bago pa man ako makatakbo, naramdaman ko nang may kung anong tumama sa leeg ko dahilan para mapaluhod din ako sa lupa at tuluyang bumagsak.Biglang umikot ang paligid sa paningin ko at bago tuluyang mawalan ng malay, nakita kong bumagsak din ang mga kasamahan.Sa isang nakakasilaw na liwanag, namulat ang mata ko ngunit nang bumalik ang aking paningin, bumungad sa akin ang madilim na paligid.Napahawak ako sa dibdib sa unti-unting pagkabog ng dibdib ko.Nasaan ako?"Panahon na..."Napaiktad ako nang marinig na may bumulong sa aking tenga. Nanindig ang balahibo ko sa boses nitong may nakakahindik na misteryo."Parating na..."Kumunot ang aking noo. Isang malamig na hangin ang dumapya sa katawan ko kaya niyakap ko ang sarili

  • Gods of the dauntless    Kabanata 23

    ❝Kakaiba❞Akhira's POVIkaw ang isa sa apat. . .Ikaw ang isa sa apat. . .Ako ang isa sa apat? Ano ang ibig sabihin ng matanda? Ako ang isa sa apat na hindi ordinaryo sa amin?Natawa ako sa isipan. Malaking kalokohan!Anong hindi ordinaryo ang sinasabi niya? Kung pagiging abnormal ang pagsasabihan, insulto iyon sa akin. Baka 'pag si Khione sinabihan niya nang ganu'n, maniniwala agad ako.Nagulo tuloy isipan ko kaya naman nawala ako sa pag-iisip nang pumasok kami ng salamin o nang lagusan pala patungong Marais.Pagka-balik nang tamang pag-iisip ko, nagulat na lang ako nasa kagubatan na naman kami kami. Ngunit hindi nakakatakot ang katahimikan dahil masarap sa tenga ang kanta ng mga ibon."Kalokohan," usal ko ulit sa sarili. Napa-iling ako.

  • Gods of the dauntless    Kabanata 22

    ❝Agamis❞Akhira's POVMaagang gumising at naghanda ang aming grupo para sa pagdaong ng barko sa Agamis. Sa wakas ay napalitan ko na ang aking damit na saya sa isang mas komportableng damit at nilakip ang aking espada sa gilid.Dumadanak ang aking pawis sa pagod at hingal. Hinamon ko nang duelo ang kanang kamay ni Ginoong Suvettre kaya ganito nalang ako kapagod. Hindi ko ianasahan na magaling siya kaya nahirapan akong talunin siya.Isang mabuting palad na lang na nagawa kong patalbugin ang hawak niyang espada. Ngunit sa aking palagay ay tsamba lamang iyon dahil nadulas siya sa nagkalat na langis sa sahig.Pero s'yempre, mamamatay muna ako bago aminin na tinalo ako ng babaeng kanang kamay ni Suvettre Von Dorzan. Walang nakakita kanina kaya nagagawa ko pa ring i-taas ang noo sa kabila ng pagkasira ng astig ko.Ang aking ibang kasa

  • Gods of the dauntless    Kabanata 21

    ❝Pagkita❞Khione's POV"Kumusta ang pag-uusap nin'yo? Bakit kayo natagalan?" agad na usisa ni Akhira nang makalabas sa kubon ang dalawa kaya napa-irap ako. Mapapel. Kanina ay akala mo kung sinong close kay Gihon. Tsk."Anong sabi niya?" desperadang tanong niya. She look very desperate. Hindi makapaghintay.Tipid na tinitigan siya ni Prudence habang blanko namang dumiretso si Rithius para pumunta sa likurang bahagi ng barko para roon tumayo at hinarap ang papalubog na araw.I gulped. I just realized that it's just the second day we entered Lostrous. Bakit ang bagal ata gumalaw ng oras sa kahariang ito? Parang feeling ko ang hina lumakad ng mga kamay ng orasan sa kahariang ito?Napa-isip ako. Maybe I can ask Meda later. There are still so many things I need to ask and discover in this kingdom. But I ca

  • Gods of the dauntless    Kabanata 20

    ❝Dorzan❞"Magandang pagbati sa in'yo. Ako si Suvettre Von Dorzan, ang kapitan ng barkong ito.""Dorzan?" kami'y napa-tindig at hindi man nagkatinginan, tiyak iisa ang nasa loob ng aming utak."Kaano-ano mo si Elmodor Veu Dorzan?" hindi na nag-atubiling magtanong si Prudence sa narinig.Nahagyang nagulat ang pinuno ng mga Pirata at agad din namang nakabawi at malakas na tawa."Sino ang Elmodor na tinutukoy nin'yo?" malutong siyang tumawa na namayani sa buong barko. Tiningnan pa niya ang mga tauhan na nagulat sa pagtawa niya ngunit nang tingnan ay pilit ding natawa.Nasira ang ekspresyon ko. Kumunot din ang noo ko."Kaano-ano mo si Elmodor, ang kanang kamay ng Pinakamataas na diyos?" diretsang tanong ni Rithius. Katulad ni Prudence, nag-aasam nang kasaguta

  • Gods of the dauntless    Kabanata 19

    ❝Save❞Arza's POVTila may nag-utos sa aking tawagin siyang ganoon. Kusang gumalaw ang aking dila at sumunod ang aking labi. I don't know her name but an unknown power told me to call her Amaidea.Iyon ba ang pangalan niya?Yumakap ang isang tipid na ngiti sa kaniyang manipis at maputlang labi. Amaidea nga ang pangalan niya. Nakita ko kung paano lumambot ang mata niya nang tawagin ko siya sa pangalang iyon."Magtiwala ka lang sa kaniya. Magtatagumpay kayo..." tila bulong iyon na magpabalik sa akin sa totoong nangyayari. Bigla nalang siyang naglaho matapos sabihin ang mga katagang 'yun.Magtiwala ka lang. Magtatagumpay kayo.Ano ang ibig niyang sabihin? Bigla akong kinapos nang hininga. Biglang pumasok sa isipan ko na nasa ilalim ako nang madilim na dagat kaya labis akong natakot.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status