Share

Golden Cuisine: 10,569
Golden Cuisine: 10,569
Penulis: clam11th

Pilot Chapter pt. 1

Malakas ang ulan ngunit isa-isang nagsisi-datingan ang mga residente ng isang village upang makita kung ano ang pinagkukumpulan at may pawang kinatatakutan ang mga naunang dumating. Nagkikiskisan ang mga payong ng mga ito. 

At doon, natunghayan ng mga bagong dating ang dalawang lalaki. Ang isa ay may hawak na patalim na masama ang tingin sa kaharap na lalaki. Dahil sa delikadong senaryong ito, naglagay ng safe distance ang mga tao na nakiki-chismis lang. Ang iba naman ay tumawag na ng tulong sa baranggay. 

Ngunit sa isang kurap ay napatigil sa takot ang mga residente nang makitang sumugod na ang lalaki na may hawak na patalim pero ang mas ikinatigil nila ay ang babaeng iniharang ang kaniyang sariling katawan at tinanggap ang saksak. Hindi nila ito makilala dahil nakataas ang hood ng kulay asul na jacket nito, nalaman lang nilang babae dahil sa frame nito at sa haba ng itim na buhok.

Sa tiyan ng babae ay nakabaon ang patalim at kumakalat na ang dugo nito sa suot na hoodie.

Umangat ang ulo ng babae, umubo ng dugo at ngumisi. Nanlaki ang mata ng lalaking sumaksak, tila ba nagising sa galit at napagtanto ang karahasang nagawa.

"Sino 'yong babae?" tanong ng isa sa mga nanunuod na residente na malamang ay tanong din sa isipan ng iba pang nandoon.

"Yel!"

Mula sa likuran ng kumpulan ay mayroong may edad na babae at kasama nito ang mga taga-baranggay.

Na-alarma si Yel kaya sa abot ng makakaya ay kumaripas siya ng takbo palayo, palayo sa tulong.

Habang tumatakbo, dinig ang pagtalsik ng mababaw na baha kada apak ng kaniyang sapatos sa dinaraanan. Mas lalong dumudugo ang malalim na sugat niya gawa ng saksak.

Tuwing nasa bingit siya ng kamatayan ay lagi nalang may nagsasalba sa kanya. Luck? Destiny? Hindi niya alam. Pakiramdam niya mayroong gumagawa ng paraan upang hindi siya mapahamak. Kaya naman lumayo siya, kung saan hindi maaabot ng tulong. 

Nakarating siya sa isang pasilyo at doon ay may isang malaking basurahan. Sumiksik siya sa likod nito. Wala ng pakialam sa putik at sa dumi ng kinalulugaran. Here, she plans to let herself bleed to death.

Hanggang sa naging madilim ang lahat.

────── 〔GↃ〕──────

"Sen," tawag kay Sen ng kasama niyang si Hyaku.

Naka-itim na kapote at bota ang dalawang lalaki.

"Teka, ano 'yon?" Sinundan ni Sen kung saan nakatingin si Hyaku at nakita ang umaagos na pulang likido na kasamang inaagos ng baha.

Hindi dapat nila ito pagtutuunan pa ng pansin at tutuloy na sa paglalakad nang mapansin ni Hyaku ang weird na pinagmumulan ng pulang likido.

Sa likod ng isang basurahan. Sa pagtingin ng maigi ni Hyaku ay napasigaw siya sa takot.

"Doushite?" What's the matter? tanong ni Sen na nakakunot ang noo.

Horror was shadowing on Hyaku's face. Tumuro si Hyaku kung saan banda ang basurahan.

"Kamay ba 'yon? - - shit!" Sumeryoso si Hyaku at naglakad papunta sa basurahan.

Bumungad sa kanya at kay Sen na nasa likuran niya ang isang babaeng naka-hoodie na blue na may mantsa ng dugo sa bandang tiyan.

"Buhay pa siya," nakakunot ang noong aniya ni Hyaku sabay inalis ang dalawang daliri sa leeg ng babae pagkatapos niyang i-check ang pulso nito.

"Ikuzo," Let's go aniya ni Sen sa baritonong boses.

────── 〔GↃ〕──────

Nagising ang diwa ni Yel, dinilat ang kaniyang mga mata mula sa mahimbing na pagtulog. 

'That felt real'. Nanaginip na naman siya na mamamatay siya. Pero hindi takot ang nararamdam niya, it's fun, she always say. Feeling niya ay parang nasa video game siya. 

Nagbago siya ng posisyon ng pagkakahiga, napatigil siya at simpleng sinuri ang lugar. Hindi niya kwarto 'yon. 

Hindi pa nags-sink in sa kanya ang kalagayan niya kaya kalmado lang niyang hinalukay sa isip kung paano siya napunta ro'n pero ang nag flash sa isip niya ay ang pagharang niya ng sariling katawan kay Jack para hindi ito masaksak at siya ang nasaksak--

Inangat niya ang t-shirt na suot niya, she didn't made a fuss noticing that it's not hers. Nakita niya ang tiyan niya na may guhit sa balat kung saan mismo siya nasaksak. Hindi ito gaanong halata pero ang itsura nito ay pahilom nang cut. Kumunot ang noo niya at napaisip kung gaano na siya katagal doon at magaling na ang natamo niyang sugat. 

For the nth time, she was saved again. Come to think of it, wala nga siyang nakitang flashbacks o alaala katulad sa mga mamamatay na. 

Lumabas siya ng kwarto at nakasalubong niya ang isang lalaking napatigil nang makita siya. Kakausapin niya sana 'to nang bigla itong sumigaw. 

"G-gising na siya!" 

Natagpuan na lang niya ang sariling niyang pinalilibutan ng mga kalalakihan. Ang isa dito ay chineck-check pa siya. 

"Yosh! She's completely okay," magiliw na sabi nito tsaka umalis. 

"Ano..." Tumikhim ang lalake.

"Nakita ka namin sa isang pasilyo kaya dinala ka namin dito para magamot 3 days ago." Yel didn't speak nor move, she's just looking at the guy sa harap niya at naghihintay ng susunod nitong sasabihin. 

Akala ni Hyaku naguguluhan pa si Yel kaya hindi ito umimiik kaya naman tinanong niya nalang muna ang pangalan nito. 

"... Yel, Yelsha Oba." 

Pinaliwanag ni Hyaku na kaya hindi sa ospital dinala si Yel ay para sure na agad na mai-salba ang buhay nito kesyo kasama raw nila ang best of the best doctor sa bahay. 

Napansin ni Yel na iniiwasan ni Hyaku na ipakilala o banggitin ang pangalan ng mga ito, hence her frowning and a glint of suspicion in her eyes. 

"Bakit ka nga pala nando'n? Natatandaan mo ba?" tanong ni Hyaku na curious din dahil siya ang naka witness sa katawan ni Yel na mukha ng bangkay no'ng oras na 'yon. 

Yel looked at the ground as she remembered what happened. 

Sabi nila kasalanan ang tapusin ang sariling buhay... 

"Kung may pagkakataon, anong kapangyarihan ang pipiliin mo?" 

"Kapangyarihan na bigyan ng pagkakataon ang mas karapat-dapat na mabuhay kaysa sa'kin,

kapalit ang buhay ko." 

Tumakbo siya para iharang ang sarili kay Jack nang sumugod ang lalakeng hindi niya kilala pero mukhang may galit sa unang nabanggit.

It could be somebody else who she could save, pero maswerte na siya noon na ang lalakeng gusto niya pa ang nailigtas niya, she thought.

She's really done living. She's useless anyway.

Maraming beses na siyang muntik mamatay, accidentally and intentionally pero para bang may kung anong hindi hinahayaan na matapos ang buhay niya. Kaya naman nang dumating ang nanay ni Jack noon na may kasamang tulong ay agad siyang tumakbo dahil ayaw niyang maligtas.

"Omaette baka nandane..." So you're a fool komento ng isang lalaking naka scouch para magpantay ang mukha nila ni Yel na nakaupo. 

"I guess you can say that," ang nasabi nalang ni Yel kahit gusto niyang ipaliwanag dito na hindi nito maiintindihan ang sitwasyon niya dahil hindi naman sila pareho. 

"Naintindihan mo 'ko?" gulat na tanong ng lalake habang naka pout. 

"Baka kamo shirenai kedo, omae no itteru koto yoku wakatteru yo, " I'm stupid but I can understand you,

"I'm a Japanese too." Yel became cheeky. 

"Ehhhh!--" 

"What's the fuss?"

Pare-pareho silang nagulat at napatingin sa bagong dating. 

"Oi, Sen," pag approach ni Hyaku rito. 

Nang tinabi ni Hyaku ang sarili paalis ay bumaba ang tingin ni Sen kay Yel. Sen smirked,

"Oba-san..." Ms. Oba

---

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status