Share

Kabanata 06

Kinaumagahan...

Kahit masakit ang katawan ko nagawa ko pa rin ang gawaing bahay.

Ngayon nagpupunans ako ng telebisyon nang dumating si tita celine.

Lumapit ako sa kanya nang magsalita siya

"Kamusta na ang pakikipaglandian mo sa anak ko?"-Marahas na tanong sa akin ni Tita Celine.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang paglilinis sa bahay.

Umakyat si tita sa itaas at wala ng sinabi sa akin.

Bumuntong hininga lang ako at nagwalis na lang sa sala nang dumating si kuya Rex.

Naalarma ako sa pagwawalis at sa ibang direksyon naglinis.

Tahimik na lumakad si kuya at umupo sa sofa at nagbukas ng tv.

Ang daming gamit na nakakalat at mga litrato na malalaswa ang imahe.

Nabitawan ko ang walis na hawak ko at ang litrato.

Sa pagharap ko kay kuya Rex ay nakita ko siya nakatingin sa likuran ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at lalakad na sana nang magsalita siya na ikinapula ng pisngi ko.

"Hindi mo man lang naramdaman na may dugo ka sa likuran mo."-Seryoso niyang sabi sa akin

Tumakbo ako sa taas at nagkulong sa kwarto dahil sa sinabi ni kuya Rex sa akin.

Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang likuran ko meron na pala ako bakit hindi ko man lang naramdaman kanina.

Pumunta ako sa drawer ko at naghanap ng napkin pero wala ako nakita.

Dinatnan kasi ako nung nakaraan buwan at naalala ko si kuya Ian ang bumibili ng napkin ko ang kaso wala na siya.

Ano na gagawin ko ngayon hindi pwedeng lumabas ako na may tagos sa likuran ko at baka pagtawanan pa ako at bastusin.

Kaya si kuya Ian ang bumibili para sa akin pero meron times na nagtanong si kuya Ian sa akin kung ilang buwan daw mawawala yung dugo ng isang babae natawa ako sa tanong niya.

Bigla kong naalala si kuya Ian Namimiss ko na siya at tumulo na yung luha ko nang may biglang nagsalita.

Napatalon ako sa gulat kay kuya Rex na nakatingin sa akin at may hawak na isang box binato niya sa akin buti nasalo ko ito.

Ano naman ito?

Bago ko magets kung ano yung nasa loob nagsalita na siya.

"Simpleng napkin iiyakan mo."-Seryoso niyang sabi sa akin at lumabas na sa kwarto ko.

May napapansin ako ngayon kay kuya Rex palagi na siyang seryoso at hindi na ako pinagtitripan.

Binuksan ko ang kahon at tama ang hinala ko.

Nagpalitan na ako ng damit at hanggang ngayon naguguluhan sa ikinikilos ni kuya Rex.

May problema kaya siya? Naiba ang ihip ng hangin.

Tumingin ulit ako sa dala ni kuya Rex at tumawa.

Nang may mapansin ako at binasa.

"I love you and forever love."-Basa ko sa nakasulat sa papel.

Anong gusto niya palabasin? Hindi niya ako madadaan sa pasulat niya ng matatamis na salita sa mga ginawa niya sa akin.

Tinapon ko ito malapit sa bintana at bumagsak na naman ang mga luha sa mata ko.

Nakaukit na sa puso ko ang pagkamuhi at poot na nararamdaman ko ngayon.

"Grace kumain ka na at may pupuntahan ka."-Sabi ni tita sa akin sa baba

Bumaba ako at nakita ko si tita na nakaupo sa upuan habang nagkakape.

"Saan po ako pupunta?"-Tanong ko kay tita

Tumayo si tita at masungit akong sinagot.

"Bakit ba ang dami mong tanong! Sasamahan ka naman ni Rex doon."-Sabi ni tita Celine sa akin

Bumaba si kuya Rex na bihis na bihis infairness ang gwapo niya ngayon pero hindi ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin.

"Let's go."-Seryosong sabi ni kuya Rex at nauna na lumabas sa bahay.

Nakatayo pa rin ako sa kinatatayuan ko ng sinigawan ako ni tita celine.

"ANO BA GRACE TUTUNGANGA KA LANG BA DYAN! ALIS NA!"-Saway na sabi sa akin ni tita.

Sumunod na lang ako ng tahimik sa kung saan ako dadalhin ni kuya Rex.

Pinagbuksan ako ni kuya Rex ng pintuan at pinapasok ako sa loob. Nagdadalawang isip ko pero pumasok na ako sa loob ng sasakyan at kinakabahan.

Umikot si kuya Rex sa driver's seat at nagstart ng makina at nagdrive na siya.

Sumilip ako sa back seat meron mga bulaklak na rosas.

Biglang nagsalita si kuya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung para saan ang mga bulaklak na yan Grace?"-Seryoso niyang tanong sa akin

Umayos ako ng upo at tumingin sa bintana hindi ko siya pinansin.

"Ayos lang sa akin kung galit ka sa akin pero kung meron mang-aahas na angkinin ka! Tandaan mo akin ka lang Grace."-Sabi ni kuya Rex sa akin

Hindi ko na lang siya kinibo at baka kung ano masabi ko sa kanya mas mabuti manahimik na lang ako.

Hindi na siya nagsalita at naging focus sa pagmamaneho ng sasakyan.

Saan naman ako dadalhin nito? Habang papalapit kami sa pupuntahan namin lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at takot na nararamdaman.

Kuya Ian ikaw na bahala sa akin kung saan man ako nito dadalhin bantayan mo po ako at ilayo sa kapahamakan.

Nakabestida na pink ako ngayon dahil kaninang umaga nakaligo na ako bago gawin ang gawaing bahay.

Nacucurious ako sa mga bulaklak sa likod at kung para saan ito?

Mali itong iniisip ko at ganyan ako sa kung ano tumatakbo sa utak ng mag-ina ngayon.

Natatakot parin ako sa kanila pero nagtitiis lang ako dahil umaasa ako na magbabago sila.

Biglang huminto ang sasakyan at nagsalita si kuya Rex bago lumabas ng sasakyan.

"We are here."-Sabi ni kuya Rex sa akin

Nasaan kami?

Umikot siya at pinagbuksan ako ng pintuan.

Lumabas ako at sariwang hangin ang sumalubong sa akin.

"Do you remember this place?"-Tanong sa akin ni kuya Rex.

Tumingin ako sa paligid at napahagulhol ako sa nakikita ko.

Hindi ako makapaniwala at bumalik sa akin ang masakit na nakaraan na pilit ko kinakalimutan ngayon.

Tumingin ako kay kuya Rex at nagsalita na may sakit sa pagkakasabi.

"Bakit mo ako dinala dito?"-Tanong ko kay kuya Rex at nasasaktan sa nakikita ko ngayon.

Bakit kilala mo siya kuya Rex?

Kinuha ni kuya yung mga bulaklak sa back seat at nagsalita siya.

"Dahil magpapaalam ako sa kanya na akin ka lang."-Seryoso niyang sabi sa akin

Lalo ako nagalit kay kuya Rex at nagsalita.

"Umalis na tayo dito."-Seryoso kong sabi sa kanya at sasakyan na sa unahan ng kotse nang magsalita si kuya Rex.

Nawindang ako sa mga nalaman ko galing sa kanya.

"Paano kung sabihin ko sayo na hindi Monterverde ang apelyido ko kundi Villanueva."-Pag-amin niyang sabi sa akin.

Ano sabi niya?

Kaya pala kung tratuhin nila ako mag-ina parang ibang tao kaya pala ako sinasaktan ni tita celine.

Ngayon alam ko na! Siguro ito na ang panahon para ipagtanggol ko ang sarili ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status