ログインIsang gabi ng pagkakamali ang bumago sa tadhana ni Lana Serrano. Matapos ang isang mapusok na one-night stand kasama ang malamig at ruthless na si CEO Eros Knight, akala ni Lana ay iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit isang positibong pregnancy test ang naging dahilan ng kanyang takot. Nang marinig ni Lana ang binitiwang salita ni Eros na kailanman ay hindi ito magkakagusto sa isang "low-class woman" at lalong hindi nito kailangan ng tagapagmana, minabuti ni Lana na maglaho. Bitbit ang kanyang sikreto, tumakas siya patungong ibang bansa at pinalaki ang kanyang mga anak nang mag-isa. Pagkalipas ng limang taon, nagbabalik si Lana, hindi na bilang isang mahinhin at mahirap na babae, kundi bilang isang world-class Structural Engineer. May dala siyang misyon, tapusin ang huling project para sa kanyang career at tuluyang kalimutan ang lalaking sumira sa puso niya. Ngunit hindi niya inaasahan ang bagsik ng tadhana. Sa unang araw ng kanyang pagbabalik, muli silang nagtagpo ng makapangyarihang CEO. Mas lalong naging mapanganib at mapang-angkin si Eros, lalo na nang makita nito ang tatlong batang lalaki na carbon copy ng kanyang mukha. "The triplets are mine, Lana. And as for you... you’re not escaping this time." Handa na si Eros na habulin siya, pero handa na rin si Lana na ipatikim sa kanya ang tamis ng paghihiganti. Sino ang unang susuko? Ang bilyonaryong sanay makuha ang lahat, o ang ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang mga anak?
もっと見るLana Serrano POV
Malamig ang hangin na nagmumula sa centralized air-conditioning ng penthouse, pero hindi iyon sapat para pawiin ang init na nararamdaman ko sa aking balat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kulay abo at modernong kisame. Huminga ako nang malalim. Amoy mamahaling masculine perfume, alak, at... amoy niya. Lumingon ako sa aking tabi. Wala na doon si Eros Knight. Pero ang gusot na kumot at ang bakas ng kanyang katawan sa kama ay sapat nang ebidensya na hindi panaginip ang nangyari kagabi. Ibinigay ko ang lahat sa kanya. Ang aking dangal, ang aking puso, at ang buong pagkatao ko na matagal ko nang itinatago simula nang maging personal assistant niya ako. Eros..." bulong ko sa hangin. May maliit na ngiting sumilip sa mga labi ko. Tumayo ako at binalot ang sarili sa puting bathrobe. Habang papunta ako sa pintuan para hanapin siya, narinig ko ang mahinang boses mula sa balkonahe. Bahagyang nakabukas ang glass door kaya malinaw kong naririnig ang bawat salita. "I don't care about the rumors, Marcus," malamig na boses ni Eros ang narinig ko. Iyon ang boses na ginagamit niya kapag business ang pinag-uusapan...no emotions, professional, at kasing tigas ng yelo. "But Sir, the press saw her leaving your car last night. Baka isipin nila ay may relasyon kayo ni Ms. Serrano," sagot ni Marcus, ang kanyang head of security. Napatigil ako sa paglalakad. Pigil ang hininga akong nakikinig, umaasa na marinig mula sa kanya ang mga salitang magpapakalma sa kaba sa dibdib ko. Isang maikling tawa ang pinakawalan ni Eros, isang tawang puno ng pangungutya. "Relasyon? Marcus, you know me better than that. Lana is just a one-night distraction. Effective siya sa trabaho, at mahusay rin siya sa kama, pero hanggang doon lang 'yun." Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng panginginig ng mga labi. "But what if she expects more, Sir? What if she... gets pregnant?" tanong uli ni Marcus. "Then she’ll be disappointed," mabilis at walang pag-aalinlangang sagot ni Eros. "I don’t do commitments. And I definitely don't want kids. My life is complicated enough; a child would just be a mistake I’m not willing to keep. If she’s smart, she’ll take a pill and act like nothing happened." Bawat salita niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. 𝘋𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯. 𝘔𝘪𝘴𝘵𝘢𝘬𝘦. 𝘕𝘰𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘬𝘦𝘦𝘱. Napaatras ako hanggang sa mapaupo ako sa gilid ng kama. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang pumatak. Ang lalaking minahal ko nang palihim sa loob ng dalawang taon ay tingin lang pala sa akin ay isang gamit na pwedeng itapon pagkatapos pakinabangan. Hindi na ako naghintay na pumasok siya. Mabilis kong kinuha ang aking mga damit at isinuot ang mga iyon habang nanginginig ang buong katawan. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay kailangang makaalis na ako rito. Kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas ng penthouse gamit ang service elevator. Hindi ako lumingon. Hindi ko na kaya pang makita ang mukha niya nang hindi naaalala kung gaano niya ako kadesperado na itakwil. 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝗶𝗽𝗮𝘀. Nakatitig ako sa maliit na puting stick na hawak ko. Dalawang pulang guhit. Parang tumigil ang mundo ko. Sa loob ng dalawang linggo, sinubukan kong maging normal. Pumasok ako sa trabaho, umiiwas sa tingin ni Eros, at tiniis ang bawat utos niya na parang walang nangyari. Pero ang madalas na pagkahilo at pagsusuka ko tuwing umaga ay hindi ko na maitatago. Dahan-dahan akong napaupo sa malamig na tile floor. Ang aking kamay ay kusang dumapo sa aking tiyan. Isang buhay. Isang buhay na nabuo mula sa isang gabing akala ko ay pag-ibig, pero para sa kanya ay isang pagkakamali lang. 𝘈 𝘤𝘩𝘪𝘭𝘥 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘣𝘦 𝘢 𝘮𝘪𝘴𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘐’𝘮 𝘯𝘰𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘬𝘦𝘦𝘱. paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses ni Eros sa isip ko. Alam ko kung anong klaseng tao si Eros Knight. Kapag sinabi niyang ayaw niya, gagawa siya ng paraan para mawala ang sagabal sa gusto niya. Natakot ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa buhay na nasa loob ko. Hindi ko hahayaang tawaging "pagkakamali" ang anak ko ng sarili niyang ama. Kinuha ko ang aking laptop at agad na nag-type ng isang resignation letter. Walang render-render. Walang paliwanag. Pagkatapos, kinuha ko ang aking passport at ang maliit na ipon na itinabi ko para sa pangarap kong maging Structural Engineer. Kakarampot lang iyon kumpara sa yaman ni Eros, pero sapat na para makabili ng ticket palabas ng bansa. 𝗡𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝗶𝗿𝗽𝗼𝗿𝘁 Ang ingay ng paliparan ay nagsisilbing background music ng aking pagtakas. Hawak ko nang mahigpit ang aking backpack habang nakapila sa immigration. "Final call for flight PR-102 to New York..." Huminga ako nang malalim at hinaplos ang aking tiyan. Hindi ko pa alam kung ano ang naghihintay sa akin sa Amerika. Hindi ko alam kung paano ko palalakihin ang batang ito nang mag-isa. Ang tanging alam ko lang, hinding-hindi ko hahayaang tawaging "pagkakamali" ang anak ko. Ibinigay ko ang aking passport sa officer. Pagkatapos tatakan, naglakad ako papasok sa boarding gate. Sa huling pagkakataon, lumingon ako sa labas ng malaking salamin ng airport. Sa mundong ito, iniwan ko ang simpleng Lana Serrano na nangarap mahalin ng isang Eros Knight. Pagbalik ko, sisiguraduhin kong wala nang makakatapak sa akin muli. Kahit ang makapangyarihang bilyonaryo na naging dahilan ng aking pag-alis. Humarap ako sa unahan at pumasok sa eroplano. Kasabay ng paglipad nito ang pagbaon ko sa nakaraan. 𝘗𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮, 𝘌𝘳𝘰𝘴. 𝘐𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 "𝘥𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯" 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰.Lana Serrano POVHindi ako nakatulog nang buong gabi. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang mahimbing na tulog nina Ace, Bolt, at Chase. Sa labas ng suite namin, alam kong may mga tauhan si Eros na nagbabantay. He turned my sanctuary into a gilded cage overnight.8:00 AM.Nakatayo ako sa tapat ng DNA Diagnostics Center. Suot ko ang isang kulay pulang power suit, isang kulay na sumisimbolo sa digmaan. Kung akala ni Eros na susuko ako dahil lang nahuli niya kami, nagkakamali siya.Eksaktong alas-otso nang huminto ang isang itim na Rolls Royce sa tapat ko. Bumaba si Eros, mukhang hindi rin nakatulog pero nanatiling kagalang-galang at nakakatakot ang presensya."You're on time," malamig niyang sabi."I just want to get this over with, Eros. Para matapos na ang kahibangan mo," sagot ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.Pumasok kami sa loob. Ang buong floor ay pina-clear ni Eros. Walang ibang tao kundi kami, ang mga medical staff, at ang tensyon na halos mag
Lana Serrano POVPagkalabas ko ng Knight Industries, hindi ako makahinga nang maayos. Ang hangin sa loob ng building na iyon ay tila ninanakaw ang lakas ko. Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na nag-drive pabalik sa hotel."Hindi niya pwedeng malaman," bulong ko sa sarili ko habang nakahawak nang mahigpit sa steering wheel. "Hindi niya pwedeng makuha ang mga anak ko."Pero alam ko kung sino si Eros Knight. He’s a hunter. Kapag may gusto siyang makuha, gagawin niya ang lahat. At ngayon, naitanim ko na ang binhi ng pagdududa sa isip niya.Dahil sa sobrang stress, minabuti kong ipasyal ang mga bata sa isang exclusive indoor playground sa loob ng isang high-end mall malapit sa BGC. Kailangan nilang mag-labas ng enerhiya, at kailangan ko ring kumalma. Akala ko, dahil exclusive at private ang lugar, magiging ligtas kami. Akala ko, sa laki ng Maynila, hindi kami magtatagpo uli sa loob ng parehong araw. Pero mali ako."Mommy, look! I’m a ninja!" sigaw ni Bolt habang tumatalon sa mga foam bloc
Lana Serrano POV"Mommy, why do we have to stay with Nanny Mel in the hotel? I want to see the big buildings!" reklamo ni Bolt habang kinakalikot ang kanyang robot toy.Hinalikan ko siya sa noo bago ko sinuot ang aking emerald-green blazer. "Mommy has a very important meeting, baby. Be a good boy, okay? Ace, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo."Tumingin sa akin si Ace mula sa kanyang binabasang libro. "Don't worry, Mommy. I’ll make sure Bolt doesn't break anything and Chase doesn't eat the entire mini-bar."Napangiti ako. Ace was too mature for a five-year-old, at minsan ay nakakaguilt na kailangan niyang maging "kuya" nang maaga dahil wala silang ama. Pero wala akong oras para sa drama ngayon. Ngayong araw, kailangan kong harapin ang demonyo ng nakaraan ko.Pagbaba ko sa lobby ng Knight Industries, sinalubong ako ng pamilyar na kaba. Ang kumpanyang ito ang naging saksi sa lahat ng sakripisyo ko noon bilang hamak na assistant. Pero ngayon, habang naglalakad ako sa gitna ng lobby, an
Lana Serrano POV"Ace, stop pestering your brother. Bolt, put your iPad down. And Chase... baby, stop eating those gummy bears, we’re about to land."Huminga ako nang malalim habang inaayos ang suot kong designer sunglasses. Mula sa bintana ng eroplano, unti-unti ko nang natatanaw ang pamilyar na skyline ng Maynila. Limang taon. Limang taon ko ring tiniis ang hirap sa New York habang pinagsasabay ang pag-aaral, pagtatrabaho, at ang pagpapalaki sa tatlong makukulit na batang kasama ko ngayon."But Mommy, Chase started it! Kinain niya 'yung fries ko!" reklamo ni Bolt. Sa aming tatlo, siya ang pinaka-athletic at madaling mapikon. Naka-suot siya ng itim na hoodie at sapatos na pang-basketball."I was just hungry, Mommy," malambing na sagot ni Chase sabay pakita ng kanyang pamatay na dimples. Siya ang charmer. Alam niyang isang ngiti lang niya, bibigay na ako."Quiet, both of you," malamig na saway ni Ace. Napatingin ako sa panganay ko. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-nakakatakot ang pa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビューもっと