Share

The Search 2

Kriiing!

Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.

Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—

Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan.

"Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.

Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades.

"Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang sa daan, doon ka na lang sa highway pwede?" sabay tinaas niya muli ang bintana ng kotse niya bago siya nagpaharurot paalis.

Anong sabi?! I gritted my teeth sa galit. Nag-sorry naman ako ah. Makapanlait ang taong yun akala mo kung sino. Umagang-umaga sinira na niya ang araw ko.

Naglabas na lang ako ng buntong hininga para kumalma. Pasalamat siya hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya ma-hu-hunting para turuan ng leksyon. Agad akong naglakad papasok ng malaking eskwelahan at habang naglalakad pa lang ako sa hallway, ang ilan tumitingin sa akin pero babalik din agad sa ginagawa nila. Ang iba walang pakialamanan. Mabuti na lang at ganun. Tinignan ko na lang ang papel na binigay sa akin dahil doon nakalagay ang seksyon ko.

Mayamaya, bigla na lang silang nagbulung-bulungan tapos tumakbo papunta sa entrance. Anong meron?

"Oh my gosh. Balita mo ba girl? First time na dadalaw ang Badboy Prince ngayon!"

"Talaga?! Tara gusto ko siyang makita. Sabi nila ang gwapo-gwapo niya raw."

Ano? Badboy Prince? May ganun pa lang titulo? Kailan pa nagkaroon ng prinsipe ang Pilipinas? Ang sa pagkakaalam ko democratic country ito. Hay oo.

Teka ano na ulit seksyon ko? 12 Helium. Napatigil ako sa harap ng isang pintuan. Saan na ba yun? Napatingin ako sa aking kanan para tignan. Kung sinuswerte nga naman. Buti nahanap kita agad. Pagkabasa ng seksyon, nasa pinto na ako nang may tumawag sa akin.

"Excuse me Miss?"

Napatigil ako at lumingon sa tumawag.

"Yes Ma'am?" tanong ko sa mukhang isang guro.

"Are you Miss Xania?"

Nagulat ako. "Uhm ye-yes Ma'am. Paano niyo po nalaman?" tanong ko pa.

"Ah sabi kasi ni Ma'am hanapin ko raw ang babae na may makapal na itim na buhok at mukhang ikaw yun."

Wow. Ang galing naman ng description ko. Halata nga naman.

"The principal is waiting for you in her office," dagdag niya na ikinagulat ko.

Oo nga pala. "Uhm thank you po sa paalala. Uhm pwede po ba magtanong kung saan po yung principal's office?"

"Ah dun lang. Lumiko ka ng kanan tapos makikita mo agad ang office niya," sabay turo.

"Thank you po ulit Ma'am," paalam ko bago nga pumunta kung saan ang sinasabi niya.

Pagkarating ko sa pinto, kumatok ako.

"Come in," sabi niya mula sa loob sabay binuksan ko yung pinto at tinignan. Nagulat ako dahil parang nakita ko na ang babaeng nakaupo ngayon.

"Oh Xania it's you."

Ah oo tama. Siya yung babae na nag-interbyu sa akin.

"Please come in and have a seat," at ganun na nga ang ginawa ko. Pagkaupo ko, nagsalita siya ulit.

"So Good Morning to you," ngiti niya sa akin.

"Good Morning din po Ma'am," ngiti ko pabalik

"How are you?"

"I'm fine naman po."

"That's nice to hear. Have you found your classroom?"

"Yes Ma'am. Hindi po siya kalayuan mula rito."

"Yes it is so it will be easy for me to call for you," sabi niya. "So to start this all off, I just want to remind you the things you need to do being a scholar of our school. I was thinking of considering you under the working student scholarship but since sinabi mo nga sa interview na may work ka pala after classes, sa isa na lang kita nilagay. Dahil sa grades na pinakita mo sa card mo, nilagay kita sa full tuition scholarship which you must maintain all your grades in every subject to be 90 and above..."

Hindi ako nagulat sa sinabi niya dahil... sanay na ako. Madalas na ganung scholarship ang nakukuha ko pag isang pangmayaman na high school ang papasukan ko.

"...at hindi lang yun. Para mabayaran mo ang mga kailangan mong bayaran, everytime I need you, tatawagin kita during school hours kaya malapit lang ang classroom mo sa office ko. Don't worry. It will be easy tasks para hindi ka naman mahirapan..."

Bago yun ah pero napatango rin ako agad sa offer na iyon. Mas mabuti nang ganun dahil parang hindi ko deserve na ganun lang ang kondisyon ng scholarship ko kung libre nga ng full ang tuition ko.

"...lastly, you must not skip any classes unless you are indeed excused or sick. And if ever you are, you need to have a medical certificate in order for us to believe that you really did get sick. Madali nang mangdaya ang mga studyante ngayon dahil sa mga pera nila. Bawal ka ring magdala ng mga bagay na pinagbabawalan tulad ng mga alcohol and sharp things such as knives or swords but I know you wouldn't bring any right?"

Parang natamaan ako sa mga huling sinabi ni Ma'am.

"O-of course Ma'am," utal kong sagot habang pilit nakangiti. Promise Ma'am. Pipigilan ko talaga ang sarili ko na gamitin ang mga tails ko rito.

"Good. So that's all. Hope you'll enjoy your stay here in International Sanders Academy."

"Thank you for the warm greeting uhm Ma'am..." sabay napatingin ako sa nameplate niya sa mesa niya. "...Ma'am Jacq—"

"Ah Jacky na lang Miss Xania," singit niya bigla. "It's Ma'am Jacky," ngiti niya sa akin.

Napatigil ako saglit. "Ah okay po uhm Ma'am Jacky," sabi ko na lang. "Uhm sige po alis na po ako. Baka ma-late po ako sa first class ko."

"Okay. Good Luck," at tuluyan na akong umalis.

Habang papalakad pa lang ako papunta sa classroom ko, sinaisip ko ang lahat ng mga kondisyon para sa scholarship ko. So una, hindi bababa sa 90 ang grades ko sa lahat ng subjects, pangalawa, magiging utusan ako ni Ma'am, pangatlo ay huwag mag-absent at pang-apat ay huwag magdala ng mga matatalim na bagay. Siguro... kakayanin naman. Ang bago lang sa akin ay yung pangalawa at yung panghuli.

Mahirap hindi magdala ng matatalim na bagay dahil mismong buhok at mga buntot ko ay matatalim. Yun pa naman specialty ko, mas lalo na pag galit ako. Pwedeng ma-trigger ng di oras ang mga tails ko at makatusok ng mga bagay-bagay sa paligid.

Hindi kaya ko ito. Para na rin ito sa edukasyon ko at kailangan kong manatili rito sa eskwelahang ito dahil sa tingin ko, nandito ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko.

Pagkarating ko sa classroom, mabuti at wala pa yung guro. 7:45 pa lang kasi ng umaga at magsisimula ang first subject namin ng 8. Marami pang bakanteng upuan kaya pumunta ako sa isang upuan na pangatlong row at uupo na sana...

Pak! Nagulat ako nang biglang may pumatong na kamay sa desk nito. Ang lakas ng pagkabagsak. Kulang na lang masira yung upuan eh.

"Hey, don't you know that this seat is reserved for the Badboy Prince?" asta bigla ng isang babae.

Imbis na tuluyang magulat sa sinabi niya, tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Kelan pa nagkaroon ng patakaran na mag-reserve ng isang seat?

"Ahh sorry," pilit kong ngiti na lang. "Sa ibang upuan na lang."

Papunta na sana ako sa isang upuan kaso nagsalita ulit yung babae na ikinatigil ko.

"Hindi rin pwede sa iba. Kung gusto mong maupo, makipila ka sa kanila at hintayin mong makarating ang Badboy Prince."

Napatingin ako sa mga tinutukoy niya at may nakahilerang mga lalaki at babae na nakatayo sa likod. Grabe naman yan. Ganun lang ba talaga siya ka-royal pati upuan niya dapat ni-re-reserve? Nakakainis naman.

"Uhm..." napatingin na lang ako sa paligid ko.

"O, tinatayo mo diyan?" tanong ng babae.

Aba, aba grabe ka ha te. Baka gusto mong itapon ko yang upuan sa mukha mo? Huwag mong sirain ang unang araw ko rito.

"May iba pa bang choice?" pilit kong tanong at halata na nagtitimpi ako rito.

Hindi siya umimik at binalikan ako ng mataray niyang titig. Naku ateng kung hindi maayos ang sagot mo o kahit man lang sagutin ako, aalamin ko pangalan mo tapos i-hu-hunting kita sa gabi para matuto ka ng leksyon.

"...meron," sagot niya bigla. Hay buti nakisama. "Doon ka umupo sa corner katabi ng bintana," sabay turo kung saan.

Napatingin naman ako at bahagyang nagulat. Ah okay sige. Nilapitan ko ang upuan na tinuro niya.

Walang umuupo rito dahil gawa siya sa kahoy at halata, mukhang luma na at parang magigiba na ng di oras. Teka, napatingin ako sa paligid ko at parang halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin kaya nagtaka ako. Hmmm… parang alam ko na binabalak ng babaitang iyon kaya tinuro niya sa akin ito. Pinatong ko agad ang bag ko at nagulat dahil nasira ito ng di oras.

"Hahaha," tawa nilang lahat. Grabe. Buti naisipan kong hindi umupo baka kung ano pang nangyari at kung anong magagawa ko sa kanila. Eh kung sira na kasi, bakit hindi pa nila itapon? Para matripan ang mga bagong estudyante?

Kinuha ko na lang ang bag ko at pinagmasdan ng mabuti ang upuan. Kailangan kong maayos ito dahil wala na akong ibang mauupuan. Para kasi sa prinsipe nila yan na hindi ko alam kung nabubuhay ba ang taong yun at sarap huntingin para wala na kaming problema sa mauupuan. Saka siguro naman nag-iisa lang ang prinsipeng yun kaya bakit hindi pa sila magpaupo ng iba? Bwiset.

Napatingin ako sa likod ko at may nakitang book shelf at may napansin sa ilalim nito. Agad naman akong lumapit doon at kinuha ang bagay na iyon. Nagpakita sa akin ang isang kahon at may kasama itong martilyo. Sa una kinataka ko kung bakit ganun pero binuksan ko rin yung kahon at laman nito ay mga pako.

Nakakapagtaka talaga kung bakit merong ganito sa loob ng isang classroom pero buti nakikisama ang panahon ngayon. Dahil sa gawa sa kahoy ang upuan na iyon, maaayos ko rin iyon.

"Oh my gahd, what is she doing?" maaarteng tanong ng isang babae.

Pok, pok, pok! Hindi ko sila pinansin at inayos ang upuan.

"What a loser," komento pa ng isa.

At least nga masipag diba? Hindi tulad niyo, uupo lang diyan at hihintayin yang prinsipe niyo.

"Oh My Gash! Parating na ang Badboy Prince," pabulong na tili ng isa sa mga babae na kinagulat ko.

Tama ba ang narinig ko? Bakit kailangan niyang ibulong kung pwede niya namang ipagsigaw kung parating na nga ang prinsipeng yun?

Pero na-curious ako kaya napalingon ako para lang makita kung sino bang prinsipe yan na kailangan nilang santuhin at i-reserve ang halos lahat ng upuan ng classroom para lang sa kanya?

May lalaking nakatayo sa pintuan na nakahawak sa itim na jacket ata niya na nakasabit sa kanan niyang balikat habang nakapamulsa naman ang kabilang kamay sa kanyang pantalon. Itim ang buhok at mga mata niya. Okay, ang masasabi ko lang, may itsura nga ang lalaki. Maangas pa ang dating ng pagkaseryoso ng kanyang mukha kaya siguro ganun na lang ang titulo niya, Badboy Prince.

Pero nakakapagtaka. Bakit biglang ang tahimik ng classroom pagkarating niya? Ang nasa isip ko, dahil sa inasta ng mga babae kanina, alam ko mag-aagawan ang mga yan para umupo ang nakasimangot na prinsipe na yan... pero wala talagang umiimik.

Hay malay. Hindi ko na alam ang nangyayari. Itutuloy ko na lang ang pag-ayos ko ng upuan.

Pok, pok, pok! Ang ingay ng martilyo ang nakabasag sa katahimikan sa loob ng classroom. Parang ramdam ko bigla ang tensyon dahil ang ilang estudyante ay biglang tumingin sa direksyon ko na may mga matang galit at nagtatanong sa akin na, 'Anong ginagawa mo?'

Tinaasan ko lang sila ng kilay bilang sagot at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ilang minuto lang ang lumipas bago ko natapos ayusin ang upuan. Napatingin ako sa orasan ng classroom at wala pang 8. Pinahid ko ang noo ko gamit ang braso ko sa pawis at niyugyog ang upuan para tignan. Walang nangyari. Pinatong ko naman ang bag ko pagkatapos at hindi nasira ang upuan.

Napahinga ako ng maluwang dahil doon at umukit ang ngiti sa aking mukha dahil sa nagawa ko. Buti na lang at tinuturuan ako ni Axton tuwing may mga nasisirang bagay sa café. Alam niyo naman na kung gaano kakulit sina Iris at Lizar kaya madalas ang ilang bagay na masira sa café dahil lang sa kanila.

Binalik ko yung martilyo at pako sa ilalim ng shelf at excited na akong uupo na sana sa inayos kong upuan nang mapansin ko ang presensya ng isang tao sa tabi ko. Napaangat naman ako ng tingin para tignan kung sino at nagulat.

Andito na sa harapan ko ang tinutukoy nilang prinsipe. Nakatingin siya sa akin pabalik ng kanyang mga seryosong titig. Sa totoo lang, nakakatakot ang mga tingin niya pero may mas makamandag pa akong nakita sa mga ganyan kaya tinaasan ko lang siya ng kilay sa pagtataka.

Bakit siya nakatitig sa akin? May gusto ba siyang sabihin?

Kriinngg! Tunog bigla ng bell at sakto umiwas siya ng tingin sa akin at walang sabi-sabi na umupo bigla sa katabi kong bakanteng upuan. Napaupo naman ako agad sa upuang inayos ko ng di oras dahil sa tunog ng bell. Agad ko namang kinuha ang isang notebook at ballpen sa bag ko para maghanda para sa notes.

Pero hindi ko maiwasang magtaka at mapatingin sa katabi ko dahil sa inasta niya kanina. Bakit parang pakiramdam ko nakita ko na ang lalaking ito?

Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tinignan niya rin ako pabalik na nakakunot ang noo.

"Bakit?" seryoso niyang tanong. "May nakaupo ba dapat dito?"

Napakunot din ako ng noo sa inasta niya. "Wala naman."

"Yun naman pala eh," sabay binalik ang tingin sa kanyang harapan.

Napatingin na rin ako sa harapan pagkatapos nun. Sungit naman nitong Badboy Prince na ito. Bagay sa kanya ang titulo niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status