~~~
Xania is sitting on the floor habang nasa loob siya ng kulungan at hindi maitanggal ang pag-aalala sa mukha niya, ngayong alam na ni Vince kung sino siya. Maalala niya lang ang mukha niya nang makita niya siya nung alas dyes ng gabing iyon, panigurado litong-lito iyon, at hindi na alam ni Xania kung ano ang iniisip niya pagkatapos.
Makakapagpaliwanag pa ba siya? O talagang kinamumuhian na siya ng lalaking iyon sa puntong pag papasok ang lalaking yun ngayon sa kwartong ito, papatayin niya siya agad?
Naudlot na lang ang pag-iisip na iyon nang bumukas bigla ang pinto, at may pumasok na tao. Nagulat siya kung sino dahil kanina lang, pinag-iisipan niya siya.
Naglakad siya papalapit sa kanya at tumigil mga ilang metro mula sa kulungan niya. Seryoso ang kanyang mga titig pabalik sa kanya at tumingin sila mata sa mata. Naglabas bigla ng isang baril si Vince mula sa kanyang likod na kinagulat ni Xania, pero imbis na siya ang tutukan, tinutok niya ito sa katabi
Sa isang madilim na kwarto, na tanging liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa isang bintana ang umiilaw sa kwartong iyon, Vince is standing by the window staring out in the open like he's waiting for something. Walang nakakaalam ng iniisip niya ngayon habang nakatanaw nga siya ng malayo sa labas ng bintana.Naudlot na lang ang katahimikang iyon nang may kumatok sa pinto. Wala pang sinasabi si Vince nang bumukas ito ng mag-isa at nagpakita ang Auntie niya."Hey," ngiting bati sa kanya ni Ma'am Jacky.Hindi umimik si Vince but weakly smiled back at her as his reply."Sorry it took a while," sabi ni Ma'am Jacky at pumasok sa loob ng madilim na kwarto.Pero may sumunod na pumasok din. Siya ang nagsara ng pinto at hindi man lang binukas ang ilaw ng kwarto… dahil wala rin naman itong ilaw. Pinosisyon niya ang sarili niya sa harap ng dalawa with her arms crossed on her chest."So, handa na ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Ma'am Safir
Pagkalabas ni Ma’am, nakarating siya sa baybay ng dagat dahil sa malapit lang ang clinic na iyon sa dagat. Ngayon, dahil sa wala naman nang makakakita, umukit ang awa at pighati sa mukha ni Ma’am Safira. Alalang-alala niya ang mukhang pinakita ni Xania habang dumadaloy ang luha sa mukha niya… mas lalo na nang maalala niya ang gabing iyon...No one actually knew that Safira was able to follow Jacky papunta sa building kung saan ang organisasyon ni Mr. Victorino. Using her wings, she followed Jacky through the sky.Nahirapan siyang makapasok dahil sa dami ng taong nakabantay kaya isa-isa niya itong pinatumba para mawalan sila ng malay. She's using her tails sa bawat taong nakakakita sa kanya na pumapasok sa building nung mga oras na iyon at sinisigurado na tuwing nawawalan sila ng malay, hindi nila maaalala na nakita nila siya.Gamit ng extended ears sa kanyang ulo as one of her tails, rinig niya kung saan nga nakakulong si
“Ma’am,” tawag bigla ng isang tao na nakasira ng katahimikan sabay napatingin ang dalawa sa kanya.“Geoffrey,” sabi ni Axton.“Ma’am, gising na po si Xania,” sabi ni Geoffrey.Nagulat ang dalawa at napatingin muna sa isa’t isa, bago nila naisipang tatlo na sabay bumalik sa clinic.Pagkarating nila, andoon pa rin si Yune, Iris, Lizar, Willow at Oriana habang nakahiga naman sa kama si Xania, nakabukas na ang mga mata at iniglapan lang ang tatlo bago umiwas ng tingin. Napabuntong hininga naman si Ma’am at napatingin sa iba.“Maaari niyo ba kaming iwanan muna ni Xania?” pakiusap naman ni Ma’am, at kanya-kanya rin sila ng sagot na “Sige po” o di kaya “Masusunod po”.Pagkalabas nga nila, tumingin muli si Ma’am Safira kay Xania pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanya. Kumuha naman ng upuan si Ma’am Safira at tinabi ito sa kama at u
Sa ilalim ng tahimik na gabi, sa isang tagong lugar, kung saang merong isang—BOOM! Isang sabog ang umeksena sa isang gusali."Emergency. Emergency. Please leave the vicinity immediately!" tunog ng alarm ng paulit-ulit.Maraming taong nakasuot ng kanilang mga puting lab gowns ang nagsisitakbuhan at nagpapanik sa loob ng nasusunog na establishemento para lang makalabas at maligtas ang mga sarili sa pangyayari... ngunit wala ni isa ang nakalabas.Bang! Bang! Tik! Tik! Takatakatak! Swish! Fwoosh! Aaahhh!Mga tunog ng kanilang mga sigaw at tuloy-tuloy na laban para sa kanilang buhay ang tanging naririnig sa bawat sulok ng nasusunog na gusali. Ang mga scientists na ito ay ginagawa lahat ng paraan para lang makatakas sa kamatayan sa kamay ng mga tinatawag nilang tailed beasts.Ang mga tailed beasts ang rason kaya nangyayari ang isang hopeless na sitwasyon para sa mga tao na makalabas ng buhay. Sila ang dahilan kaya nangyari
Chapter 1"...keep my son... safe. His name... his name is..."Napamulagat ako ng mga mata ng di oras.Kriiing! Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Kahit malakas na ang tunog nito, napatulala muna ako sa aking kisame bago ko nga nilingon ito at pinatay. Unti-unti akong bumangon sa aking kawayan na kama at pagkaupo, napatulala na naman ako, puno ng alala ang mga mata.Hindi niya nabanggit ang pangalan niya. Paano ko siya mahahanap?Napalingon ako sa maliit na mesa na katabi lang ng kama ko kung saan nakapatong ang alarm clock ko, at ang isa pang bagay na maaaring maging daan para mahanap ko nga ang taong tinutukoy niya.Napatingin muli ako sa orasan at bahagyang nagulat na ilang minuto na ang lumipas kaya agad akong bumangon para pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng kaswal na damit na panglabas at lumabas sa aking maliit na bahay kubo na gawa sa mga pinagtagpi-tagpi na kahoy at yero at kinandado ang pinto nito.
Ginawa namin ang trabaho namin hanggang mag-gabi. Mabuti na lang at walang masyadong aksidente at disgrasyang nangyari ngayon. May ilang customer lang na magrereklamo pero propesyunal namin itong nireresolba."Time check, alas otso na," sabi ni Geoffrey mula sa counter kaya napatingin naman ako sa orasan ng café habang nilalagay ko ang ilang baso at plato sa isang palanggana para dalhin kay Ate Willow. Iilan na lang ang customer sa ganitong oras pero halos lahat sila ay estudyante na parang gustong magpuyat.Mayamaya,"8:30," sabi bigla ni Geoffrey kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Iris at Lizar at ginawa ang dapat gagawin. Sa ganung oras, bawat customer na nandito pa rin sa shop ay pinakiusapan namin na hanggang alas nuebe (9) lang ang café para tapusin nila ang kailangan nilang tapusin. Matitigas ang ulo ng iba at mabuti na lang at tinuruan kami ni Ma’am na huwag patulan ang mga ito pero pag sobrang tigas talaga ng ulo, si Ma'am Safira t
Chapter 2"Andito ako para pag-usapan ang tungkol sa hinahanap mong tao," sabi ni Ma'am.Tuluyan akong nagulat sa lugar ko nang marinig ko iyon."Nung 13 ka, pumasok ka sa isang paaralan as a grade 7 and 8 student tapos bigla na lang lumipat ka sa isang high school para pumasok as grade 9 and 10. Akala ko ibang track ang gusto mo sa huli mong highschool kaya ayaw mong ipagpatuloy ang grade 11 mo roon pero nang kunin mo ang isang track na meron naman sa highschool na iyon, hindi sana ako magtataka at malalaman ang tungkol sa concern mo."Napayuko ako. "Personal po kasi siya Ma'am," sabi ko."Alam ko. Ayaw ko sanang makialam pero hindi ganun kadali na palipat-lipat ka ng paaralan para lang maghanap ng isang taong hindi mo naman alam kung anong pangalan niya at tanging ID lang ng nanay niya ang meron kang clue para mahanap siya."Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ma'am."Isang tulong man noong inalukan ko kayong walo na magtrabaho rito sa
Kriiing!Pagkagising ko sa umaga, agad akong bumangon para pumunta sa banyo para maghanda papunta sa eskwelahan. Lumipas ang isang linggo at ngayon ang unang araw ko para pumasok sa International Sanders Academy.Pagkarating ko muli sa gate, napatayo muna ako sa harap at parang pinagmasdan ang malaking gusali dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. May ilang pumapasok sa loob na halatang mga estudyante—Peep! Peep! Busina ng isang kotse kaya nagulat ako at napalingon sa likod at nakita ang isang itim na kotse. Gumawa siya ng hand gesture na parang pinapatabi ako sa daan."Ah sorry," paumanhin ko naman kaya tumabi ako.Akala ko aalis lang ito at lalampasan ako pero binaba niya pa ang bintana kung saan ako nakatapat at tinignan ako ng itim niyang shades."Hindi ko alam kung sadyang bulag ka lang ba talaga Miss pero hiwalay ang daanan ng mga tao sa daanan ng mga kotse. Pero kung gusto mo lang talagang magpasagasa at humarang