Share

The Badboy

Chapter 3

"Good morning class," bati bigla ng guro pagkapasok.

"Good morning Ma'am," bati ko naman pabalik at ang awkward kasi ako lang bumati. Bakit parang mali na ginawa ko iyon?

"Oh I see we have a new student here."

Ano? Ganun ba yun? Malalaman mo na lang na new student ka pag mag-isa kang bumati sa guro?

"Kindly stand up and introduce yourself to everyone."

Tumayo naman ako. "Uhm ako po si Xania at 17 years old na ako. Masaya akong makilala kayo," ngiti ko naman sa kanila pero halos ang iba ay hindi man lang ako pinansin. Okay nice talking.

"Thank you Xania. You may now take your seat," sabi ng guro at doon lang ako umupo. "So let's start our discussion."

Agad ko namang binuksan notebook ko para handang magsulat pero nagulat ako nang iba ang nilalabas ng mga tao sa paligid ko. Grabe talaga technology ngayon. Akalain niyo yun gamit lang nila tablet, cellphone o laptop para lang mag take down notes. Nahiya naman ang notebook ko. Pero di bale na. Nagpatuloy akong magsulat.

Habang nagsasalita ang guro, hindi ko maiwasang mailang. Parang ang manhid kasi ng guro. Ang dami kayang nagdadaldal tapos makikita mo pa yung iba naglalaro naman. Ano ba yan.

"My Gash. Bakit umupo sa tabi ng bagong studyante na iyon ang ating Badboy Prince?" bulong ng isa sa mga kaklase ko na nasa harap ko lang.

"Yah. Ang loser kaya ng mga baguhan," bulong naman ng isa.

Walang hiya naman o. Kung magbulungan naman ang mga ito parang hindi naririnig ng binubulungan nila. Bakit ginusto ko bang umupo ang prinsipe niyo sa tabi ko?

Kung tutuusin, hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko na parang madalas tumingin ang lalaking iyon sa gawi ko. Iiglapan ko nga siya sa tabi ko at mahuhuli ko na lang na ganun nga tapos iiwas siya agad ng tingin kaya napapakunot ako ng noo.

Ano bang gusto niya? Kung may gusto siyang sabihin, eh di sabihin niya. Hindi ako maka-concentrate mag-notes eh.

Pero napapatingin din naman talaga ako sa kanya dahil mukhang pamilyar talaga siya eh. Parang nakita ko na ang lalaking ito. Habang nakikinig ako sa guro, may napansin akong isang bagay na nakasabit sa kwelyo ng damit niya. Halata na hindi siya naka uniporme at parang bumibisita lang pero dahil sa bagay na iyon...

Nagulat ako dahil naalala ko na kung bakit pamilyar nga siya!

"Ah—"

Kriing! Tunog bigla ng bell na ibig sabihin tapos na ang current subject namin.

"Goodbye class," paalam ng guro at bumati na naman ako pabalik na ako lang ulit pero pagkalabas ng guro sa classroom,

"Ikaw yun," sabi ko bigla habang tinuturo ko nga ang katabi kong lalaki.

Napatingin ang iba naming mga kaklase sa akin habang napunta naman ang mga seryoso niyang tingin sa akin.

"Ikaw yung lalaking nasa itim na kotse na pinatabi ako sa harapan ng gate kanina."

Biglang kumunot ang mga noo niya dahil sa sinabi ko.

"O tapos?" seryoso niyang tanong.

Alam niyo, baka kung normal lang akong estudyante na hindi pumapatol sa mga tulad niya, baka natakot ako sa mga tingin na yun... pero hindi ako ganun eh.

In the first place, siya naman ang walang modo at kung makapanlait akala mo kung sino purket tinuturingan siyang prinsipe. Tinaasan ko siya ng kilay at sasagutin na sana pero dumating ang susunod na guro kaya hindi na ako nag-abala at binuksan na lang ulit ang notebook ko.

Hindi ko na siya pinansin at wala na akong balak siyang kausapin. Ito ba ang tinutukoy nilang prinsipe nila rito? Di purket ang gwapo kakaligtaan niyo na ugali niya. Badboy Prince? Pssh more like Prinsipe ng Kasungitan.

~~~

Kriing! The bell rang again and this time, it's time for recess. Lahat ng estudyante ay agad inayos naman ang kanilang gamit at handa na sanang lumabas pero nagtaka si Xania dahil halos lahat sila ay nanatili sa kanilang upuan at walang lumalabas.

Hanggang sa tumayo bigla ang katabi niyang lalaki na nakasimangot at kinuha lang ang jacket niya paalis ng classroom, saka lang nagsitayuan ang lahat. Pagkatapos, sumunod naman ang mga estudyante palabas at hindi maipinta ang mukha ni Xania sa nakita niyang nangyari right before her eyes. Nagsimula na nga siyang mabwiset sa lalaking yun dahil hindi niya pa rin mawari kung bakit ganun na lang ang trato ng mga kaklase niya sa kanya.

Habang naglalakad naman ang tinuturingan nilang Badboy Prince sa hallway, hindi maiwasang magbulungan ang mga estudyante sa kanyang gilid at pagmasdan siya mas lalo na ang mga babae. Rinig mo talaga ang tilian at kita mo sa mukha ng Badboy Prince na sinisimulan na siyang mairita kaya makamandag niyang tinignan ang halos lahat ng estudyante sa hallway.

"Tatahimik kayo o hindi?" makamandag niyang tanong.

Kinatahimik naman ng lahat pagkatapos niyang gawin iyon sabay iniwasan agad sila ng tingin at nagpatuloy na maglakad paalis. Naglakad siya diretso sa isang kwarto sa eskwelahan, ang opisina ng principal. Walang katok-katok at sinipa pa ang pinto para lang mabuksan iyon at pagkakita, nakatayo ang principal habang nakatingin sa ilang dokumentong hawak-hawak niya.

"Yes who it—" natigilan si Ma'am Jacky nang makitang pumasok siya at walang sabi-sabi na umupo lang sa kaharap niyang upuan. Binalikan siya ng tingin ni Ma'am Jacky.

"Hindi ka na nga kumatok, sinipa mo pa ang pinto," wika niya sa kanya at walang imik naman ang kausap.

Naglabas na lang siya ng buntong hininga sabay umupo sa kanyang upuan. "Bakit hindi ako nagulat?" bulong niya sa kanyang sarili.

"Nagawa ko na," sabi naman bigla ng kausap niya na bahagya niyang kinagulat at napatingin sa kanya. "Nagawa ko na ang sinabi mo. Pumasok ako ngayon para lang obserbahan ang sinasabi mong bagong estudyante."

Ma'am Jacky paused at her place first. "So kamusta?"

Kumunot ang noo ng Badboy Prince sa kanya. "May kailangan ba akong dapat sabihin tungkol sa babaeng iyon?"

"Wala naman. Baka kasi may nagawa siya sa iyo at ayaw mo siya at sasabihan ako na patalsikin siya sa eskwelahang ito tulad ng mga dati mong gawa," kaswal na sagot ni Ma'am Jacky. "At dahil sa iyo pinamana ng namatay kong kapatid ang eskwelahang ito dahil ikaw ang nag-iisa niyang anak, syempre kailangan kong malaman ang opinyon mo."

Sa haba ng sinabi ng kanyang auntie, naglabas lang siya ng buntong hininga.

"Wala akong interest sa baguhang iyon. Mag-aral siya rito o hindi, scholar man siya o hindi, wala akong pakialam. Sinayang mo lang ang oras ko papuntahin dito. Sa tingin mo maiisipan kong pumasok muli dahil may bagong estudyante na mukhang interesado ka at makaka-interest din ako?"

Naglabas naman ng buntong hininga si Ma'am Jacky.

"Hay Vince aking pamangkin," sabi ng kanyang Auntie. "Wala naman akong sinasabi na ganun nga ang plano ko. Ikaw naman ang maraming sinabi."

Nanatiling nakakunot pa rin ang noo ng kausap.

"Pero siguro partly nga meron," pag-amin ni Ma'am Jacky. "Pero mukhang hindi naman gumana. But that girl is really interesting to me Vince. Malakas ang kutob ko eh. Wala ba talaga siyang ginawa kanina sa classroom niyo na pumukaw man lang ng interest mo?"

Hindi umimik ang Badboy Prince at parang tumingin siya sa ibang direksyon na napansin agad ng kanyang Auntie.

"Oh what's this?" tanong bigla ni Ma'am Jacky. "Parang may ginawa siya na ayaw mong sabihin Vince."

"Inayos niya lang naman ang isang sirang upuan sa loob ng classroom para makaupo siya kasi hindi siya pinapaupo ng mga kaklase niya," irita niyang sabi. "What's interesting with that?"

Dumaan ang katahimikan sa kwarto pagkatapos niyang sabihin iyon at biglang natawa na lang si Ma'am Jacky para mabasag ang katahimikan.

"Ginawa niya yun?" tawa niya.

"Tsk," he clicked his teeth as his response.

Tumawa siya muli dahil doon. "I'm telling you Vince. That girl is really unpredictable. Mayamaya may magagawa na lang siya o di kaya masasabi na hindi mo talaga inaasahan."

"That's enough Auntie," tayo naman bigla ni Vince sa kanyang kinauupuan na unti-unting kinatahimik ng kanyang Auntie pero hindi pa rin nawala ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapabalik na pumasok muli rito. Tandaan mo yan," matigas na saad ni Vince sa kanya.

Unti-unting sumeryoso ang mukha ni Ma'am Jacky.

"Hanggang kailan ka magmumokmok Vince?" tanong naman niya sa kanya.

Napatigil saglit si Vince sa kanyang lugar dahil sa tanong na iyon bago hinugot ang jacket at tumalikod bilang sagot. Naglabas naman ng buntong hininga ang kanyang Auntie.

"Then how about yung birthday party ng pinsan mo mamaya? Kahit doon man lang pumunta ka. I heard Quincy even sponsored your cousin a boat para doon siya mag-birthday," sabi ni Ma'am Jacky.

Napatigil saglit si Vince sa kanyang kinatatayuan habang nakatalikod pa rin sa Auntie niya.

"I'll think about it," seryoso niyang sagot sabay naglakad siya papunta sa pinto and this time, ginamit na niya ang door knob.

Pagkalabas niya, napatigil siya nang may nakaharang na tao sa harapan niya. Gulat din pabalik ang kaharap niyang babae at namukhaan niya agad dahil pinag-uusapan lang nila siya kanina.

Napakunot agad siya ng noo habang nakatingin sa kanya pabalik.

"Tabi," utos niya agad sa kaharap niyang babae at akala niya tatabi nga ito pero tinaasan pa siya ng kilay na bahagya niyang kinagulat.

"Makapang-utos akala mo hindi rin siya nakaharang sa daan," bulong nito na narinig naman ni Vince na kinainis niya.

"May sinabi ka?" seryosong tanong ni Vince.

"Wala," plastic na ngiti ni Xania. "O eto na nga o. Pinapadaan na kayo, mahal na prinsipe."

This girl has guts dahil hindi niya kilala kung sinong kausap niya. Pero hindi pumatol si Vince dahil tingin niya sayang lang sa oras kaya naglakad na lang siya paalis. May araw din ang babaeng yun.

Hindi na nag-abalang pumasok si Vince sa susunod na subject ng kanyang klase dahil in the first place, wala naman talaga siyang balak pumasok. Oo naturingan siyang badboy dahil sa pakikitungo niya sa mga tao sa paligid niya at hindi siya sumusunod sa kahit kanino kahit nakakatanda pa sa kanya pero kaya lang naman sinunod niya ang hiling ng Auntie niya, ay dahil alam na alam niya at kilalang-kilala niya ang Auntie niya na iyon kapag hindi siya sumunod sa kanya. Saka, para sa kanya, parang siya na lang ang natitirang tao na nirerespeto niya.

Pagkauwi niya sa bahay niyang isang mansyon, agad niyang pinarada ang itim at magara niyang kotse sa garahe at agad pumasok ng mansyon.

"O Vince. Napaaga ka ata," bati ni Manang Gina nang makapasok siya sabay binigay niya naman ang jacket niya sa nag-iisang kasambahay ng mansyon. Nasa mahigit 50 na siya sa itsura niya at siya ang pinakamalapit na tao sa kanyang ina at ang pinakamatagal na kasambahay ng kanilang bahay kaya hanggang ngayon nandito pa rin siya.

"Kamusta naman ang pagpunta mo roon sa eskwelahan?"

"Ganun pa rin Manang," sagot naman ni Vince.

"Pasensya na at hindi ako nakapaghanda agad ng iyong makakain. Anong gusto mong ihanda ko—"

"Hindi na Manang," singit ni Vince. "May pupuntahan ako mamaya kaya huwag ka nang mag-abala," sabay tuluyan siyang pumasok ng kwarto niya.

Agad siyang humiga sa malaki niyang kama at mukha siyang pagod pero kung titignan natin, parang hindi naman nakakapagod ang pagpunta niya sa eskwelahan. Siguro na-stress lang siya sa mga tao sa paligid niya na palagi na lang siyang pinagbubulungan tuwing pupunta siya roon dahil minsan lang siya tumapak sa eskwelahang iyon.

Saka isa pa, pumasok sa isipan niya ang baguhang iyon. Dagdag pa ang babaeng iyon. Sa totoo lang, kung pwede niya lang sana patalsikin ang babaeng yun ginawa na niya pero sa ngayon, pinapalampas niya muna dahil hindi niya pa alam kung sino siya. Nagtataka nga siya sa sarili niya eh kung bakit hindi niya na lang pinaalam sa kanya para alam niya kung saan siya lulugar.

Siguro dahil naisip niya na baka mawala ang thrill kung nalaman nga ng babaeng yun kung sino siya. Kaya minsan ayaw niya talagang tumapak sa eskwelahang iyon dahil kilala na siya ng mga estudyante roon.

Wala naman talaga siyang interest sa babaeng iyon. Wala talaga! Isipin na ng Auntie niya kung anong gusto niyang isipin basta siya, matutulog siya ngayon dahil may party pa siyang kailangang puntahan mamaya.

Continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status