"Happy Birthday and welcome home, Riel..." halos mangiyak-ngiyak na bungad nila Rose and Sally nang tuluyang makapasok sina Aling Nely at Riel.
Marahan siyang naglakad papalapit sa mga ito. Hinagod niya ang mukha ng kapatid. Naiiyak siya habang pinagmamasdan ang mukha nitong bumalik na sa dati. Hindi na rin siya namumutla at nagkaroon na ng laman ang pisngi. Mas gumwapo pa ito.
"Maligayang pagbabalik, Riel," nakangiting bati niya.
Ngumiti rin ito pabalik sa kanya, "Salamat sa sakripisyo niyo, Ate. Kung wala kayo, hindi ako gagaling. Hayaan niyo po, kapag tuluyan na akong gumaling, babawi ako sa kanya--"
Hindi na niya pinatapos ang kapatid sa gusto nitong sabihin. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Malaking pambawi mo na sa amin ang kalusugan mo. Hindi kami nagpakahirap para lang bumawi ka sa amin. Mamuhay ka ng normal. Magpasalamat tayo sa diyos na binigyan ka niya ng pangalawang buhay. Huwag ka mag-iisip ng ibang bagay. Positive lang dapat, okay?"
Kahit kelan, hindi pabigat sa kanya ito. Simula noong mawala ang ina, nagsilbing sandalan na nila ang isa't isa, and risking her dignity to be able to save him, is not a decision she regrets to make.
"Salamat, Ate. Salamat, Ate Sally at Aling Nely."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Riel. Agad naman siyang niyakap nito. Kahit sila Sally at Aling Nely ay napaiyak na din.
"Ano ba 'yan! Dapat happy-happy tayo ngayon, bakit tayo nag-iiyakan?" natatawang sabi ni Sally.
Nagtawanan lang silang lahat at kalauna'y pinutol na ang ganoong tagpo. Hindi nila dapat hinahayaang masayang ang gabi na puro luha ang nagsisibagsakan. Hindi ganoon kadami ang hinanda nila dahil silang apat lang din naman ang kakain. Ang importante ay na-kompleto na ulit sila.
Wala nang mas hihigit pa sa pagsasama ng isang pamilya, magkadugo man o hindi.
Sometimes water is deeper than blood.
It's been three weeks since she and Mr. Nero both shared that intimate night. Hindi niya pa alam kung magiging successful ang pagbubuntis niya, pero sana oo. She can't barely imagine having sex with him for the second time. Isang beses pa nga lang ay parang nilamon na siya ng kahihiyan.
Especially, when they moaned because of the pleasure.
Napapikit siya nang maalala ang gabing iyon.
Next morning, dumeritso na siya ng banyo, bitbit ang bagong bili niyang pregnancy test. Kinakabahan siya sa magiging resulta. Wala pa naman siyang nararamdaman kaya mas lalo siyang nangangamba na baka ay hindi sila nagtagumpay na makabuo.
"Please..." she mumbled before going in.
Nanginginig ang mga kamay at tulalang nakatitig si Rose sa hawak na pregnancy test. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman noong mga oras na iyon. May maliit na nilalang na namumuhay sa loob ng sinapupunan niya. It was mix emotion. Ganito pala ang pakiramdam na magiging ina ka na.
Masaya siya, oo.
Dahil sa wakas ay nagbunga na rin ang paghihirap niya.
Pero kumirot angg dibdib niya sa isiping hindi niya ito magagawang alagaan at makita ang paglaki nito. Pero kailangan niyang magsakripisyo para sa pamilya niya, para sa kanya. Isa pa, hindi siya dapat lumabag sa kasunduan nila ni Mr. Nero, may kontrata siyang pinirmahan. Kung magkakataon na magkakademandahan, lugi siya.
It's just 9 months, after that, they will be able to live peacefully. Malaking bagay na ang 30 million para magsimula ulit sila.
"Ngayon lang 'to, Rosebella. Malalagpasan mo rin 'to," bulong niya sa sarili habang sapo ang maliit niyang tiyan.
Ipinaalam niya agad kay Nikolas ang tungkol sa bagay na iyon. Agad naman siya nitong ipinaunlakan. Sinabihan na rin siya nitong magpaalam na ng maayos sa pamilya niya bukas dahil dadalhin na siya nito sa El Surro Hacienda na pagmamay-ari ng head ng Nero Clan, ang lolo ni Xavion.
"Kailangan ba talagang umalis ka, Ate?" malungkot na tanong ni Riel habang pinagmamasdan siyang nag-iimpake.
Binalingan niya ito at ngumiti para ipakitang magiging okay lang siya. "Huwag mo ako alalahanin, pagtuonan mo ang pag-aaral mo. Tiyakin mong pagbubutihin mo. Aasahan kita. Huwag mo ring pabayaan si Aling Nely. 'Yong gamot niya, lagi mong ipapaalala." aniya rito.
Tumango lang si Riel, "Basta tumawag ka sa amin ha, memoryado mo naman ang number ni Aling Nely. Huwag ka magpapagutom."
"Ito talagang bunso ko, mamimiss kita..."
Nagyakapan silang muli, matagal na naman ang susunod nito.
Tinulungan na rin siya ni Sally na dalhin ang mga gamit niya, dito sa kantong ito niya pa hihintayin si Nikolas. Pinakiusapan niya rin kasi ito kasi baka makita ito ni Riel.
"Mag-iingat ka ro'n ha? Hindi mo alam ang daang itinatahak mo. Uuwi kang ligtas, mangako ka," ani Sally habang hawak ang dalawang kamay niya.
Bahagya siyang ngumiti, "Pangako. Kayo na lang bahalang magpaliwanag kay Riel, alagaan niyo siyang mabuti. Babalik ako matapos ang siyam na buwan."
"Huwag ka panay paalala sa amin, magiging okay lang kami. Ikaw ang mag-ingat. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking nakausap mo noon. Nakakapaghinala." saad ng kaibigan.
"Sally naman..."
Ang tinutukoy nito ay si Nikolas. Natigilan silang dalawa nang may pumarang magarang kotse sa mismong harapan nila.
"Speaking of the devil," Pinaningkitan ni Sally ng mga mata si Nikolas nang makababa ito sa kotse at buong tapang na kinausap nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. "Hoy! Ingatan mo kaibigan ko ha? Kapag nalaman kong sinaktan niyo siya, hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng bagay na hindi niyo aasahan," dagdag niya.
"Tama na, Sally," saway sa kanya ni Rose.
A playful smirk plastered on Nikolas' lips. "Sure, baby..." nang-aasar nitong sabi.
"Anak ng!"
Agad na pinigilan ni Rose ang kaibigan na sumugod. "Nikolas, pumasok ka na. Susunod na ako."
Nag-flying kiss pa ito kay Sally bago naglakad pabalik sa sasakyan niya. Mas lalong nabwesit ito.
"Tingnan mo?" asik niya.
"Sally, huminahon ka. Wala namang ginagawa ang tao. Kaya ko ang sarili ko okay? Mamimiss kita sobra."
"Ako rin."
Habang lulan ng kotse ay nakaramdam siya ng antok kaya hinayaan niyang ipikit muna ang mga mata pero hindi niya aasahang sa susunod na pagmulat niya ay bubungad sa kanya ang napakaelegante at malawak na silid na pinalilibutan ng mga mamahaling muwebles. Kinapa niya ang sarili, ganoon pa rin naman ang suot niya.
Nilingon niya ang napakalaking bintana sa dulo, malapit na magdilim ang lahat. Hindi niya inaasahang napatagal pala ang tulog niya.
Agad siyang napabalikwas sa hinihigaan nang may kumatok sa pinto. Ilang sandali ay may pumasok na tatlong babaeng nakasuot ng uniporme ng katulong. Nakangiti ang mga ito sa kanya.
"Good noon, Señorita..." magalang na bati ng mga ito sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot.
"Pasensya na po kung naabala ka namin sa pagpapahinga mo, inutusan po kasi kami ni Señorito na dalhan ka ng pagkain dahil ilang oras ka na pong tulog, baka maapektuhan raw po ang dinadala niyo." eksplanasyon ng isang maikli ang buhok.
She just nodded. Pinagmasdan niya lang ang mga ito na ilapag ang mga dala nilang pagkain sa coffee table bago niya napagdesisyunan na tumayo na rin. Ngunit natigilan siya nang tumunog ang tiyan niya, na nagresulta para maghagikgikan ang mga katulong.
"Sabi po sa inyo, malakas sense ng mga baby. Gutom na sila." anang may kulot na buhok, ito ang pinakamatangkad sa kanila.
Bumukas ang pinto at napatingin silang apat roon. Natigilan siya nang makilala ang lalaki.
"Get out." aniya sa mga katulong.
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.