Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
Sa isang hindi kalakihang salamin, tinitigan ni Rose ang sariling repleksyon. Mapapansin ang labis na pamamayat nito dahil bukod sa sunod-sunod na nightshift niya sa karinderyang pinapasukan niya ay kinailangan niya na ring mag-review para sa nalalapit nilang midterm exam. First semester pa lang niya as freshman pero mukhang bibigay na ang katawan niya dahil sa sunod-sunod na problemang kinakaharap. Dumagdag pa ang gastusin sa pag-aaral ng kapatid na magtatapos na rin ng highschool."Saan ka pupunta?" bungad na tanong ng kanyang tiyahin nang nasa harapan na siya ng pintuan, nakapameywang itong lumapit sa kanya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.Napayuko siya, "Papasok po sa eskwela," mahinang sagot niya."Hindi ka papasok ngayon, at kailanman. Magbihis ka na. May pupuntahan tayo," wika nito at akmang tatalikod nang magsalita siya."May importante pa po akong kailangan gawin, Tiya. Pasensya na po, hindi po ako makakasama." Umambang maglalakad na si Rose nang biglang may humila
"What the heck?" A woman hysterically shouted at Rose nang tumapon rito ang pagkaing laman ng tray na hawak niya.Natataranta siyang nilapag ang tray sa sahig. "Pasensya na po, hindi ko po sinasadya. S-sorry po-" paumanhin niya sabay takbo patungo sa table na may tissue.Nasa kanila na ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng restaurant, may iilan na rin ang kumukuha ng videos. Akmang pupunasan niya ang damit nito pigilan siya ng babae at tinulak. "Don't touch me!" maarteng sigaw ng babae.Napapikit siya at hinintay ang pagtama ng katawan niya sa matigas na bagay pero ang naramdaman niyang lumapit sa kanyang likuran."I'm sorry for the incident, Ma'am. Ako po ang manager dito, I'll take responsibility for this. We can talk about this sa office ko, naaabala po kasi ang ibang customers." The manager spoke in a calm and professional way.Agad siyang lumayo mula sa pagkakahawak ng manager nilang si Dome, sumenyas naman agad ito sa kanya na huwag mag-panic at iligpit na ang mga nagkalat sa
Pinihit niya ang seradura ng pinto ng kwarto ng kapatid niya, sinalubong agad siya ni Aling Nely, ito ang nagbabantay sa kapatid niya. Nagpresinta na ito dahil gusto nitong tumulong sa kanila. Malapit na talaga sila sa ginang at anak na ang turing nito sa kanila."Kamusta po si Riel?" tanong niya pagkalapag ng isang supot na mansanas.Lumapit siya sa kama ng kapatid, natutulog pa ito. Hinaplos niya ang ulo nitong may suot na bonnet. Hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga."Ganon pa din, iha." malungkot na sagot nito.Marahas niyang pinahid ang isang butil ng luha na pumatak sa kanyang pisngi bago nilingon si Aling Nely."Kumain na po ba kayo? May dala po akong pagkain dyan. Kung may iba pa po kayong gusto, magsabi lang po kayo.""Ay naku, hindi na kailangan. Isa pa, kailangan pa nating mag-ipon para sa operasyon ni Riel. Nanghiram na ako sa pinsan ko ng kaunti, pandagdag man lang sa gastusin. Alam kong kulang iyon kaya lalapit pa ako sa iba kong kamag-anak."Nginitian niya ang